Share

Chapter 3

Author: Ethaniel Rein
last update publish date: 2024-07-25 08:56:37

Ninoy Aquino International Airport.

Napabuga ng hangin si Sierra nang makalabas sa lobby ng airport. Napapikit siya at dinama ang pamilyar na hangin ng bansang kinagisnan. Sa pagmulat niya ay kasabay niyon ang pagragasa ng alaala mula sa nakaraan.

Limang taon na ang nakalilipas ngunit tila walang pinagbago ang lugar na ito. Maging ang mga tao ay halos ganoon din.

Limang taon. Limang taon ngunit sariwa pa rin sa isipan ni Sierra ang nangyari sa kanya. Sariwa na para bang kahapon lang nangyari ang panloloko sa kanya ng inaakala niyang kapatid at kasintahan. Limang taon na rin ang makalipas nang mawala ang kanyang anak.

Nang itapon sila ni Adriana sa dagat ay himalang nakaligtas si Sierra, ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang kanyang anak. Ni hindi man lang niya ito nagawang pagluksaan dahil ilang minuto lamang matapos siyang masagip ay isinilang niya ang isa pang anak niyang babae.

Doon napagtanton ni Sierra na kambal pala ang dinadala niya. Namatay ang lalaking anak at naiwan ang isang babae. Bumalik siya upang maghiganti at saka lamang niyang ibabalik sa Pilipinas ang anak pagkatapos ng lahat-lahat. Ayaw niyang madamay ang inosente niyang supling, hindi niya hahayaang maging ito ay mawala pa sa kanya.

Isang itim na SUV ang tumigil sa harapan ni Sierra, kapagkuwa'y may lumabas na ginang na sa hinuha niya ay nasa lagpas trienta na. Nakasuot ito ng pang-propesyonal na damit. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at inilahad ang kamay rito.

“Pasensya at nagkaroon ng matinding traffic sa daan papunta rito, ma'am…” hinging paumanhin nito.

Tinanggap ni Sierra ang kamay nito at pumasok na sa loob. Nang komportableng maupo si Sierra sa malambot na upuan at nginitian niya ang ginang.

“Wala pong problema Miss Gwen, naiintindihan ko dahil noon pa man ay hindi talaga maiwasan ang traffic sa Pilipinas. Salamat po.” Nailing lang na ngumiti ang ginang.

Binuksan ni Miss Gwen ang backseat upang ipasok ang mga gamit ni Sierra. Nang matapos at masigurong wala ng naiwan ay pamasok na siya sa may driver's seat at binuhat ang makina.

Tahimik at prenteng nakaupo si Sierra sa likod. Paminsan-minsan ay napapatingin sa labas. Nang mapansin ang sariling repleksyon sa salamin ay tumapang ang kanyang tingin.

Hindi na siya ang dating Audrey na sunog ang mukha at pinandidirihan. Hindi na siya pangit. Nagpa-surgery siya at pinaganda ang mukha. Hindi lamang mukha ang binago kundi maging ang pangalan.

Siya na ngayon si Sierra Montalban. Hindi na Audrey Santillan, namatay na ang pangalang iyon kasabay ng pagkawala ng kanyang mahal na anak.

“Pumayag na si Mrs. Montezides na ikaw ang mapapangasawa ng kanyang panganay na apo, Sierra. Ang kasal ay magaganap tatlong araw magmula ngayon.” Imporma ni Gwen kay Sierra.

Montezides… ang tunog na iyon ay parang musikang nagpantig sa kanyang tainga. Julian Montezides. Oo, ang pamilya na kinabibilangan ni Julian ang pakakasalan niya.

Si Marco Montezides. Ang lalaking hindi aktibo. Ni hindi magawang igalaw kahit daliri. Ang lalaking imbalido.

Si Marco Montezides ay half-brother ni Julian Montezides. Siya ang panganay na apo ni Mrs. Elizabeth Montezides o mas kilalang Senyora Elizabeth. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Sierra, naging ganoon ang kondisyon ng isang Montezides anim na buwan na ang nakararaan. Nakakaawa man ngunit dahil mayaman sila at halos siya ang tagapagmana ng lahat, kahit walang magawang galaw ang lalaki ay marami pa ring magkakandarapang babae para lang maging asawa niya.

Iyon ay dahil sa pera. Hindi dahil sa pagmamahal.

Maliban sa kanilang yaman, naniniwala din ang ginang na Montezides sa budismo. Ayon sa kaibigan nitong shaman ay may pag-asang gagaling ang panganay na apo sa pamamagitan ng pag-aasawa. Kaya naman aligaga ang ginang na maghanap ng mapapangasawa ng kanyang apo, hanggang sa dumating si Sierra.

Pihikan kung mamili ang ginang lalo pa at para iyon sa kanyang mahal na apo. Ngunit dahil naglapag ng mga kondisyunes si Sierra ay kalaunan pumayag na rin ito.

“Sige, tatandaan ko iyan, Gwen.”

Kung hindi naman dahil sa pagpapakasal niya kay Marco ay wala naman siyang balak na umuwi pa ng bansa.

DUMATING na ang araw na pinakahihintay ni Sierra. Ang araw ng kanyang kasal.

Isang simple ngunit eleganteng puting wedding dress ang suot ni Sierra. Kahit simpleng make-up ang inilagay sa kanyang mukha, litaw na litaw pa rin ang kagandanhan niya. Pagkatapos masuri at matiyak na handa na siya ay nakarinig siya ng katok sa pinto.

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Sierra bago tumungo sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang dalawang panauhing kinamumuhian.

Adriana Santillan-Montezides at Julian Montezides.

Umusbong ang pinangangalagaan niyang galit sa mga ito at nais na niyang ihampas ang mga mukha nila sa pintuan ngunit pinigilan ni Sierra ang kanyang sarili. Bagkus ay ngumiti siya ng malapad sa mga ito at bukas ang mga brasong sinalubong ng yakap ang dalawa.

“Magandang umaga, Adriana, Kuya Julian…” muntik pang masuka si Sierra sa nang banggitin ang huling litanya! “Ako si Sierra, nice to finally meeting you two.”

Umismid si Adriana at umikot ang mga mata. Hindi magugustuhan ang pagbati ni Sierra. Tiningnan lang siya ni Julian atsaka umalis.

“Pwede ba, huwag kang umakto na parte ng pamilyang ito. Isa ka lang namang babaeng nagluwal ng isang bastardo. Kahit pa binago mo ang mukha mo, kilalang-kilala pa rin kita, Audrey…” Gumalaw ang panga nito at sa likod ng naka-make-up na mukha ay kitang-kita niya ang panggigil nito sa kanya. “Kung si Grandma ay mabilis mong mauto sa mga matatamis mong salita, ibahin mo kami ng asawa ko. Maaaring masuwerte kang makakuha ng yaman ng pamilya ngunit huwag kang papakasigurong magiging ligtas ka. Nagawa ka na naming puksain noon, hindi kami magdadalawang isip na gawin muli iyon sa iyo sa pangalawang pagkakataon.” Puno ng pagbabantang wika ni Adriana.

Lihim na nagpakawala ng buntong hininga si Sierra. Gusto niyang paikutin ang mga mata at sabihing hindi siya natatakot ngunit ikinubli niya lamang iyon. Bagkus ay nagpanggap siyang hindi ang mga ito maintindihan.

Nawala ang ngiti sa labi ni Sierra at bahagyang nangunot ang noo. “Ano ang iyong ibig sabihin?”

Ipinagsalikop ni Adriana ang mga kamay, taas noo niyang tinapunan ng tingin si Sierra.

“Pumirma ka ng prenuptial agreement.” Matapang nitong panghahamon. "Hindi ko hahayaang makakuha ka ni katiting na mana ni Kuya Marco, huwag kang feeling dahil ayaw kitang maging kapatid.” Halos magputukan ang ugat sa noo ni Adriana sa labis na panggigil, hindi naman niya maaaring basta na lang sugurin si Sierra dahil marami mata sa paligid at baka makarating pa sa kanilang Grandma.

“Hindi ko gagawin iyan dahil sinabi mo, Adriana.” Kalmado ngunit kompyansang tugon ni Sierra. “Kung wala na kayong kailangan sa akin, maaari na kayong umalis.”

“Limang milyon.” Biglang saad ni Adriana. “Heto ang limang milyon kapalit ng iyong pagpapakalayo sa pamilyang ito.” Dagdag nito kasabay ng paglalabas ng tseke sa hawak nitong clutch bag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 609

    “I can assure you that.” “Ngunit dumadaloy naman sa iyong mga ugat ang dugo ng pamilyang Montezides, kusa mo bang ibibigay ang posisyon ng pinuno sa ibang tao?” "Hindi na kailanman magkakaroon ng anak si Julian, and I don't have a biological child. Hindi kailanman magiging posible para sa akin na mamuno sa Montezides Group, and..." Dahan-dahang tinapik ni Stephano ang kanyang binti, "paano pa magkakaroon ng ganitong hindi makatotohanang hangarin ang isang lumpong katulad ko?" Tama nga naman, wala siyang anak at may kapansanan sa katawan, kaya’t hindi siya susuportahan ng mga namumuno o ng pamilyang Montezides upang umangat sa kapangyarihan. Ngunit… “Si Julian ay may sakit at hindi makapagpapatuloy ng angkan ng pamilyang Montezides. Sang‑ayon ba ang lahat sa ganitong kalagayan?” “Hindi ba’t naroon pa rin si Vester, ang anak sa labas? Kapag wala na si Marco, madali mo na lamang siyang gawing sariling anak. Bukod pa rito, ang sakit ni Julian ay hindi naman tuluyang walang lunas. K

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 608

    Tinitigan siya ni Stephano habang nakahandusay at nanginginig sa takot sa sahig, at nagsalita. “Sa loob ng mahabang panahon, akala ni Marco ay siya ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at si Stevan naman ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang lolo. Sa tingin mo, ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang sa loob ng maraming taon ay ikaw lang pala ang may kagagawan ng lahat? You act as if you're an innocent kitten that cannot even kill a fly, ang hindi nila alam ay isa kang mapagbalat-kayong huwad na ina at mamamatay tao! Sa tingin mo ba ay hindi ka niya papatayin ora-mismo kapag nalaman niya ang lahat?" Nanlaki ang mga mata ni Ericka sa matinding takot, at namutla ang kanyang mukha na tila isang kaluluwang ligaw. Matapos ang ilang sandali ng pagkagulat at pananahimik, pilit siyang tumayo nang paatras, tumakbo palapit kay Stephano, lumuhod sa sahig, hinawakan ang kumot na nakapatong sa hita nito, at nagmakaawa. “Pakiusap… huwag mong sabihin sa kanya, pakiusap, huwag mong i

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 607

    Puno ng matinding poot ang mga mata ni Stephano, at nalukot ang kanyang mukha dahil sa galit. “Tila baligtad na ang takbo ng lahat ng bagay, at napakalaking kasawian ang dumating… ngunit ano naman ang ginawa ng aming ina? Wala siyang ginawa." Ang tanging payo lamang nito ay talikuran niya na ang galit, makipagkasundo sa sarili, at makisama nang maayos sa pamilya. Naisip ba niya kahit minsan ang nararamdaman niya? Naramdaman ba niya ang bigat ng aking pagdurusa mula sa nang mangyari ang aksidente? Alam niyang nakita niyang isa na siyang taong walang silbi hindi na siya makapagbibigay rito ng karangalan, at lalong hindi na makapagpapatuloy ng angkan ng pamilyang Montezides. Kaya naman tinalikuran na siya nito, at ibinuhos na lamang ang lahat ng kanyang atensyon at pagmamahal sa kanyang panganay na kapatid. "Malinaw na si Stevan ang ugat sa lahat ng ito... Bakit? Bakit siya pa rin ang nagtataglay ng lahat?" Sa huli, malakas na ibinagsak ni Stephano ang kanyang kamao sa sandalan ng ka

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 606

    Sumulyap si Ericka kay Dunio na nakatayo sa likod ng wheelchair, at sinabi kay Stephano, “Hindi ba’t mas mabuting ipasok muna siya sa loob?”“Feel free to say whatever you want to say, Sister-in-law.”Naintindihan ni Ericka ang ibig sabihin nito—walang itinatago si Stephano sa taong ito.Magkakilala rin naman sina Dunio at Ericka. Since sa mga Montezides na siya lumaki, kilala niya ang mga tauhan roon. Noong aktibo pa si Stephano sa kompanya, si Dunio ang kanang kamay nito. Nang maglaon, naaksidente ito at napilayan ang mga binti, kaya umatras na sa pamamahala ng kumpanya. Kasabay nito ay umalis din si Dunio at nanatili na lamang sa tabi niya bilang taga-ugod at driver.Walang paligoy-ligoy na nagsalita si Ericka. “Hindi ako nagbibiro sa tawag kanina. Nalaman na talaga ni Stevan na ikaw ang nagplano ng aksidente ni Marco. Alam na niya ang tungkol kay Patric Johnson at sa grupong Arctic Mercenary.”Biglang napakuyom ni Stephano ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita, bahagyang

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 605

    Siya ang nasa unahan, tinatanggap ang lahat ng panganib at kahihiyan, habang si Stephano ay nakatago sa dilim at inaani ang lahat ng pakinabang. Sa sobrang galit ay halos manginig siya sa pagnanais na harapin agad si Stephano, ngunit mabilis ding natauhan. Wala siyang matibay na ebidensya; haka-haka lamang ang lahat. Kapag humarap siya rito, hindi ito aamin. Baka sa halip ay siya pa ang ilantad nito at tuluyang mapahamak nang lubusan. Kailangan niyang kumalma. Nang humupa ang kanyang damdamin, may pumasok na ideya sa kanyang isipan: ang kaaway ng kaaway ay kaibigan. Dahil may malalim na ugnayan si Stephano sa mga pulis, baka siya rin ang makatulong upang mailabas si Julian. Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan si Stephano. “Mayroon akong sasabihin. Magkita tayo ngayong gabi.” Ang banayad na tinig ni Stephano ang narinig sa kabilang linya. “Hmm, sister-in-law, nagpapahinga na ako. Kung may kailangan ka pa, pag-usapan na lang natin bukas…” Hindi siya pinatapos ni Ericka.

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 604

    “Nang malaman ni third master ang schedule ng young master mula sa inyo noong araw na iyon, nakipagkita siya sa isang tao. Batay sa aking pagsisiyasat nitong mga nakaraang araw, ang taong iyon ay ang namumuno sa grupong tinatawag na Arctic Mercenary, at si Patrick Johnson ay isa ring miyembro ng nasabing pangkat.” Nanlaki ang mga mata ni Stevan sa hindi paniniwala. “Siya nga talaga?” Tumango si Oscar. “Oo.” Para itong kidlat na tumama sa kanya. Biglang namutla nang husto si Stevan at dumausdos pabalik sa sopa. “Bakit? Bakit niya ito gagawin?” Dahil sa bigat ng bagay na ito, walang masabi si Oscar. Bahagya ng naintindihan ni Ericka, ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala, at natatakot na baka mali ang kanyang hinuha. “Stevan… ibig mo bang sabihin, si Stephano ang nagplano ng aksidente sa sasakyan ni Marco?” Marahan niyang tanong. Kapagkuwan ay pinagsalikop niya ang kanyang kamao at umarteng nanginginig. "H-How... How could he possibly do that? Sa lahat ng tao, siya ang halos ituri

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 194

    "Oo." Tugon ni Marco. Dahil kahit paano ay hindi na kailangang magpanggap pa. Masayang kumuha ng tubig si Carlos sa mesa at iinumin na sana iyon nang may magsalita. "Itapon mo 'yan." Anang malamig na tinig ni Marco.Napakurap-kurap si Carlos. "Boss, uhaw na uhaw ako."Tumayo si Marco at lumapit s

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 202

    "Alam ko." Maikling tugon ni Marco.Tumango si Carlos. "Wala ka na bang ibang iuutos, lalabas na ako.""Nothing."Tumango si Carlos at saka umalis.Nagbaba ng tingin si Marco hanggang sa muling nalunod na naman siya sa malalim na pag-iisip.Noong gabi ng kanilang kasal, handang maging lunas niya si

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 201

    Galit pa rin si Beatriz. "I was detained, my engagement was broken off, at nawalan pa ako ng trabaho, lahat ng iyon ay dahil lang sa babaeng iyon. Sinira niya ang buhay ko! Paano ko siya basta lang hahayaan? Thank you for helping me, but I am not going to apologize. Over. My. Dead. Body."Mahinahon

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 199

    Lumabas ang isang malamig na ngiti sa mga labi ni Sierra. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo?" "Magkaalaman na lang tayo!" Lumingon si Adriana kay Senyora Estrella. "Sa tingin mo ba talagang makakialam siya sa iyong mga problema? Just keep on dreaming, Lola! Sinabi ko na ang lahat ng kailangan

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status