Masuk"Ang pagibig ay tulad ng isang sugal, gaano man lalaki ang panalo kung sa maliit na halaga ay takot ka ng matalo.Hinding-Hindi ka papaldo" Abby "Run and hide all you want Abby, pero kahit saang sulok ng mundo ka man makarating, pag-aari kita at yun ang hindi mo matatakasan." Drake Si Abby, ulila na sa ina, ay araw-araw na nagtitiis.Talamak kasi sa sugal ang ama niya, kaya mula nang iwan sila ng yumaong ina, siya na ang nagpapakahirap para mabuhay silang dalawa. Mahirap nga namang palakihin ang magulang, madalas na hinaing niya. Para mabuhay, nagtitinda siyang kendi, tubig, sigarilyo,siomai at kung anu_ano pa sa umaga, sa isang paradahan ng mga jeep. Sa gabi naan ay ume-extra siyang dishwasher sa isang karaoke bar. Dahil kailangang gampanan ang responsabilidad sa maaga edad,hindi na niya natapos ang pag-aaral, kailangan niyang magtrabaho para sa kanila. May naiwan sanang mana ang ina niya mula sa pamilya nito na hindi nila nakilala at hindi man lang bumisita sa ina niya.Pero lahat iyon ay naubos ng ama niya dahil sa sugal. Labing walong taon si Abby ng dumating ang masamang balita. Dalawang lalaki, naka-coat and tie, ang dumating at sinabing kukunin na nila ang collateral ng utang ng ama niya. Nagulat si Abby, pero mas lalo siyang nagulantang nang malaman na siya pala ang collateral.Hindi kasi natupad ng ama niya ang pangako nitong babayaran ang utang sa casino sa loob ng anim na buwan. Nanlilisik ang mga mata ni Abby habang nakatingin sa ama. Pagkatapos, may kinuha ang lalaki sa bulsa—isang makapal na sobre. “Ito po ang karagdagang limang milyon para sa inyo, sabi ni Boss.” Ibinenta siya ng ama sa lalaking tinatawag niyang noong Uncle Drake,na ayon sa ama niya ay kinakapatid daw ng yumao niyang Ina.
Lihat lebih banyak"Scream my name, Abby, gusto kong marinig ang mga ungol mo, sambitin mo nang ulit ang pangalan ko, at higit sa lahat gusto kong magmakaawa ka at sabihin mong kailangan mo ako," paos na parang hirap na hirap na sabi ni Uncle Drake sa akin, ngunit pigil ang lakas ng boses nito.
Malalim at misteryoso ang boses nito. Hindi ko malaman kung galit ba ito, nag-uutos o nakikiusap. Ngunit isa lamang ang sigurado ako: ang mga mata nito na nakatuon at nakatitig nang malalim sa mga mata kong nakatotok din sa kanya ay puno ng pagnanasa. Nababasa ko ang hindi maipaliwanag na poot at halos halong pang-emosyon. Si Drake Mondragon, ang lalaking nagmamay ari na sa akin ngayonHalos gusto kong maiyak sa sandaing iyon. Pakiramdam ko ay para akong pagkain na tininda at ngayon ay handa nang tiklam nat lumukin ng customer na mapera. Nagtatagis ang bagang ng lalaki kasabay ng paggalawan ng mga muscle nito sa dibdib dahil nagawang kong makipaglaban nang tinitingnan dito na para bang sinasabi kong 'manigas kang hay*p ka'. Sinadya kong hindi kumibo, lalong hIndi man lang magpakita ng reaksiyon bago nagsalita sa walang ka-emo-emosyong tono. Halos magdiwang ako sa nakikita kong poot at pag-iinsulto sa mga mata ni Uncle Drake.
"Dream on, Uncle Drake, sige, mahibang ka at mangarap ka nang gising, bahala ka. Dahil kahit pumantay ang mga paa mo sa lupa, hindi mo 'yan maririnig mula sa akin. Never! Never kitang tatawagin, hinding-hindi sasambitin ng mga labi ko ang pangalan mo na kinasusuklaman ko! Nanlilisik ang mga mata ko sa sigaw ko nang pakawalan ko ang galit na kanina ko pa pinipigilan. "At higit sa lahat, gawin mo man ang lahat sa akin, kahit patayin mo ako, hinding-hindi ko aaminin na kailangan kita sa buhay ko dahil hindi mangyayari yun tandaan mo 'yan!"sabi ko pa sa kanya na lalong ikinalisik ng mga mata nito.
Kinasusuklaman ko ang lalaking nasa harap ko ngayon, si Drake Mondragon. Kinamumuhian ko rin ang aking ama. Ibang-iba ang pagkakakilala ko sa Uncle Drake na madalas ibida sa akin ni Itay noon, kung ikukumpara sa Uncle Drake na kasama ko ngayon.
Humalakhak si Drake, halakhak na nagdulot ng kilabot sa akin. Parang nanunuot ang bawat haakhak nito sa kanyang laman na nagbibigay ng nakakakuryenteng pakiramdam sa akin. Sa malawak at malamig na silid na iyon na naging bilangguan ko sa halos isang buwan, umalingawngaw ang makapangyarihang boses nito, ngunit nagawa kong hindi magpakita ng kahit anong takot. Isinumpa ko sa aking sarili na hindi ako yuyuko sa isang Drake Mondragon. Hindi, hindi ko kailanman kikilalanin ang lalaking ito na may-ari ng buhay ko. "Hindi ako ang may utang sa kanya. Hindi ako… Yun ang itinanim ko sa isip ko.
"Mas mabuti siguro, Abby, kung pag-aaralan mong maging masunurin. Alam mo, ayaw ko sa babaeng pakipot, malatigre at mahirap kausap." Sabi nito na nakapagtatakang kumalma ang boses at lumambot ang ekspresyon ng mukha. Nabigla ako sa biglang pagbabago nito. "Pero mas ginaganahan ako sa kama kapag palaban, tulad ng ginagawa mo. Lalo lang akong nasasabik," sabi pa nito sa akin.
Pagkataos ay muli itong humalakhak, ngunit walang mga titig na bumabaon sa aking buto. "Women come and go in my bed, sa tingin mo ba special ka? Nakakalimutan mo na ba kung bakit ka nakatapak sa mansion ko? Nakalimutan mo na ba na para sa iyong ama barya lang ang halaga mo?" sarkastiko ang naging tono ni Drake.
Para akong pinalo ng martilyo sa ulo, "Tama, barya lang ang halaga ko para sa tatay kong walang hiya." Kumuyom ang kamao ko. Ang galit na pinipigilan ko sa ama ko ay lumagpas na sa hangganan. 'Anuman ang mangyari, tatakasan kita, Uncle Drake," saumpa ko pa.
"Alam mo, Abby, mabait pa nga ako kung tutuusin. Kumpara sa ilang milyong utang ng tatay mo, sa tingin mo ba sapat kang kabayaran?I don't see you as worth millions, though. Gaano ba kamahal ang tingin mo sa sarili mo? Ako ang tipo ng taong kahit gaano kaliit na barya, kahit ultimo piso, kapag may utang ay sinisingil ko. Kaya sa laki ng utang ng ama mo sa akin, hindi ba dapat masulit ko, ultimo huling patak ng dugo mo ay kulang pa?" Kinilabutan ako sa sinabi nito, pero hindi ko pinahalata.
"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka pa dahil kahit barya lang ang halaga mo, tinanggap kitang kabayaran sa lahat ng utang ng ama mo?" Sarkastikong tono ang ginamit nito sa akin, kaya alam kong iniinsulto ako kaysa ang kinakausap. Nakakatakot si Uncle Drake kapag galit, ngunit pakiramdam ko mas nakakatakot ito kapag kalmado at hindi ko alam kung bakit. Para itong isang unos, hindi ko mabasa kung gaano kalakas , para itong malalim na tubig, tiyaka na malulunod ka. Ang makapal na bigote at balbas pa nito ay nakakadagdag sa aura nitong aakalain mong manyakis at mamamatay-tao. Mabuti na lang at mayaman ito, kaya makinis at mabango. Sa lalim ng iniisip ko ay natagalan akong walang kibo.
"Cat got your tongue, huh?' Sabi niya nang hindi ko magawang sumagot. Sukol ako doon sa mga sinabi nito. Isang katotohanang kinamumuhian ko man, iyon ang katotohanan.
"Now undress for me!" utos nito. Saka ako hinablot sa braso para mapaupo ako sa kama. Muli na naman akong natigalgal, kaya muli na naman niya akong sinigawan.
"Do it, damn it!" sigaw nito, pero nanatiling nakatingin lang ako sa lalaki. Nenenerbiyos ako kahit anong pagpapanggap kong matapang, kaya halos di ko magawang kumilos.
'What? Do you think ako ang gagawa? Ano bang ini-expect mo, Abby? Are you waiting for me to treat you like a Princess? Iniisip mo ba na pagpapantasyahan kita, itatrato ako bilang isang babaeng iniingatan at sinasamba? At mamumuhay kang reyna ng bahay ko. Ikaw ang nangangarap ng gising, Abby." Pag-insulto nito sa akin, doon ako parang natauhan.
"You mean nothing but collateral, Abby. You were here because of your scumbag father. Para sa tatay mo, isa ka lang pangbayad ng utang. Kung hindi sa akin, sa tingin mo, hindi ka rin ipangbabayad sa iba? Come'on Abby, ipangbabayad ka rin ng ama mo sa iba. So if I were you, yakapin mo na lang ang kapalaran mo and serve me better in bed, pwede ba?" sabi sa akin ni Uncle Drake. Halos umapaw ang pagkamuhi ko sa kanya. Halos manginig ako sa galit sa katotohanang ang lahat ay dahil lamang sa utang ni Itay na wala siyang kaalam-alam na umabot sa sampung milyon.
"To be honest with you, I'm a busy man at walang panahon sa drama mo." Nag-pause ito saglit at hinatak ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit at pagkagulat. "Now take off your clothes and serve me well!" pasinghal ang boses nito sa mga huling kataga, bakas ang galit at kawalan ng pasensya.
Tumulo ang luha ko sa kapalarang kinasadlakan ko, Ang sampal ng realidad na hindi ko na matatakasan pa ay hindi nakaya kahit anong pagmamatigas ng puso ko. Tama si Uncle Drake, kung hindi siya, malamang sa ibang lalaki din naman ako ipangbabayad ng aking ama, kaya nao man ang sitwasyun, hindi ako makakatakas sa kapalaran ko.
Kumilos na lamang ako nang makita kong nagsalubong ang makakapal na kilay ni Uncle Drake, kasabay ng masaganang pagtulo ng mga luha ko, unti-unti kong hinubad ang suot na bestida. Tumambad ang hubad kong katawan na halos manginig dahil sa ginaw sa loob ng silid.
"Take off everything," utos nitong naiinip na bestida ko lamang ang hinubad ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaalis ang hook ng aking bra, "Kaya mo ito, Abby, sandali lang 'yan, makakaya mo ito," kumbinsi ko sa aking sarili. Dumoble ang panginginig ng kamay ko nang dahan-dahan kong ibaba ang suot kong bulaklaking panty.
Gaya ng karagatan, hindi mananatiling payapa at walang alon ang lahat ng bagay sa mundo. Gaya rin ng panahon, hindi maaaring laging maaraw, maliwanag, at walang ulan. Darating at darating pa rin ang mga pagbabago at pagsubok na susubok sa tibay ng lahat. Sa nakalipas na ilang buwan, tila napawi na ang lahat ng lungkot at katahimikan sa mansyon ni Drake. Ang dating madilim at seryosong kapaligiran ay napalitan ng kulay at sigla dahil sa presensya ni Abby. Malaki ang naging pagbabago ng dalaga. Ito ang nagbigay ng buhay at tamis sa tahanan at puso niya. Para kay Drake, naging mas magaan at makulay ang bawat araw na kasama niya. Isang hapon, nakatayo si Abby sa terrace ng malaking mansyon habang nakatanaw sa malayo at hindi mapakali sa paghihintay. Nagpaalam kasi sa kanya si Drake na pupunta lang saglit sa isa pang casino nito sa Pangasinan, at sinabi nitong baka gabi na rin siya makabalik. Kahit alam niyang may dahilan ang pag-alis nito at hindi naman dapat mag-alala, hindi pa rin n
Ngunit gaya ng lahat ng magagandang panahon, kailangan din itong magwakas balang araw. Dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik sa siyudad. Natapos na ang mala-paraiso niyang sandali ni Drake sa napakagandang lugar na iyon. Isang lugar na tatak sa alaala ni Abby at marahil isa sa mga masasayang sandali na hindi niya makakalimutan. Bago sila umalis, tumayo sila sa may dalampasigan at muling tumingin sa paligid na naging saksi sa kanilang masasayang araw.“Tapos na ang ating pahinga,” sabi ni Drake habang inilalagay ang braso sa balikat ni Abby. “Pero huwag kang mag-alala. Kahit bumalik tayo sa magulong mundo, dala natin ang kapayapaang naramdaman natin dito. At basta magkasama tayo, kakayanin natin ang lahat.”Tumingala si Abby sa kanya at tumango nang may kumpiyansa.“Oo, kakayanin natin. Kahit anong mangyari, magkasama tayo,” sagot niya.Sumakay na sila sa sasakyan pauwi, dala ang magagandang alaala, ang matibay na pangako, at ang pag-asa na sa kabila ng mga pagsubok na nagh
Pumasok sila sa loob ng kwarto. Mahina lang ang ilaw, nagbibigay ng mainit at maaliwalas na paligid. Marahang inilapag ni Drake si Abby sa malambot na kama at sumandal siya sa tabi nito, hindi mabilis o padalos-dalos, kundi puno ng pag-iingat.Nanginginig nang kaunti ang katawan ni Abby, hindi sa takot kundi sa halo-halong kaba at tuwa. Napansin ito ni Drake, kaya hinaplos niya ang kanyang pisngi para kumalma siya. “Huwag kang kabahan, Abby. Hindi kita pipilitin sa anumang bagay. Kung kailangan mo ng panahon, hihintayin kita. Gusto ko lang iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal,” malumanay na wika ni Drake. Ngumiti si Abby at hinawakan ang mukha ng asawa.“Alam ko ‘yan, Drake. At gusto ko rin… gusto kong ibigay ang sarili ko sa’yo nang buong-buo. Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko nang lubos,” sagot niya nang mahina pero tapat. Dahan-dahang hinalikan ni Drake ang bawat bahagi ng mukha ni Abby. Ang noo, ang mga mata, ang pisngi, at ang mga labi. Ang bawat haplos ng kany
Nang sumunod na mga araw, naging masigla at puno ng lambingan ang vacation house na iyon ni Drake. Pansamantala ay parang nalimutan naman ni Abby ang mga alalahanin.Pakiramdam pa nga niha, sinasadyan ni Drake na umaga nang maaga mula sa mga pagbisita sa negosyo nito, lalo na sa dalawang branch ng casino nito. Hindi katulad dati na inaabot ito ng madaling-araw kapag galing sa casino.Sa loob ng isang linggo ay hindi nabanggit ni Drake ang kanyang ama o kung anuman ang alalahanin nito. Sa gabi naman ay hindi na muling narinig ni Abby ang pangalang iyon kahit sa pamamagitan ni Drake. Ang mga araw na nagdaan ay naging napakahaaga at nagpasaya kay Abby. Hanggang sa isang linggo pa ang lumipas, nasurpresa si Abby sa kanyang paggising. Wala si Drake sa kanyang tabi, ngunit naroon si Manang at bitbit ang kanyang almusal. "Manang, bakit nyo pa 'yan dinala dito? Bababa lang po ako para kumain. Nasa ibaba na po ba si Drake."Senyorita, dito na daw po kayo kumain ng breakfast in bed. Pagkatap












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan