LOGIN“Hindi mo ako madadaan sa pera, Adriana.” Walang emosyong wika ni Sierra.
Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Adriana sa inis. “Dahil sa kayabangan mo, huwag kang magsisi kapag isang araw ay gamitan ka ng dahas ng mga tauhan ko! Isa na akong Montezides ngayon kaya naman madali na kitang tirisin na parang langgam!” Bakas sa mukha nito ang kasamaan at walang takot na pumatay.
Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mukha ni Sierra at napalitan iyon ng isang matapang na awra. “Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang ipinagmamalaki mong koneksyon.” Malamig niyang sinabi.
Hindi inaasahan ni Adriana ang ganoong sagot ni Sierra. Ang akala nito ay basta na lang nitong kukunin ang pera at magpakalayo-layo. Masyado itong nagulat dahilan upang matameme ito at mawalan agad ng sasabihin. Kapagkuwan ay kumurap siya at galit muling nagbitiw ng salita.
“Humanda ka dahil papatayin kita!” Pagbabanta nito.
Nagkibit lamang ng balikat si Sierra. “Sige, maghahanda ako.”
Nagpupuyos sa galit na dinuro ni Adriana si Sierra. Bumukas-sara ang bibig ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya.
“Wala ka ng ibang sasabihin? Magsisimula na ang kasal ko, mauuna na ako sa'yo.” Wika ni Sierra, hawak ang laylayan ng wedding dress ay tinalikuran niya si Adriana at kalmadong naglakad patungo sa venue ng kasal.
Nag-init ang mukha ni Adriana sa labis na inis at galit na naramdaman. Agad siyang lumapit sa asawa si Julian nang makitang kalalabas lang nito sa katabing silid.
“Honey, ang hirap niyang pakisamahan hindi katulad ng inaakala natin.” Sumbong nito sa asawa.
“Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang desisyon niya sa araw na ito,” nagtatagis ang bagang na wika ni Julian habang madilim ang matang nakatanaw sa papalayong likod ni Sierra.
Natapos ang seremonyas ng wala pang isang oras. Ganoon kadali. Dahil ano pa bang dapat na itatagal kung wala namang groom?
Oo, bride lang. Si Sierra lang ang tao sa kanilang kasal na dapat ay kasama ang groom. Walang nagpakitang Marco Montezides sa mismong kasal.
Magaan ang loob na inasikaso ni Sierra ang kanyang kasal. Hindi niya pinansin ang mga bulungan ng mga bisita na para bang bubuyog patungkol sa hindi pagpapakita ng kanyang asawa.
May iilang babaeng bisita na nahahabag na napatingin kay Sierra. Sa isip-isip ng mga iyo ay marahil iniwan na ito ng groom at idinaos na lamang ang kasal na mag-isa nang sa ganoon ay huwag mapag-usapan ng malala ngayong hindi basta-bastang pamilya ang pakakasalan.
Ilang naman ay sinasabing siya lamang ang may gusto ng kasal. Hindi umano siya mahal ng kanyang asawa.
Nagkibit na lamang ng balikat si Sierra at may ngiti sa mga labing idinaos ang kasal.
Mga tao talaga. Paano naman makakasama ang kanyang asawa kung isa itong baldado at nasa loob lamang ng silid? Minsan talaga sa sobrang pangingialam sa buhay ng ibang tao ay nakalilimutan ng mag-isip ng tama.
Kinausap ni Sierra ang ilang mga lumalapit sa kanya at bumabati. Dalawang baso lamang na inumin ang nainom ni Sierra ay inilapag na niya ang baso. Ayaw pa naman niya ng nalalasing.
Hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ni Sierra ang talim ng tingin na ipinupukol sa kanya nina Julian at Adriana. Inirap na lang ni Sierra iyon.
Ang bilis lumipas ng mga oras, ngayon ay gabi na. Kasalukuyang kasama ngayon ni Sierra si Mrs. Montezides. Magkahawak ang kanilang kamay at malapad ang ngiti ng ginang sa kanya.
“Masaya ako at ganap ka ng asawa ng aking mahal na apo, hija!” Hindi maitago ang tuwa sa paraan ng pagsasalita ng matandang Montezides.
“Salamat po, Mrs. Montezides…” nakangiting tugon ni Sierra.
Bumusangot ang mukha ni Mrs. Montezides sa itinawag sa kanya ni Sierra. Nang mapansin iyon ni Sierra ay nataranta ito agad na humingi ng paumanhin sa nasabing hindi maganda.
Pabiro siyang hinampas sa kamay ni Mrs. Montezides. “Grandma. Iyon na ang itawag mo sa akin ngayon dahil opisyal ka ng asawa ng aking apong si Marco. Isa ka na ngayong ganap na Montezides. Apo na rin kita. Pamilya ka na.” Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Sierra.
Pamilya… ang tagal na panahon ng hindi iyon naririnig ni Sierra. Tumango siya sa ginang at hindi napigilan ang bugso ng damdam at niyakap niya ito.
“Sige na sige na. Pumasok ka na sa kwarto nang sa ganoon ay magkita na kayo ni Marco.” Nangingiting saad ni Mrs. Montezides. “Kausapin mo siya at makipaglapit ka sa kanya. Narito ka upang ipagdiwang ang inyong pag-iisang dibdib. Ayon sa sinabi sa akin, mararamdaman daw ni Marco ang kaligayahang nadarama mo at iyon ang magiging dahilan upang siya ay magkaroon ng progreso at kalauna’y magising!”
Subalit naguguluhan ay hindi na siya magawang makapagtanong pa dahil itinulak na siya papasok ng silid ni Mrs. Montezides.
“Enjoy your night!” Anito at masayang kumaway sa kanya. Nang tuluyang makalayo ang ginang ay saka pa lang isinarado ni Sierra ang pinto ng kwarto.
Katahimikan ang nanalakay sa buong silid. Matunog na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sierra at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng silid. Tunay ngang selebrasyon ang kasal na ito dahil halos pula ang kanyang nakikita, may mga bandiritas pa na siyang pamahiin daw upang maging matibay ang pagsasama ng mag-asawa.
Dumako ang tingin ni Sierra sa taong nasa gilid ng malambot na kama. Nakahiga at hindi gumagalaw.
Ito na ba ang asawa niya? Ito na ba si Marco Montezides?
Wala sa sariling pinakatitigan niya ito. Matapang ang pagmumukha nito, ang mayroon itong matangos na ilong, makapal ang maitim na kilay at mahaba ang piluka. Ang kanyang panga ay nasa perpektong hugis, para lang itong mahimbing na natutulog, malayong-malayo sa mabagsik at marahas na dating namumuno ng pamilya.
Nakakaawa lang at nasa ganoong kalagayan na ito ngayon.
Tumikhim si Sierra at naupo sa gilid ng kama. Wala siyang ibang maisip pa dahil hindi naman ito magsasalita kaya napagdesisyunan niyang magpakilala na lang.
“Hello, ako si Sierra Montalban, ang iyong asawa. 26 years old ako at isang single mom. May anak akong babae, five years old na siya.”
Nakabibinging katahimikan ang sumagot kay Sierra matapos niyang magsalita. Ngumiwi siya at umusog palapit sa asawa. Tinitigan niya ito, nagbabasakaling gumalaw kahit na piluka lamang ngunit wala.
Kaya naman, mas umusog pa si Sierra at dahan-dahang inangat ang nakatabing na kumot rito, pinindot pa nito ang braso ng asawa ngunit wala pa ring reaksyon.
Mas itinaas ni Sierra ang kumot upang silipin ang paa nito, roon ay nakita niya ang mahabang paa nitong medyo payat. Inayos niya ang kumot at umusog sa may paanan nito, dahil sa kuryusidad, hinawakan ni Sierra ang paa ng asawa at bahagya itong hinaplos.
Ilang haplos pa lang ang nagagawa niya nang mapansing gumalaw ang mga daliri nitong bahagyang nakalaylay sa gilid ng tagiliran nito.
Natigilan si Sierra at napaisip.
‘Teka, gumalaw?’ anito sa isipan.
Gumalaw?!
“I can assure you that.” “Ngunit dumadaloy naman sa iyong mga ugat ang dugo ng pamilyang Montezides, kusa mo bang ibibigay ang posisyon ng pinuno sa ibang tao?” "Hindi na kailanman magkakaroon ng anak si Julian, and I don't have a biological child. Hindi kailanman magiging posible para sa akin na mamuno sa Montezides Group, and..." Dahan-dahang tinapik ni Stephano ang kanyang binti, "paano pa magkakaroon ng ganitong hindi makatotohanang hangarin ang isang lumpong katulad ko?" Tama nga naman, wala siyang anak at may kapansanan sa katawan, kaya’t hindi siya susuportahan ng mga namumuno o ng pamilyang Montezides upang umangat sa kapangyarihan. Ngunit… “Si Julian ay may sakit at hindi makapagpapatuloy ng angkan ng pamilyang Montezides. Sang‑ayon ba ang lahat sa ganitong kalagayan?” “Hindi ba’t naroon pa rin si Vester, ang anak sa labas? Kapag wala na si Marco, madali mo na lamang siyang gawing sariling anak. Bukod pa rito, ang sakit ni Julian ay hindi naman tuluyang walang lunas. K
Tinitigan siya ni Stephano habang nakahandusay at nanginginig sa takot sa sahig, at nagsalita. “Sa loob ng mahabang panahon, akala ni Marco ay siya ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at si Stevan naman ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang lolo. Sa tingin mo, ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang sa loob ng maraming taon ay ikaw lang pala ang may kagagawan ng lahat? You act as if you're an innocent kitten that cannot even kill a fly, ang hindi nila alam ay isa kang mapagbalat-kayong huwad na ina at mamamatay tao! Sa tingin mo ba ay hindi ka niya papatayin ora-mismo kapag nalaman niya ang lahat?" Nanlaki ang mga mata ni Ericka sa matinding takot, at namutla ang kanyang mukha na tila isang kaluluwang ligaw. Matapos ang ilang sandali ng pagkagulat at pananahimik, pilit siyang tumayo nang paatras, tumakbo palapit kay Stephano, lumuhod sa sahig, hinawakan ang kumot na nakapatong sa hita nito, at nagmakaawa. “Pakiusap… huwag mong sabihin sa kanya, pakiusap, huwag mong i
Puno ng matinding poot ang mga mata ni Stephano, at nalukot ang kanyang mukha dahil sa galit. “Tila baligtad na ang takbo ng lahat ng bagay, at napakalaking kasawian ang dumating… ngunit ano naman ang ginawa ng aming ina? Wala siyang ginawa." Ang tanging payo lamang nito ay talikuran niya na ang galit, makipagkasundo sa sarili, at makisama nang maayos sa pamilya. Naisip ba niya kahit minsan ang nararamdaman niya? Naramdaman ba niya ang bigat ng aking pagdurusa mula sa nang mangyari ang aksidente? Alam niyang nakita niyang isa na siyang taong walang silbi hindi na siya makapagbibigay rito ng karangalan, at lalong hindi na makapagpapatuloy ng angkan ng pamilyang Montezides. Kaya naman tinalikuran na siya nito, at ibinuhos na lamang ang lahat ng kanyang atensyon at pagmamahal sa kanyang panganay na kapatid. "Malinaw na si Stevan ang ugat sa lahat ng ito... Bakit? Bakit siya pa rin ang nagtataglay ng lahat?" Sa huli, malakas na ibinagsak ni Stephano ang kanyang kamao sa sandalan ng ka
Sumulyap si Ericka kay Dunio na nakatayo sa likod ng wheelchair, at sinabi kay Stephano, “Hindi ba’t mas mabuting ipasok muna siya sa loob?”“Feel free to say whatever you want to say, Sister-in-law.”Naintindihan ni Ericka ang ibig sabihin nito—walang itinatago si Stephano sa taong ito.Magkakilala rin naman sina Dunio at Ericka. Since sa mga Montezides na siya lumaki, kilala niya ang mga tauhan roon. Noong aktibo pa si Stephano sa kompanya, si Dunio ang kanang kamay nito. Nang maglaon, naaksidente ito at napilayan ang mga binti, kaya umatras na sa pamamahala ng kumpanya. Kasabay nito ay umalis din si Dunio at nanatili na lamang sa tabi niya bilang taga-ugod at driver.Walang paligoy-ligoy na nagsalita si Ericka. “Hindi ako nagbibiro sa tawag kanina. Nalaman na talaga ni Stevan na ikaw ang nagplano ng aksidente ni Marco. Alam na niya ang tungkol kay Patric Johnson at sa grupong Arctic Mercenary.”Biglang napakuyom ni Stephano ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita, bahagyang
Siya ang nasa unahan, tinatanggap ang lahat ng panganib at kahihiyan, habang si Stephano ay nakatago sa dilim at inaani ang lahat ng pakinabang. Sa sobrang galit ay halos manginig siya sa pagnanais na harapin agad si Stephano, ngunit mabilis ding natauhan. Wala siyang matibay na ebidensya; haka-haka lamang ang lahat. Kapag humarap siya rito, hindi ito aamin. Baka sa halip ay siya pa ang ilantad nito at tuluyang mapahamak nang lubusan. Kailangan niyang kumalma. Nang humupa ang kanyang damdamin, may pumasok na ideya sa kanyang isipan: ang kaaway ng kaaway ay kaibigan. Dahil may malalim na ugnayan si Stephano sa mga pulis, baka siya rin ang makatulong upang mailabas si Julian. Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan si Stephano. “Mayroon akong sasabihin. Magkita tayo ngayong gabi.” Ang banayad na tinig ni Stephano ang narinig sa kabilang linya. “Hmm, sister-in-law, nagpapahinga na ako. Kung may kailangan ka pa, pag-usapan na lang natin bukas…” Hindi siya pinatapos ni Ericka.
“Nang malaman ni third master ang schedule ng young master mula sa inyo noong araw na iyon, nakipagkita siya sa isang tao. Batay sa aking pagsisiyasat nitong mga nakaraang araw, ang taong iyon ay ang namumuno sa grupong tinatawag na Arctic Mercenary, at si Patrick Johnson ay isa ring miyembro ng nasabing pangkat.” Nanlaki ang mga mata ni Stevan sa hindi paniniwala. “Siya nga talaga?” Tumango si Oscar. “Oo.” Para itong kidlat na tumama sa kanya. Biglang namutla nang husto si Stevan at dumausdos pabalik sa sopa. “Bakit? Bakit niya ito gagawin?” Dahil sa bigat ng bagay na ito, walang masabi si Oscar. Bahagya ng naintindihan ni Ericka, ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala, at natatakot na baka mali ang kanyang hinuha. “Stevan… ibig mo bang sabihin, si Stephano ang nagplano ng aksidente sa sasakyan ni Marco?” Marahan niyang tanong. Kapagkuwan ay pinagsalikop niya ang kanyang kamao at umarteng nanginginig. "H-How... How could he possibly do that? Sa lahat ng tao, siya ang halos ituri
Nakaalis na papuntang paaralan ang mga bata nang makarating sila sa bahay. Si Marco ay agad nagpatulak kay Carlos sa kanyang study at ayaw raw magpastorbo. Hindi na rin nagpumilit pa di Sierra dahil baka mas magalit pa ito. Pumasok na lang siya guest room at doon ginawa ang kanyang trabaho. Ang bi
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gu
Nagtagal ang titig niya sa lalaki, hinihintay na makita ang pangamba sa mukha at maga nito sa repleksyon ng bintana ng kotse, ngunit wala. Walang makita si Sierra roon kundi ang kalmado at hindi makitaan na takot. Sierra was caught off guard when Marco suddenly turned his head. “Bakit ka nakatingi
Pagkatapos ng hapunan ay nagkayayaang maglaro ng chess ang mga lalaki habang sumisimsim ng alak at nag-uusap tungkol sa negosyo. Ang mga babae naman ay nasa Living room at nagtsatsaa, nang mapansin ni Esmeralda na tahimik si Sierra ay ito na mismo ang nagsimula ng usapan. Baka kasi mabuburyo na ito







