LOGINSlamat po! Sa gusto pong mabasa si Dok at Rome, nasa Yugto App po sila. Search n'yo lang po same pen name ko. Title po niya, My Uncle's Best Friend Is My Lover. salamat
"What's her name?" Ulit niya. Ngunit bago pa makasagot si Warren, nakita niyang wala na si Primo sa tabi ng kaniyang asawa. Ang kasama na nito, ang asawa ni Mike na si Keira, ang pamangkin niyang si Rome, si Maureen na pamangkin ni Warren, at si Patricia. At dahil wala ng Primo, madali na niyang mahihiram si Aya sa mga ito. Walang inaksayang sandali si Nick, tumayo na siya at mabilis na nagpaalam sa mga kaibigan na pupuntahan ang kaniyang asawa. Sa sobrang atat na masolo ang asawa, hindi na niya nakita ang pagpapalitan ng tingin nina Mike at Warren sa mesa kung saan niya iniwan ang dalawang kaibigan. ______NAPAIKTAD SI Aya nang mapang-angking pumulupot sa beywang nito ang mga braso ni Nick mula sa likuran. "Hi, wife," anas niya sa may punong-tainga nito sabay dampi ng halik sa pisngi. Napangiti si Nick dahil sa iba't ibang reaksyon ng mga babaeng kasama ng kaniyang asawa. May nakangiti, may sumimangot at may napangiwi. "Nick, ano ka ba?" Tila nakikiliting tinampal ni Aya nang
KANINA PA atat na atat na magkulong sa kuwarto sa ibaba si Nick para masolo ang asawa niyang si Aya, pero hindi siya makaporma. Paano siya makakaporma kung mula pa kanina, hindi pa nababakante ang asawa niya. Lalapit pa lang siya kay Aya, may bigla na namang susulpot para hiramin ito, may magpapa-picture at makipagkuwentuhan. Kuhang-kuha na ng mga bisita nila ang inis niya. Dahil kanina pa siya nakakaramdam na sinasadya ng mga ito na hindi mabakante ang asawa niya. Kaya kahit kasama niya sa table ang kaniyang mga kaibigan, kay Aya nakapukos ang tingin niya. Para kung mabakante ito, makalapit siya agad. "Yes. Finally!" Tuwang-tuwa niyang sabi nang makita niyang mag-isa na lamang si Aya. Mabilis siyang tumayo para puntahan ito. Ngunit hindi pa siya nakahahakbang man lang nang lapitan ito ng kapatid nitong si Primo. "Nananadya ka na talaga." Inis na himutok ni Nick at walang nagawa kundi ang muling umupo. "What?" Nilingon niya ang kaibigang si Mike nang tumawa ito. "What's funny?"
Ngumiti lang si Nick at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi ko yata kayang tapatan iyong mga sinabi mo. Mamaya ko na lang siguro sasabihinkapag tayong dalawa na lang." Natawa ang lahat, maging si Father. "Ayusin mo kasi." Udyok niya. "Mas gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal kaysa ang sabihin word by word." Namayani ang katahimikan. Tila naghihintay ang lahat kay Nick, na hindi papayag na walang sabihin. Tumikhim ito bago nagsalita. "Sana alam mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ngayon, habang nakatayo tayong dalawa dito, hindi mo lang tinupad ang pangarap kong maikasal sa 'yo, tinupad mo rin iyong pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap na akala ko, hindi na matutupad dahil nasaktan kita nang sobra."Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy."And thank you for still choosing me. Thank you dahil pinili mong magpatawad kasya ang magalit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyong sinabi mo. During that
EVERY STEP Aya took, para siyang hindi makahinga. Hindi siya makahinga hindi dahil nasu-suffocate siya kundi dahil sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa dibdib niya ngayon habang mabagal na naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harapan. Tumigil si Aya sa gitna. Hindi dahil ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad kundi dahil gusto niyang pagmasdan ang paligid. Today is her wedding day to the best man she love. Her husband to be. Nick. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang wedding bouquet nang makita ang kabuuan ng paligid. Naluluha siya sa sobrang ganda. It's far from her wedding dream before. Ang pangarap niyang kasal noon, sa simbahan, maraming bisita, mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak, at maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak. At ang kasal nilang ito ni Nick ngayon, sobrang kakaiba sa dream wedding niya noon. Malayong-malayo. Dahil ngayon habang pinagmamasdan ang paligid, pakiramdam niya ay nasa isang napakagandang paraiso niya. Puting yate sa gitn
"K-Kuya, bakit dito?" kaagad niyang tanong sa kapatid nang ma-realize na sa reception sila pumunta. "Kuya, iuwi mo muna ako sa bahay, please?" Pakiusap niya. "Hindi puwede." "K-Kuya." "I'm sorry." Nagtaka siya. "Sorry? Sorry saan?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan nito. "Kuya, uwi na lang tayo--" Kusang natigilan si Aya nang makita ang loob ng pinasukan nila ng kapatid. It's not a wedding reception. Kundi isang madilim na lugar na tanging mga kandila ang nagsisilbing liwanag. "K-Kuya, ano 'to?" Napasinghap siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Doon niya nakita ang napakaraming bulaklak na kulay pula lahat. Pero hindi iyon ang nagpabilis sa tib0k ng puso niya kundi ang lalaking gusto ng makipaghiwalay sa kaniya kanina. Si Nick. Nasa gitna siya ng pahugis pusong mga bulaklak, karga sa magkabilang bisig ang kanilang kambal. "A-Anong meron?" Mahina niyang sambit, dahil naroon ang lahat ng dumalo sa kasal ng ate niya. In
SPEECHLESS si Aya habang nakaharap sa malaking salamin. Katatapos lamang niyang ayusan ng make up artist na kinuha ng mommy Viona niya para sa kanila. Ngayon kasi ang silver wedding anniversary ng Ate Rosie at Kuya Nicholai niya kaya nakaayos siya. Hindi lamang siya kundi silang lahat. Maliban sa Ate Rosie niya na iba ang make up artist. Siyempre, given na iyon dahil ito ang bride. Yes, bride. Dahil ngayong silver wedding anniversary nila ay muli itong pakakasalan ni Kuya Nicholai. At isa siya sa bridesmaids ng Ate Rosie niya. Kaya ayos na ayos rin siya. "Ako ba 'to?" Hindi napigilang tanong ni Aya sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya ugaling puruhin ang sarili kahit noon pa, pero ngayon, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili. Ang ganda-ganda kasi niya ngayon. Grabe 'yong glow up niya sa make up niya. Natakpan talaga ang dark spots sa gilid ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing puyat sa kaniyang kambal. Iyong mga mata niya, k
"Bro, listen. Naiintindihan ko iyang himutok mo, pero iyong takot na nararamdaman ng asawa mo, normal iyon. At dapat, ikaw ang unang makakaintindi sa kaniya, Bro. Kilala mo si Dad, right? Kapag nagsalita iyon, hindi mo basta-basta malulunok. Bawat salitang ibabato niya sa 'yo, siguradong tatagos han
NAPAPAILING na lamang ang nakatatandang kapatid ni Nick na si Nicholai at ang pinsan nitong si Liam dahil sa nakikitang hitsura nito. Nakarami na ng nainom na alak si Nick, pero ayaw pa ring tumigil sa pag-inom. Kahit anong pigil ni Nicholai at Liam dito ay hindi nila maawat-awat. Kanina pa ito n
CHAPTER 58 MATAGAL NA TINITIGAN ni Aya ang kuwintas na hawak niya. Hindi niya maintindihan dahil habang nakatitig sa kuwintas, nag-iba ang pintig ng puso niya. "Baka ang kuwintas na iyan ang magturo sa 'yo kung sino ang tunay mong mga magulang." Mula sa kuwintas ay nag-angat ng tingin si Aya sa k
NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim sa paligid, pero nakahiga pa rin siya sa kama. Hinayaan siyang mapag-isa ng kaniyang pamilya tulad ng hiling niya. Ilang oras na siyang nakahiga at sinusubukang makatulog ngunit gising na gising ang diwa niya. Hindi siya makatulog sa dami ng gumugulo sa isipan ni







