LOGINQuinn Scarlett Laurent's POV
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay halos mapahinto ako sa aking paglalakad. Ibang-iba ito sa mga ordinaryong bar na nakikita ko lang sa social media. Madilim ang paligid ngunit hindi nakakailang, dahil sapat lang ang ilaw mula sa naglalakihang chandelier at sa mga warm lights na nakapalibot sa bawat sulok ng lugar. Nagre-reflect ang mga ilaw sa makintab na sahig at sa mga bote ng alak na maayos na nakahilera sa likod ng bar counter.
Mahina ngunit ramdam na ramdam ang tugtog ng musika—hindi iyong tipong sasabog ang tenga mo, kundi iyong klase ng tunog na parang kusang umaayon sa bawat galaw ng mga tao sa loob. Sa gitna ay may maluwag na espasyo para sa mga gustong sumayaw, habang sa gilid naman ay naroon ang mamahaling-looking na mga sofa at mesa kung saan nakaupo ang mga taong halatang sanay na sa ganitong klaseng lugar. Ang iba ay nakasuot ng fitted dresses, ang iba nama’y naka-polo at mamahaling relo, kaya lalo kong naramdaman kung gaano ka-high class ang ambiance ng bar na ito.
Maging ang hangin sa loob ay tila mabango—halo ng mamahaling pabango, alak, at malamig na air freshener na lalong nagpaangat sa elegante nitong dating. Saglit akong napatingin sa kisame, sa mga dingding na may modernong disenyo, at sa bar counter na yari yata sa marmol sa sobrang kinis at linis nitong tingnan. Para akong biglang napaalala na first time ko nga pala sa ganitong lugar, at sa totoo lang ay pakiramdam ko'y para akong napadpad sa mundong hindi ko kinasanayan.
“Hoy, Scar, huwag kang patulala diyan, baka akalain nilang ngayon ka lang nakakita ng bar,” pabulong ngunit natatawang sabi ni Diane sa akin.
Napakurap ako at agad siyang inirapan. “Eh sa ngayon lang naman talaga,” mahina kong sagot na siyang nagpatawa sa kanilang tatlo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa ganda ng lugar ay agad na kami niyaya ni Shane sa isang bakanteng mesa sa bandang gilid, malapit sa bar counter. Mula roon ay kitang-kita ko ang bartender na abalang naghahalo ng iba’t ibang inumin, habang ang mga baso ay kumikislap sa ilalim ng ilaw.
“Dito tayo, mas okay. Kita natin lahat pero hindi tayo masyadong lantad,” sabi ni Miza habang nauuna nang umupo.
Agad naman kaming sumunod at naupo sa kulay itim na sofa na sobrang lambot, halos gusto ko nang hindi tumayo. Inilapag ko ang aking bag sa tabi ko at pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Kahit nakaupo na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano ka-elegante ang bar na ito.
“Grabe, parang ang mahal rito,” bulong ko kay Diane.
Napatawa siya. “Huwag kang kabahan, Scar. Minsan lang ’to.”
Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang waiter na naka-itim na long sleeves at may suot pang vest, mukhang mas maayos pa manamit kaysa sa ilang lalaking nakita ko sa labas.
“Good evening, what would you like to order?” magalang nitong tanong habang hawak ang maliit na notepad.
Biglang nagtitinginan kaming apat, at si Shane ang unang nagsalita.
“Hard drinks agad. Wala nang intro-intro,” sabi nito na para bang sanay na sanay na sa ganitong lugar.
Napatingin ako sa kanya. “Excuse me? Parang expert ka ah.”
“Malay mo,” sabi nito sabay-kindat na ikinatawa naming lahat.
Kinuha ni Miza ang drink menu at mabilis iyong sinilip. “May tequila, vodka, whiskey, rum…”
“Tequila!” agad na sabat ni Diane na tila biglang nabuhayan.
“Of course, tequila ang pipiliin mo,” natatawang sabi ko.
“Bakit? Pang-main character kaya ’yon,” depensa niya sa sarili.
“Ako gusto ko ng vodka,” sabi ni Shane. “Yung malakas-lakas na. Para sulit.”
“Hindi ka pa nga umiinom, maingay ka na,” sabi ko rito.
Bahagya namang natawa si Miza bago tumingin sa waiter. “Isang tequila tower na lang ba? Or mag-iba-iba tayo?”
“Tequila na lang para same-same tayo,” sabi ni Diane. “Para walang atrasan.”
Napakunot ang noo ko. “Teka lang, bakit parang may mission?”
“Meron naman talaga,” ani Shane. “Para sa practicum bukas. Isang tagay para sa mga future licensed professionals.”
“Licensed agad?” natatawa kong sabi.
“Manifesting,” sagot ni Miza nang walang pag-aalinlangan.
Tiningnan ako ng waiter. “And for you, ma’am?”
Bahagya akong napatigil. Sa totoo lang ay hindi naman ako sanay sa hard drinks, at lalo na sa ganitong klaseng lugar. Pero dahil naroon na rin lang ako at kasama ko ang mga kaibigan ko, ayokong magmukhang aatras.
“Same na lang sa kanila,” sagot ko, pilit na kalmado ang boses.
“Four tequila shots first, then one bottle for the table?” tanong ng waiter upang kumpirmahin.
“Yes,” sagot ni Miza.
“And p’wede ring may chaser,” dagdag ko agad, na siyang ikinatawa nilang tatlo.
“Scarlett Laurent, ang babaeng hindi sanay uminom pero gustong magpaka-wild,” ani Diane.
“Natural. Ayoko namang mamatay rito sa first time ko,” sagot ko na naging dahilan para mas lalo silang matawa.
Scarlett’s POVIt’s funny, the things you remember when you finally have the time to breathe. When the world is no longer a battlefield, when love is no longer something stolen in the shadows, but something honest and ordinary and everyday.I used to think happiness was a finish line—a diploma, a wedding, a promise. But now, in the quiet after the storm, I see it’s a thousand small things: the scent of fresh coffee in the morning, Sebastian humming as he shaves, the sound of rain against our window on a lazy Sunday, the distant laughter of our friends drifting up from the street below.Our first apartment as Mr. and Mrs. Salvador isn’t the biggest or the flashiest in the city, but it’s ours. It’s filled with mismatched mugs, thrifted bookshelves, and all the little pieces of our journey—photos from Amanpulo, dried flowers from my graduation bouquet, a chipped mug from our first (disastrous) attempt at baking together. The walls are covered in reminders that perfection is overrated; lo
Scarlett’s POVIf our wedding felt like a dream, our honeymoon was the gentle sunrise after the most beautiful night.Sebastian surprised me, of course. The morning after the reception, I woke up in his arms—hair still smelling faintly of gardenias, his hand tangled in mine. I was half-asleep, but he was already grinning, mischievous and glowing.“Pack light,” he whispered in my ear, “and wear something you can run in.”I laughed, still giddy from everything, hardly believing this was real. The next thing I knew, we were at the airport, whisked away through VIP lines, sunlight streaming over the tarmac. He wouldn’t say where we were going—just squeezed my hand and said, “Trust me.”The flight was private, quiet, and filled with laughter. We played silly games, exchanged inside jokes, and melted into each other’s arms in the soft leather seats. I must have asked a dozen times, “Seb, saan nga ba tayo pupunta?” But he only kissed my forehead and winked.When we landed, I saw blue sky, pa
Scarlett’s POVIf you had told me years ago—when I first walked into St. Margarette, just another intern with trembling hands and guarded dreams—that I would be standing here, I never would have believed you. But today, beneath the soft glow of chandeliers and sunlight streaming through the chapel’s stained glass, I am about to become Mrs. Sebastian Salvador.The world outside is alive with summer: blooming gardens, blue sky, and the laughter of friends and family bustling around the grand venue. Inside my bridal suite, everything feels surreal and delicate. My wedding gown—ivory silk, simple but elegant, the kind I only used to admire in magazines—hugs my frame perfectly. Diane, Miza, and Shane hover nearby, fussing over last-minute details, their excitement contagious.“Scar, you’re glowing!” Diane squeals, fixing my veil.“Parang hindi ka kinakabahan, ha!” Shane teases, though her own eyes glisten with happy tears.I look at myself in the mirror, hardly recognizing the woman starin
Scarlett’s POVPagkatapos ng graduation, parang ang bilis ng lahat. Yakapan, tawanan, group photos, at paalam na parang walang katapusan. Pero sa kabila ng saya at ingay ng celebration, alam kong hinihintay ko lang ang isang sandali—ang sandaling kami lang ni Sebastian.Bago pa magdilim, sinamahan niya akong umuwi saglit para magpalit ng damit. Hinintay niya ako sa kotse, tahimik pero hindi mapakali. Paglabas ko ng gate, nakita kong seryoso siya, pero may kakaibang ngiti—parang may tinatago, parang may plano.“Ready ka na?” tanong niya, hawak ang isang maliit na paper bag na hindi ko pa napapansin kanina.“Ready saan?” biro ko, habang sumakay sa passenger seat.“Secret,” sagot niya, ngumiti ng pilyo, at pinaandar ang kotse.Habang bumibiyahe kami, hindi siya nagsalita ng marami. Pinatugtog lang niya ang mellow playlist naming dalawa—mga kantang paborito namin noong nagsisimula pa lang kaming magkakilala. Sa bawat tunog ng gitara at mahihinang bulong ng lyrics, bumabalik sa akin lahat
Scarlett’s POVWalang kasing lamig at kasing saya ng umagang ito. Graduation day na sa St. Margarette—ang araw na parang napakalayo noon, pero ngayon, parang ayaw ko pang matapos. Sa bawat hakbang ko sa corridor ng campus, ramdam ko ang bigat ng toga at cap, pero mas mabigat ang dami ng alaalang dala ko: mga gabing walang tulog para lang matapos ang lesson plan, mga iyak sa CR tuwing akala ko hindi ko na kaya, mga tawa at kwento ng kabarkada, at ang lahat ng lihim na itinago at tinanggap ko sa lugar na ito.Abala ang lahat sa pag-aayos ng toga, pagkuha ng pictures, at pagyakap sa mga kaibigan. Kahit saan ako lumingon, puro ngiti at iyak, puro kwento ng pagsisimula at pagtatapos, puro pangako na “magkikita pa rin tayo kahit saan man tayo mapunta.”Sa faculty area, nakita ko agad sina Miza, Diane, at Shane. “Scar! Dali, groupie tayo!” bulong ni Diane, sabay yakap.Tumawa ako, pilit na pinipigilan ang luha. “Grabe, parang kailan lang, ‘di ba? Ngayon, graduates na tayo.”“Deserve mo ‘to,
Scarlett’s POVHindi ko maipaliwanag ang bigat at saya ng araw na ito. Parang buong internship life ko, umiikot sa sandaling ito—final demo na! Lahat ng pinagdaanan, lahat ng iniyak, lahat ng kinimkim kong kaba at lungkot, parang sabay-sabay na gustong sumabog sa dibdib ko. Kaya habang abala ang mga kasama ko sa pag-aayos ng props at visual aids, ako naman, tahimik na nakaupo sa isang tabi ng faculty lounge, nilalamig ang mga palad kahit mainit ang araw.Nasa harap ko ang lesson plan, ilang ulit ko nang binasa, minarkahan, at inulit-ulit sa isip. Halos kabisado ko na bawat tanong, bawat activity, bawat transition. Pero alam kong hindi lang lesson plan ang tinataya ko rito—kundi ang buo kong sarili.Maya-maya, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ako agad tumingin, pero ramdam ko agad ang pamilyar na presence ni Clyde—maingat, tahimik, pero hindi mapakali.“Scar, may saglit ka ba?” mahina niyang tanong, pilit na umiiwas ng tingin sa mga kasamahan naming interns.Tumango ako, pil
Sebastian Chase Salvatore's POVI don't know what's happening to me right now, pero hindi ako yung tipo na mabilis makaramdam ng lust over some imagination. Paulit-ulit bumabalik sa aking alaala how tight she is, I know it's her first time but still, sobrang sikip niya. It feels like my dick will
Sebastian Chase Salvatore’s POVTahimik lang ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa kanto malapit sa bahay nila Scarlett. Kita naman mula roon ang kanilang bahay, sadyang hindi lang talaga kasya ang sasakyan papasok sa makitid na daan.“Thank you, Sir,” sabi niya.Tumango lang ako. “Go stra
Sebastian Chase Salvatore’s POVUnti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, pero agad kong hinanap si Scarlett.Hindi naman ako binigo ng aking paningin. Nandoon siya, nakaupo sa single sofa.Dahan-dahan akong bumangon.“Miss Laurent, you should go home first,” sabi
Quinn Scarlett Laurent's POVMabilis lumipas ang oras habang nandito kami sa apartment ni Miza.“Ako na ang maghuhugas,” pagpepresenta ko dahil katatapos lang naming kumain ng hapunan.“Me na, ikaw na nga nagluto eh,” sabi ni Shane.Napangiti ako. “Mag-ayos ka na diyan, ako na rito.”“Haaaayyyy! Ik







