Share

Chapter 5: Part 2

Author: assej
last update publish date: 2026-07-20 21:36:19

Muling bumukas nang malakas ang p***o ng silid kung saan sila Isabela at Rafael nag-uusap kaya sabay itong napalingon at nakitang pumasok ang pangalawang tiyuhin ni Rafael na si Don Manuel.

"Anong klaseng gulo ito? At bakit nag-aaway kayong mag-asawa? At dito pa mismo talaga sa kumpanya dahil lang sa usapang pag-ibig!" Bago paman siya nakapasok sa silid napansin na niya na andun sa loob ng silid ang dalawa kaya nakinig muna saglit si Don Manuel sa labas ng p***o. Hindi niya akalaing ang mag-asawang ito ay makakagawa ng ganito kalaking iskandalo sa simpleng pagtatalo lang. Kapag kumalat ito at nakaapekto sa pangalan ng kumpanya at ng buong pamilya, hinding-hindi niya ito palalagpasin.

"Tatalakayin na lang natin ang pribadong usaping ito sa lumang bahay at kayong dalawa sumakay na kayo sa sasakyan at sumunod agad sa akin."

Dahil isa si Don Manuel sa mga makapangyarihang tao sa pamilyang Lim, hindi na nakipagtalo pa ang dalawa. Sumunod na lamang sila at sabay-sabay na umuwi sa lumang mansyon.

Pagdating sa mansyon, puno na ang loob maraming tao, nandoon ang iba't ibang miyembro ng pamilya Lim, bata man o matanda. Sa mga nakababatang henerasyon, puro babae na halos. Bilang nag-iisang lalaking tagapagmana, si Rafael ang huling dumating.

Sa gilid nakatayo lang si Isabela, wala na ni katiting na init o pagiging pamilyar na naramdaman si Isabela sa mga taong nakapaligid sa kanya. Wala na siyang dahilan para magpanggap pa na maayos ang pakikitungo niya sa kanila gaya ng dati. Sa isip niya wala na akong obligasyong makisama pa sa kanila. Ituring na ninyong huling pagkakataon na ipinakita ko ang paggalang ko sa inyo.

Habang naghinhintay ang lahat na magsimula inunahan na ni Don Manuel ang pagsalita. "Nabalitaan ko na maghihiwalay na kayong dalawa, Rafael. Totoo ba ito?"

"Saan po ninyo nakuha ang balitang iyan, Tiyo?" Matagal na silang magkasundo ni Rafael at ang kanyang tiyo sa panlabas, ngunit sa loob ay magkalaban sila hindi dahil sa ibang bagay, kundi pareho silang naghahangad ng kapangyarihan. Kahit hawak na ngayon ni Rafael ang pamamahala sa Lim Group, nananatiling malakas na kalaban pa rin si Don Manuel. Sa kaunting pagkakamali lang, agad nitong aagawin ang lahat. At mukhang ito na ang hinihintay nitong pagkakataon.

"Hindi na mahalaga kung saan ko ito narinig. Ang totoo ay gusto ng asawa mo na mag pa diborsiyo. Tama ba ako.? Kung hindi mo man lang mapamahalaan nang maayos ang sarili mong pamilya, may karapatan akong mag-alala kung kaya mo pa bang pamunuan ang buong Lim Group!"

Huminga nang malalim si Rafael at sumagot, "Huwag na po kayong mag-alala tungkol diyan, Tiyo. Dahil ang iyong nabalitaan ay malabong mangyari. Hindi kami magdidiborsiyo."

Ano? Nanlaki ang mga mata ni Isabela sa gulat. Bago pa man siya makapagsalita, bigla na lang siyang hinila ni Rafael nang mahigpit sa kanyang bisig. 

Hindi makapaniwala si Isabela. "Kami naman kasi talaga..."

Lumingon sa kanya si Rafael at bumulong nang mahina, "Pag-usapan na lang natin ang atin mamaya. Sa ngayon isipin mo muna si Yuan."

Tama siya. Kung ilalatag nila ang diborsiyo ngayon, para na rin itong sinasadyang ipaalala kay Don Manuel na pwede na itong sumalakay at agawin ang kapangyarihan sa negosyo ng pamilya. Bilang nakatakdang tagapagmana, sasalubungin lang ng napakaraming pagsubok at hadlang si Yuan Lim kapag lumaki ito, at yun ang pinaka ayaw nilang mangyari, dahil ang tunay na mga magulang na nagmamahal ay laging naghahanda para sa kinabukasan ng anak. Kailangang isipin ni Isabela  ang  kapakanan ng kanyang anak.

Humiwalay siya ng tingin kay Rafael at humarap kay Don Manuel "Hindi po kami maghihiwalay, Tiyo. Ikaw naman masyado po kayong nag-iisip ng kung ano-ano. Usap-usapan lamang po ang lahat ng iyon."

Dugtong pa ni Rafael, "Hindi madaling magbago ang aming pagsasama na tumagal na ng maraming taon." Ibinaba niya ang kanyang paningin at tumitig kay Isabela. "Hindi ba, Isabela?"

Sa sandaling iyon, tila may gumuhit na kung ano sa puso ni Isabela. Masakit man at manhid, napaisip siya, kung totoo lang sana ito... kung wala sanang nangyaring masama, napakaganda sana nito.

Gabi na nang makalabas sila sa lumang mansyon.

"Ibalik mo kami sa villa," utos ni Rafael sa drayber.

"Hatid mo na lang ako sa susunod na kanto," Sabi ni Isabela at lumayo siya nang kaunti. "Hindi na ako babalik doon."

Halata ang pagkadismaya sa kilos ni Rafael. Muli niya itong hinila nang mahigpit sa kanyang bisig at sinabing iiwasan mo na lang ba ako nang ganito?" 

 

"Pwede bang tama na, hindi na tayo nag papanggap. Wala na akong dahilan para bumalik pa sa villa." Sinadya ni Isabela na lumayo nang kaunti at hindi makaharap nang diretso kay Rafael.

 

"Saan mo balak tumira?" tanong ni Rafael.

 

Napangiti nang mapait si Isabela. "May pakialam ka ba talaga kung saan ako pupunta?"

 

Nanatiling tahimik si Rafael, bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Wala nga namang pakialam, wika ni Isabela sa kanyang sarili. 

Anim na taon na ang lumipas, pero kahit kailan ay hindi nagkaroon ng puwang sa puso niya si Isabela. Nakakaawang isipin pero pagod na pagod na siya sa pagmamahal na siya lang ang gumagawa. Sapat na yun. Ito na ang katapusan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 8: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Napansin niyang tila humupa at pumayat ang braso nito. Ano kaya ang nangyari sa kanya sa mga araw na wala siya sa kanyang tabi?"Bitawan mo ako, Rafael."Hindi siya bumitaw. "Pumayat ka."Hindi inaasahan ni Isabela na iyon ang sasabihin nito. Marahil ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng anim na taon na nagpakita ng tunay na pag-aalala sa kanya si Rafael. Hindi napigilan ni Isabela ang paglamig ng kanyang dibdib at pagluwag ng lalamunan sa lungkot. Dahil bihira siyang pagtuunan ng pansin, kahit ang pinakamaliit na pagpapakita ng malasakit ay nagiging tila napakahalaga at kakaiba sa kanyang pakiramdam."Mabuti naman at napansin mo pa," malamig na wika ni Isabela sabay bawi ng kanyang braso.Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap, nag-iisip siya kung dapat na ba niyang banggitin ang usaping tungkol sa karapatan nila sa kanilang anak. Kung papayag si Rafael na ibigay sa kanya ang karapatang mag-alaga, magiging maayos ang lahat. Ang tunay na alalahanin niya ay ang bata; alam naman

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 7: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    The Tomson Villa"Yuan, nandito na si Mommy!Nagkulong sa loob ng kanyang silid sa itaas si Yuan at tumangging lumabas. Sa katunayan, nakita na niya mula sa bintana ang pagdating ng ina, ngunit pinili niyang huwag itong harapin. Narinig niya kasi kanina ang usapan sa telepono ng kanyang ama at ni Viviane. Isasama raw ni Tatay si Tita Viviane at si Andres sa bagong bukas na hardin ng mga halaman. Narinig din niyang maraming bata ang sasama kasama ang kanilang mga magulang. Si Andres ay kasama ang kanyang ama at si Tita Viviane—ngunit paano naman siya? Dahil wala rito si Nanay, tila wala rin siyang halaga kay Tatay. Ano pang saysay ng pagbabalik nito ngayon! Umalis na si Papa at hindi na niya ako isasama kahit kailan!"Yuan, nasa loob ka ba ng iyong kwarto?" Dahan-dahang kumatok si Isabela habang malumanay na tumatawag sa anak."Wala ako rito! Padabog na umupo si Yuan sa sofa at nagsimulang maghagis at manuntok ng mga laruan sa paligid. Patuloy pa rin sa pagtawag si Isabela mula sa laba

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 6: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    "Ihinto niyo po ang sasakyan sa unahan," utos ni Isabela sa drayber. "Ayoko nang umulit pa ng dati."Nang makitang balak na talagang bumaba ni Isabela, agad na itinigil ng drayber ang sasakyan para makaiwas sa anumang disgrasya. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Isabela; buong desidido siyang bumaba. Habang papalayo ang sinakyan ni Isabela, nakatitig lamang si Rafael dito. Inakala ng drayber na nag-aalala ito kaya nag-alok siya: "Sir, sundan po ba natin ang asawa ninyo? May mahalaga pa po kayong internasyonal na pagpupulong."Tumahimik sandali si Rafael bago sumagot, "Umalis na tayo." At tuluyan nang naglaho ang sasakyan sa dulo ng kalsada.The Tomson Villa.Makalipas ang ilang araw ay nakabalik din si Rafael sa mansyon. Katatapos lamang ng isang napakalaking transaksyon at lubos siyang pagod matapos ang sunod-sunod na araw ng matinding pagtatrabaho. Habang naglalakad siya sa sala, kusang lumingon ang tingin niya patungo sa kusina nakagawian na niya ito. Dati, sa ganitong oras ay naaamo

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 5: Part 2

    Muling bumukas nang malakas ang pinto ng silid kung saan sila Isabela at Rafael nag-uusap kaya sabay itong napalingon at nakitang pumasok ang pangalawang tiyuhin ni Rafael na si Don Manuel."Anong klaseng gulo ito? At bakit nag-aaway kayong mag-asawa? At dito pa mismo talaga sa kumpanya dahil lang sa usapang pag-ibig!" Bago paman siya nakapasok sa silid napansin na niya na andun sa loob ng silid ang dalawa kaya nakinig muna saglit si Don Manuel sa labas ng pinto. Hindi niya akalaing ang mag-asawang ito ay makakagawa ng ganito kalaking iskandalo sa simpleng pagtatalo lang. Kapag kumalat ito at nakaapekto sa pangalan ng kumpanya at ng buong pamilya, hinding-hindi niya ito palalagpasin."Tatalakayin na lang natin ang pribadong usaping ito sa lumang bahay at kayong dalawa sumakay na kayo sa sasakyan at sumunod agad sa akin."Dahil isa si Don Manuel sa mga makapangyarihang tao sa pamilyang Lim, hindi na nakipagtalo pa ang dalawa. Sumunod na lamang sila at sabay-sabay na umuwi sa lumang man

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Chapter 1Ngayon ang ika-anim na anibersaryo ng kanilang kasal. Sa isip ni Isabela, sana ay maging masaya ito sana ay magkakasama silang tatlo: siya, kanyang asawa , at ang kanilang anak, bilang isang buong pamilya. Ngunit tila walang kahit sinong nagpahalaga sa araw na ito. Ni hindi man lang nagpakita ang lalaking hinihintay niya. Mula umaga hanggang gabi, paulit-ulit siyang tumawag, pero ni isang beses ay hindi sinagot ni Rafael.Unti-unting nanlamig ang puso ni Isabela. Sa isip niya ay hayaan na lang at wag pilitin ang ayaw. Ano pa bang saysay nito. Parang pagkaing inihanda at inabangan nang matagal, pero wala nang gana ang kakain nito ganun na rin siya sa kanilang pagsasama. Sa wakas, nagpasya na siya. Panahon na para gumising sa pangarap na kinapuluputan niya ng mahigit anim na taon.Pinindot niya ang numero ni Attorney Lorenzo. “Attorney, maaari po ba kayong gumawa ng kasunduan? Gusto ko na pong magdiborsyo.”“Sigurado po ba talaga kayo, Mrs.Isabel? Tatapusin na ninyo ang anim n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status