Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 003- Right egg cell, but wrong sperm!

Share

Chapter 003- Right egg cell, but wrong sperm!

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-04-20 08:11:03

EMERY

“Lo…” pinilit kong ngumiti.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”

Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.

Mas lalong lumalim ang guhit sa noo niya nang makita ang mukha ko.

“Namamaga ang mata mo,” direkta niyang sabi. “Umiiyak ka ba?”

Mabilis akong umiwas ng tingin. “Hindi po, Lo. Pagod lang.”

“Are you having a hard time with Weston?” may bigat sa boses niya. “Sige, kakausapin ko siya.”

“Hindi na po.” Mabilis ang sagot ko, halos maputol. “Busy lang talaga siya.”

Masyado nang pamilyar sa akin ang linyang iyon kaya kahit ako, nasusuka na sa sarili kong pagsasabi nito.

Ngunit hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi pa. Hindi habang wala pa akong hawak na ebidensya. Hindi habang hindi ko pa sigurado kung gaano kalalim ang panlolokong ginawa nila sa akin.

Pinagmasdan niya ako nang sandali bago bahagyang bumuntong-hininga. Pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon niya.

“Kumusta pala ang ultrasound mo?”

Napakurap ako.

Biglang bumigat ang lalamunan ko.

Kanina lamang, ang balitang iyon ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ko. Ngayon, parang hindi ko na alam kung dapat ko pa bang tawagin iyong biyaya o sumpa.

Pero nang makita ko ang inosenteng pananabik sa mga mata ng matanda, pinilit kong ngumiti kahit matamlay.

“Okay naman po, Lo,” mahinang sabi ko. “Sabi ng doktor, kambal po ang dinadala ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.

“Wow!” halos mapatayo siya sa tuwa. “Nakakatuwa naman! Kailangan natin i-celebrate ito, hija!”

Napayuko ako at napangiti nang bahagya. Hindi dahil masaya ako, kundi dahil gusto kong iparamdam sa kaniya na may kabuluhan pa rin ang saya niya sa gabing iyon.

“Salamat po, Lo.”

“Dalawa?” paulit-ulit niyang sabi na para bang hindi makapaniwala. “Dalawang apo? Aba’y napakagandang balita nito. Matutuwa ang buong pamilya.”

May masakit na dumaan sa dibdib ko sa mga salitang iyon.

Matutuwa ba talaga sila?

O baka mas matuwa silang malaman na nagtagumpay ang plano nina Weston at Ravia.

Bago pa ako makasagot, bigla siyang napahawak sa dibdib at napasandal sa sofa. Sinundan iyon ng sunod-sunod na pag-ubo.

“Lo!”

Agad akong tumayo at inalalayan siya. “Dahan-dahan lang po.”

“Ayos lang ako,” paos niyang sabi, pero patuloy ang pag-ubo niya.

“Hindi po, kailangan n’yo nang magpahinga.” Marahan kong hinagod ang likod niya at inalalayang makatayo. Kahit nanghihina ang loob ko, awtomatiko pa ring kumilos ang katawan ko para alagaan siya. “Halika po, ihahatid ko kayo sa kwarto ninyo.”

Hindi na siya tumutol.

Tahimik ko siyang inalalayan paakyat. Sa bawat mabagal niyang hakbang, lalo kong naramdaman kung gaano ko kamahal ang matandang ito—at kung gaano kasakit isipin na baka pati siya ay ginagamit lamang ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Pagdating sa silid niya, inayos ko ang unan niya at inabot ang gamot at tubig. Tinitigan niya ako bago niya ininom ang tableta.

“Emery,” mahina niyang tawag.

“Po?”

“Salamat dahil tinanggap mo ang kasunduan namin ng daddy mo,” aniya nang banggitin ang arranged marriage namin ni Weston.

“At anuman ang problema mo, huwag mong sarilinin. Hindi ka nag-iisa sa bahay na ito,” dagdag pa niya.

Muntik nang bumigay ang emosyon ko.

Pero ngumiti lang ako at hinaplos ang likod ng kamay niya. “Magpahinga na po kayo, Lo.”

Nang makalabas ako ng kuwarto niya, saka ako mabilis na naglakad pabalik sa sarili kong silid.

At doon, sa wakas, tuluyan akong bumagsak.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakaupo sa sahig, yakap ang mga tuhod ko habang tahimik na umiiyak. Nasa ibabaw ng kama naman ang ultrasound photo. Dalawang buhay na hindi naman pala akin.

Gayunpaman, kailangan kong malaman ang totoo.

***

Kinabukasan, maagang-maaga pa lang ay nasa fertility clinic na ako.

Pagdating ko roon, agad kong hinanap ang OB-GYN na nagsagawa ng embryo transfer. Mabuti na lamang at hindi naka-lock ang pinto ng clinic. Pagpasok ko, nadatnan kong sinisigawan ni Dr. Hidalgo ang isang nurse.

Umiiyak ang nurse, nanginginig, at hindi makatingin sa doktor.

“D-Doc, hindi ko po sinasadya. Baguhan lang po ako… nagkamali po ako ng pag-label sa test tube—”

Tinulak ko ang pinto. Nang makita ako ni Dr. Hidalgo, agad napalitan ng kaba ang galit sa mukha nito. Maging ang nurse ay lalo pang nanginig, halos hindi makahinga sa takot.

“Dr. Hidalgo, kailangan kong malaman ang katotohanan. Kaninong embryo ang nasa sinapupunan ko?”

Napalunok ang doktor at namutla ang mukha.

“M-Mrs. Montenegro… nalaman n’yo na po? A-aksidente lang po ito. Hindi namin sinasadya.”

Bigla nitong itinuro ang nurse. “Nagkamali si Nurse Joy. Baguhan pa lang siya rito, kaya noong araw ng embryo transfer, napagpalit niya ang mga test tube.”

“K-kaninang umaga ko lang po napansin, Mrs. Montenegro. Tatawagan ko na sana kayo, pero—”

Naputol ang sasabihin ni Nurse Joy nang biglang napabulalas si Dr. Hidalgo.

“Hindi po galing kay Mr. Montenegro ang sperm!”

Dahil doon, biglang huminto ang mundo ko. Napaatras ako ng isang hakbang.

“A-anong ibig mong sabihin, Dr. Hidalgo?” mariin kong tanong. “Kapag nagsinungaling ka pa, idedemanda ko kayo. Mawawalan ka ng lisensya—kayong dalawa ni Nurse Joy—at ipapasara ko ang ospital. Hindi ako nagbibiro.”

Nanginginig na sumagot ang doktor. “Opo, Mrs. Montenegro. Sasabihin ko na po ang totoo. Hindi galing sa asawa ninyo ang sperm cell na ginamit. Ang embryo sa sinapupunan ninyo ay nabuo gamit ang semilya ni Mr. Zion Laurent del Fierro.”

“Z-Zion Del Fierro?” nanginginig kong bigkas.

Tumango ang doktor. “Opo. Ang chairman and CEO ng Del Fierro Holdings.”

“Pero… sa akin ba talaga ang egg cell?” kabado kong tanong.

Nagtatakang tumango muli ang doktor. “Opo, Mrs. Montenegro. Bakit niyo po natanong?”

Muling nanlamig ang buo kong katawan. Namutla ako at halos bumigay ang mga tuhod ko. Napaupo na lang ako sa upuan na malapit sa akin.

Tulala akong nagsalita. “Sa akin ang egg cell… sa akin pala,” bigkas ko na may halong kaunting pagluwag ng dibdib ko.

Gayunpaman, pakiramdam ko ay nahulog ako mula sa langit.

Kahapon lamang, akala ko isa lang akong breeding machine ni Weston.

Ngayon naman, nalaman ko na ang mga batang dinadala ko ay mga anak pala ni Zion—

…ang ex-boyfriend ko?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Hala ex bf pla ang mayari ng sperm,buti nga at hindi kay weston..
goodnovel comment avatar
Bella Hart
hala ex boyfriend niya? Ang ganda miss A huhu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marry Me Instead   Chapter 133- The Beginning of the End

    Chapter 133- The Beginning of the End THIRD PERSON POVNabalot ng mabigat na katahimikan ang buong warehouse. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ezekiel. Samantala, nanatiling kalmado si Zion habang direkta siyang nakatingin dito. Unti-unti namang bumaling si Ravia sa kanyang ama. Halatang nanginginig ang kanyang buong katawan habang pilit inuunawa ang narinig."D-Dad..." mahina niyang tawag.Lumapit siya rito habang nanlalabo ang kanyang mga mata."Totoo ba ang sinabi ni Zion? Ikaw ba talaga ang nagplano ng sunog?"Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. Agad siyang umiling. "H-Hindi."Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Ravia."Huwag kang maniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para magmukha silang biktima. Tingnan mo sila…"Itinuro niya sina Zion at ang pamilya Del Fierro."Ganyan sila kagaling magmanipula. Alam nilang malapit na silang matalo. Kaya ngayon, sinusubukan nilang sirain ako."Tahimik lamang na nakatingin si Ravia sa kanyang ama. Halata sa kanyang mukha ang pa

  • Marry Me Instead   Chapter 132- The Truth Unravels

    Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niya

  • Marry Me Instead   Chapter 131- The Accusation

    THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E

  • Marry Me Instead   Chapter 130- Don Marshal's Birthday

    THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.

  • Marry Me Instead   Chapter 129- The Real Motive

    THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay

  • Marry Me Instead   Chapter 128- The Second Trial

    THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw matapos ang libing ni Benicio Montenegro, muling nabalot ng tensyon ang Hall of Justice. Maaga pa lamang ay puno na ng mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang ikalawang pagdinig sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Tahimik na pumasok sina Emery at Zion sa loob ng courtroom. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naghahanap ng mauupuan. Halata pa rin sa mukha ni Emery ang pagod at lungkot dahil sa pagkawala ni Benicio, ngunit nanatili siyang kalmado.Ilang sandali pa ay ipinasok si Weston. Tahimik lamang itong naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin. Kasunod nito ay si Ravia, nagulat na lang si Emery nang makita niyang wala nang posas ito. At may kung anong kakaibang kumpiyansa na ngayon sa kanyang mukha.Bahagyang napakunot-noo si Emery.Maya-maya ay pumasok ang hukom. "All rise."Sabay-sabay na tumayo ang lahat bago muling naupo nang magsimula ang pagdinig.Isa-isang inilahad ng prosekusyon an

  • Marry Me Instead   Chapter 104- Abandoned by Power

    THIRD PERSON POVHindi pa rin maalis ni Weston ang tingin niya sa TV kahit tapos na ang report tungkol kay Emery. Maya-maya lang ay pinatay na ni Ravia ito.“Hindi na ito maganda, Weston. Do something!” inis na sabi ni Ravia.Biglang hinablot ni Weston ang cellphone niya mula sa mesa. Kahit nasa se

  • Marry Me Instead   Chapter 103- He’s Started to Get Jealous

    THIRD PERSON POVNakaupo si Weston sa mesa, hindi ginagalaw ang pagkain sa harap niya. Si Ravia naman ay nakatingin sa tray ng pagkain niya na para bang insulto iyon sa pagkatao niya.“Hindi ako makapaniwalang nandito tayo,” inis na sabi ni Ravia habang hawak ang plastic spoon. “Dapat nasa bahay ta

  • Marry Me Instead   Chapter 088- She Finally Said Yes 

    THIRD PERSON POVPagkapasok pa lang ni Zion sa opisina niya nang umagang iyon, agad siyang sinalubong ni Spencer. Nasa mukha nito ang seryosong ekspresyon na bihira lang niyang makita.“Sir, nagte-trending si Ma’am Emery,” bungad ni Spencer.Huminto si Zion sa paghakbang. “What?”Agad na inabot ni

  • Marry Me Instead   Chapter 053- The Vote

    EMERYTahimik ang buong conference room matapos sabihin ng shareholder na gusto nilang tanggalin si Weston bilang acting CEO ng Armani Group. Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid habang isa-isang nakatingin ang lahat sa kanya. Ngunit imbes na mataranta si Weston, bigla lang siyang natawa nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status