مشاركة

CHAPTER 1

مؤلف: Anna Marie
last update تاريخ النشر: 2025-10-26 06:37:47

TWO YEARS LATER...

"Please, Adrian," pakiusap ng may edad na lalaki sa kabilang linya. "Ako na lang ang tingnan mo. Ayokong ibigay sa iba ang trabahong ito," dugtong pa nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Adrian.

"Hindi madali ang pinagagawa mo sa akin, Papa," sagot niya.

"Huwag mo na lang personalin, trabahuhin mo lang," nagpupumilit pa ring sabi nito. "Kahit para sa akin na lang, Adrian," pagmamakaawa nito.

Bumuntong hininga si Adrian.

"Alam mong ayoko ng ganyang trabaho, 'Pa. Mas gusto ko pa sa field. Naiinip ako pag ganyan." katwiran nito.

"Iyan ba talaga ang dahilan mo? O umiiwas ka lang?" seryosong tanong ng nasa kabilang linya.

Umiling si Adrian na parang nakikita siya ng tiyuhin niya.

"Wala akong dapat iwasan. Hindi ko lang linya ang inaalok ninyo sa aking trabaho," sagot niya.

"I will give you a week to think about it, Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez," biglang nag-iba ang tono nito at naging seryoso.

"Papa-" hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at pinutol na ang koneksyon ng telepono.

"Sh@t!" mariing naipikit ang mga mata.

Bakit pa siya bibigyan ng isang linggo ng tiyuhin niya para mag-isip kahit alam naman nito na hindi talaga siya papayag?

Katatapos lang ng misyon nila sa Lebanon at heto ang tiyuhin niya at kinokontrata na siya. Pinipilit siyang tanggapin ang inaalok nitong trabaho upang hindi na siya muling bumalik at sumabak pa sa giyera. Alam niyang iyon ang hangarin nito sa kanya.

Siya si Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez, tatlumpu’t limang taong gulang, isang kasapi ng military force sa ibang bansa. Limang taon na siyang nagseserbisyo roon. Dati rin siyang miyembro ng military force sa Pilipinas, ngunit mas pinili niya ang pagkakataong ibinigay ng ibang bansa sa kanya... dahil na rin sa mga personal na dahilan.

Two years ago, umuwi siya ng Pilipinas upang ayusin ang personal na problema sa pagitan nilang mag-ama, ngunit sa halip na maayos ay lalo pang lumala. At lalo pang bumaon sa dibdib niya lahat ng sama ng loob niya dito. Wala pang isang buwan ay tinanggap niya ulit ang misyon na inalok sa kanya dahil sa sama ng loob sa ama.

Walang nagawa ang tiyuhin niya upang pigilan siya noon. At ngayon nga ay nabalitaan siguro nito na tapos na ang misyon niya kaya napatawag ito at pinababalik siya ng Pilipinas para sa trabahong inaalok sa kanya.

Retired General Ricardo Rodriguez, ang pangalan ng tiyuhin niya, at may-ari ng isang malaking security agency sa Pilipinas. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon, five years ago, na makapasok sa military force sa ibang bansa. At ngayon ay pinagsisisihan na ng tiyuhin niya dahil sa nakikita nito sa kanya na tila balewala na ang buhay niya sa sunud sunod na pagtanggap ng misyon sa giyera ng iba't ibang bansa.

Dalawang taon na rin ang nakakaraan, dalawang tao rin ang naging sanhi ng kabiguan niya. Ang Daddy niya at ang babaeng nakilala niya at inangkin sa loob ng sasakyan sa gitna ng matinding bagyo.

Malinaw pa rin sa isipan niya ang mukha ng babaeng iyon. Nagbakasakali siyang ipahanap ito sa tiyuhin niya ngunit hindi sapat ang iniwang pangalan nitong "Faye" para mahanap ito. Hanggang sa magkita sila ng Daddy niya at nagkaroon ng isang mainit na pagtatalo. Umalis siya sa bahay nito na bitbit ang sama ng loob at hinanakit sa sariling ama.

PAGLAPAG ng eroplano ay dumeretso kaagad si Adrian sa arrival area. Isang malaking bag lang ang dala niya dahil wala siyang intensyon na magtagal sa Pilipinas. Gusto lamang niyang pagbigyan ang kahilingan ng tiyuhin niya.

Hinanap ng mga mata niya ang susundo sa kanya at ilang saglit lamang ay nakita niyang kumakaway ito sa hindi kalayuan sa kanya at hawak sa kamay ang isang bondpaper na may nakasulat na pangalan niya.

Napakunot ang noo niya dahil babae ang sumundo sa kanya. Lumapit siya dito.

"Lt. Col. Rodriguez?" nakangiting pagkukumpirma nito.

"Yes, I am," seryosong sagot niya.

"Let's go, sir." isinenyas pa nito ang kamay niya upang paunahin siya.

"Are you the one sent by the retired general to pick me up?" nakakunot ang noong tanong niya sa babae.

"There's no one else, sir," matamis nitong ngiti.

Bata pa ito at mukhang nasa twenties. Gupit lalaki ang buhok at may balingkinitang katawan. Malamang na isa ito sa mga security officer ng tiyuhin niya. Nakasuot ito ng kulay asul na polo shirt na sa bandang kaliwa ng dibdib ay may logo ng agency ng tiyuhin. Nakablack maong pants at highcut na black shoes. Tinernuhan pa ng jacket na maong.

"Give me the keys," utos niya at nilahad ang palad sa harap ng babae.

"But, sir," nawala ang ngiti nito at tila nanlungkot.

"Its my job to-"

"Just give me the keys. Wala akong tiwala pagbabae ang nagdadrive para sa akin," striktong sabi nito na tila nakukulitan sa kausap.

Malungkot na binigay ng babae ang susi sa kanya. Lalong nadismaya si Adrian nang makita ang susing binigay sa kanya ay ang susi ng Toyota Fortuner niya. Parang gusto niyang pagdudahan ang tiyuhin niya sa mga oras na iyon.

Hindi ba nito alam ang taste niya sa babae? Oo at maganda ang kaharap niya at bumagay ang gupit ng buhok sa mukha nito, pero para sa kanya ay hindi ang mga ganoon ang tipo niya.

Napapailing na lang siya sa kalokohan ng tiyuhin niya.

"What's your name?" tanong ni Adrian habang kuyom ang susi sa palad niya.

"I'm Michelle Castro. You can call me Mitch, sir." magalang na sagot nito at nawala na ang matamis na ngiti.

Mukhang naramdamang mahirap i-approached ang bagong dating.

"Lead the way, Mitch," turan niya at malalaki ang hakbang na lumakad na papuntang kaliwa.

"Lt. Col. Rodriguez! This way!" malakas na sabi ni Mitch.

Ilang hakbang pa lang ang ginagawa nito ay malayo na kaagad ito sa kasamahan.

Mabilis na napalingon si Adrian nang tawagin siya nito. Pagharap niya ay nasagi ng bitbit niyang bag ang batang lalaki sa balikat na sa tantiya niya ay nasa mahigit isang taong gulang o dalawa.

Mabilis niyang binitawan ang bag at sinalo ng dalawang kamay ang bata. Gulat na gulat ang mga mata ng bata habang nakatitig sa kanya.

"It's okay, big boy," biglang sabi niya sa pag-aalalang baka matakot ang bata at umiyak.

Tuluyan niyang pinangko ang bata at bahagyang sinayaw upang mawala ang pagkagulat nito habang palinga linga sa paligid.

"Where's you parents, big boy?" nakangiting tanong niya sa bata habang nakatingin sa mukha nito. Ang mga mata ng bata ay tila nangungusap.

Titig na titig sa kanyang mga mata at inabot ang pisngi niya.

"Dada plane," sagot nito at tumuro sa taas.

Ngumiti siya. "What's your name, big boy?"

"It's Kaelen Vayne," pabulol na sabi ng bata.

"Nice name huh?" tugon ni Adrian at bahagyang pinisil ang pisngi.

"Sir, I think... sila ang guardian ng bata," sabi ni Mitch nang makalapit sa kaniya at tinuro ang dalawang babaeng nakauniporme at tila natataranta na sa paghahanap.

"Let them come to us," mahinang sabi ni Adrian habang nakatingin sa dalawang babae.

Hanggang ang isang taga-alaga ay napatingin sa kanila at biglang umaliwalas ang mukha. Patakbo itong lumapit sa kanila.

"Kael, come to nanay," nakangiting sabi ng taga-alaga na nasa forties na siguro. Kasunod na nito ang isa na mas bata dito.

Nagpapapasag ang paa ng bata at tinalikuran ang dalawang babae at yumakap sa leeg ni Adrian.

"No!" sabi ng bata at sumubsob sa balikat ni Adrian.

Nagulat si Mitch at gustong tumawa sa inasta ng bata. Habang si Adrian ay hindi alam ang gagawin dahil sobrang higpit ng yakap sa kanya ng bata sa leeg.

"Let's go. Your Dada will arrive soon." sabi ng mas bata.

"No! Dada is here!" sigaw ng bata at nagpapapasag habang mahigpit ang yakap kay Adrian.

Parang may kung anong humaplos sa puso bi Adrian at naawa sa bata. Marahil ay bihira nitong makita ang ama kaya ganoon na lang ang pag-aakala nito na siya ang ama.

"Pasensya na po, sir. Baka pwede pong makuha na si Kael. Baka dumating na po ang Daddy niya tiyak na makakagalitan kame," pakiusap ng naunang taga-alaga.

"Okay, Kael. Listen to me, sweetheart," sabi niya at hinarap ang bata sa kanya. "Your dada is on plane, right?" nakangiting uto niya sa bata.

Tumitig lamang ito sa kanya.

"He will arrive soon. He will buy you toys and take you to rides. Do you want that?"

Bahagya itong tumango. Matamis na ngumiti si Adrian.

"Then, will you come with them?"

Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga mata ng bata sa dalawang taga-alaga at kay Adrian. Maya maya ay dinukwang na nito ang mas batang taga-alaga at sumama na.

Nakahinga ng maluwag ang dalawa at si Mitch.

"Thank you, sir!" halos sabay na sabi ng dalawa at nagmamadaling tumalikod na.

Sinundan ng tingin ni Adrian ang tatlo na humalo na sa mga karamihan ng mga naghihintay doon. Nang makita niyang inabot ng taga-alaga ang bata sa nanay nito ay tumalikod na siya.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 80

    "D-DADDY!..." Gulat na gulat at namimilog ang mga mata ni Ceryna nang mapagtanto na biyenan niya ang nasa harapan. Humarap si Adrian at tumingin kay Gilbert. Madilim ang mukha ni Gilbert na pinaglipat lipat ang tingin sa kanila ni Ceryna. Kung anong pagkabahala ni Ceryna ay kabaligtaran naman ng kay Adrian. Tila hindi ito nahintakutan nang makita si Gilbert na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila. Ramdam ni Adrian ang takot at pagkabigla ni Ceryna kaya hinila niya ito sa kamay. Nanlalamig ang mga kamay nito at nanginginig sa takot. "Relax," hindi iyon malakas pero sapat na upang marinig nito. Pinisil niya ang kamay ni Ceryna. Dumako ang mga mata ni Gilbert sa kamay nilang dalawa at narinig nila ang pagpalatak nito. "Let go of her, Adrian," mahinahon pero madiing utos ni Gilbert. "Kanina pa hinahanap ni Anthony si Ceryna." Nakita niyang napamaang si Ceryna nang malamang nasa ibaba si Anthony. Lalo lamang nadagdagan ang pag-aalala nito sa mukha. Humigpit ang hawak

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 79

    MAINGAT ANG BAWAT galaw ni Ceryna at ang bawat hakbang ay pinagsisikapan din niyang huwag maglikha ng anumang ingay. Kailangan niyang makalabas ng silid bago pa magising si Adrian. Kulang dalawang oras din nilang pinagsaluhan ang pananabik sa bawat isa at nang matantiya niyang tulog na ito ay dahan-dahan siyang bumangon at nagbihis. Malamang na hindi pa tapos ang selebrasyon sa ibaba. Maaaring ang iba ay umuwi na ngunit siguradong ang mga may kabataan pa na edad ay tiyak nag-eenjoy pa sa party. Balak niyang dumaan sa nakareserve na room para sa kanila ni Anthony, doon na lamang niya aayusing mabuti ang sarili. Nagtiis siya sa madilim na paligid at pilit inaninaw ng mga mata ang gamit niya. Natatandaan niyang inilapag niya ang pares ng sandals at clutch bag niya sa sofa kaya doon siya lumapit. Marahan niyang kinapa ang gamit niya at nang mahawakan ay patingkayad siyang lumakad palapit sa pinto. Hangga't maaari ayaw na niyang lingunin pa si Adrian. Ito na rin ang huling pagkakataon

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 78

    PAGDATING NI ANTHONY sa hotel ay kaagad siyang dumeretso sa loob at saktong nakasalubong niya sa lobby ang driver ng Daddy niya. "Sir, palagay ko po ay nagpahinga si Ma'am Ceryna sa silid, nagtanong po ako sa receptionist kanina pero wala pa daw pong nagbabalik ng keycard mula sa mga VIPs," halata ang pigil na paghingal ng driver habang nagrereport sa kanya. Tumango siya at marahang tinapik sa balikat ang driver. "Salamat. Ako na ang maghahanap sa asawa ko," pilit ang ngiting tugon niya sa driver sabay hagilap sa pinakamalapit na elevator. Napabuntong hininga na lamang ang driver habang sinusundan ng tanaw ang amo niya. Habang tumatakbo ang oras ay lalo lamang hindi mapakali si Anthony. Pumasok siya sa malaking bulwagan ng hotel kung saan naroon pa ang mga guests ng event ng gabing iyon. Lumapit siya kay Gilbert at nagulat pa ito nang makita siya. "Where's my wife? Did you see her, Dad?" kaagad na tanong ni Anthony. Nahalinhan ng pagtataka ang mukha ni Gilbert. "Hindi

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 77

    ILANG BESES NANG tinatawagan ni Anthony si Ceryna ngunit panay ring lamang ng cellphone nito. Isang oras na ang nakalipas buhat nang magkausap silang dalawa. Hindi rin sumasagot sa tawag ang daddy niya, tanging driver lamang ang nakausap niya at napag- alaman niyang hindi pa nagkikita si Ceryna at ang driver buhat nang pumasok ito sa loob ng hotel. Nagsisimula na siyang mag-alala kaya inutusan niya ang driver na hanapin ang asawa at kung makita ay tawagan siya kaagad. Ngunit habang lumilipas ang minuto ay lalo lamang siya hindi mapakali. Gustuhin man niyang bumalik ng hotel kaagad ay hindi niya magawa dahil kailangan pa niyang personal na inspeksyunin ang mga laman ng container na dumadaong sa pantalan. Napabuntong hininga si Anthony at pinamulsa ang cellphone habang lumalapit sa kadarating lamang na container. Kaagad iyong binuksan ng helper at binaba ang foldable staire. Pumasok siya sa loob ng container habang kasunod niya ang helper na may hawak na malaking flashlight upang ta

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 76

    "HE'S NOT YOUR HUSBAND and he will never be." Sa kabila ng nagbabagang apoy na lumalabas sa mga mata ni Adrian ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Ceryna ang paggaralgal ng boses nito. "You and Anthony haven't shared a bed ever since. Sa paningin ng ibang tao lamang kayo mag-asawa, and we both know... you belong to me- body and soul," tumaas ang isang sulok ng labi ni Adrian. "Walang ibang paraan kundi ang magsabi ka ng totoo kay Anthony o ako mismo ang magsasabi sa kanya. Kung nahihirapan ka, ganoon din ako. Mahirap para sa akin na makita ang sarili kong anak mula sa malayo." Hindi makapagsalita si Ceryna habang nakatingin kay Adrian. Determinado ang binata sa nakikita niya. Hindi ito ang Adrian na nakilala niya noong una silang magkita. Mabalasik at mapaghamon ang mga mata nito ngayon. Gusto niyang manlumo dahil pakiramdam niya ay may pagkasuklam ang mga tingin sa kanya ni Adrian. "Oh my God, Adrian, don't look at me like that... as if you're going to kill me," hindi makatii

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 75

    NANGINGINIG ANG MGA tuhod ni Ceryna na sumandal sa dingding ng elevator habang ang mga mata ay nakatuon kay Adrian. Ang mga mata ng binata ay tila nang-uusig sa kanya. "I knew it back then. You were so tight when I took you when we met again," Adrian is being vulgar to Ceryna. "It was like our first time, sweetheart." sarkastikong dugtong pa ni Adrian at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. "You should have known that." Nakita ni Adrian kung paano namula ang mukha ni Ceryna. Gustong umiyak ni Ceryna sa kakaibang awra ng mukha ni Adrian. Bakit nga ba hindi niya naisip noon na malalaman ni Adrian na wala talagang nangyayari sa kanila ni Anthony bilang mag-asawa. Mabilis na lumabas ng elevator si Ceryna sa pagnanais na iwasan si Adrian. Hindi lamang niya pinagtaksilan si Anthony, maging ang kasal at pagsasama nila ay pinagkanulo pa niya. Wala naman inaksayang pagkakataon si Adrian at mabilis ding hinabol si Ceryna. Nang maabutan niya ito ay hinila niya ang kamay nito upang pig

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 50

    INILAPAG NI Ricardo sa kanya ang dokumentong itinawag nito sa kanya kaninang umaga. "Ayon sa imbestigador na inatasan ko upang hanapin ang judge na nagkasal kay Anthony at Ceryna..." bahagya nitong binitin ang iba pang sasabihin at tiningnan ang pamankin na noon ay nakatingin lang sa dokumentong

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 49

    PAPUNTA si Adrian sa opisina ni Ricardo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag bago ito sagutin. Si Brix. Kaagad niya itong sinagot. "Brix," bungad niya at sa hindi sinasadya ay namataan niya si Ceryna at Anthony sa loob ng mansion na magkaagapay pa

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 48

    Naalimpungatan ng umagang iyon si Ceryna. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya habang natutulog. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata upang magulat lamang nang makita si Anthony na nakaupo sa gilid ng kama katabi si Kael na mahimbing pa rin ang tulog. Napabalikwas siya dahil hin

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 47

    MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha si

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status