Mag-log inSHANTALL AGUILAR POVHinihingal ako nang sa wakas ay pakawalan ni Kalix ang aking mga labi. Ang kanyang noo ay sumandal sa aking noo habang ang kanyang mabilis at mainit na paghinga ay humahagupit sa aking mukha. Nakakulong pa rin ako sa pagitan ng kanyang matigas na katawan at ng malamig na pader ng kanyang opisina. Ang kanyang malalaking palad ay nanginginig nang bahagya habang nakahawak pa rin nang mahigpit sa aking baywang, tila ba sinisiguro na wala akong planong lumayo o tumakas sa kanya."Promise me, Talla," paos at basag niyang bulong, ang kanyang mga obsidian eyes ay nakatitig nang diretso sa aking mga mata na tila ba binabasa ang aking kaluluwa. "Promise me that you won't let him, or anyone else, get close to you again. I am going insane just thinking about other men holding your hand or looking at you like they have a right."Naramdaman ko ang kakaibang kirot sa aking dibdib. Ang kanyang possessive nature ay hindi lang basta selos ito ay isang malalim, madilim, at makasalan
SHANTALL AGUILAR POVBuong byahe patungo sa opisina, hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Kalix. Nakaupo siya sa tabi ko sa backseat ng kanyang marangyang sasakyan, seryosong binabasa ang ilang papeles habang ang isang kamay niya ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin. Ang kanyang panga ay nananatiling matigas, isang patunay na kahit pumasok kami ngayon, ang kanyang isip ay handa pa rin sa anumang laban na darating mula sa kanyang pamilya.Ang mga salita niya kanina sa kusina “You are my family now, Shantall” ay patuloy na nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Paano nagagawang isakripisyo ng isang bilyonaryong katulad niya ang lahat ng karangyaan at kapangyarihan para lang sa isang tulad ko? Isang malaking sugal ang ginagawa niya, at natatakot ako na sa huli, ako ang maging dahilan ng kanyang pagbagsak.Pagdating namin sa Herrera Enterprises, bumalik kami sa nakasanayang routine. Sumunod ako sa likod niya habang naglalakad siya sa malawak na lobby, suot ang kanyang malamig at awtorid
KALIX LUIZ HERRERA POV Nakahiga si Shantall sa tabi ko, mahimbing na natutulog habang ang duvet ay nakatakip hanggang sa kanyang balikat. Ang kanyang paghinga ay banayad at ritmiko, isang kabaligtaran ng nagwawalang bagyo sa loob ng dibdib ko. Pinanood ko ang kanyang mukha sa ilalim ng gabi. May bahagyang pamumula pa rin sa kanyang mga pisngi, at ang kanyang mga labi ay bahagyang namamaga dahil sa kapusukan at matinding pagnanasa na pinakawalan ko sa kanya kanina. God, she was so fragile, yet she held the power to completely destroy my control. Dahan-dahan kong inalis ang braso ko sa kanyang baywang, sinisiguradong hindi siya magigising. Tumayo ako mula sa kama, isinuot ang aking itim na silk robe, at lumabas ng master's bedroom. Dumiretso ako sa malawak na sala ng penthouse kung saan ang tanawin ng lungsod ng BGC ay nagkikinang sa dilim. Sinalinan ko ang aking baso ng whiskey, pero sa pagkakataong ito, hindi ko ito ininom para mag-enjoy. Ininom ko ito para palamigin ang nag-aal
SHANTALL AGUILAR POVPagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng penthouse sa BGC, narinig ko ang mabigat na tunog ng awtomatikong pag-lock ng pinto. Ang tunog na ’yon, na dati ay nagpaparamdam sa akin ng takot at pagkabahala, ngayon ay tila naging isang pamilyar na musika na naghuhudyat ng kaligtasan. Sa labas ng pintong ito, sa malawak na mundo ng mga negosyo at matataas na lipunan, nandoon ang mapanghusgang lola ni Kalix na si Donya Victoria. Nandoon ang mga taong titingnan ako bilang isang mantsa. Pero dito sa loob, sa ilalim ng mga pribadong ilaw ng kanyang kaharian, ako lang ang tanging mahalaga.Hindi pa man ako nakakahakbang patungo sa sala, binitawan ni Kalix ang kanyang briefcase sa sahig nang walang pakialam at marahas akong hinarap. Sa isang iglap, naramdaman ko ang kanyang malalaking palad sa aking baywang, itinutulak ako nang dahan-dahan ngunit may kasamang dominance hanggang sa sumadsad ang likod ko sa malamig na kahoy ng pinto.Ang kanyang polo shirt ay medyo nag
SHANTALL AGUILAR POV Ang bigat ng katawan ni Kalix na nakadikit sa akin laban sa matigas na pader ng kanyang opisina ay sapat na para maramdaman ko ang tindi ng kanyang determinasyon. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lang purong kapusukan ang naroon. May kasama itong galit isang matapang at mapanganib na galit na handang bumangga sa kahit na sino, kahit pa sa sarili niyang kadugo. "Kalix nasasaktan ako," mahina kong bulong, pilit na iniiwas ang aking mukha dahil sa labis na emosyon. Ang bawat salita ng kanyang lola ay parang multo na patuloy na sumasakal sa akin. Nang marinig niya ang reklamo ko, agad na lumuwag ang pagkakahawak niya sa pader. Dahan dahang bumaba ang kanyang mga kamay sa aking baywang, marahas ngunit may kasamang pag-iingat na hinila ang buong katawan ko para isubsob sa kanyang malapad na dibdib. Naramdaman ko ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso. dynamic, raw, and terrifyingly constant. "I am sorry, sweetheart. I'm sorry," paos niyang bulong sa bu
SHANTALL AGUILAR POV Naging mabilis ang paglipas ng mga araw pagkatapos ng opisyal na pagkakakulong ng mga magulang ko. Pumatak ang Lunes, at gaya ng napagkasunduan namin ni Kalix, bumalik ako sa pagiging Personal Assistant niya. Walang nagbago sa set up sa opisina kung titingnan mula sa labas. Ako pa rin ang sumasagot sa mga tawag, nag-aayos ng kanyang mga corporate meetings, at nagpapakain sa kanyang nagrerebelding printer kapag nagkakaproblema ito. Pero sa likod ng nakasarang pinto ng opisina ng CEO, ang lahat ay iba na. Bawat pagkakataon na walang ibang tao, hihilahin ako ni Kalix paupo sa kandungan niya. Ang kanyang mga halik ay nanatiling mapusok, gutom, at puno ng walang kapantay na pagnanasa na tila ba hindi siya natutuyuan ng pagnanasa sa akin. His possessive nature was constantly on display. Kahit nga ang pagdadala ng kape ng ibang male interns sa opisina niya ay tuluyan na niyang ipinagbawal gusto niya, ako lang ang lalapit sa kanya. Ako lang ang hahawak sa mga person
SHANTALL AGUILAR POV Buong hapon pagkatapos ng engkwentro kay Anastasia Lopez, nanatili akong nakatutok sa aking computer screen. Mas pinili kong lunurin ang sarili ko sa paggawa ng mga liquidation reports, pag-aayos ng mga corporate schedules, at pagsagot sa mga email. Mas gusto ko pang mapagod a
KALIX LUIZ HERRERA POV Da*n it. I slammed my glass of whiskey down on the mahogany desk, not caring kung tumapon ang amber liquid sa mga mamahaling contracts na nakakalat sa harap ko. I rubbed my temples, breathing heavily habang nakatitig sa malaking glass window ng opisina ko. The Makati sky
SHANTALL AGUILAR POV Ang init ng labi ni Kalix sa aking leeg ay parang kuryenteng gumapang sa bawat ugat ko. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko, at kung hindi ko nayakap ang kanyang leeg, baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig. My mind was screaming at me to push him away. Boss m
SHANTALL AGUILAR POV Buong byahe patungo sa penthouse ni Kalix sa Bonifacio Global City ay hindi ako makahinga nang maluwag. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng marangyang SUV habang mabilis na dumadaloy ang mga ilaw ng syudad. Sa tabi ko, seryosong nagbabasa ng kung ano sa kanyang tablet s







