Mag-log in
EMERY
“Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang narinig ko, Doc Hidalgo?” wika ko, halos hindi makapaniwala. Ngumiti ang doktor at tumango. “Yes, Mrs. Montenegro, successful ang IVF procedure. Malakas ang kapit ng mga anak mo at healthy sila.” Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sa wakas. Sa loob ng limang taon, ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng pag-asa. Limang taon ng pagtitiyaga. Limang taon ng pagtitiis. Limang taon ng pagkapit sa isang lalaking paulit-ulit akong sinasaktan. Tinanggap ko si Weston kahit alam kong niloloko niya ako at ng bestfriend kong si Ravia Salvador At ngayon, heto na, may anak na kami. Hindi man sa paraang pinangarap ko noon, hindi man bunga ng pagmamahal na kusa niyang ibinigay, pero anak pa rin namin ito. Baka ito na ang simula ng lahat. Baka kapag nakita niyang kaya kong dalhin ang tagapagmana ng pamilyang Montenegro, tuluyan na niya akong piliin. “Pwede na po kayong magbihis,” magaan na sabi ng nurse. Tumango ako at marahang hinaplos ang tiyan ko kahit alam kong wala pang umbok roon. Mabilis kong kinuha ang phone ko mula sa bag at tiningnan ang screen. Walang tawag. Walang text. Huling mensahe pa rin ni Weston ang nakita ko, tatlong oras na ang nakalipas. From: Weston Sorry, hindi kita masasamahan sa clinic. Busy pa sa office. Napasulyap ako sa oras ng cellphone ko. Lampas alas singko na pala ng hapon. Sinabi ko kay Weston na ngayon ang follow-up scan ko. Sinabi kong gusto ko siyang makasama sa araw na ito. Pero gaya ng dati, wala pa rin siyang pakialam sa akin. Pinilit kong lunukin ang pait na bumara sa lalamunan ko. Ayokong sirain ang araw na ito. Hindi sa araw na unang beses kong narinig ang tibok ng mga anak ko. Kaya ngumiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko. Okay lang, Emery. Sabihin mo na lang sa kanya mamaya. Kapag nakita niya ang ultrasound. Kapag nalaman niyang kambal ang anak niyo. Baka matuwa siya. Baka yakapin ka niya. Baka— “Ma'am, may naiwan po kayo.” Lumingon ako. Inabot ng nurse ang brown envelope na dala ko kanina—nandoon ang copies ng laboratory requests, resibo, at ang maliit na gift box na binili ko kahapon. Isang pares ng puting baby shoes. Napakaliit, kasya lang halos sa palad ko. Siguro kailangan kong bumili pa ng isa para sa isa kong kambal. Ibibigay ko ang mga iyon kay Weston para surpresahin siya. Ngumiti ako at tinanggap iyon. “Thank you.” Paglabas ko ng fertility clinic, sinalubong ako ng malamig na hangin sa labas, pero hindi nito kayang patayin ang init na bumabalot sa dibdib ko. Huminto ako sa tapat ng building at muling tiningnan ang ultrasound printout. Muli akong napangiti. Isang mahina, marupok, at halos hindi ko na kilalang ngiti ang kusang sumilay sa mga labi ko. Hindi ko akalain makakabuo kami ng kambal. Sulit ang lahat ng sakit sa pinagdaanan kong procedure. Marami na rin akong natamong pasa sa katawan ko, mairaos lang ito. Mahigpit kong niyakap ang envelope sa dibdib ko bago ako sumakay sa kotse at tahimik na nagmaneho patungo sa Montenegro Grand Tower. Doon ang opisina ni Weston. Siya ang CEO ng Montenegro Group. Hawak rin niya ang kompanyang iniwan ng daddy ko—ang Armani Group. Kailangan ko raw muna magpahinga at mag-focus sa pagbubuntis kahit gusto kong magtrabaho. Ngunit ngayon na alam kong kambal ang dinadala ko, ipagliliban ko muna ang paghawak sa kompanya. Sa Montenegro tower kami madalas maghapunan ni Weston kapag hindi siya “busy,” kapag nagkakaroon siya ng kahit kaunting oras para gampanan ang papel bilang asawa ko. Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong sapat na ang mumunting sandaling iyon—ang mga hapunang bihira, ang maiikling usapan, ang malamig niyang pagtingin sa akin. Pagdating ko sa penthouse floor ng tower, pamilyar na pamilyar na sa akin ang katahimikan. Napatingin si Secretary Lydia sa akin at agad na tumayo. “Ma’am Emery, good evening po. Kanina pa po kayo?” “Kararating ko lang. Nasaan pala si Weston?” tanong ko. Bahagyang nag-atubili ang babae. “He’s inside the lounge, ma’am. May kausap po.” Ngumiti ako. Alam kong sa ganitong oras, tapos na ang trabaho ni Weston. Siguro kausap lang nito ang kliyente niya. “Ayos lang, Lydia. I’ll surprise him,” excited kong sabi. “Uhm, okay po,” may alinlangan sa sabi ng secretary. Napayuko ito at hindi na nagsalita. Saglit akong natahimik sa nakita ko, doon ako nanghinala. Ngunit abala akong hawak-hawak ang maliit na gift box at ultrasound envelope sa dibdib ko, parang batang sabik ipakita ang regalong matagal ko nang itinago. Tahimik akong lumapit sa private lounge. Bahagyang nakaawang ang pinto, at mula roon ay lumalabas ang malamig na ilaw mula sa loob. Mahigpit kong hawak ang maliit na gift box at ang ultrasound envelope. At bago ko pa man tuluyang maitulak ang pinto, narinig ko na ang boses ni Ravia. Napahinto ako. Parang biglang nanigas ang buo kong katawan sa kinatatayuan ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi na rin ako nakagalaw. “Sure ka bang wala talaga siyang alam?” tanong ni Ravia, may bahagyang tawa sa dulo. Humigpit ang hawak ko sa envelope at sa maliit na kahon. Kasunod noon ang boses ni Weston—malamig at kampante. “Emery believes whatever I tell her.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko, inaabangan ko rin ang sunod nilang sasabihin. “Hindi ba ito risky?” muling sabi ni Ravia. “Paano kung malaman niya ang tungkol sa egg cell?” Hindi ko alam pero parang tumigil ang tibok ng puso ko. Egg cell? Napadiin ang mga daliri ko sa pinto. Tapos narinig ko ang mahinang pagtawa ni Weston. “Don’t worry, I’ll tell her the truth kapag nanganak na siya.” “Na anak natin ang dinadala niya?” sunod sa sabi ni Ravia. “Of course. At ano namang magagawa niya? She’s already pregnant,” dagdag pa ni Weston. Umiling ako. Hindi. Mali lang siguro ako ng narinig. Hindi puwedeng ang mga batang nasa sinapupunan ko na ilang taon kong ipinagdasal, iniyakan, at pinangarap—ay basta na lamang gawing laruan sa maruming lihim nilang dalawa. Hindi ko matatanggap iyon.Chapter 133- The Beginning of the End THIRD PERSON POVNabalot ng mabigat na katahimikan ang buong warehouse. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ezekiel. Samantala, nanatiling kalmado si Zion habang direkta siyang nakatingin dito. Unti-unti namang bumaling si Ravia sa kanyang ama. Halatang nanginginig ang kanyang buong katawan habang pilit inuunawa ang narinig."D-Dad..." mahina niyang tawag.Lumapit siya rito habang nanlalabo ang kanyang mga mata."Totoo ba ang sinabi ni Zion? Ikaw ba talaga ang nagplano ng sunog?"Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. Agad siyang umiling. "H-Hindi."Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Ravia."Huwag kang maniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para magmukha silang biktima. Tingnan mo sila…"Itinuro niya sina Zion at ang pamilya Del Fierro."Ganyan sila kagaling magmanipula. Alam nilang malapit na silang matalo. Kaya ngayon, sinusubukan nilang sirain ako."Tahimik lamang na nakatingin si Ravia sa kanyang ama. Halata sa kanyang mukha ang pa
Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niya
THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E
THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.
THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay
THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw matapos ang libing ni Benicio Montenegro, muling nabalot ng tensyon ang Hall of Justice. Maaga pa lamang ay puno na ng mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang ikalawang pagdinig sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Tahimik na pumasok sina Emery at Zion sa loob ng courtroom. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naghahanap ng mauupuan. Halata pa rin sa mukha ni Emery ang pagod at lungkot dahil sa pagkawala ni Benicio, ngunit nanatili siyang kalmado.Ilang sandali pa ay ipinasok si Weston. Tahimik lamang itong naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin. Kasunod nito ay si Ravia, nagulat na lang si Emery nang makita niyang wala nang posas ito. At may kung anong kakaibang kumpiyansa na ngayon sa kanyang mukha.Bahagyang napakunot-noo si Emery.Maya-maya ay pumasok ang hukom. "All rise."Sabay-sabay na tumayo ang lahat bago muling naupo nang magsimula ang pagdinig.Isa-isang inilahad ng prosekusyon an
THIRD PERSON POVNgunit ilang segundo siyang hindi sinagot ni Weston. Tahimik lang itong nakatingin sa unahan hanggang sa biglang naging green ang traffic light. Agad nitong pinaandar muli ang sasakyan, dire-diretso papunta sa condo unit ni Ravia.Buong biyahe, wala nang nagsalita. Tahimik lang si
THIRD PERSON POVMaagang nagising si Ravia sa loob ng presidential suite ng The Royal Grand Hotel, isa sa pinakamahal at pinaka-eksklusibong hotel sa Makati.Mula sa glass windows ng suite niya, rinig niya ang maingay ng mga sasakyan, ngunit mas abala ang isip niya sa nalalapit niyang birthday part
EMERYPagdating ko sa mansyon, pakiramdam ko ay halos wala nang natitirang lakas sa katawan ko.Mabigat ang bawat hakbang ko habang papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa pagod buong araw o dahil sa bigat ng mga nalaman ko.Hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring umiikot sa i
THIRD PERSON POVHalos mawalan ng kulay si Weston. Biglang natuyo ang lalamunan niya habang nakatitig lang sa notification, dahil hindi na ito simpleng shopping spree.Para siyang aatakihin na sa puso habang iniisip kung sino ang baliw ang gumastos ng ganong kamahal gamit ang card niya.Sinubukan ni







