登入Paglipas ng dalawang linggo, bumalik si Edison sa Pilipinas. Ang kaniyang mukha ay bakas ang matinding pagod at pagkadismaya. Ang biyahe niya sa Canada ay naging isang malaking bangungot—wala siyang nakitang Arah, walang bakas ng kaniyang asawa sa anumang hotel o dokumento. Ang "Arah" na nakita ng tauhan niya sa airport ay isang estranghero na binayaran lamang para maglakad nang mabilis, at nang harapin niya ito sa Canada, wala itong alam sa nangyayari.Naloko siya. Nilinlang siya.Pagpasok pa lamang ni Edison sa mansyon, sinalubong siya ni Kate na nakasakay sa kaniyang wheelchair, mukhang nag-aalala. "Edison? Nakabalik ka na? Nasaan si Arah? Nahanap mo ba siya?"Hindi sumagot si Edison. Ang kaniyang mga mata ay madilim, parang isang bagyong nagbabadyang sumabog. Nilampasan niya si Kate nang hindi man lang ito tinitignan. Ang kaniyang puso ay mabigat, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa pangungulila na pilit niyang itinatago.Dumiretso siya sa kwarto ni Leo. Pagbukas niya ng pin
Habang payapang naninirahan si Arah sa tahimik na bahay sa Palawan, puspusan naman ang ginagawang paghahanap ni Edison sa siyudad. Hindi siya natutulog, hindi siya kumakain nang maayos. Ang kaniyang buong atensyon ay nakatuon lamang sa paghahanap kay Arah. Hindi niya alam na ang bawat hakbang niya ay bahagi na ng matalinong plano ni Julian para iligaw siya.Si Julian, na pamilyar sa bawat galaw ni Edison, ay nag-abang ng tamang pagkakataon. Alam niyang kapag nagpakita siya ng anumang hinala, agad siyang babantayan ni Edison. Kaya naman, gumamit siya ng isang "pain" o pain para akalain ni Edison na nasa airport si Arah.Isang babaeng may katulad na pangangatawan at suot ni Arah ang dinala ni Julian sa airport. Ang babae ay binigyan ng pekeng pasaporte na may pangalan ni Arah. Ginalaw ni Julian ang mga CCTV footage sa airport para magmukhang pumasok ang babae sa terminal ng mga flight pa-Canada.Bandang hapon, nakatanggap si Edison ng balita mula sa isa sa kaniyang pinagkakatiwalaa
Ang pagtakas mula sa mansyon ay hindi lamang simpleng pag-alis; ito ay isang desisyong na magbabago sa buhay ni Arah. Habang mabilis na binabaybay ng sasakyan ni Julian ang madilim at paliku-likong kalsada papalayo sa siyudad, ang isip ni Arah ay hindi mapakali. Nakatingin siya sa bintana, pinagmamasdan ang mga puno at poste ng kuryente na mabilis na lumilipas sa dilim. Ang bawat metrong nalalampasan nila ay nagpapagaan nang kaunti sa kaniyang dibdib, ngunit ang pangamba ay nananatiling nakadapo sa kaniyang puso."Saan tayo pupunta, Julian?" tanong ni Arah sa mahinang boses. Ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang pitaka, na tila doon nakasalalay ang kaniyang kaligtasan.Sumulyap si Julian sa kaniya, bakas ang sinseridad at pag-aalala sa kaniyang mga mata. "May maliit na bahay ang pamilya ko sa probinsya, sa Palawan. Tahimik doon, malayo sa ingay at gulo ng mansyon. Hindi ka mahahanap ni Edison doon dahil hindi iyon nakalista sa anumang ari-arian ko. Kahit ang m
Si Edison, na kakagising lang mula sa isang napakaikling pahinga dahil kagagaling lang niya ospital, ay nakaramdam ng pagtataka.Karaniwan, bago pa man tumunog ang alarm niya, naririnig na niya ang mga yabag ni Arah sa pasilyo. Si Arah ang laging nauunang bumaba para asikasuhin ang pagkain ni Leo at siguraduhing maayos ang lahat bago magsimula ang araw. Ngunit hanggang sa oras na ito, nananatiling tahimik ang mansyon."Arah?" tawag ni Edison, ang boses ay rehistrado sa buong sala.Walang sumagot. Lumingon siya sa mga katulong na abala sa paglilinis. "Nasaan si Arah? Bakit hindi pa siya bumababa?"Nagkatinginan ang mga katulong, nag-aalangan. Si Manang elena ang sumagot. "Hindi ko po alam, Sir. Hindi pa po lumalabas si Ma'am Arah sa kanyang kwarto simula kagabi."Kumunot ang noo ni Edison. "Anong hindi pa lumalabas? Sige, ako na ang titingin."Mabilis na umakyat si Edison sa ikalawang palapag. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis ang pintig ng kaniyang puso habang papa
Ang gabi sa loob ng mansyon ay tila walang katapusan. Sa loob ng kaniyang silid, hindi makatulog si Arah. Ang bawat pag-ikot ng orasan ay tila nagpapaalala sa kaniya na paubos na ang kaniyang panahon. Alam niyang kapag nakabalik na si Kate mula sa ospital, mas lalong magiging impyerno ang buhay niya."Kailangan ko nang umalis," bulong niya sa dilim.Ang plano niya ay masakit sa kanyang kalooban: iiwan niya si Leo. Alam niyang kay Edison ang tanging ligtas na kanlungan ni Leo sa ngayon. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa kaniyang pagtakas dahil hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa labas. Delikado para sa kalusugan ni Leo ang sumama sa kanya at hindi niya mapapatawad ang sarili kung madamay ang bata sa kaniyang kapahamakan.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Dahil gabi na, sigurado siyang tulog na ang mga guwardiya sa labas, o kaya naman ay nakabantay sa malayo. Gamit ang kaalaman niya sa bawat sulok ng mansyon, lumusot siya sa madidilim na
Ang hallway ng ospital ay napakatahimik, tanging ang tunog lamang ng mga yabag ni Edison ang umalingawngaw. Papunta siya sa kwarto ni Kate ng makasalubong ang doktor na tumigin kay Kate na nakakagaling pa lang sa kwarto ni Kate. Ang mukha ng doktor ay bakas ang matinding pag-aalala. Ngunit nang magsalita ang doktor, tila gumuho ang mundo ni Edison."I’m sorry, Mr. Edison. Hindi namin naisalba ang sanggol. Masyadong malakas ang impact ng pagkahulog ni Kate, at dahil sa komplikasyon, tuluyan na siyang nakunan," malumanay ngunit diretsahang pahayag ng doktor.Napatungo si Edison. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig sa matinding pagsisisi. "Dapat... dapat hindi ko na lang siya pinatira sa mansyon. Sana hindi ko na lang siya inuwi roon. Hindi sana ito nangyari kung naging mas maingat ako."Sa kaniyang isipan, pilit niyang binubuo ang mga piraso ng pangyayari. Bilang matagal na kababata ni Kate, pakiramdam niya ay responsibilidad niya ito. Iniwan si Kate ng boyfriend nito at nalubog
Chapter 15Mabagal ang pagmulat ng mata ni Arah.Sandaling naguluhan siya kung nasaan siya, hanggang sa maramdaman niya ang lambot ng kama at ang malamig na hangin mula sa aircon ng private room sa offce. Tahimik ang paligid, pero hindi nakakabingi—kundi nakakapanatag sa isang kakaibang paraan.Hin
Bumigat ang pakiramdam ni Arah. Pagbukas ng elevator, dahan-dahan siyang lumabas. Akala niya ay normal lang ang pagod ng araw, pero biglang sumiklab ang kakaibang hilo sa ulo niya. Kasabay no’n, may kumirot sa bandang tiyan niya—mahina sa una, pero biglang dumoble.Napahawak siya sa gilid ng recep
Tahimik pa rin si Arah sa loob ng comfort room.Nakasandal siya sa sink, mahigpit ang kapit sa gilid nito habang pilit pinapakalma ang sariling paghinga. Basang-basa ang pisngi niya, pero hindi na niya pinupunasan.Parang wala na ring saysay.Sa isip niya, paulit-ulit pa rin ang boses ni Joan.Temp
Tahimik ang buong comfort room maliban sa mahinang tunog ng tubig mula sa faucet. Pero para kay Arah— parang sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nakatayo si Joan sa harap ng malaking salamin, eleganteng inaayos ang buhok niya habang tila walang pakialam sa bigat ng tensyon sa pagitan nila. Par







