MasukSi Arabella ay isang simpleng dalagang lumaki sa probinsya na may malaking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, tila napakalayo ng pangarap na iyon para sa kanya. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw ay mababago rin niya ang kanilang buhay.Isang araw, inalok siya ng kanyang tiyahin, na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ng isang oportunidad. Maaari siyang magtrabaho bilang kasambahay kapalit ng libreng pag-aaral at buwanang sahod. Para kay Arabella, ito na ang pagkakataong matagal niyang hinihintay kaya buong tapang niyang tinanggap ang alok.Pagdating niya sa Maynila, nakilala niya si Ethan Morales, ang mayamang binata na magiging amo niya. Sa malaking bahay ni Ethan, silang dalawa lamang ang magkasamang naninirahan. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nabuo ang isang espesyal na samahan sa pagitan nila. Hanggang sa hindi namamalayan ni Ethan na nahuhulog na pala ang kanyang puso sa simpleng probinsyanang nagdala ng liwanag at saya sa kanyang buhay.Ngunit magiging sapat kaya ang pag-ibig upang pagtagpuin ang dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay? O hahadlang ang mga pagsubok at lihim na naghihintay sa kanilang landas?"Arabella: Ang Kasambahay na Minahal ng Bilyonaryong Amo.
Lihat lebih banyakArabella POV.
Nagulat ako nang magising dahil sa marahang pagsundot ni Mama gamit ang kanyang paa. “Ara, gumising ka na! Mamayang hapon na ang flight mo papuntang Manila, hindi ba?” sigaw niya. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napangiwi dahil sa antok na bumabalot pa rin sa akin. “Mamasukan ka lang bilang kasambahay sa Manila, kung makatulog ka naman akala mo wala kang lakad. Baka mauna pang magising ang magiging amo mo kaysa sa'yo,” dagdag pa niya. “Mama naman!” reklamo ko habang inuunat ang aking katawan. Tuluyan akong bumangon mula sa higaan. “Maligo ka na. Maya-maya lang ay darating na ang tita mo,” saad niya bago lumabas ng aking silid. “Opo, Ma,” sagot ko. Nang maisara niya ang pinto, napabuntong-hininga ako. Tumayo ako at nagtungo sa banyo upang maligo. Kagabi pa lamang ay nakapag-impake na ako ng aking mga gamit. Maayos nang nakalagay ang aking mga damit sa lumang maletang dadalhin ko sa aking pag-alis. Ilang oras na lamang at tuluyan ko nang iiwan ang Mindanao. Dala ko ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral habang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila. Hindi man madali ang landas na tatahakin ko, handa akong magsakripisyo para sa kinabukasang matagal ko nang pinapangarap. Napatingin ako sa aking maleta at muling napabuntong-hininga. Excited akong maranasan ang bagong buhay na naghihintay sa akin sa Maynila, ngunit hindi ko rin maikakaila ang kaba na unti-unting sumisikip sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon, lalayo ako sa aking pamilya at sa lugar na aking kinalakihan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hindi ko alam kung magiging mabait ba ang magiging amo ko o kung kakayanin ko ang mga pagsubok na haharapin ko. Ngunit isang bagay ang sigurado. Gagawin ko ang lahat upang matupad ang aking mga pangarap. Kaya kahit may takot at pangamba sa aking puso, pinili kong ngumiti. Ito ang simula ng panibagong kabanata ng aking buhay, at handa akong harapin ang anumang kapalarang naghihintay sa akin sa Maynila. Matapos kong maligo, isinuot ko ang aking simpleng damit—isang fitted jeans at crop top, kasama ang hindi na gaanong bagong pares ng sapatos. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang aking mahabang buhok na maayos na bumabagsak sa aking likod. Alam kong hindi ako iyong tipong napapalingon ang lahat dahil sa ganda. Hindi rin ako gaanong katangkaran. Ngunit bumabawi naman ang aking maitim at makapal na buhok na madalas ay pinupuri ng iba.. Humarap ako sa salamin at marahang ngumiti. “Ang ganda mo talaga, self,” bulong ko sa sarili. Ngunit bigla akong napangiwi nang may malakas na bumatok sa ulo ko. “Magising ka na, Ate!” natatawang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at nakita ang nakababata kong kapatid na si Lian. Binatukan ko rin siya pabalik. “Ate mo 'ko.” Napahawak siya sa ulo niya at akmang gaganti, ngunit agad ko siyang pinangdilatan ng mata kaya napaatras siya. Hindi nagtagal ay dumating na si Tita. Kinuha ko ang aking maleta at backpack habang nakasabit naman sa aking braso ang jacket ko. Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko sina Mama na naghihintay na sa labas. “Ba't ba ang tagal mo?” sigaw agad ni Mama. Napasimangot ako. “Aalis na nga ako, sinisigawan mo pa ako.” Narinig ko naman si Mama na kausap si Tita. “O, Rose, ikaw na ang bahala sa pamangkin mo roon.” Kasabay no'n ay isinasakay na sa tricycle ang mga dala naming gamit. “Oo, Ate. Ako na ang bahala sa kanya,” sagot ni Tita. “Tara na, Ara. Malayo pa ang airport,” saad niya. “Opo, Tita.” Lumapit muna ako kina Mama. “Ma, aalis na po ako. Ingat kayo rito.” Mahigpit ko silang niyakap isa-isa. Wala si Papa nang umalis ako dahil maaga itong pumasok sa trabaho. “Ikaw ang mag-ingat doon. Huwag kang pasaway kay Tita mo, Ara,” bilin ni Mama. “Opo, Ma.” Nginitian ko sila bago ko niyakap ang mga kapatid ko. Huling lumapit sa akin si Lian. Niyakap ko siya nang mahigpit, ngunit nang makawala siya ay mabilis ko siyang binatukan sa ulo bago ako patakbong sumakay sa tricycle. “Ate!” Agad siyang napasigaw habang hinihimas ang ulo niya. “Tara na po, Manong!” natatawa kong sabi. Hindi ko mapigilang matawa habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha ni Lian na tila gustong-gusto akong habulin. Kahit may lungkot sa pag-alis ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kakulitan ng kapatid ko. Nang makarating kami sa Maynila, agad naming kinuha ang aming mga maleta bago lumabas ng airport. Ayon kay Tita, naghihintay na raw sa labas ang driver na susundo sa amin. Paglabas ko pa lamang ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Ganito pala ang Maynila. Matataas na gusali, naglalakihang billboard, at napakaraming sasakyan sa kalsada. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting kaba sa unang pagkakataon kong pagtapak sa lungsod na ito. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang driver. Agad nitong kinuha at isinakay sa sasakyan ang lahat ng aming maleta bago kami pinasakay. "Manang Rose, diretso po tayo sa bahay ni Sir Ethan," saad ng driver. "Okay, George," sagot naman ni Tita. Pagkasakay namin ay bahagyang katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Abala ako sa pagmamasid sa mga tanawin sa labas ng bintana nang biglang magsalita si George. "Kumain na po ba kayo?" tanong niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. "Hindi pa nga eh," sagot ni Tita. . "Idadaan ko muna kayo sa Jollibee. Magda-drive-thru na lang tayo. Iyon din kasi ang bilin ni Sir Ethan," sabi niya. Sandali siyang tumahimik bago muling nagsalita. "Pero huwag n'yo pong kakainin dito sa sasakyan niya. Nagagalit po kasi si Sir kapag may kumakain sa loob ng kotse niya. Doon na lang po kayo kumain sa kwartong tutuluyan n'yo ngayong gabi." "Opo," sagot ni Tita. Tahimik naman akong nakinig sa kanilang usapan habang patuloy na nakatanaw sa bintana. Habang binabagtas namin ang mga kalsada ng Maynila ay hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Kung saan-saan napupunta ang tingin ko dahil sa dami ng nakikita kong bago. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang Jollibee drive-thru. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit saan talaga ako mapunta, Jollibee pa rin ang una kong makikita. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay muli kaming bumiyahe patungo sa bahay ni Sir Ethan. Habang papalapit kami sa aming destinasyon ay lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang magiging amo ko. Ang alam ko lang, ngayong gabi ay tuluyan nang magsisimula ang bago kong buhay sa Maynila.Tahimik kong inayos ang mga gamit na ibinigay ni Sir Ethan. Ang bagong bag ay isinabit ko sa balikat ko habang maingat kong inilagay ang cellphone sa loob nito. Ayon sa kanya, 'yon na raw ang gagamitin ko mula ngayon. Hindi ko na lamang siya kinontra. Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking hotel. Napatingala ako. "Wow..." Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at ganda nito. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad akong sumunod kay Sir Ethan papasok sa loob. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makarating kami sa function hall. Napakalawak nito. Maliwanag ang mga ilaw, elegante ang mga dekorasyon, at puno ng mga taong nakasuot ng mamahaling damit. Bigla tuloy akong nailang. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Tahimik akong naglalakad sa tabi ni Sir Ethan habang pinagmamasdan ang paligid. Ngunit bago pa kami tuluyang makapasok sa loob ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Natigilan ako. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay
Bago matapos ang pag-aayos sa akin ay bumalik na si Sir Ethan. May dala siyang pagkain at dalawang paper bag. Tahimik niya iyong inilapag sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi pa naman tapos ang mga staff sa pag-aayos sa akin. Hindi pa nga nila nasisimulan ang makeup ko."Kumain ka muna." Malamig na naman ang tono ng boses niya, katulad ng nakasanayan ko. "Okay po." Agad namang huminto ang mga staff sa ginagawa nila upang makakain muna ako. Tahimik akong kumain habang paminsan-minsan ay sumusulyap kay Sir Ethan.Naupo lamang siya sa sofa sa loob ng parlor, abala sa pag-scroll sa kanyang cellphone. Ni hindi man lang siya tumitingin sa direksyon ko. Parang laging may kaaway ang taong 'to. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.Pagkatapos kong kumain ay agad ding ipinagpatuloy ng mga staff ang pag-aayos sa akin. Maya-maya ay sinimulan na nila ang aking makeup. Hindi naman makapal ang inilagay nila. Light makeup lamang na bagay sa mukha ko. Habang tumatagal ay lalo akong nap
Tiningnan niya ako nang matalim bago muling nagsalita. "Ano? Ayaw mo ng isang daang libo?" Tahimik akong napalunok, Tama siya. Kailangan ko ang pera.Malapit na ang pasukan ng mga kapatid ko at malaking tulong ang halagang iyon para sa kanilang pag-aaral. Bukod pa roon, matagal ko nang pangarap na mapaayos ang bahay namin sa probinsya.Ilang sandali akong natahimik habang nag-iisip. Pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan. "Magpapanggap lang naman, 'di ba?" paniniguro ko. "Wala nang iba." Bahagya siyang tumango."Oo." Pagkatapos ay sumandal siya sa kanyang upuan. "Mukhang ikaw pa nga ang lugi rito." Madiin ang pagkakasabi niya noon. Napakunot-noo ako. Hindi nga talaga normal ang boss ko. Sino ba namang magbabayad ng isang daang libo para lang may magpanggap na girlfriend? Ngunit sa huli ay wala na rin akong nakitang dahilan para tumanggi."Okay po." Sandali siyang tumingin sa'kin bago muling nagsalita. "Lumabas ka na. Ano pa'ng hinihintay mo?" Bigla siyang nagsalita nang may kalakasan
"Ba't parang nakakita ka ng multo? Naistorbo pa yata kita sa pagchi-chill mo?"Bahagyang nakataas ang isang kilay ni Sir Ethan habang nakatingin sa akin."A-ah... hindi po, Sir," mabilis kong sagot.Agad akong ngumiti kahit medyo kinakabahan pa rin dahil sa pagkagulat ko.Ngunit nang makaiwas ang tingin niya, hindi ko napigilang magbulong."Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Bigla ka na lang susulpot tapos bubuksan ang pinto."Akala ko ay hindi niya maririnig ang sinabi ko.Ngunit tila napakatalas yata ng pandinig ng lalaking iyon."May sinasabi ka?"Agad akong napatuwid ng tayo."Ah... wala po, Sir."Tumango lamang siya ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.Nang makalayo siya nang kaunti, muli akong nagbulong sa sarili."Gwapo sana..."Napahinto ako sandali."Kaso sobrang pinaglihi sa sama ng loob."Napailing ako habang pinipigilan ang sariling matawa.Kung may medalya lang para sa kasungitan, sigurado akong isa si Sir Ethan sa mga mananalo.Ngunit siyempre, sa isip ko






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.