LOGINPAGLABAS niya sa opisina ng kanya Uncle Ricardo ay sinalubong siya ni Mitch nang nakangiti. Tila hindi nangangawit ang babaeng ito sa pagngiti.
"Uuwi na kayo, Lt. Col.?" nakangiting tanong nito sa kanya, parang gustung gusto nitong binibigkas ang ranggo niya. Huminto siya nang matapat dito. "Yeah. By the way, thank you," seryosong sabi niya nang maalalang hindi pa nga pala siya nakakapagpasalamat dito sa pagsundo sa kanya. "You're welcome, sir," sumaludo pa ito sa kanya habang nakangiti. "Sigurado ka, ayaw mong ipagdrive kita?" may halong pagbibiro ang tanong nito. "No thanks." maikling tugon niya. "Anyway, nice meeting you," inilahad pa nito ang kamay sa harap niya at hindi naaalis ang mga ngiti sa labi. Tiningnan niya ang kamay nito saka tumingin sa mukha ni Mitch. Sadya lang sigurong palabati at palangiti ang kaharap niya. Kung susuriin niya ay hindi naman kaartihan ang pinapakita nito sa kanya kundi nakikipagkaibigan ito. Inabot niya ang kamay nito at nakipagkamay kahit saglit. "Me, too," tipid niya itong nginitian. "See you around," dagdag pa niya at lumakad na papuntang elevator. "See you around, Lt. Col." narinig pa niyang habol nito bigkas ang ranggo niya. Tumango lamang siya kahit nakatalikod na siya kay Mitch. BAGO siya dumeretso ng bahay sa Alabang ay dumaan muna siya sa isang flower shop upang ipasalubong sa Mama Claire niya. Mahilig ito sa mga bulaklak kaya siguradong matutuwa ito, sa isip isip niya. Pagbaba niya ng sasakyan ay dumeretso siya sa loob ng shop at tumingin tingin ng iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakahilera doon. Wala siyang gaanong alam pagdating sa mga bulaklak kaya lumapit siya sa isang staff doon at nagpa-assisst. "Good morning," bati niya. "I want something simple but elegant bouquet for my Auntie, can you do it for me?" kaswal sa tanong niya habang nililinga ang mga mata sa paligid ng shop. "Ilang taon na po ang Auntie ninyo?" nakangiting tanong ng florist. Biglang natigilan si Adrian. "For reference lang po, sir para alam namen kung ano nababagay sa flower sa kanya," tila nabasa ng florist ang ekspresyon ng mukha niya. "She's in her sixties," sagot niya nang maunawaan ang ibig sabihin ng florist. "Okay, sir. Kame na po ang bahala. Maupo muna po kayo." tinuro nito ang bakanteng upuan na sadya sigurong nakalaan sa mga costumer. "How long it will take?" tanong muna niya sa florist. "Mga thirty minutes po, sir," sagot ng florist na nakangiti habang kinukuha ang mga gagamitin. "Okay, I'll just wait inside my car. Babayaran ko na rin," sabi ni Adrian at dinukot ang wallet sa bulsa. Sinabi ng florist ang halaga ng isang boquet ng bulaklak at ipinaliwanag kay Adrian ang halaga ng bawat piraso ng mga bulaklak. Binayaran niya ito at nagbilin sa florist na iabot na lamang sa kanya sa labas at doon na lang maghihintay sa sasakyan. Tinuro niya sa florist ang sasakyan niyang nakapark sa harapan ng shop ng mga ito. "AKO NA lang ang magpipick-up sa shop ng bulaklak. Huwag na kayong bumaba ng sasakyan," bilin ni Ceryna at pinahinto sa driver ang Van kasunod ng nakaparadang sasakyan sa harap ng shop. "I'll go with you," sabi ni Anthony, ang asawa niya at akmang susunod sa kanya. "Huwag na, hindi rin naman ako magtatagal sa loob." nakangiting wika niya. "Okay," hindi na rin ito nagpumilit at bumalik sa pagkaka-upo. Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan at maingat na sinarado ang pinto upang hindi makalikha ng ingay. Pagbaba niya ay bigla siyang natigilan nang mapansin ang Toyota Fortuner na nasa harap ng Van nila. Hindi niya napansin iyon nung nasa loob siya ng Van. Bigla ay kinabahan siya at tila pinagpawisan ng malapot. Saglit na gumuhit sa alaala niya ang dalawang taong nakalipas na, na hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip niya ang mga pangyayari. Maaaring kamukha lang iyan. Marami na din may nagmamay-ari ng ganoong model at kulay ng ganoong sasakyan. Napahawak siya sa gilid ng Van nila at tila sasamaan ng katawan. Tila napansin naman ni Anthony mula sa loob na parang nahilo ang asawa kaya binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Are you okay, Ceryna?" tanong nito sa nag-aalalang boses. "Y-Yeah... o-of course. Nasilaw lang ako sa matinding sikat ng araw," alibi niya at pilit na itinindig ang katawan ng maayos. "Are you sure?" tila hindi kumbinsido ang asawaat tiningnan siyang mabuti. Ngumiti siya at tumango. Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa flowershop habang simpleng pinagmamasdan ang sasakyan iyon. Maraming ganoong klaseng sasakyan at ang ganoong kulay ay common n rin niyang nakikita. Pero bakit iba ang pitik sa kanya nang makita niya ito. Nasa may likod na siya ng sasakyan na iyon nang lumabas ang staff na may bitbit na isang bouquet na bulaklak at inabot mula sa bintana ng sasakyan. Narinig pa niyang nagpasalamat ang sakay sa loob kaya bigla siyang napahinto. That voice seems so familiar. O baka naman nakaringgan lang niya? Mabilis niyang inaninag ang loob ng sasakyan sa pagbabakasaling makumpirma niya ang hinala niya. Ngunit nagmaniobra na ito paalis ng shop hanggang sa humalo na ito sa mga ibang sasakyan sa kalsada. "Ma'am Ceryna, nandyan po pala kayo," nagulat na sabi ng staff ng flower shop nang makita siya. "Nandyan ba si Celeste?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang nakakatandang kapatid niya na nagmamay-ari ng flower shop na iyon. "Nasa loob po, ayos lang po ba kayo, Ma'am?" takang tanong nito habang nakatitig sa magandang mukha ni Ceryna. Nag-alala para sa kapatid ng ama. Para ba itong namumutla. Tumango lamang si Ceryna at pilit na inayos ang paglalakad kahit na sa kabila noon ay gusto na niyang takbuhin ang loob ng shop upang itanong sa kapatid ang pangalan ng costumer nito. "Bakit ngayon ka lang dumating? Isang oras nang naghihintay ang pinagawa mong bulaklak para sa mahal mong mother-in-law." parang nang-iinis ang tono ng kapatid niya nang makita siyang pumasok sa loob ng shop. Tiningnan niya ito ng masama. "Nadelayed ang flight ni Anthony pabalik dito kaya naghintay pa kame ng ilang oras sa airport." tugon niya. "Patay na iyong tao, kaya igalang mo naman," sabi nito. "Nasaan na ang mga bulaklak?" tanong niya. First death anniversary ng mother-in-law niya ngayon at doon sila dederetso sa himlayan nito. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa iyo. Kaya kahit patay na siya, hindi ko ginandahan ang arrangements ng bulaklak na para sa kanya," sabi nito at isa isang nilapag ni Celeste ang bulaklak na pinagawa ng kapatid. "Nasaan si Anthony?" tanong nito. "Hindi ko na pinababa." maikling sagot niya. "Ang pamangkin ko?" nakapamaywang ito. "Nakatulog sa sasakyan kaya hindi ko kasama," sagot ulit niya habang tinitingnan ang ginawa nitong bulaklak. "Heto ba ang hindi maganda? Mukhang nag-effort ka pa nga eh," biro niya sa kapatid at ngumiti. Inirapan siya nito. Bigla ay sumeryoso si Ceryna. "Sino iyong costumer nyo nga pala na kaaalis lang?" pinakaswal niya ang pagtatanong sa kapatid. "Ah! Iyong kanina ba? Bagong costumer lang. Nagpagawa ng bouquet para sa tita," balewalang sagot ni Celeste. Napatango lang siya. Mukhang wala siyang makukuhang impormasyon mula sa kapatid tungkol sa may-ari ng sasakyan. O pwede rin naman na namali lamang siya ng kutob. Sa loob ng dalawang taon ay ni minsan ay hindi na niya nakita pang muli ang lalaki. Marahil nga ay nahahawig lamang iyon sa sasakyan. At namamalikmata lamang siya. "Bakit mo naitanong?" "Wala lang. Nakita ko yung bulaklak na pinagawa niya. Maganda nga." palusot niya. "Syempre, ako ang nag-arrange noon," nagmamalaking sagot nito. "Sige na, hindi na ako magtatagal. Baka naiinip na si Anthony," sabi nito at binitbit ang isang bulaklak na nakalagay sa paso. Umikot ang mga mata ni Celeste nang marinig ang pangalan ng bayaw. Tinitigan lang niya ito ng masama. "Pakisuyo na lang sa staff mo yung ibang bulaklak. Salamat." nginitian niya ito ng matamis at nagmamadaling tumalikod na. Kung magtatagal pa siya ay siguradong makakarinig na naman siya ng pang-iinis mula dito."D-DADDY!..." Gulat na gulat at namimilog ang mga mata ni Ceryna nang mapagtanto na biyenan niya ang nasa harapan. Humarap si Adrian at tumingin kay Gilbert. Madilim ang mukha ni Gilbert na pinaglipat lipat ang tingin sa kanila ni Ceryna. Kung anong pagkabahala ni Ceryna ay kabaligtaran naman ng kay Adrian. Tila hindi ito nahintakutan nang makita si Gilbert na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila. Ramdam ni Adrian ang takot at pagkabigla ni Ceryna kaya hinila niya ito sa kamay. Nanlalamig ang mga kamay nito at nanginginig sa takot. "Relax," hindi iyon malakas pero sapat na upang marinig nito. Pinisil niya ang kamay ni Ceryna. Dumako ang mga mata ni Gilbert sa kamay nilang dalawa at narinig nila ang pagpalatak nito. "Let go of her, Adrian," mahinahon pero madiing utos ni Gilbert. "Kanina pa hinahanap ni Anthony si Ceryna." Nakita niyang napamaang si Ceryna nang malamang nasa ibaba si Anthony. Lalo lamang nadagdagan ang pag-aalala nito sa mukha. Humigpit ang hawak
MAINGAT ANG BAWAT galaw ni Ceryna at ang bawat hakbang ay pinagsisikapan din niyang huwag maglikha ng anumang ingay. Kailangan niyang makalabas ng silid bago pa magising si Adrian. Kulang dalawang oras din nilang pinagsaluhan ang pananabik sa bawat isa at nang matantiya niyang tulog na ito ay dahan-dahan siyang bumangon at nagbihis. Malamang na hindi pa tapos ang selebrasyon sa ibaba. Maaaring ang iba ay umuwi na ngunit siguradong ang mga may kabataan pa na edad ay tiyak nag-eenjoy pa sa party. Balak niyang dumaan sa nakareserve na room para sa kanila ni Anthony, doon na lamang niya aayusing mabuti ang sarili. Nagtiis siya sa madilim na paligid at pilit inaninaw ng mga mata ang gamit niya. Natatandaan niyang inilapag niya ang pares ng sandals at clutch bag niya sa sofa kaya doon siya lumapit. Marahan niyang kinapa ang gamit niya at nang mahawakan ay patingkayad siyang lumakad palapit sa pinto. Hangga't maaari ayaw na niyang lingunin pa si Adrian. Ito na rin ang huling pagkakataon
PAGDATING NI ANTHONY sa hotel ay kaagad siyang dumeretso sa loob at saktong nakasalubong niya sa lobby ang driver ng Daddy niya. "Sir, palagay ko po ay nagpahinga si Ma'am Ceryna sa silid, nagtanong po ako sa receptionist kanina pero wala pa daw pong nagbabalik ng keycard mula sa mga VIPs," halata ang pigil na paghingal ng driver habang nagrereport sa kanya. Tumango siya at marahang tinapik sa balikat ang driver. "Salamat. Ako na ang maghahanap sa asawa ko," pilit ang ngiting tugon niya sa driver sabay hagilap sa pinakamalapit na elevator. Napabuntong hininga na lamang ang driver habang sinusundan ng tanaw ang amo niya. Habang tumatakbo ang oras ay lalo lamang hindi mapakali si Anthony. Pumasok siya sa malaking bulwagan ng hotel kung saan naroon pa ang mga guests ng event ng gabing iyon. Lumapit siya kay Gilbert at nagulat pa ito nang makita siya. "Where's my wife? Did you see her, Dad?" kaagad na tanong ni Anthony. Nahalinhan ng pagtataka ang mukha ni Gilbert. "Hindi
ILANG BESES NANG tinatawagan ni Anthony si Ceryna ngunit panay ring lamang ng cellphone nito. Isang oras na ang nakalipas buhat nang magkausap silang dalawa. Hindi rin sumasagot sa tawag ang daddy niya, tanging driver lamang ang nakausap niya at napag- alaman niyang hindi pa nagkikita si Ceryna at ang driver buhat nang pumasok ito sa loob ng hotel. Nagsisimula na siyang mag-alala kaya inutusan niya ang driver na hanapin ang asawa at kung makita ay tawagan siya kaagad. Ngunit habang lumilipas ang minuto ay lalo lamang siya hindi mapakali. Gustuhin man niyang bumalik ng hotel kaagad ay hindi niya magawa dahil kailangan pa niyang personal na inspeksyunin ang mga laman ng container na dumadaong sa pantalan. Napabuntong hininga si Anthony at pinamulsa ang cellphone habang lumalapit sa kadarating lamang na container. Kaagad iyong binuksan ng helper at binaba ang foldable staire. Pumasok siya sa loob ng container habang kasunod niya ang helper na may hawak na malaking flashlight upang ta
"HE'S NOT YOUR HUSBAND and he will never be." Sa kabila ng nagbabagang apoy na lumalabas sa mga mata ni Adrian ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Ceryna ang paggaralgal ng boses nito. "You and Anthony haven't shared a bed ever since. Sa paningin ng ibang tao lamang kayo mag-asawa, and we both know... you belong to me- body and soul," tumaas ang isang sulok ng labi ni Adrian. "Walang ibang paraan kundi ang magsabi ka ng totoo kay Anthony o ako mismo ang magsasabi sa kanya. Kung nahihirapan ka, ganoon din ako. Mahirap para sa akin na makita ang sarili kong anak mula sa malayo." Hindi makapagsalita si Ceryna habang nakatingin kay Adrian. Determinado ang binata sa nakikita niya. Hindi ito ang Adrian na nakilala niya noong una silang magkita. Mabalasik at mapaghamon ang mga mata nito ngayon. Gusto niyang manlumo dahil pakiramdam niya ay may pagkasuklam ang mga tingin sa kanya ni Adrian. "Oh my God, Adrian, don't look at me like that... as if you're going to kill me," hindi makatii
NANGINGINIG ANG MGA tuhod ni Ceryna na sumandal sa dingding ng elevator habang ang mga mata ay nakatuon kay Adrian. Ang mga mata ng binata ay tila nang-uusig sa kanya. "I knew it back then. You were so tight when I took you when we met again," Adrian is being vulgar to Ceryna. "It was like our first time, sweetheart." sarkastikong dugtong pa ni Adrian at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. "You should have known that." Nakita ni Adrian kung paano namula ang mukha ni Ceryna. Gustong umiyak ni Ceryna sa kakaibang awra ng mukha ni Adrian. Bakit nga ba hindi niya naisip noon na malalaman ni Adrian na wala talagang nangyayari sa kanila ni Anthony bilang mag-asawa. Mabilis na lumabas ng elevator si Ceryna sa pagnanais na iwasan si Adrian. Hindi lamang niya pinagtaksilan si Anthony, maging ang kasal at pagsasama nila ay pinagkanulo pa niya. Wala naman inaksayang pagkakataon si Adrian at mabilis ding hinabol si Ceryna. Nang maabutan niya ito ay hinila niya ang kamay nito upang pig
PINAGMASDAN MABUTI NI ADRIAN ANG LATEST death threats na narecieve ng Daddy niya. WE WANT YOU TO STEP DOWN OR WE WILL TAKE FURTHER ACTION. Iyon ang nakasaad sa papel. It was printed in a piece of a rare sheet. Hindi siya gaanong nababahala sa mensaheng iyon pero kailangan nilang makasiguro at m
HINDI NA NAGAWANG PIGILAN NI ADRIAN SI CERYNA. Sinubukan pa niyang hawakan ang kamay nito, ngunit mabilis na iniiwas ni Ceryna ang kamay sa kanya at mabilis na nakababa. Nagagalit na ito pero napanatili pa rin nitong huminahon. Pero sa bawat kilos naman ni Ceryna ay palatandaan na naghihimagsik ang
PAGBABA NIYA SA DINNING AREA AY NAABUTAN NIYANG PINAPAKAIN NI OLGA SI KAEL. Nakabihis na rin siya at maya maya lamang ay papasok na din siya. "Good morning, sweetie," nakangiting bati ni Ceryna sa anak at hinalikan ito sa noo. "Ako na," sabi niya kay Olga at ibinaba ang bag sa ibabaw ng mahabang
"WILL YOU TURN OFF THE LIGHTS?," nakakaakit ang boses ni Ceryna. Hindi na sumagot si Adrian. Mabilis itong umalis sa kama at pinatay ang ilaw. Sa pagbalik niya ay naaninag niya na nakatayo si Ceryna sa gilid ng kama at hinihintay siya. Kaagad na kumapit si Ceryna sa leeg ni Adrian nang makalapi







