Share

Chapter 3

Author: MM16
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-21 02:22:23

Kinakabahan si Selene habang papalapit siya sa opisina ng agency. Parang ang bigat ng bawat hakbang niya, na para bang may humihila sa kanya pabalik, pero alam niyang wala na siyang pagpipiliian. Sa bawat paghinga niya, paulit-ulit niyang iniisip ang mga anak niya at ang kanyang ina, ang kanyang tiyo.

Kaya mo ‘to, Selene… para sa kanila. Mahina niyang bulong sa sarili.

Pagpasok niya sa loob ng agency, agad siyang sinalubong ng malamig na aircon at mas malamig na tingin ng ilang aplikante ring nakaupo sa gilid. May lumapit sa kanyang babae na naka-uniporme.

“Selene?” tanong nito.

“O-opo,” sagot niya agad.

“Dito ka muna. Tatawagin ka ng supervisor.”

“Salamat po.”

Umupo si Selene sa isang sulok. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya na parang gustong kumawala. Maya-maya, tinawag siya sa isang maliit na opisina kaya agad naman siyang kumilos. Hindi pwede na patanga-tanga siya. 

“Selene, come in,” sabi ng supervisor nang kumatok siya.

Pagpasok niya, isang middle-aged na lalaki ang bumungad sa kanya. Hindi ito ang babaeng tumanggap sa mga papeles niya.

“Good morning po,” magalang niyang bati.

“Selene, right?” tanong nito habang binabasa ang papel sa harap niya.

“Opo,” sagot niya ulit, halos pabulong.

Tumango ang supervisor.

“May trabaho na para sa’yo,” ngumiti ito kaya ang laki rin ng ngiti niya.

“Salamat po.”

“Espesyal ang magiging amo mo.”

Natigilan si Selene at lalong tumambol ang puso niya sa kaba, “Sp… espesyal po?”

Hindi sumagot agad ang lalaki. Tumingin muna ito sa papel, tapos  ay sa kanya.

“Hindi lahat ng detalye ay puwedeng sabihin ngayon, Selene pero makakasiguro ka na mataas ang sahod at maayos ang kondisyon kaya pagbutihan mo ha.”

“Opo, Sir!”

“We are protecting our clients’ privacy,” sagot ng supervisor, “Pero wala kang dapat ipag-alala kung susunod ka lang sa rules.”

Hindi pa rin mapakali si Selene, pero naalala niya ang mga anak niya na minsan ay natutulog na walang sapat na pagkain sa edad na apat.

“Sige po… tatanggapin ko po,” mahina niyang sabi.

Ngumiti ang supervisor na parang nasiyahan sa kanya.

“Good. May darating na representative para kausapin ka pa.”

Lumipas ang ilang minuto. Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Isang babae ang pumasok na walang katok kaya napakurap siya at ngumiti sa babae. Sumulyap kasi iyon sa kanya, sulyap na tila ba naaral na kaagad siya sa isang tingin lang.

Mataray ang tindig nito, straight ang likod, at malamig ang aura. Nakasuot ito ng itim na business suit. Parang bawat galaw nito ay aral. The woman doesn't look friendly. Natakot siya pero walang magagawa.

“Miss Quintana,” ani ng supervisor at tumayo, “Please have a seat.”

Sumunod ang babae at naupo sa tapat ni Selene.

“I am Leticia,” diretsong sabi ng babae sa kanya.

Tumayo agad si Selene ay yumuko.

“Hello po, ma’am.”

“Sit down,” anito na parang may buntong hininga.

Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

“You are Selene. Confirmed.”

“Opo.”

“Listen carefully. You will start tomorrow.”

Napakurap si Selene, “Bukas na po agad?”

“Yes,” pormal na sagot ni Leticia.

Binuksan nito ang folder at isa-isang binasa ang detalye.

“Salary is fixed, 15,000 a month. Weekly payout, and full accommodation and food. Libre ang shampoo sabon, lotion. You will have a day off during Sunday but if the schedule of your boss is tight, the day off will be adjusted until his schedule is loose. May kontribusyon sa Philhealth at SSS, at walang babawasin sa iyo.”

Napakagat-labi si Selene. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Walang bawas? Kung mayroon man ay agency lang. At ang laki ng bayad para sa isang kasambahay.

 “Courtesy of your employer since mag-isa ka na kasambahay. Ikaw lahat ang gagawa.”

Sandaling tumigil si Leticia.

“Kaya?”

Tumango siya kaagad.

“Your duties will be explained once you arrive. You don’t need to worry about anything else,” dagdag pa nito.

“Hindi ko po ba makikita ang amo ko ngayon?” tanong niya ulit.

Leticia shook her head, “No. You will meet them when you arrive. If you don't have further questions, sign here,” utos ni Leticia habang titig na titig sa kanya. Saglit nitong sinulyapan ang papel na kinuha sa isang briefcase.

Kinuha ni Selene ang ballpen. Nanginginig ang kamay niya habang pinipirmahan ang kontrata. Kung ano man ang ugali ng magiging amo niya, wala siyang karapatan na basta lang umalis lalo pa at nasa agency siya. Sana lang ay mabait.

Pagkatapos niyang pumirma, isinara ni Leticia ang folder.

“Someone will pick you up tomorrow morning. 6 AM sharp. Be ready. Dito ka niya kukunin. Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo.”

“Opo,” sagot niya.

Tumayo na si Leticia.

“Don’t be late.”

“Opo, Ma'am.”

Leticia turned her back after a handshake with the supervisor. Humakbang ang babae pero biglang tumigil.

“By the way, Selene,” anito kaya agad siyang naalarma.

“Po?”

“Do you have kids? Wala sa profile mo kung may anak ka na. I know you're single but women nowadays stay single even though they're already mothers.”

“Meron po pero hindi po sila magiging hadlang. May nag-aalaga po sa kanila,” tipid niyang sagot dito.

Hindi na ito sumagot pa at tumuloy na lang sa pag-alis. Pagkalabas ni Leticia ay naiwan si Selene sa opisina ng supervisor.

“Good luck,” sabi lang ng supervisor, “Pipirma ka lang dito ng ilang papel at makakauwi ka na. Kung may problema ka sa amo mo, kumontak ka rito at iimbestiga ng agency. Pinangangalagaan din namin ang aming mga kasambahay namin.”

“Salamat po,” sagot niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot dahil hindi niya alam kung sino ang magiging amo niya.

Pero kailangan ni Selene na tapangan ang sarili at isipin na parang tulad lang din naman ito sa probinsya kapag namamasukan na kasambahay.

Pag-uwi niya sa bahay, tahimik ang mga bata. Amoy ng ulam na tuyo at sinaing na kanin ang bumungad sa kanya.

Sa sala, naroon ang kambal niya, “Mama!” sabay na sigaw ng dalawa nang makita siya. Nanonood pala ang mga ito sa lumabg telebisyon kaya tahimik.

Ngumiti si Selene kahit pagod na pagod siya.

“Kumusta ang mga baby ko? Aba, nanonood na kayo ng cartoon. May palabas na!”

“Iniuwi po ni lolo ‘yan o, tapos nikabit niya po sa TV, may palabas na!” Sabi ni Elara sa kanya. Ito ang madaldal sa dalawa pero ang isa ay hindi.

Dwight looks superior and he just observes around.

“At saan naman daw nakuha ni lolo ‘yan?” Tanong naman niya.

“Sa kapwa drayber daw niya, anak. Aba ay kinuha na naman na hulugan. Singkwenta raw kada pasada. Kakaawa naman daw kasi itong mga bata kapag nakikisilip doon sa bahay ng kalaro tapos pinalalayas noong nanay at mga hampas lupa raw,” ani naman ng nanay niya na nagluluto ng tuyo.

“Hindi bale, may trabaho na si Mama!” Masigla niyang sabi sa mga ito.”

“Nanlaki ang mga mata ng kambal at nagtatalon sa tuwa.

“Kakain na tayo ng fried chicken! Yehey!” Masaya na sabi ni Elara habang si Dwight ay pangiti-ngiti lang.

“Totoo ba anak?” Hindi naman makapaniwala na tanong ng ina niya.

“Oo, ‘nay. Bukas na ako mag-uumpisa pero kada linggo ay nandito ako. Nanay, pa-enroll niyo na sila sa daycare sa barangay at ihahabol ko kaagad ang mga gamit nila. Lingguhan ang sahod ko. May pera na tayo sa linggo.”

“Oo, sige. I-enroll ko na sila total half day lang naman diyan.”

“Bibili tayo ng bag, Mama?” Dwight asked.

“Oo, bago. Parehas kayo ni Elara.”

Ngumiti ito at napakagwapo na sobra. Maganda naman siya kaya lang ay dugyot tingnan dahil mahirap lang at walang magagandang damit.

“Kaya lang, si nanay ang kasama niyo ha kasi magwo-work na si Mama para may pambili tayo. Naiintindihan niyo naman, ‘di ba?”

Agad na umiyak ang babae niyang anak, “Sana dating na si Papa para hindi na aalis si Mama. Kapag maraming pera si Papa hindi na magwo-work si Mama!”

Agad na niyakap ni Dwight ang kakambal, “‘wag ka na iyak, Erara. Pag ako madami pera ‘di na work si Mama.”

Ngumiti siya kahit naaawa siya rito. Iba ang sitwasyon ngayon kaysa sa pinasukan niya sa Siquijor. Doon ay uwian siya tuwing hapon kaya kasama niya ang mga ito kapag gabi. Ngayon ay stay-in siya. Kung hindi lang nga humirap na sobra ang paghahanap ng trabaho sa probinsya at hindi inabandona ang tiyuhin niya ay hindi sila luluwas ng mga bata at ng nanay niya. Isa sa dahilan ay ang takot na baka makita siya ng mga taong nanakot sa kanya noon habang siya ay buntis, na kung hindi siya lalayas ng Maynila ay papatayin siya at ang mga ipinagbubuntis niya.

Kung sino ang ama ng mga anak niya ay hindi niya alam. Kung paano siya nabuntis? IVF ang sagot sa tanong na iyon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 92

    Chapter 92 Ang loob ng presidential limousine ay binalot ng biglaang katahimikan na kayang pumutol ng kahit anong bakal. Agad na nagkaguhit ang mga noo ni Hudson dahil sa nakikitang nakaflash na pangalan sa screen. It was a secure line from his private intelligence chief. Bago pa man niya sagutin ang tawag, huminga na muna siya nang malalim, umaasa na makakakuha na siya ng isang malinaw na ebidensya tungkol sa tao na sinadya na kunin ang mga litrato ni Selene at Cody. These people do not know how a certain Hudson del Fierro work behind a respectable suit. Baka nakakalimot ang mga kalaban na siya ay maraming maruming sikreto na pinagtakpan na mabuti ng kanyang ama para lang maging mabango siya at kahanga-hanga, pero kung kailangan, palalabasin niya ang dating siya para maprotektahan ang taong mahal niya, handa siya. "Speak," Hudson commanded in a low, dangerous undertone, his jaw tightening. "Sir, we have cross-referenced the server logs and the offshore accounts responsible for fun

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 91

    Chapter 91 Pakiramdam ni Hudson ay ang kapal ng ulo niya dahil sa inip na nararamdaman. He sat at the head of the massive mahogany conference table, his sharp eyes focused on a set of state security reports. Sa kabilang dulo naman ay tahimik na nakaupo si Valerio habang tinitingnan ang mga binagong dokumento para sa budget ng bansa. Since their brutal confrontation the previous afternoon, the father and son had maintained a strictly professional, freezing distance. Nagsasalita lamang sila kapag ang mga opisyal na gawain ng pamahalaan ay nangangailangan ng kanilang atensyon. Suddenly, the doors of the briefing room were thrown open without a single knock. Mabilis na pumasok si Leticia sa loob, hingal na hingal at bakas sa mukha ang matinding gulat at pagkamangha. She didn't even apologize for breaking the strict executive protocol due to the urgency of the situation. "Mr. President... you need to see the live broadcast right now," Leticia gasped, her voice trembling, habang mabilis n

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 90

    Chapter 90 The heavy morning traffic along the South Luzon Expressway was completely paralyzed. Kasabay ng pag-alis ng convoy ni Selene mula sa palasyo, isang matinding buhos ng ulan ang naging dahilan para maging mabagal ang takbo ng mga sasakyan papunta sa Enderun Colleges. Inside the luxury executive limousine, Selene was staring intensely at her review notes. Her heart was racing with anxiety; today was her final advanced economics examination under Professor Cody, and the university administration had strictly stated that latecomers would automatically receive a failing grade. After surviving the malicious cheating scandal, she couldn't afford another academic disaster. Two Presidential Security Group escort vehicles led the way, their sirens subtly blaring to clear a path through the gridlock. Everything was moving according to schedule until they reached a busy intersection just a few blocks away from the McKinley Hill campus. Suddenly, a loud, screeching sound of metal and

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 89

    Chapter 89The next morning brought a blinding, harsh sunlight that cut through the sheer curtains of the massive presidential bedroom. Dahan-dahan na binuksan ni Hudson ang mga mata. His body aching from weeks of unaddressed physical and emotional fatigue. Sa mga nakalipas na taon, ang paggising sa loob ng Malacañang Palace ay palaging may kasamang isang magandang routine. Ang bango ng bagong timplang kape, ang malambing na pagbati sa kanya ni Selene, at ang matamis na ngiti nito ang sumasalubong sa kanya araw-araw.But this morning, the vast room was completely frozen in a suffocating, dead silence. Walang mainit na tasa na naghihintay sa kanya, at wala rin ang malambot na kamay na humahaplos sa kanyang noo. There was no Selene to comfort his weary soul.Hudson sat up against the heavy headboard, staring blankly at the empty space beside him. Isang matinding pangungulila at lungkot ang biglang bumalot sa kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. He realized with a brutal, piercing clari

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 88

    Chapter 88The heavy bag on her shoulders felt like it vanished into thin air the very second her eyes locked onto his exhausted figure. Sa haba ng hallway ng Enderun Colleges, walang ibang nakikita si Selene kundi ang lalaking halos hindi na makatayo sa matinding puyat pero nanatiling nakatitig sa kanya nang may buong pagmamahal. The pain of the false tabloid headlines, the terrifying disciplinary hearing, and the brutal accusations of former President Valerio seemed to melt away under his bloodshot, desperate gaze.Without thinking about the students watching them, or the security guards stationed at the corner, Selene broke into a sudden run. She ran toward him as fast as her legs could carry her, her tears freshly spilling over her flushed cheeks.Hudson immediately detached himself from the wall, his long strides meeting her halfway. Before she could even say a word, he opened his arms and pulled her tightly against his chest, burying his face into the soft curve of her neck as i

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 87

    Chapter 87 The sleek, modern interior of the presidential holding room in Sydney, Australia, suddenly felt like a high-tech cage. Hudson sat on a leather sofa, his eyes fixed on the illuminated screen of his smartphone. On the glass surface, a viral local tabloid headline stared back at him with mocking boldness, "The Future First Lady's Secret Affair? Selene Caught Cheating Under the Sun with a Young Professor While the President is in Australia!" Below the text were the low-angle photographs of Selene and Professor Cody standing beneath the campus tree. Cody’s hand was raised, holding a thick folder over her head in a gesture that the media had successfully twisted into an intimate, hidden tryst. "Damn it!" Hudson muttered under his breath, his knuckles turning white as he gripped the device. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. His initial instinct, the dark, unpredictable possessiveness that ran deep within the del Fierro bloodline was a sudden spike of raw jealousy.

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 29 - Mature Content

    Chapter 29 Selene gasped against his lips, completely caught off guard by the sudden intensity of his movements. The scent of her fresh-out-of-the-shower soap mixed with the heavy, masculine fragrance of Hudson, but right now, his scent was overpowered by the raw scent of anger and desperation. Per

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 28

    Chapter 28 Nakatayo si Hudson sa may pinto ng kwarto ni Selene at nakasilip, habang nakangiti. Nakadapa ito sa kama at ka-video call sina Elara at Dwight. Her knees were bent, swinging her feet in the air. "Mama, tingin mo si Dwight, ayaw akong pasilip sa camera!" sumbong ni Elara sa screen, haba

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 26

    Chapter 26Ang kwarto na inuukupa niya ngayon ay bahagyang naliliwanagan ng sinag ng araw na tumatagos sa mamahaling kurtina. It was a massive upgrade from the cramped space she was used to. Mas malawak, mas presko, at bawat sulok ay nagsusumigaw ng karangyaan. Nang tuluyan siyang magising, ang kan

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 22 - Mature Content

    Chapter 22Mainit ang ulo ni Hudson umagang-umaga pa lang. Binulabog na naman siya ng ama niya dahil sa ginawa niya sa cellphone ni Tarek. Nagsumbong na naman ang ama ni Tarek, na kumpadre naman ng kanyang ama. At parang kasalanan na naman niya ang lahat.Galit si Valerio habang kinakausap siya sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status