The Billionaire Thought I'd Never Leave

The Billionaire Thought I'd Never Leave

last updateLast Updated : 2026-07-21
By:  assejUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
14views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

This story shows they divorced but not unloved. It hurt's to stay, It hurt's to leave. We chose the hurt that healed.

View More

Chapter 1

The Billionaire Thought I'd Never Leave

Chapter 1

Ngayon ang ika-anim na anibersaryo ng kanilang kasal. Sa isip ni Isabela, sana ay maging masaya ito sana ay magkakasama silang tatlo: siya, kanyang asawa , at ang kanilang anak, bilang isang buong pamilya. Ngunit tila walang kahit sinong nagpahalaga sa araw na ito. Ni hindi man lang nagpakita ang lalaking hinihintay niya. Mula umaga hanggang gabi, paulit-ulit siyang tumawag, pero ni isang beses ay hindi sinagot ni Rafael.

Unti-unting nanlamig ang puso ni Isabela. Sa isip niya ay hayaan na lang at wag pilitin ang ayaw. Ano pa bang saysay nito. Parang pagkaing inihanda at inabangan nang matagal, pero wala nang gana ang kakain nito ganun na rin siya sa kanilang pagsasama. Sa wakas, nagpasya na siya. Panahon na para gumising sa pangarap na kinapuluputan niya ng mahigit anim na taon.

Pinindot niya ang numero ni Attorney Lorenzo. “Attorney, maaari po ba kayong gumawa ng kasunduan? Gusto ko na pong magdiborsyo.”

“Sigurado po ba talaga kayo, Mrs.Isabel? Tatapusin na ninyo ang anim na taong pagsasama ninyo?” tanong ng abogado.

“Pinag-isipan ko na po ito nang mabuti. Tapusin na natin ito ngayon.”

“Sige po. Ipapadala ko agad ang kasunduan sa lalong madaling panahon.”

Pagkatapos ibaba ang tawag, bumalik ang alaala ng kanilang kasal anim na taon na ang nakalilipas. Noon, masaya niyang pinakasalan ang lalaking minahal niya mula pa noong kabataan. Nang isuot niya ang damit-pangkasal, akala niya siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Hindi nagtagal, nabuntis siya at nagkaroon sila ng napaka gwapong sanggol na lalaki. Kahit lagi siyang walang pakialam at malayo ang loob, naniwala si Isabel na darating din ang araw na mamahalin din siya nito, at magiging masaya sila.

Ngunit masakit na katotohanan ang sumalubong sa kanya. Sa loob ng anim na taon, inakala niyang hindi lang talaga marunong magpakita ng damdamin si Rafael at baka hindi lang nito alam kung paano magmahal, kaya kailangan niyang ituro at samahan ito. Hanggang sa bumalik si Viviane sa bansa. Doon niya nakita ang mga ngiting hindi kailanman napunta sa kanya, ang pagiging malambing, ang maingat na pag-aaruga lahat ng akala niyang hindi kayang ibigay ni Rafael.

Naintindihan na ni Isabel. Hindi naman palang hindi niya kayang magmahal. Sadyang hindi lang siya ang gusto nitong mahalin. Lahat ng lambing at pagmamahal, ibinuhos niya nang buo kay Viviane. Alam ng buong lungsod na parang prinsesa ang turing ni Rafael kay Viviane ibibigay pa nga nito ang mga bituin kung hihilingin. Ang pag-ibig na pinaghintayan niya ng mahabang panahon, madali lang pala itong nakuha ng iba.

Napangiti siya nang mapait. Kung ganoon, ayaw na niya. Bakit pa siya kakapit nang mahigpit kung hindi naman talaga para sa kanya. Panahon na para bitawan ang nakaraan at mamuhay para sa sarili.

Mula ngayon, para sa kanya at anak na lang siya mabubuhay!

“Ma’am, malapit na po kaming magsara. Ihahain na po ba namin ang inyong order?” magalang na tanong ng waiter. Siya pa naman ang nagpa-reserba ng buong restawran, nag-order ng pinakamahal na pagkain, at naghintay maghapon nang walang kinain o ininom.

Umiling si Isabel. “Huwag na. Itapon niyo na lang lahat.”

Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas, pagod na pagod ang katawan at ang puso.

“Sino kaya ang hinihintay niyan? Eh ni isang bisita wala namang dumating.” narinig niyang bulong ng isang waiter.

“Sino ba ang nakakaalam? Mukhang hindi naman siya seryosong pinahalagahan. Kung ako ‘yan, kakain na lang nang mag-isa at uuwi na.”

Napangiti ulit siya habang tahimik na tumutulo ang luha. Tama sila walang nagpapahalaga sa akin. Binayaran niya ang bill nang walang pag-aalinlangan. Habang tinitingnan ang resibo, parang tinatapos na rin niya ang kanyang nakaraan.

Pagdating sa Tomsom Villa, pagkapasok niya sa garahe, narinig niya ang tawanan ng babae mula sa loob. Alam niyang si Viviane iyon. Sa halip na umiyak at magtago gaya ng dati, dire-diretso siyang pumasok.

“Rafael, ibaba mo na si Andres. Baka mahulog pa ‘yan at masaktan,” sabi ni Viviane.

“Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mapahamak si Andres. Poprotektahan ko siya,” sagot ni Rafael, sabay yakap nang mahigpit sa bata. Ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi pa kailanman nakita ni Isabela, hindi niya lubos maisip na kaya pala itong gawin at ipakita ni Rafael sa kanyang pinakamamahal. Ni sa sarili nilang anak, hindi ganyan ang ngiti nito. Pero ngayon, ganun na lang ang pagmamahal niya sa anak ng iba.

“Mommy, huwag kang mag-alala! Mahal na mahal ako ni Daddy, hindi niya ako papabayaan!” masayang sigaw ng bata.

“Oo, pareho tayong mahal ni Daddy,” sagot ni Viviane, sabay tingin kay Rafael. “Tama ba, mahal?”

“Siyempre naman,” sagot nito nang walang pag-aalinlangan.

Parang dinurog at piniga ang puso ni Isabela. Itinulak niya ang p***o, pinalitan ang sapatos nang walang kahit anong emosyon, at tinanong ang kasambahay: “Nasaan si Yuan?”

“Nasa kwarto po sa itaas, Ma’am.”

“Kumain na ba siya?”

Napayuko ang yaya. “Eh… ayaw po kumain ni Young Master. Buong araw na po siyang hindi kumakain…”

“Ano?!” gulat na gulat na sabi ni Isabel. “Alam niyong mababa ang kanyang resistensiya! Delikado ‘yan kapag nagkaganyan!”

Wala nang nagawa ang yaya—ayaw kumain ng bata, at abala naman ang mga amo sa bisita. Hindi na nag-abala at nagsuot ng tsinelas si Isabela; tumakbo siya paakyat nang nakayapak sa malamig na sahig na marmol.

Doon siya nakita ni Viviane. “Naku, Isabela, nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita agad.” Parang siya pa ang may-ari ng bahay sa tono ng pananalita.

Hindi sumagot si Isabela at nagmadaling pumasok sa kwarto ng anak. Nakita niyang nakahiga lang ito nang walang kibo sa malaking kama. Agad niya itong hinawakan, malamig na ang balat, at hindi na gumigising. Nawalan na pala ito ng malay.

Hindi na siya nagdalawang-isip. Binuhat niya ang anak nang mahigpit, tumakbo pababa nang nakayapak, at nagmaneho agad patungo sa ospital.

“Rafael, hindi ba natin sila susundan?” tanong ni Viviane.

Inayos lang ni Rafael ang kanyang kwelyo at hindi man lang lumingon. “Hindi na kailangan.” Bumalik siya sa paglalaro kay Rafael.

“Pero mahal rafael mukhang seryoso naman ang nangyari. Tara na, kahit tingnan lang natin please,” madiing pakiusap ni Viviane.

Hindi siya nakatanggi sa lambing nito. “Sige na nga, kung gusto mo.”

Chapter 2

Inutusan ni Rafael ang yaya: “Ingatan mong mabuti si Andres. Kapag may nangyaring masama sa kanya, wala ka nang trabaho bukas.”

“Opo, Sir,” sagot ng yaya. Hindi siya nag dalawang isip na sumagot agad dahil alam niyang seryoso ang lalaking amo at sa isip ng yaya hindi katulad si Andres sa sarili nitong anak na si Yuan, hindi maaaring dumanas ng kahit kaunting hirap o sama ng loob ang bata. Kaya hindi siya nagpabaya.

Pagkatapos, nagmaneho si Rafael kasama si Viviane patungo sa ospital.

Doon, halos tumakbo na si Isabela papasok sa Emergency Room habang mahigpit na karga ang kanyang anak. Ang kanyang labis na pagkabalisa ay nakapangamba sa lahat ng nakakakita. Agad na sinuri ng doktor ang bata at isinakay ito sa stretcher papasok sa loob. Sumara ang p***o at nagsimulang kumislap ang puting ilaw.

Napaluhod si Viviane sa matinding takot at hindi napigilang humagulgol. Sa labas, akala ng mga dumadaan ay isang taong nawawala na sa sarili ang kanilang nakikita.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas ang doktor. “Ligtas na ang bata. Ililipat na natin siya sa regular ward para lagyan ng swero. Maaari na kayong mag-asikaso ng bayarin.”

Nakahinga nang maluwag si Isabela, ngunit nagsalita pa ang doktor: “Hindi naman ito dapat namin sinasabi, pero bilang magulang—napaka-iresponsable ninyo. Napakabata pa ng anak ninyo para mangyari ito sa kanya.”

Walang masabi si Isabela dahil alam niyang naghanda naman siya ng maraming masasarap na pagkain para sa anak sa restawran. Hindi niya inakalang kahit hindi iyon nakain, hindi naman dapat magutom si Yuan may nakatalaga naman silang chef at nutritionist sa bahay. Sino ba ang mag-aakala na aabot pa sa ganito, na halos ikamatay pa ng kanyang anak? Puno ng pagsisisi ang kanyang puso; sana ay siya na lang ang nagdala ng sakit na iyon. Sinong ina ang hindi gagawin ang lahat para sa anak?

Dumating sina Rafael at Viviane makalipas ang dalawang oras.

Nakaupo si Isabela sa tabi ng higaan ng anak. Nakayapak pa rin siya, at puno ng sugat at tuyong dugo ang kanyang mga paa mula sa mga batong nadaanan niya kanina. Ang magandang damit na inihanda niya para sa kanilang anibersaryo ay punit-punit na at wala na ang dating ganda. Ang kanyang mukha ay magulo, bakas ng walang humpay na pag-iyak,at kaawa-awa ang kanyang anyo.

Sa kabilang banda, dumating si Viviane na nakakapit nang mahigpit sa braso ni Rafael. elegante, maaliwalas, at maganda—parang isang bulaklak na bagong bukadkad. Napansin ni Isabela ang kumikinang na kuwintas na brilyante sa leeg nito.

“Pasensya na at nahuli kami, Isabel. Kumusta na ang bata?” Biro na siniko ni Viviane si Rafael habang hinahaplos ang kuwintas. “Kasalanan kasi ito ni Rafael! Nakita ko lang naman ang kuwintas sa bintana ng tindahan at sinabi kong maganda, kaya ipinahinto niya agad ang sasakyan para bilhin ito. Kaya kami na-late, ‘di ba? Hindi mo naman kami masisisi, ‘di ba, Isabel?”

Sa halip na sagutin si Viviane, tumingin siya nang diretso kay Rafael.

“Mas mababa ba ang halaga ng buhay ni Yuan kaysa sa kuwintas ni Mrs.Viane?”

Walang pagbabago sa mukha ni Rafael nanatili itong malamig at walang emosyon bagkos, sinabi pa nito na tumahimik ka dapat mag pasalamat kapa nga kay Mrs. Viane dahil kung hindi niya ako pinilit na pumunta dito wala ako dito ngayon.!

Malinaw ang ibig sabihin nito: hindi naman sana siya pupunta kung hindi pa nagpumilit ang babae.

Napatawa nang mapait si Isabela habang muling tumutulo ang luha. “Naaalala mo pa ba na anibersaryo ng kasal natin ngayon? Ilang beses kitang tinawagan—nakita mo ba ang mga tawag ko?”

“Wala akong matandaan. Hindi ko natanggap,” walang pakialam na sagot niya.

Napakagaan ng mga salitang iyon, pero parang kutsilyong tumagos sa puso ni Isabel. Anim na taon silang magkasama, at iyon lang ang maibibigay nitong dahilan. Anim na taon ay hindi sapat para kahit paano ay lumambot ang puso ni Rafael para sa kanya. Ni minsan, hindi siya nito itinuring na tunay na asawa. Ang kasal nila ay tila usapang pamilya lamang isang tanikala na nagpilit sa lalaki na manatili, habang ang puso nito ay kay Viviane pa rin.

Alam na niya ito noon pa, pero pinili niyang magbulag-bulagan. Akala niya, nang umalis at magpakasal na si Viviane sa ibang bansa, mapapansin na siya ni Rafael. Nagkamali siya nagkamali siya nang sobra.

“Rafael, alam mo bang naghintay ako sa iyo mula umaga hanggang gabi sa restawran? Hindi ako naniniwalang wala kang alam. Wala ka lang talagang pakialam sa akin, ‘di ba?” nanginginig ang boses na sabi ni Isabel. “Kung ganyan lang tayo, papalayain na kita… at palalayain ko na rin ang sarili ko.”

Natigilan si Rafael. “Ano… ano ang ibig mong sabihin?”

Tumahan na si Isabel. Wala na siyang luha pang ilalabas. “Sabi ko—ayoko na sa pagsasama natin Rafael, maghiwalay na tayo.”

Nanlaki ang mata ni Rafael. Hindi niya inaasahan iyon, at gulat na gulat din si Viviane.

“Ulitin mo nga ‘yun,” utos ni Rafael.

Ngumiti nang mapait si Isabel. Ngayon lang niya nakitang ganito ang mukha ng lalaki—wala na ang pagiging walang pakialam, wala na ang inip. Napalitan ito ng pagkalito. Pero wala na siyang pakialam kung bakit.

“Maghiwalay na tayo, Rafael. Tapos na tayo.”

Bago pa makasagot si Rafael, biglang umiyak nang malakas si Yuan. Nagising ang bata at nagpupumiglas sa takot. Agad na tumawag ng tulong si Isabel. Pagkatapos suriin, sinabi ng doktor na ligtas na ang bata at kailangan na lang magpahinga sa bahay, at dadalaw naman ang kanilang pribadong doktor araw-araw.

Hindi na pinansin pa ni Isabel sina Rafael at Viviane. Lumapit siya sa anak at hinaplos ito nang malumanay. “Yuan, anak… sabihin mo kay Mommy, masakit pa ba?”

Ngunit marahas na tinabig ng bata ang kanyang kamay. “Ayoko sa iyo! Ayaw kitang maging nanay! Gusto ko si Tita Viviane!” Iunat pa nito ang mga kamay patungo sa dalawa. “Gusto ko si Tita Viviane!”

Parang nadurog ang puso ni Isabel. “Yuan, ako ang nanay mo…”

Hindi nakinig ang bata. Ang gusto niya lang ay makasama ang ama kaya kailangang si Tita Viviane ang maging pipiliin niya. Bukod pa roon, mas gusto niya ito kaysa sa tunay niyang ina. Si Isabela kasi ay puro paalala at pagbabawal, mag-ingat dito, huwag doon, ang mga laging paalala sa bata. Mga pagkaing masusustansiya ang palaging ipinapahanda nito sa mga kasambahay para sa anak, at hindi ito gusto ng anak dahil napapangitan sa lasa. Samantalang si Tita Viviane ay nagbibigay ng paborito niyang meryenda, hinahayaan siyang maglaro ng tablet nang matagal, at hindi siya pinapagalitan.

Para sa batang isip ni Yuan, si Tita Viviane ang pinakamabuti sa lahat.

Chapter 3

"Gusto ko si Tita Viviane ang maging nanay ko! Gusto ko si Tita Viviane ang maging nanay ko!" Paulit-ulit na isinisigaw ni Yuan. "Lumabas ka! Ayaw ko sayo Lumabas ka!"

Wala nang nagawa si Isabel wala na siyang lakas ng loob na magsalita, lalo na't baka lalo pang magalit at mapahina ang kanyang anak. Tahimik na lumabas siya ng p***o. Mula sa bintana, nakita niyang nakayakap si Yuan kay Viviane, nakangiti nang buong puso.

Wala na nga siyang magawa, pero hindi niya kayang iwanan ang kanyang anak. Anuman ang mangyari, si Yuan ang kanyang buhay ang kanyang laman at dugo, ang tanging nakakabit sa kanya sa mundong ito. Kahit anong sabihin ng bata, hindi niya ito matatalikuran.

Mabuti na lang at ligtas na si Yuan ngayon; kailangan na lang niyang magpahinga sa bahay. Nagpadala agad ng mensahe si Isabela sa kanyang doktor:

"Dr. Salvador, kailangan ni Yuan ng swero. Pumunta ka sa villa bukas ng umaga para alagaan siya. Sabihan mo ako kapag maayos na siya."

Sumagot agad ang doktor: "Sige po, Madam. Hindi po ba kayo naroon?"

"Hindi na ako babalik. Tawagan mo ako agad kapag may nangyari kay Yuani."

Tumingin siya sandali sa tatlong taong masayang nagtatawanan sa loob ng silid, pagkatapos ay tumalikod at umalis. Wala na siyang dahilan para bumalik sa villa. Dahil maghihiwalay na sila, panahon na rin para magkanya-kanya. At saka, hindi na niya kayang tiisin pa ang lugar na iyon—hindi siya ang tunay na maybahay doon, isa lamang itong malamig na bahay na walang buhay. Ano pa ang gagawin niya roon?

Mula noong ikinasal si Isabel doon na siya nakatira. Pero ang totoo, may sarili siyang mga ari-arian mga magagandang apartment sa mga mataas na gusali, na binili niya gamit ang sarili niyang pinaghirapan bago pa man siya mag asawa. Hindi lang niya ito nabanggit noon kay Rafael. Ngayon, panahon na para bumalik siya sa sarili niyang tahanan. Ang sarili niyang bahay ay ang tanging kanlungan niya.

Unang nagtuloy si Isabel sa isang hotel nang gabing iyon, at tinawagan ang tagapamahala ng kanyang mga ari-arian. Labis ang tuwa nito nang marinig ang boses niya.

"Ms. Isabel, naalala niyo na rin po kami! Lagi naming nililinis at inaalagaan ang inyong mga bahay, kaya pwede na po kayong lumipat bukas. Alin po sa mga apartment ang gusto ninyong tirhan?"

"Yung malapit sa dagat na lang," sagot niya.

Medyo malayo man ito sa sentro, payapa naman doon. Naroon din ang dati niyang studio, kaya napakaginhawa ito para sa kanya.

Mula noong ikasal siya, ibinigay na niya ang lahat sa pamilya—iniwan ang kanyang trabaho, inalagaan ang anak, at inasikaso si Rafael. Hindi niya inakala na kapalit ng kanyang sakripisyo ay pagwawalang-bahala mula sa asawa at sariling anak. Bakit pa siya magpapakahirap? Dati, isa siyang babaeng matagumpay sa kanyang karera. Ngayon, panahon na para ibalik ang dating sigla. Ayaw na niyang palaging nakakulong.

Habang tinitingnan niya ang mga mensahe ng mga kliyenteng may mga humihiling sa kanyang mga disenyo, muling bumalik ang dating determinasyon. Simulan mo na ulit, Isabel. Ipinanganak kang matagumpay, at hindi ka dapat magpaapi. Nawala man ang pag-ibig, nariyan pa rin ang iyong pangarap.

Pag-uwi nina Rafael at Viviane  sa villa, tahimik ang buong bahay. Wala roon si Isabel.

"Nasaan si Isabel?" tanong ni Rafael sa katiwala.

"Sir, ang tinutukoy niyo po ba si Madam? Hindi pa po siya nakakabalik mula noong nagmadali siyang dalhin si Young Master sa ospital."

Nagkunot ang noo ni Rafael. Hindi siya makapaniwala. Dati, umiikot ang mundo ni Isabel sa kanya at sa anak. Paanong bigla na lang itong nawawala?

"Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

"Pasensya na po, Sir. Wala po kaming ideya."

"Tawagan mo siya at tanungin."

Nang makitang masama ang timpla ng amo, maingat na lumayo ang katiwala para tumawag. Lumapit naman si Viviane at hinaplos ang braso ni Rafael.

"Rafael, baka may inaasikaso lang si Isabel. Huwag ka nang mag-alala, umupo ka muna at ipamasahe ko ang likod mo."

Hindi siya makatanggi sa lambing nito. "Viviane, magpahinga ka na rin. Pagod ka na rin. Umupo ka na rito."

Nakangiting nagpasalamat si Viviane. Alam niyang mahal na mahal siya ni Rafael. Habang pinapahinga niya ito, naghintay sila sa katiwala. Lumipas ang ilang sandali at bumalik ang lalaki, mukhang balisa.

"Sir... hindi po sumasagot si Madam. Hindi namin alam kung nasaan siya."

"Tama na. Pwede ka nang umalis," wika ni Rafael.Humarap siya kay Viane. “Viviane, umakyat ka na at magpahinga. Nariyan na rin si Andres, ang kwarto mo ay katabi lang ng sa akin."

Inutusan niya ang mga katulong na ayusin ang mga gamit, at nang masigurong maayos na si Viviane, pumunta siya sa kanyang silid-aralan at tinawagan si Isabel.

"Ang numerong tinawagan mo ay hindi sumasagot. Pakisubukan muli mamaya..."

Natigilan si Rafael. Hindi siya sinagot ni Isabel. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi niya nasagot ang tawag niya. Dati, kahit ano pa ang ginagawa niya, sasagot iyon sa loob ng limang segundo. Naalala niya noong minsan ay nasugatan si Isabel habang nagluluto tumulo ang dugo sa kanyang daliri pero sinagot pa rin nito ang tawag niya at nakipag-usap nang maayos bago gamutin ang sugat. Imposibleng hindi ito sagutin ang tawag niya ngayon.

Muling tumunog ang telepono, pero wala pa ring sumasagot. Biglang bumalik sa isip niya ang mga sinabi ni Isabel sa ospital: "Kung wala namang halaga sa iyo ang pagsasama natin, papalayain na kita... at maghiwalay na tayo."

Seryoso ba talaga siya? Hindi siya makapaniwala. Mula pagkabata, nakikita niya ang paghanga sa mga mata ni Isabel, walang hanggang pagmamahal na nakalaan lang para sa kanya. Paanong bigla na lang itong maglalaho? Siguradong nagtatampo lang ito, o nagpapapansin.

Nagpadala siya ng mensahe: "Tawagan mo ako."

Matagal na naghintay, pero wala pa ring sagot.

Sa kabilang banda, kausap ni Isabel ang kanyang guro sa disenyo sa kanyang ibang telepono. "Teacher Cruz, pasensya na po at naabala ko kayo ganitong dis oras nang gabi. Gusto ko pong subukan ang payo ninyo."

Si Ms.Cruz ay isa sa pinakamahusay na taga disenyo hindi lang sa Lungsod kundi sa buong mundo. Bawat damit na nililikha niya ay nagiging usap-usapan sa buong mundo. Marami ang nagnanais na maging alagad niya, ngunit bihira siyang tumanggap ng estudyante. Ang hindi alam ng lahat, mayroon na siyang paboritong alagad walang iba kundi ang napakahusay na si Ms.Isabel.

Chapter 4 

Sa wakas ay natauhan ka na. Napakahusay at talented mo, hindi mo dapat hayaang pigilan ka ng iyong pamilya. Matulog ka na at mag panghinga dahil bukas sisimulan mo na ang iyong trabaho sabi ng kanyang guro.

 Nang pahiga na si Sabel napansin niyang patuloy na kumukutitap ang screen ng phone niya. Dose-dosenang mga hindi nasagot na tawag at mensahe. Nakita niya ang mensahe ni Rafael at hiniling siyang tumawag muli. Marahan na tumawa si Isabela. Hindi siya sumagot, bagkus ay inihagis niya sa tabi ang kanyang telepono. 

Hindi na siya si Isabela, na uupo sa tabi ng kanyang telepono na araw-araw naghihintay na tumawag si Rafael. Kinaumagahan, binisita ni Isabela ang kanyang guro na may dalang mga regalo.

 “The Island Hidden Villa” masayang sabi ni Sabel. Nang makita ang kanyang minamahal na alagad, masaya siyang niyakap ni Ms.Cruz ang kanyang guro, nakita niyang may mga bitbit itong regalo “Hainan Blue Mountain coffee”. Hindi naman ako nagkamali na bumili nito, 'di ba?" sabay abot sa kanyang guro. 

"Little girl, ikaw ang higit na nakakaalam kung paano ako pasayahin. Malaking garapon ito, dapat malaki ang halaga nito, sa susunod wag ka nang bumili ng ganyang kamahal." "Ito ay isang maliit na regalo para sa iyo, guro. Mabuti't masaya ka."

Inutusan ni Ms.Cruz ang chef na maghanda sa isang mesa na puno ng mga pagkain para kay Isabela, na  kung saan lahat ito ay paboritong pagkain ni Isabel.“Naaalala ko noong nag-aaral ka pa, napakapili mo sa pagkain. Hindi ka kumakain ng pagkaing sobrang lamig o sobrang init at ngayon sisiguraduhin kong lahat ng ihahanda ng aking chef ay magugustuhan mo. 

Habang nakatingin sa hapag na puno ng masasarap na pagkain, namuo ang mga luha sa mga mata ni Isabela. "Bakit ka umiiyak, iha? Hindi mo ba gusto? Magpapatimpla ako sa kusinero ng iba para sa iyo." "Hindi, hindi po," sunod-sunod na pagtanggi ni Jiang Ranxing habang kumakaway ang mga kamay, "gustong-gusto ko ito, paborito ko ito."nakaramdam ng matinding lungkot si Sabel. "Matagal na panahon na akong hindi nakaramdam na minamahal ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko," sabi ni Isabela.

"Matagal na panahon na ang lumipas mula noong may nagmalasakit sa mga gusto o ayaw ko." Totoo ito sa usaping pag-aasawa. Mula nang ikasal, nakatuon lang ang atensyon ni Isabel kay Rafael. Tanda niya ang lahat ng gusto at ayaw ni Rafael. Samantala, pagdating sa kanya, hindi naman siya pinapansin o pinahahalagahan ng kayang pinakamamahal na Rafael.

 Ang pamilya ng babaeng ikinasal ay parang tubig na natapon mula sa tasa; kapag nakapag-asawa na ang anak na babae, hindi na siya itinuturing na bahagi ng kanyang pamilyang pinanggalingan. May kinikilingan ang kanyang mga magulang at itinuring siyang parang ATM, habang mas pinahahalagahan nila ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki at halos hindi na siya pinansin matapos siyang ikasal. 

Bagaman kahit  walang dugong nananalaytay sa kanila ng kanyang guro na siyang tunay na nagpapahalaga at ang taong tunay na nagmamalasakit sa kanyang kapakanan ngayon. Maging sa pamilya o sa karera, matiyaga at tapat na tumutulong sa kanya si Ms Cruz.

 "Salamat po, "Ikaw talagang bata ka, habang hinhaplos ni Ms.Cruz ang sobrang payat na mukha ni Sabel alam niyang hindi naging maganda ang kanyang kalagayan. “Nasaksihan ko ang paglaki mo mula noong sanggol ka pa. Para sa akin, parang sarili kong anak ang turing ko sa iyo. Hindi mo na kailangang magpasalamat.” 

Lumilitaw na talagang ang kanyang guro lamang ang may pagmamahal sa kanya, matagal lang niyang niloko ang sarili at ayaw niyang harapin ang katotohanan. Mahal siya ng kanyang guro. Hindi siya mahal ng kanyang asawa, anak, at mga magulang. Isang hindi matatawarang katotohanan ito. Ayaw na niyang maging taong naglalakad nang nakapikit ang mga mata.

Pagkatapos ng hapunan, nag-usap ang dalawa tungkol sa trabaho, at pagkatapos ng mahabang usapan ay kailangan nang umalis ni Isabela. Sa pag talikod ni Isabela tinawag ito ng guro at sinabing, napag-isipan mo na ba nang mabuti? Paano ang asawa mo? napahinto ito sabay sabing "Opo, napag-isipan ko na. Diborsyo ang pinakamainam na hakbang at kakausapin ko siya tungkol dito. Pagkatapos noon, gusto ko na lang mag-focus sa aking karera.

" Ms.Cruz "Sige, susuportahan kita anuman ang mangyari. Inayos ko na ang pagpapalaganap ng balita na magbabalik na ang Emperial J, ang studio at mga assistant ay pareho pa rin noong anim na taon ang nakalilipas. Mag-focus ka lang sa disenyo at hayaan mo na sa akin ang lahat at iba pa.

Dumating ang pribadong doktor ni Yuan sa Tomsom  Villa at binigyan ang bata ng masusing pagsusuri, nilagyan siya ng IV drip, at pagkatapos ay lumabas ng kwarto para magpadala ng mensahe kay Isabela. Madam, gumagaling na ang young master. Bigyang-pansin lamang ang kanyang mga kinakain at dapat lahat ng ito ay masusustansiya at ipagpatuloy ang kanyang IV drips gaya ng naka-iskedyul. 

Pagkalipas ng ilang segundo, sumagot si Isabela. Okay doc, salamat sa iyong pagsusumikap na bigyang pansin na alagaan ang aking anak. Nang lumingon si Dr.Kim, muntik na niyang mabangga si Rafael. Bago niya namalayan, lumitaw na pala si Rafael sa kanyang likuran, hindi kaagad niya ito napansin dahil ang kanyang tingin ay nakatutok sa screen ng kanyang telepono.

 Ipinaliwanag ni Dr.Kim na, "Hiniling sa akin ng iyong asawa na iulat ang kalagayan ng young master." Malalim ang tingin ni Rafael sa doctor "Itanong mo kung nasaan siya ngayon" "Okay...ano?" Sinabi ni Dr.Kim, "Dapat ko bang itanong ang tungkol sa iyong asawa?" Sa isip ng Doctor bakit siya tinanong ni Mr.Lim ng ganoong personal na tanong? Nagdilim ang paningin ni Rafael at sigaw na pasabing "Magtanong ka lang, sinasabi ko sa iyo."

Walang pagpipilian si Dr.Kim  kundi sumunod. Ah, ahhmm [Madam, nasaan ka ngayon?] Walang sumagot. Si Dr.Kim ay maaari lamang magpadala ng isa pang mensahe. [Madam, nasaan ka ngayon?] Ilang sandali pa bago sumagot si Isabela. Sabihin mo sa kanya na hihintayin ko siya sa kumpanya; kung gusto niya akong makita, pwede siyang pumunta sa opisina.

Si Dr.Kim ay pawis na pawis. Inilibot ni Rafael ang kanyang tingin sa buong silid, ang kanyang awra ay naging napakababa, tulad ng hamog na nagyelo. Wala siyang sinabi, ngunit inutusan ang mayordomo, "Ihanda mo ang sasakyan, pupunta tayo sa headquarters ng kumpanya."

Chapter 5

Tumayo si Isabela sa paanan ng pinakamataas na gusali sa City B at tumingala. Abot-tanaw ngunit hindi kayang abutin tulad mismo ng relasyon nila ni Rafael. Dati, nais niyang magsikap upang makatabi ang mga taong nasa tuktok at makasama si Rafael, ngunit ngayon wala na sa isip niya ang ganoong bagay. Kaya na niyang tumayo roon nang mag-isa, sa sarili niyang mga paa.

Bumaba si Isabel sa ground floor at sinabi sa receptionist, "Pakikontak ang assistant ng presidente at sabihing dumating na si Isabela." Noon, ang lagi niyang sinasabi ay, "Dumating na si Mrs.Lim" Ngayon, pakiramdam niya ay nakakairita ang titulong "Mrs.Lim" para bang isang baging ng saging na walang sariling tindig at nakadepende lamang sa pagkapit kay Rafael.

Nagulat ang receptionist, ngunit sinunod pa rin ang hiling niya at tinawag ang pribadong elevator para kay Ms.Isabel. Dahan-dahang umakyat ang elevator, at habang tumataas ito, unti-unting lumiit ang tanawin sa labas. Habang tumataas ang kinalalagyan ni Sabel ay lalong kumakalma ang kanyang kalooban. Kapag humaharap na sa malupit na realidad, nakapagtatakang nagiging mahinahon ang pakiramdam niya. 

Pagkatapos ng maraming pag iyak at pagtitiis, kailangan kong maging matatag para sa aking sarili. Naghihintay na si Marco, ang assistant ng presidente, sa pasukan ng pribadong elevator. Pagkakita kay Isabela, magalang siyang yumuko. 

"Madam, naghanda ako ng meryenda sa pribadong lounge ni Mr. Lim. Maaari po kayong pumunta roon at maghintay.

Isang propesyonal na tao si Marco. Lagi siyang magalang at maingat sa pakikitungo kay Isabel, hindi tulad ng iba na s********p sa mga nasa makapangyarihan at tanging kay Ms.Viviane lamang nagpapakita ng pagpapahalaga. "Hindi na kailangan, hihintayin ko na lang siya sa reception room." Tumalikod si Isabel at naglakad sa kabilang direksyon. "Isa pa, pakiusap, huwag mo na akong tawaging Mrs.Lim. Tawagin mo na lang ako sa aking pangalan.

Sa isang tingin pa lamang, naunawaan na ito ni Marco. "Miss Isabela, maaari na po kayong pumunta sa reception room." Matalas ang isip ni Marco, at alam na alam niya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago sa pakikitungo ni Isabela kumpara noon sa kanya. Gayunpaman, alam niyang oras na lamang ang bibilangin bago tuluyang mawala ang apilyedo ni Mrs.Lim kay Rafael.

Gayunpaman, bilang isang taong labas sa usapan , wala siyang dahilan upang magsalita. Matapos ayusin ang mga bagay-bagay para kay Isabel,  pumunta siya sa elevator upang maghintay. Tansya na niyang, darating si President Lim sa loob ng humigit-kumulang sampung minuto. 

Paglabas ni Rafael mula sa elevator, kapansin-pansin ang hindi magandang timpla ng kanyang mukha. Ngunit nanatili siyang kagalang-galang at maayos ang tindig. Gayunpaman, damang-dama ang nakatagong lungkot at kawalan ng pag-asa sa kanyang kalooban. Hindi naglakas-loob na magsalita nang marami si Marco at magalang na binuksan ang p***o para kay Rafael.

Sa loob ng silid-tanggapan, biglang bumagsak ang temperatura naging napakalamig ng paligid, tila nakapangangatog sa ginaw na may halong init.

"Bakit hindi ka na lang pumunta sa lounge?" Si Rafael ang unang nagsalita.

Tinatamad na sumagot si Isabel sa ganoong walang kabuluhang tanong, kaya hindi na lang niya ito pinansin.

"Pag-usapan na lang natin ang kustodiya kay Yuani," wika niya, at itinigil na ang paligoy-ligoy.

Biglang ngumiti si Rafael isang ngiting malabong maunawaan na para banf hindi gusto ang kalalabasan ng kanilang pag-uusap. "May problema ba kung manatili si Yuan sa villa?"

"Alam mo namang hindi iyon ang pinag-uusapan natin," sagot ni Isabel. "Bakit ka ba nagkukunwaring walang alam?"

Tumayo bigla si Rafael mula sa tapat ng mesa. Tumingin siya nang mas nakababa kay Isabel, na may halong puno ng matinding sama ng loob.

"Ako ba ang nagkukunwari, Isabel? Hindi kaya ikaw ? May ipinangako ba ako sa iyo?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" sumagot si Isabel nang may talim. " Bakit ayaw mo bang makipaghiwalay? Paano ka makakasama kay Viviane kung hindi tayo maghihiwalay? O gusto mong hayaang maging kabit si Viviane habang kasama ako! Tinanong mo na ba ang gusto niya?"

Sa bawat salitang ibinabato niya sa lalaki, tila sinasaksak din niya ang sarili niyang puso.

Hindi agad nakasagot si Rafael. Hindi siya makapaniwala, paanong ang babaeng kilala niyang mahinhin, malambot magsalita, at laging sumusunod sa kanya ay biglang nagbago nang ganito? Sa isip niya, hindi ito dapat nangyayari.

"Isabel," malalim ang boses na sabi niya, "nakalimutan mo na ba? Anim na taon na ang nakalilipas, kayo ang nagpilit sa pamilya ko na ipakasal ako sa iyo gamit ang kasunduan ng mga matatanda?"

Ang mga salitang iyon ay nagbalik ng mga alaalang matamis noon, pero ngayon ay puno na ng hapdi.

Anim na taon na ang nakalilipas, bente-anyos pa lamang si Isabel isang simple, masayahin, at puno ng pag-asa ang dalaga. Kumatok siya sa malaking pintuan ng lumang mansyon ng pamilya Lim, dala ang kasunduan sa kasal na matagal nang pinag-usapan ng kanilang mga magulang isang kasunduan na hindi naman tiyak kung may bisa.

Tumingin siya nang diretso sa mga nakatatanda at buong-tapang na sinabi: "Pangako papasayahin ko si Rafael."

Ngunit tumanggi agad ang binata noon. Sinabi niyang mayroon na siyang iniibig mula pagkabata, at hindi niya kayang pakasalan si Isabela. Ang taong iyon ay si Viviane na noon ay katatapos lamang ikasal at nakatakda nang magtungo sa ibang bansa para doon ituloy ang sarili niyang pamilya.

Handa sana niyang ialay ang lahat sa babaeng naging inspirasyon at sentro ng kanyang mundo. Ngunit dahil ikakasal na ito at paalis na, hindi hinayaan ng mga nakatatanda sa pamilyang Lim na magpadalos-dalos ang kanilang tagapagmana. Kahit alam nilang labag ito sa loob ni Rafael, sila pa rin mismo ang nag-ayos ng kasalan sa pagitan ng pamilya Lim at pamilya ni Isabela.Kung kaya mabilis na naitakda ang petsa ng seremonya ng kanilang kasal.

Habang inaalala iyon ni Isabel, unti-unting gumuguho ang magagandang ilusyong matagal niyang binuo sa isip niya. Napangiti siya nang mapait.

"Ang ibig mong sabihin... iyong kasal na wala naman talagang lalaking ikakasal?"

Dugtong pa ni Isabela, "Hindi ko nakalimutan ang nangyari anim na taon na ang nakalilipas pilit ko lang itong itinatago. Ngayong gising na ako sa katotohanan, hindi ba pwedeng itigil ko na ang panloloko sa sarili ko? Rafael, palayain na natin ang isa't isa. Maghiwalay tayo nang maayos."

Biglang tumawa si Rafael, isang tawa na puno ng di-maipaliwanag na damdamin. Sa loob lang ng dalawang araw, nakita na ni Isabel ang iba't ibang mukha ng lalaking ito na hindi niya kailanman nasaksihan sa loob ng anim na taon, na para bang halos hindi na siya makahinga sa gulo ng nararamdaman.

"Tuluyang paghihiwalay? Ikaw mismo ang lumapit sa akin at naglabas ng sama ng loob. Akala mo ba ay madali lang yang sinasabi mo na ayaw mo na, at magiging ayos na ang lahat?" Tumalim ang tingin ni Rafael. "Ano ba ang tingin mo sa akin?"

Ramdam ni Isabel ang totong galit niya. Dati ay parang wala lang sa kaniya ang mga ganitong pangyayari , kahit ang inis nito ay hindi tumatagal. Ngayon lang siya nagpakita ng ganitong tindi ng emosyon. May kakaibang naramdaman si Isabel sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag. Sana ay pag-ibig na lang iyon. Pero alam niyang imposible.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status