LOGINKaya sa halip na ibunyag ang masakit na katotohanan, pinili niyang bumuo ng kwentong sapat upang mapatahan ang dalaga, kahit na ibig sabihin nito ay dadalhin niya ang lihim habambuhay sa kanyang dibdib. "Hindi ko na kayang ikuwento pa nang mas detalyado, Abby," garalgal na sabi niya habang nakayuko pa rin, pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Sapat na ang malaman mong matagal na siyang wala sa buhay ko. Ang nakaraan na iyon ay puno ng sakit at pagtataksil, at ayaw kong ibahagi pa iyon sa iyo dahil hindi mo karapat-dapat na madamay sa dumi ng nakaraan ng iba. Ang mahalaga... ikaw ang narito ngayon. Ikaw ang aking pipiliin araw-araw mula ngayon." Dahan-dahan siyang tumingin kay Abby, at pilit niyang tinatago ang pait sa kanyang mga mata. "Patawarin mo ako kung nabigla ako at nabalisa kanina. Pangako... hindi na muling mababanggit ang pangalang iyon. Wala na siyang puwang sa puso ko. Ikaw na lang, Abby. Ikaw na lang ang mahalaga sa akin." Lumapit siya at dahan-dahang niyakap
Naiwang nakatulala si Abby sa gitna ng magulong kumot, habang ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na pinto ng balkonahe ay tila tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Ang ligaya at kapanatagang naramdaman niya ilang sandali pa lamang ay biglang naglaho, napalitan ng matinding kirot at pagdududa. Ang pangalang hindi niya lubos na marinig nang malinaw, ngunit sapat na upang gunitain ang parehong pangalan mula sa nakaraan, ay umuulit-ulit sa kanyang isipan na parang isang sumpa. "Sino siya, bakit nababbggit ka niya.Ilang ulit na. Ikaw ba ang nakaraan?Ikaw ba ang dahilan kaya mailap siya?"nabalot ng mga tanong ang isip ni Abby. Hindi siya maaaring magkamali. Ang tono ng boses ni Drake, ang takot at sakit na halos hindi marinig sa kanyang bulong at lahat iyon ay nagpapatunay na may puwang pa rin ang babaeng iyon sa pinakailalim ng puso nito. Isang puwang na kahit anong gawin ni Abby, ay tila hindi niya mapupunan. Dahan-dahan siyang bumangon at binalot ang sarili ng kumot. A
"Hindi ba naniniwala si Drake sa Pag-IBIG? Kaya ba binata pa ito sa edad nito ngayon? Hindi naman ito matandang binata, pero sa edad nito ngayon, dapat ay may pamilya na ito at mga binata at dalagang anak na dapat. Ano nga ba ang dahilan at binata pa ang isang Drake Mondragon?" muni- muni ni Abby habanbg nakatunghay sa guwapong mukha ni Drake" Matapos ang sandali ng pag-unawa at pagtanggap ng isa’t isa, nanatiling nakayakap si Abby kay Drake, at sa katahimikan ng silid ay biglang binasag ni Drake ang katahimikan. Tiningnan niya ang mga mata ng dalaga na puno pa rin ng gulat at pag-asa, at binigkas ang salitang hindi inaasahan ni Abby. “Abby,” panimula ni Drake nang seryoso ngunit puno ng lambing. “May isa pa akong alok sa iyo, at ito ay hindi lamang para sa ngayon kundi para sa panghabang-buhay.” Nagtaka at nanlaki ang mga mata ni Abby. “Ano po iyon, Drake?” “Marry me,” mariing sabi ng binata."A-ano kamo? Marry you? Drake, nagbibiro ka ba?" nagulat na tanong ni Abby.“Hindi ko
Halos madurog ang puso ni Drake sa narinig. Tama nga ang hinala niya. Narinig ni Abby ang lahat. At parang binabayo ang puso niya sa mga naririnig na dahilan ni Abby. Gagawin nito ang sakripisyong iyon para hindi na siya huthutan pa ni Dencio. Mas nanaisin ni Abby na angkinin niya ito upang bumaba ang halaga at hindi na maikolaterali sa iba.Sa unang pagkakataon sa lahat ng panahon, ngayon lamang na-excite si Drake na angkin ang isang babae. Oo, kinakasabikan niya si Abby kahit pa nga palagi niyang pinipigilan ang sarili dahil sa mga maling akala. Pero mula kagabi na nalaman niya ang katotohanan . Lalo na lumabis ang paghanga , pananabik at pagkauhaw niya sa dalaga."Abby, hindi mo kailangang gawin ito. Mag-iisip ako ng paraan. Patawarin mo ako, Abby, kung hindi kita pinaniwalaan. Patawarin mo sana ako. Sa bawat halik ko ay parusa.Buong akala ko ay magkasabwat kayong magama. Pero maniwala ka, Abby, hindi ko pa man nakakausap ang ama mo kagabi. Hindi ko pa man naririnig ang kahayupan
Tahimik na tahimik ang buong kabahayan, at napakalalim na ng gabi. Wala nang ibang maririnig kundi ang mahinang lagaslas ng hangin na dumarampi sa mga bintana at ang mahinang ugong ng mga kagamitan sa loob ng bahay. Sa katahimikang iyon, dahan-dahang bumangon at humakbang si Abby palabas ng kanyang silid, suot ang isang manipis na damit pantulog na halos hindi makapagbigay ng sapat na init sa kanyang balat.Mahina ang kanyang mga yabag habang tinatahak ang mahabang pasilyo, na ang bawat hakbang ay tila mabigat na dala ng magulong isipan at matinding desisyong nabuo sa kanyang puso. Patungo ang kanyang lakad sa silid ni Drake. Sa gabing ito, tutuldukan na niya ang lahat ng pag-aalinlangan at pangamba. Sa gabing ito, babayaran niya ang itinuturing niyang malaking utang, isang kabayarang alam niyang maaaring hindi sapat upang takpan ang lahat ng pananagutan ng kanyang ama, ngunit tinitiyak niyang hindi ito magiging pagkawala o pagkabigo para kay Drake. Ayaw na ayaw niyang ipagpatuloy an
Sa gitna ng mabibigat na isipin at pagkatapos nilang mag-usap ni Drake, hindi mapakali si Abby. May kung anong kaba at pangamba na gumugulo sa kanyang kalooban. Isang pakiramdam na hindi pa tapos ang lahat at may darating na mas mabigat na pagsubok. Dahan-dahan siyang humiwalay sa yakap ni Drake at muling sumilip sa maliit na siwang sa pinto, patungo sa pasilyong madilim at tila walang katapusan. Sa isang iglap, halos huminto ang kanyang paghinga at nanigas ang kanyang buong katawan. Doon, sa liwanag ng lampara sa dulo ng pasilyo, nakita niyang naroon ang kanyang ama. Nakatayo ito sa dilim, nakasandal sa pader, at tila matagal nang nagmamasid at naghihintay. Ang anino nito ay tila bahagi ng kadiliman, at ang mga mata nito ay nakapako mismo sa direksyon ng kanilang silid. Ang hitsura nito ay gusgusin, pagod, at puno ng lumbay, ngunit higit sa lahat, kitang-kita sa mukha nito ang matinding pag-aalala at isang uri ng panlilinlang na matagal nang kilala ni Abby. At sa pagkakataong ito,
Hindi ko matanggap sa sarili ko noon na sinusuko ako ni Andrea ng ganito. Hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit pala magmahal ka ng sobra, ng tapat, ng dalisay, may mga bagay pa ring hindi sayo ibibigay. Hindi pala basehan ng kayamanan, o estado, o laki ng bahay para maging maligaya. Marahil ay
Narinig ko ang panggigipit sa boses ni Uncle Drake, isang banta na hindi ko kayang balewalain. Ang aking galit ay naglaho, napalitan ng pait at kawalan ng magawa. Hinayaan ko si Uncle Drake na pagmasdan ako, ang aking kalooban ay nagdurusa. Hindi ako sumagot, dahil sa sandaling iyon, wala na akong
Hindi rin revealing o seksi ang kanyang suot—bagama't sleeveless ang itaas, maong naman ang ibaba, at walang anumang hindi angkop sa kanyang hitsura. Makipot at manipis, ngunit may hugis-pusong labi, sakto lang ang lapad ng ilong, at ang mukha ay maliit din at hugis-puso. Nakita ko pa ang kagandaha
Umalingawngaw ang boses ko sa buong silid dahil sa gulat ko sa sinabi ni Uncle Drake. Nanlilisok ang mga mata kong tumingin sa kanya. Kung makakapstay lang ang titig ay matagal ng walang honjgna ang lalaking ito. "Hindi ako makakapayag na iyon ang kapalit. Hinding hindi ko hahayaan ang lalaking






![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
