LOGINAMAYA'S POV
"AYAN! GANIYAN TALAGA kapag mga palengkera. Deserve mapahiya." "Buti nga." "Iskandalosa kasi." Ilan lang sa narinig ko mula sa mga taong nakikiusyuso sa pag-iiskandalo ni Ate Verlyn. "Hindi pa tayo tapos, Amaya." Banta niya habang matalim ang tinging ipinupukol sa akin. "Hindi pa ako tapos sa 'yo. Hindi ako papayag na back to normal na ang buhay mo habang posibleng makulong ng panghabambuhay ang kapatid ko dahil sa 'yo--" "Leave." Maawtoridad na putol ni Atty. Nick sa pagsasalita ni Ate Verlyn. "Huwag kang makialam dito--" "I said leave. Or gusto mong kasuhan pa kita ng assault bago ka umalis?" Pagbabanta nito, matigas na tono. "Tinatakot mo ba ako?" "No. Sinasabi ko lang kung anong puwedeng mangyari sa 'yo dahil sa pag-iiskandalo mo rito. Hindi ka lang nag-iiskandalo, nanakit ka pa." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Atty. Mukhang hindi niya rin kilala kung sino ang taong kaharap nito. Sa akin pa rin nakatutok ang matalim niyang mga mata. "Hindi pa ako tapos sa 'yo. Hindi pa, Amaya." Iyon lang at tumalikod na siya, saka humakbang paalis. Buong akala naming lahat ay aalis na talaga siya, ngunit bigla siyang humarap sabay hagis ng kung anong napulot niya sabay hagis sa direksyon ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Bago ko pa man mailagan ang ibinato niya, tinamaan na ako sa gilid ng noo ko. Agad kong kinapa ang tinamaan kong noo, pagtingin ko sa kamay ko, may dugo. "Amaya!" Gulat na bulalas ni Atty. Nick. "Syet, you're bleeding! Syet!" Malutong na pagmumura niya, saka inutusan ang dalawang lalaking kadarating lamang na huwag hahayaang makaalis si Ate Verlyn. "Yes, Boss. Kami na po ang bahala sa kaniya," anang isa sa dalawang lalaki. "Thank you," pasalamat pa niya bago ako hinawakan sa siko ko. "Wait--" "Let's go." Iyon lang at halos hilahin na niya ako papasok ng restaurant. Ngunit bago pa man niya ako tuluyang maipasok sa loob, narinig ko ang malakas na sigaw ni Ate Verlyn na kesyo malandi raw ako kaya muntik nang ma-rape. Nasaktan ako. Para siyang hindi babae kung makapagsalita sa akin nang gano'n. "Huwag kang lalabas dito. Understood?!" May bahid ng galit at awtoridad na utos ni Atty. Nick nang madala ako sa opisina ko. "Understood?!" Ulit niya nang hindi ako sumagot. Sa mahapdi kong noo kasi nakatuon ang atensyon ko. "Amaya." Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. "Damn her!" Malutong niyang pagmumura habang nakatingin sa noo ko na ngayon ay walang tigil sa pagdurugo. "Masakit? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Natigilan ako. Bigla kasing huminahon ang boses niyang kanina lang ay puno ng bagsik. "Amaya." Untag niya nang hindi agad ako nakasagot. "Hindi na. Maliit lang naman 'to." "Maliit nga, pero madugo." "Hindi na." Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya nang inilayo ko sa kaniya ang noo ko. Hahawakan niya kasi sana, pero umiwas ako. Pumalatak ito. Mahinang nagmura, saka umalis at malakas na isinara ang pinto ng opisina ko. Hindi pa natatagalan nang muling bumukas ang pinto, pumasok si Carmel--ang isa sa staff ko. Bitbit niya ang aming medicine kit dito sa restaurant. "Ma'am, lalapatan ko lang po ng first aid ang sugat n'yo, ha?" Magalang na paalam niya sa akin. "Ako na lang, Carmel." Presenta ko, pero hindi siya pumayag. Kabilin-bilinan daw ng boss namin na siya ang maglilinis ng sugat ko. Wala na akong nagawa kundi ang pabayaan siyang linisin ang sugat ko. "Ouch! Mahapdi. Dahan-dahan lang." Napapangiwi kong reklamo. Mahapdi kasi at makirot. "Hindi naman malaki ang sugat n'yo, Ma'am, pero medyo malalim at madugo po." Komento niya. "Kaya nga, eh." Nasabi ko na lang, saka nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ni Ate Verlyn. Iyong murahin, puwede ko pang paniwalaan na kaya niyang gawin. Pero 'yong saktan ako intentionally ay ibang usapan na. Hindi ko in-expect na aabot siya sa ganito dahil sa galit sa akin. "Ma'am, mawalang-galang na po, pero paano n'yo po natagalan?" Mayamaya ay usisa ni Carmel. "Natagalan ang alin?" "Iyong gano'ng pagtrato po sa inyo ng ate ni Sir Anthony? Hindi lang niya kayo basta ipinahiya, sinaktan ka pa niya, Ma'am." Ngumiti lang ako, hindi na nagkomento dahil ayoko nang palalain ang sitwasyon. Kahit papa'no, gusto kong unawain si Ate Verlyn dahil kagaya niya napu-frustrate din naman ako. "Mahal na mahal n'yo po talaga si Sir Anthony, Ma'am, ano?" Napangiti ako. "Oo naman. Hindi naman kami aabot ng tatlong taon kung hindi ko siya mahal, eh." "Pero paano 'yon, Ma'am?" "Ang alin?" "'Yong sitwasyon n'yo po, Ma'am. Kasi hindi n'yo pa po asawa si Sir Anthony, pero kung itrato kayo ng pamilya niya, kakaiba. Buti hindi n'yo po naisip na makipaghiwalay kay Sir Anthony noon pa." "Mahal ko, eh." "Kahit gano'n sa inyo ang pamilya niya?" Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa kanila ang relasyon ko kay Anthony dahil araw-araw ay siya ang taga-sundo at taga-hatid ko. Hindi rin lingid sa kanila na may pagkakataong pamilya ni Anthony ang dahilan ng minsang pag-aaway namin. Dahil kagaya ng sinabi ko, may ibang babae silang gusto para kay Anthony. Saksi ang mga kasamahan ko sa trabaho sa ups and downs na relasyon namin ni Anthony. "Sapat na ba ang pagmamahal para mag-stay ka sa isang relasyon na maraming kontra, Ma'am?" "Oo naman." Walang gatol na sagot ko. "Kahit po ayaw sa inyo ng pamilya ni Sir Anthony?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman sila ang pakakasalan ko kung sakali, Carmel. Alam ni Anthony ang sitwasyon namin ng pamilya niya kaya sigurado ako na once na bumuo na kami ng pamilya, hindi niya ako ititira sa bahay na kasama ang pamilya niya." "Pero kahit na po, Ma'am. Kapag mag-asawa na kayo ni Sir Anthony, mas magkakaroon na sila ng access na manghimasok at makialam." Umiling ako. "May tiwala ako kay Anthony. Alam kong hindi siya papayag na gawin 'yon ng pamilya niya sa aming dalawa. Mahal niya ako, Carmel. Mahal namin ang isa't isa. At naniniwala ako na itong mga pinagdadaanan namin ngayon ang mas magpapatibay sa relasyon naming dalawa." "Grabe, Ma'am. Sa 'yo na talaga ang korona. Super love mo talaga si Sir Anthony. Nakaka-proud dahil hindi lahat ng babae ay kayang gawin ang ginagawa n'yong pananatili sa piling niya kahit maraming kontrabida. Kasi ako, Ma'am, hindi ko kaya 'yan. 'Yong mag-stay sa isang relasyon na maraming stress ba. Kasi 'di ba? Kaya ka nakipagrelasyon kasi gusto mo 'yong inspiration." "Kasama 'yon sa relasyon Carmel. Trust me, boring ang relasyon kapag puro saya lang." "Okay na ako sa boring kaysa sa stressful na relasyon, Ma'am." Tuloy ang pag-uusap namin ni Carmel habang nilalapatan niya ng first aid ang sugat ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na kung siya raw ang nasa sitwasyon ko at gano'n ang pamilya ng boyfriend niya, stop na. Tatakbo raw siya palayo, agad-agad. "S'werte lang ni Sir Anthony kasi mahal na mahal mo siya, Ma'am." "S'werte din ako sa kaniya dahil mahal niya ako, Carmel. Kaya handa kong gawin ang lahat para sa kaniya, para makalaya siya at matupad namin ang mga plano namin na ilang taon naming binuo." "Hayss. Pag-ibig nga nama--" tumigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa gawing pinto. Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang nagpipigil ito ng kilig. Lumingon din ako. Para lang makita ko ro'n si Atty. Nick. Nakatayo habang seryoso ang mukha. Kung gaano na siya katagal ro'n, hindi ko alam. "Ma'am Maya, okay na po." Tukoy niya sa paglilinis ng sugat ko, nalagyan na rin niya ng bandage. "Thank you, Carmel." "You're welcome, Ma'am." Dinampot nito ang medicine kit na muntik nang mahulog dahil natataranta ito. "Okay ka lang, Carmel?" "Opo, Ma'am." "Ba't nanginginig ka? Gutom ka ba?" Lumapit siya sa akin at bumulong. "Hindi ako gutom, Ma'am. Grabe kasi 'yang new boss natin, nakakapanginig ng tinggil. Ang guwapo! Ang hot! Siya ang tunay na example ng TDH, Ma'am. Tall, Daks, and handsome!" Impit na sabi niya, kilig na kilig. "Carmel!" Saway ko, "baka marinig ka." "Single pa kaya siya, Ma'am?" Bulong niyang tanong. "Aba, malay ko. Sa kaniya mo itanong." "Soon. Kapag close na kami--" Malakas na tikhim ang pumutol sa pagbulong ni Carmel sa akin. Pulang-pula ang mukha nito, saka nagpaalam na sa akin na aalis na. "M-Mauna na po ako, Ma'am." "Sige. Thank you ulit." Tumango ito at naglakad palapit sa pintuan kung saan naroon ang boss daw namin. Nakapagtataka dahil hindi ko alam na iba ang may-ari nito. Akala ko si Mr. Chen pa rin, hindi na pala. Kung kailan pa nagpalit, hindi ko rin alam dahil kababalik ko lang sa trabaho ngayong araw. Kababalik ko lang, pero ganito na agad ang nangyari. Medyo kabado ako dahil baka sa nangyari ay tanggalin ako nito sa trabaho ko. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil ngayon ko ito mas kailangan. Nang makalabas si Carmel, isinarado nito ang pinto, saka naglakad palapit sa akin. Kinakabahan ako dahil madilim ang kaniyang mukha. Tumayo ako at humingi ng paumanhin sa nangyaring gulo sa labas kanina. Hindi siya umimik. "Hindi na po mauulit 'yon--" "Let's not talk about it." Putol niya sa sasabihin ko. "Pasensya na po." Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Kailangan ko pa bang ipakilala sa 'yo ang sarili ko?" "As my new boss? Siguro po. The last time I checked, si Mr. Chen po ang boss namin. Hindi po yata ako na-inform na iba na ang may-ari nito." "Then let me introduce myself, I am Nicholas San Martin, the new owner of this chain. Your new boss." Pakilala nito sa sarili, saka naglahad ng kamay. Bilang respeto sa bagong may-ari, tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you, Sir." "Yeah, definitely. Nice to see you again, Amaya." Binawi ko ang kamay ko nang pisilin niya 'yon. "Kung wala na po kayong sasabihin, lalabas na po ako." "Magtatrabaho ka pa rin after what happened? Wala kang planong umuwi? At magpahinga?" "No, Sir. I'm okay." "Are you sure?" "Yes." Tumango-tango ito. Nasa may pintuan na ako nang muli siyang magsalita. "By the way, I'm still single." Mabilis ang ginawa kong paglingon. "Hindi ko po itinatanong, Sir." Ngumiti ito. "Yeah. Para lang alam mo." Kumunot ang noo ko. Interesado ba ako kung single ka? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil sa kasunod niyang sinabi. "Baka lang magtanong ulit 'yong staff mo. At least, may isasagot ka na. I'm still single... Single for now."Ngumiti lang si Nick at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi ko yata kayang tapatan iyong mga sinabi mo. Mamaya ko na lang siguro sasabihinkapag tayong dalawa na lang." Natawa ang lahat, maging si Father. "Ayusin mo kasi." Udyok niya. "Mas gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal kaysa ang sabihin word by word." Namayani ang katahimikan. Tila naghihintay ang lahat kay Nick, na hindi papayag na walang sabihin. Tumikhim ito bago nagsalita. "Sana alam mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ngayon, habang nakatayo tayong dalawa dito, hindi mo lang tinupad ang pangarap kong maikasal sa 'yo, tinupad mo rin iyong pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap na akala ko, hindi na matutupad dahil nasaktan kita nang sobra."Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy."And thank you for still choosing me. Thank you dahil pinili mong magpatawad kasya ang magalit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyong sinabi mo. During that
EVERY STEP Aya took, para siyang hindi makahinga. Hindi siya makahinga hindi dahil nasu-suffocate siya kundi dahil sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa dibdib niya ngayon habang mabagal na naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harapan. Tumigil si Aya sa gitna. Hindi dahil ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad kundi dahil gusto niyang pagmasdan ang paligid. Today is her wedding day to the best man she love. Her husband to be. Nick. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang wedding bouquet nang makita ang kabuuan ng paligid. Naluluha siya sa sobrang ganda. It's far from her wedding dream before. Ang pangarap niyang kasal noon, sa simbahan, maraming bisita, mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak, at maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak. At ang kasal nilang ito ni Nick ngayon, sobrang kakaiba sa dream wedding niya noon. Malayong-malayo. Dahil ngayon habang pinagmamasdan ang paligid, pakiramdam niya ay nasa isang napakagandang paraiso niya. Puting yate sa gitn
"K-Kuya, bakit dito?" kaagad niyang tanong sa kapatid nang ma-realize na sa reception sila pumunta. "Kuya, iuwi mo muna ako sa bahay, please?" Pakiusap niya. "Hindi puwede." "K-Kuya." "I'm sorry." Nagtaka siya. "Sorry? Sorry saan?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan nito. "Kuya, uwi na lang tayo--" Kusang natigilan si Aya nang makita ang loob ng pinasukan nila ng kapatid. It's not a wedding reception. Kundi isang madilim na lugar na tanging mga kandila ang nagsisilbing liwanag. "K-Kuya, ano 'to?" Napasinghap siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Doon niya nakita ang napakaraming bulaklak na kulay pula lahat. Pero hindi iyon ang nagpabilis sa tib0k ng puso niya kundi ang lalaking gusto ng makipaghiwalay sa kaniya kanina. Si Nick. Nasa gitna siya ng pahugis pusong mga bulaklak, karga sa magkabilang bisig ang kanilang kambal. "A-Anong meron?" Mahina niyang sambit, dahil naroon ang lahat ng dumalo sa kasal ng ate niya. In
SPEECHLESS si Aya habang nakaharap sa malaking salamin. Katatapos lamang niyang ayusan ng make up artist na kinuha ng mommy Viona niya para sa kanila. Ngayon kasi ang silver wedding anniversary ng Ate Rosie at Kuya Nicholai niya kaya nakaayos siya. Hindi lamang siya kundi silang lahat. Maliban sa Ate Rosie niya na iba ang make up artist. Siyempre, given na iyon dahil ito ang bride. Yes, bride. Dahil ngayong silver wedding anniversary nila ay muli itong pakakasalan ni Kuya Nicholai. At isa siya sa bridesmaids ng Ate Rosie niya. Kaya ayos na ayos rin siya. "Ako ba 'to?" Hindi napigilang tanong ni Aya sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya ugaling puruhin ang sarili kahit noon pa, pero ngayon, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili. Ang ganda-ganda kasi niya ngayon. Grabe 'yong glow up niya sa make up niya. Natakpan talaga ang dark spots sa gilid ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing puyat sa kaniyang kambal. Iyong mga mata niya, k
At dahil mas'yado siyang masaya, wala siyang panahon para isipin ang hidwaan sa pagitan nila. Ukopado ng mag-iina niya ang buong pagkatao niya hanggang sa wakas, makarating sila sa harap ng mansiyon ng mga Imperial. Natawa si Nicholai nang sa pagmamadali niyang makababa ng sasakyan, muntik na siyang madapa. "Relax, bro. Madidisgrasya ka kapag hindi ka kumalma." Napabuntong hininga si Nick at hinimas ang sariling dibdib para ikalma ang sarili. "Right timing ang dating natin. Mom messaged me, nasa kuwarto raw ang mag-iina mo." Tumango lang si Nick at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang kapatid. Awtomatikong umawang ang bibig ni Nick nang makita ang malaking banner pagpasok pa lang ng main door. "Welcome Home, Daddy Nick! WE LOVE YOU!" iyon ang nakasulat sa malaking banner. Hindi lang iyon. Mayro'ng iba't ibang kulay ng mga lobo. Mayro'n sa kisame, sa sahig. Nilapitan niya ang mga lobong may tali. Halos hindi siya makahinga nang makitang mga
ABALA ANG mga tao sa mansiyon ng mga Imperial dahil sa inihahandang pa-welcome party ni Aya para kay Nick. Bukas pa ang discharge ni Nick, pero sa sobrang excited ni Aya at gustong gawing isang espesyal na araw ang paglabas ni Nick mula sa hospital ay talagang naghanda siya isang araw bago pa makauwi si Nick. Tulog ang kambal niya kaya malaya siyang tumulong sa mga ito sa pagdi-decorate. "Ate Sara, medyo hindi pantay 'yong welcome daddy. Mas mataas sa left side." Komento niya na ang kausap ay ang isa sa kasambahay ng pamilya Imperial. Inayos ni Sara ang banner. "Okay na po, Señorita?" "Yes. Pantay na. Thank you." "Walang anuman po, Señorita." Nakangiting sabi ng kasambahay na si Sara at pagkuwa'y nagpalobo na ng mga balloons. Abalang-abala si Aya nang lapitan siya ng kapatid na si Joana. Kanina pa ito sa mansiyon ng mga Imperial dahil nang malaman nito na may inihahanda siya para kay Nick, nagpresinta itong tumulong. At inaamin niya na medyo ikinagulat niya iyon. Hindi na
AMAYA SHANNEL NO. HINDI SIYA IYON. Piping paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Kahit ang totoo, kinukutuban na ako. Aya, chill. Maraming San Martin sa mundo. Imposibleng siya iyon. Piping patuloy na pagpapakalma ko sa aking sarili. Pero hindi, eh. Nagkataon lang ba iyon na kaapilyedo ni
"Hindi nga akin iyan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala? Malamang talaga kay Shine iyan." Mukhang diskumpiyado pa rin sila. "Promise. Ilang beses ko nang nakapalitan ng ulam si Shine, at kilala ko iyan. Ilang beses ko na ring nakita na may naghatid-sundo sa kaniya diyan. Kaniya talaga iyan. Teka, at
Amaya Shannel KAHIT GALING sa bar kagabi, maaga pa rin akong bumangon para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Paalis kasi kami ngayon ng mga bago kong officemates. Aakyat kami ng Batangas. Nagyaya silang mag-hiking at hindi ako nagdawang-isip na sumama. Kagabi sa bar, pinag-usapan na namin ang
NICHOLAS "N-NICK, PLEASE," she begged. Tumigil ako sa pag-angkin sa kaniya dahil nakikita kong nahihirapan siya sa akin. I'm huge. At dahil ako ang una, alam kong masakit sa part niya. "W-Why did you stop?" "You're hurting." Emosyonal ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Yeah, i







