LOGINI went inside the room and saw my grandfather’s worried eyes met mine. Agad itong napatayo nang makita ako.
“Apo.”
Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko siya. Ganun din si Lolo M, nilingon ako at ang taong kasunod kong pumasok. Kita sa mga mata ng mga chairman ang pag-alala dahil sa biglaan kong paglayas kanina.
Binigyan ko ng ngiti ang dalawang matanda bago humakbang palapit sa kanila. “Sorry po, urgent lang talaga yung pag-bathroom break ko,” pagsisinungaling ko sa kanila.
Hinagod ko ng haplos ang kamay ng Lolo ko upang i-assure siya bago ako umupo sa tabi niya. Umupo na rin si Alessandro sa harapan ko. Kahit wala akong salamin ngayon dahil binato ko sa kaniya kanina, nakita ko pa rin ang titig niya sa akin.
Si Lolo M ang unang tumikhim at bumasag sa katahimikan.
“So…have you talk?” mahina lang ang boses niya, sinisguradong hindi na ako mabigla.
Ngumiti ako kay Lolo M at tumango. “Pasenya na po kanina, Lolo M. Nag-away po kasi kami ni Alessandro kaya nabigla lang po talaga ako nang sinabi niyo yung about sa kasal.” Bahagya akong napatawa at pinandilatan ng mata si Alessandro nang saa ganon ay siya naman ang magsalita.
Tumikhim muna ito at sumabay na rin sa pagsisinungaling ko. “Yes, Lo. We haven’t mention this before to the both of you, but actually Felicia and I are already in a relationship.”
Nasamid ako sa iniinom na tubig dahil sa sinabi niya. The fuck?! Anong pinagsasabi ng babaerong ito?
Binigyan niya lamang ako ng ‘what-look’ kaya napakislot na lamang ako sa labi ko.
Lolo M at ang Lolo ko ay sabay na nanlaki ang mata sa rebelasyon ni Alessandro.
“Talaga? Kailan pa naging kayo?” tanong ng Lolo ko.
“Last month po.”
“Last week po.”
Sabay kaming nagtinginan ni Alessandro nang hindi magtugma ang sinabi namin. Pwede ba, ayusin mo!
Bahagya na lang akong napatawa. “Ang ibig po niyang sabihin, last month pa po siyang nanligaw. Pero last week pa po naging kami.”
Tumango ang dalawang matanda sa sinabi ko. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman nila. Tsk, kung maka react akala mo naman hindi nag-arrange ng kasal namin ni Alessandro eh.
“Mabuti naman kung ganoon, ay hindi na kayo maiiwasan pang mag-adjust.”
“Oo nga apo, mabuti naman at first boyfriend mo ay si Alessandro. Importante rin kasi ‘yong pakasalan mo ang lalaking matagal mo ng kilala.”
“Haha oo nga po.”
Pilit lamang akong ngumiti para itago ang hindi ko pagsang-ayon sa planong ito. Oo nga po, sa sobrang kilala ko sa lalaking ‘yan mabibilang ko na ilan ang babaeng nadala niya sa opisina niya.
Nagsitawanan lang ang dalawang matanda at saka nag cheers ng wine glass nila. Habang ako dito sumimsim nalang ng tubig, at tumahimik. Mukha ba akong nasisiyahan dito para makisabay sa kanila.
Ganoon din si Alessandro tahimik itong umiinom ng rum sa baso niya. Maingat at tahimik ko lamang siyang tinitigan habang nag-uusap ang mga matatanda.
Umangat ang tingin niya at nagtagpo ang mata naming dalawa. Wala akong nakitang reaksyon sa sseryoso niyang mukha. Nagtitigan lamang kaming dalawa kahit lumipas ang isang oras. Hanggang sa tumayo na ang dalawang chairman upang mauna ng umalis.
Naiwan kaming dalawa sa private room, tahimik na nagtitigan habang magkaharap. Nakailang baso na rin siya ng alak kaya namumula na ang mukha niya.
“You look gorgeous without your glasses.” Basag niya sa katahimikan.
“Lasing ka na,” sabi ko.
“I am.”
Napairap na lamang ako sa pagiging honest niya. Napabuntong hininga ako at tumayo saka lumapit sa kaniya. Mataman niya lamang akong tinitigan hanggang makalapit ako. Mapupungay ang mata niya nang inilahad ko ang kamay ko. Lasing na talaga siya.
“Where’s your key? I’ll drive,” sabi ko.
Sumilay lang ang ngiti niya sa labi. Umiling siya sa naging suggestion ko. “Trying to act as my secretary, hm? Bukas maging asawa na kita. What should I call you in the office then? Ms. Sanuevoz or Misis ko?”
Kumunot lang ang mukha ko sa sinabi niya. “Pwede ba huwag kang mag joke dahil nagsitayuan ang mga balahibo ko. Akin na nga ang susi mo at uuwi na tayo!”
Mas lalo lamang siyang ngumiti sa naging asik ko. Lasing na talaga ‘tong gung-gong na ito eh. Sumilay na rin ang dimple niya kakangiti. Ang mga mata niya ay mapupungay lamang na nakatingin sa akin habang namumula ang pisngi dahil sa alak.
“Uuwi na tayo? Sa akin ka uuwi.”
I rolled my eyes in frustration dahil sa pinagsasabi niya. Isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mag-asikaso ng isang lasing eh.
“Bibilang ako ng tatlo. Kung hindi mo ibibigay ang susi, iiwan kita dito.” Pagbabanta ko.
Ngumuso lamang siya na parang bata at naghalukipkip sa bulsa niya para kunin ang susi.
Agad niya itong ibinigay sa akin at umirap na akala mo hindi pinagbigyan ng candy eh.
“Hmp sungit ng misis ko.”
"Tangina, wala akong damit sa cabinet."Natigilan ako sa sinabi niya. Mataman ko siyang tinitigan at baka pinaglalaruan na niya naman ako. “You're kidding.”“No, I'm not. I don't have clothes here Fely. Puros mga hotel robes lang ang nandito,” aniya. Kaya agad na akong bumangon upang icheck ang sinabi niya.Shit. Fuck. No. Napamura na lamang ako sa sarili nang makita mismo ng mga mata ko ang puros robes lang. Ba't hindi ko ito na realize kanina? No, no, no. My own grandfather would not dare do this to me, right? "Akala ko ba may damit ka dito?" Hindi ko na maiwasan ang ma frustrate. Talagang pinag tetestingan ako ng araw na ito.He just shrugged. "Akala ko rin. My lolo texted me about it." He looked at me almost laughing. "Relax, alright? I'll just sleep with the robes on. It's not like we're going to—""No," agad kong sabi at sinamaan siya ng tingin. Kung anu-ano ba naman ang naiisip ng utak niya.Mas lalo lamang siyang tumawa nang malakas nang makita ang reaksyon ko. "Fely, we can
"Ayoko," matigas na sabi ko.Nagkibit balikat lamang siya sa akin. "Okay, kung gusto mong umuwi mag-isa ngayong gabi, uuwi ka mag-isa. I'm not coming with you, I'll stay in our booked hotel here."Sinamaan ko siya ng tingin, kulang nalang durugin siya ng mga mata ko. Sobrang bagot ako ngayong araw at naimbyerna sa kaniya dahil hindi man lang siya sumipot sa opisina. Ang dami kong ginawa at inatupag na mga papeles."Tsk. Whatever." Iyon na lamang ang naging tanging sagot ko. Dahil kahit gusto kong umuwi at ayokong makasama siya ngayong gabi, hindi ko rin naman alam kung paano ang mag commute.Bukas na lang nang maaga, uuwi ako. Maaga akong magigising nang sa ganon maiwan ko siya habang tulog pa siya at maaliwalas ang pag-alis ko.Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkain at isa-isa itong inilapag ng mga waiters. Halata talaga na pinaghandaan ito ng mga Lolo namin eh. Unang nag slice si Alessandro ng steak at binigay sa akin saka siya nagsimulang kumain nang tahimik. Ganun nalang di
Para akong nangingitngit sa galit nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Pero imbes na pairalin ko ang init ng ulo ko ay bumuntong hininga na lamang ako para pakalmahin ang sarili."My grandfather called, reminding us of the dinner they set. Sa Tagaytay daw ang location," sabi ko sa telepono, isiniwalang tabi ko ang sinabi niya kanina."Tagaytay?" aniya."Yes, why? Are you too intoxicated to check your phone? Lolo M probably sent you the location already at baka hindi mo lang talaga na check dahil busy ka sa club." Muntik na akong mapa-irap sa ere dahil sa sariling mga salita na lumabas sa bibig ko."I'm not drunk. Bakit sa Tagaytay? Ang layo.""Aba, malay ko! Kaya huwag ka ng magsayang ng oras at tumulak na tayo. Not unless if you want this fake relationship to be known by them.""Tsk. Fine, where are you?""Sa office.""You're still there? Diba ang sabi ko mag half-day ka lang?"Hindi ko mapigilan ang mapatawa nang maiksi at sarkastiko. "Syempre nandito pa ako! Ikaw ba naman ang m
Naglakad ako palabas ng Bamboo Garden sa ilalim ng tirik na araw. Hindi na ako lumingon sa aking likuran upang tignan lang pabalik si Alessandro. Bahala na nga siya jan. Naiinis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Isabay pa itong panahon na walang katapusang init.Mabuti nalang paglampas ko ng gate ay may pararating na na isang taxi cab kaya agad akong nag para. Ngunit bago pa man ito makahinto nang tuluyan sa harapan ko ay isang kotse ang pumaharurot ang daan palabas mula sa bamboo garden. Muntik na akong matumba dahil sa gulat!Dumaan lang naman sa aking harapan na animo'y isang sports car. Nilupad nito ang aking mga buhok at salo ko lahat ang paglanghap ko sa usok na niluwa mula sa exhaust pipe ng sasakyan niya. Malutong akong napamura sa sarili.What the hell? Sino ang walang hiyang bobong 'yon?Pagkatapos kong pagpaypayin ang sarili mula sa mga usok, galit akong napabaling sa sasakyan na unti-unti ng lumalayo sa akin. Isang
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naabutan ko siyang seryoso pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Siya ang unang napabuga ng hangin at nagsalita na tila talunan sa patagalan ng titig naming dalawa. "Her name was Talliana Tallington, daughter of the Tallington Corp," aniya at humalukipkip. Tumango ako sa sinabi niya. Tallington Corp. huh? I've never heard he's close with the Tallington's. Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kaniya bilang isang sekretarya, ngayon ko lang alam na magkasosyo sila ng Tallington Corp. He even knew the daughter.What a coincidence it is, huh? "Your turn, who called you?" tanong niya, habang naka-ukit ang kurba sa mga kilay niya."Friend," simple kong sagot. Alam kong hindi siya naging kuntento sa sinabi ko dahil mas lalo lamang kumunot ang noo niya."Friend who?""None of your business," sabi ko at tumayo. "I'm done eating." Dugtong ko sa pahayag kahit kaka start ko lang kumain kanina. Nagtiim bagang siya sa biglaang inasta ko pero hindi ko siya pi
"Saan tayo pupunta?" Ako na ang pumutol sa katahimikang namayani sa loob ng kotse kahit naiinis ako sa kaniya. Ilang minuto na rin kasi siyang nagmamaneho at iilang restaurant na rin ang nadaanan namin. Malapit pa naman ang area ng La Monte Group sa mga kainan at hotels kaya maraming mapipilian agad agad kapag lalabas ng building.Pero ang gung-gong na ito, dinadaanan niya lamang ang lahat na akala mo nagsawa na siya sa mga 'yan. Akala mo talaga ni minsan ay naka-apak na siya sa bawat kainang nandito."Where are we going?" Tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.Maikli niya lamang akong pinasadahan ng tingin bago tumugon. "Secret. Surprise nga hindi ba?"Napa-irap ako. Huwag niyang sabihin na totohanin niya talaga ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya kanina sa mga chairman? Surprise, my ass! Pinaglalaruan niya lang talaga ako."Pwede ba? Hindi ako nagbibiro dito.""What? Me neither," aniya at nagfocus lamang sa pagmamaneho. Pinagsingkitan ko siya ng mata. "
Agad kong binuksan ang pinto ng opisina niya at pumasok. Naabutan ko siyang naka-upo sa swivel chair niya habang may files na binabasa. Nag-angat siya ng tingin at nang makitang ako ang pumasok ay binitawan niya ang binabasa niyang papel at napabuntong hininga. Tumingin siya sa kaniyang relo bago m
“Maikasal ka pa rin sa akin.” Umalingawngaw ang bawat salitang binitawan niya sa kaibuturan ng eardrums ko. Nagmukha akong kalahok sa isang patimpalak, dahil sa walang tigil na pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at kinalma ang sarili habang nakatutok sa sariling repleksyon ng
“Kasal?! Anong kasal? Sino pong ikakasal?” Naguguluhan kong tanong sa kanila. Teka lang ha, sa pagkaka-alam ko ang pagiging sekretarya lang naman ang aware akong napagkasunduan namin.“Oo. Hindi ba nasabi ng apo ko? Last month pa ito namin napagkasunduan ng Lolo mo,” casual na sabi ni Lolo M at sak
Kinabukasan nag-punta ako ng kompanya na may bitbit na mabigat sa aking loob. Parang mayroong bagaheng nakapatong sa dalawang balikat ko na naging dahilan ng bagal ko sa paglakad. Pagkatapos kong maihatid si Alessandro kagabi sa bahay niya, nagpahatid na rin ako ng driver niya patungong condo ko.







