Share

Kabanata 376

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-07-16 14:40:15

Hi, everyone!

Napansin ko po ang ilan sa mga comments na nagsasabing medyo bumabagal na raw ang pacing o kaya ay nagiging boring na ang story. Naiintindihan ko po kung bakit may ilan na nakakaramdam ng ganoon, at nagpapasalamat pa rin ako dahil honest kayo sa pagbibigay ng feedback.

Gusto ko lang po sanang ipaliwanag kung bakit ganito ang direksyon ng kuwento.

Sa timeline ng story, kaka-annul pa lang nina Marikit at Mikael. Para sa akin, kung bigla silang magkakabalikan pagkatapos ng lahat ng nangyari, parang mawawalan ng bigat ang lahat ng sakit, galit, at paghihirap na pinagdaanan nila.

Gusto kong magkaroon muna ng healing si Marikit. Gusto kong maramdaman niyang kaya niyang maging masaya kahit wala si Mikael. Gusto kong makita ninyo ang unti-unti niyang pagbangon bilang isang babae.

Kasabay noon, gusto ko ring ipakita ang natural na paglapit ni Kent sa kanya. Hindi dahil sila ang endgame, kundi dahil gusto kong makita ninyo kung paano unti-unting mararamdaman ni Mikael ang tunay na pagkawala ni Marikit.

Hindi sapat na magselos lang siya. Gusto kong dumating sa punto na mapipilitan siyang ipaglaban ulit ang babaeng minsan niyang binitawan—lalo na kapag nandiyan na sina Kent at Raiko.

Ayoko pong biglain ang transition na iyon. Mas gusto kong unti-unti ninyo itong maramdaman kaysa isang chapter lang, okay na agad ang lahat.

May mga readers din pong nagsasabing kulang daw sa SPG kaya parang nawawala ang kilig.

Actually, kung mapapansin ninyo, halos wala pa talaga tayong ganoong eksena.

At sinasadya ko po iyon.

Sa isip ko kasi, kung magkakaroon man ng ganoong klaseng moments, gusto kong kay Marikit at Mikael ko lang talaga ibigay iyon kapag dumating na tayo sa tamang punto ng kuwento.

Tanungin ko lang kayo...

Gugustuhin n'yo ba talagang magkaroon ng intimate scenes sina Marikit at Kent para lang masabing may SPG?

O kaya naman sina Mikael at Celine?

Sa tingin ko, mas masasaktan kayo kaysa kikiligin. 😅

Kaya hangga't maaari, gusto kong ilaan ang mga espesyal na eksenang iyon sa tamang tao at sa tamang panahon.

Hindi ko man mapapasaya ang lahat ng readers sa pacing na pinili ko, pero ipinapangako ko na bawat chapter ay may dahilan. Lahat ng nangyayari ngayon ay paghahanda para sa mas mabibigat na eksena at sa mga susunod na revelations.

Konting tiis lang po. Hindi ko gustong madaliin ang kuwento kung ang kapalit naman ay mababaw ang magiging ending.

Maraming salamat pa rin sa lahat ng patuloy na sumusuporta, kahit sa mga nagbibigay ng constructive criticism. Binabasa ko po ang comments ninyo, at naa-appreciate ko ang bawat opinyon.

Sana ay samahan ninyo pa rin sina Marikit at Mikael hanggang sa huli.

— Genn Writes 🤍
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (99)
goodnovel comment avatar
Elsa Paraiso Aranzaso
ay ayoko ng team up ni ken at marikit, mikael at celine,, no no no ha ha ha mas gusto ko mikael at marikit, doon mapapatunayan na kapag wala na ang babae sa buhay nya eh mas mapapatunayan at makikita nya ang kahalagahan sa buhay nya. nakakabitin lang talaga ang kwento nila pero excited ako lagi
goodnovel comment avatar
Innalyn Napilan
mas ok po ang takbo ng story na ginagawa nyu mam...mas exciting po at sa totoo lang ngaun lang
goodnovel comment avatar
Ma Agnes Garcia
I love this story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 445

    PAGKATAPOS umalis sa Altaverde Mansion ay hindi muna dumiretso si Mikael sa kumpanya. Sa halip ay pinaandar niya ang SUV pabalik sa Bonifacio Global City. Hindi niya alam kung ano mismo ang gagawin. Subalit isa lang ang sigurado niya. Ayaw na niyang puro salita. Kung sinabi niyang magsisimula siyan

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 444

    PAGKATAPOS ng almusal ay nagpaalam na rin si Mikael sa kanyang mag-ina. Tahimik niyang hinalikan sa noo si Mithi bago isinuot ang suot niyang coat. "See you next weekend, sweetheart." Ang usapan kasi nila ni Marikit ay doon muna magpapalipas ng buong linggo si Mithi, dahil nagrereklamo ang bata

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 443

    TAHIMIK na muling bumalot ang buong silid. Pareho na silang wala nang gustong sabihin. Pakiramdam nilang sapat na muna ang lahat ng nailabas nilang katotohanan sa loob lamang ng isang gabi. Marahang napabuntong-hininga si Marikit bago tumingin sa digital clock sa bedside table. 3:47 A.M. Napailing

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 442

    HINDI na alam ni Marikit kung ilang minuto na silang walang imik. Pakiramdam niya ay parang may dalawang puso na naglalaban sa loob ng dibdib niya. Ang isa ay nagsasabing umalis na siya. At ang isa naman ay pilit inuunawa ang lahat ng katotohanang ngayon lang niya nalaman. Marahan niyang ipiniki

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 441

    MULING bumigat ang katahimikan sa pagitan ng dalawa pagkatapos ng rebelasyon na iyon. Hindi na alam ni Mikael kung ilang segundo siyang nakatingin lang kay Marikit. Nanginginig ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang babaeng minsan niyang pinangarap makasama habambuhay—at siya rin mismong dahilan

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 440

    MULI, mahabang katahimikan ang muling bumalot sa silid. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at mabibigat nilang paghinga ang maririnig. Hindi agad nagsalita si Mikael. Na para bang ang mga susunod niyang salita ang pinakamahirap niyang aaminin sa buong buhay niya. "Pagkatapos kang ipakilal

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 2: The Day She Stopped Chasing

    BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagma

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 1 : Six Months Pregnant, Still Unwanted

    ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 7: The Woman They Humiliated

    KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilal

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 6: The Family Who Chose Her

    ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status