LOGINHabang nasa kalaliman ng pag iisip si Aerial, narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.
Nabaling doon ang kanyang pansin. Kinuha niya ang cellphone sa bag, sandali siyang natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.
Ang adviser niya ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.
“Professor Cortez, napatawag kayo?”
“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Stangford University. Gusto mo bang subukan?”
Natigilan si Aerial nang marinig niya ang balitang iyon kay Professor Cortez.
Ilang sigundo rin siyang natahimik at hindi nakasagot.
“Hindi mo na ba kailangan…”
“Pupunta ako!” agad niyang sagot ng muling magsalita si Professor Cortez na parang gustong bawiin ang sinabi sa kanya. Puno ng determinasyon ang boses niya.
Sa kabilang linya ay si Professor Cortez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala nito si Aerial. Kung paano niya pinagsikapan na makalapit kay Diego. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap niya, na maging asawa si Diego at magkakaroon na rin sila ng anak, hindi na basta-basta siya makakaalis.
Wala namang balak si professor Cortez na hikayatin si Aerial na mag aral ulit ngunit hindi nito akalain na agad siyang papayag.
“Professor Cortez?” tawag ni Aerial kay professor Cortez ng ilang segundo din itong natahimik sa kabilang linya.
“Kung gayon, pumunta ka sa opisina ko bukas ng alas-diyes ng umaga.”
“Sige, Professor Cortez.”
Hindi na nagsalita pa si Professor Cortez at ibinaba na ang telepono.
Ibinaba na rin niya ang kanyang cellphone.
Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Aerial, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot.
Maihahalintulad ang nararamdaman niya sa pagliwanag ng buwan pagkatapos magtago sa makapal na ulap. Dapat ganun din siya ngayon. Dapat magising na siya sa katotohanan na ang lalaking mahal niya ay hindi kailanman mapapasakanya.
Sa kanyang pagmumuni-muni ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula sa matandang Natividad, na hinihiling sa kanya na bumalik sa lumang mansyon ng pamilya Natividad. Pumayag si Aerial, marahil dahil sa sanggol na kanyang dinadala.
Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na paghinga.
Pumunta na muna siya sa banyo para maligo at makapag ayos kahit papano.
Habang nakaupo sa harap ng dressing table, tiningnan ni Aerial ang sarili sa salamin. Namamaga at bilugan ang kanyang mukha, may maitim na bilog, eyebags, lumubog na eye sockets, at mga tuldok sa buong pisngi.
Ang ganitong pangit na anyo ay tiyak na mangingilabot sa sinumang makakakita sa kanya.
Paano magiging kwalipikado ang isang taong katulad niya na makatabi ang isang mayaman at gwapong tulad ni Diego?
Nag-makeup siya, nagpalit ng pink na down jacket, at nagsuot ng puting bilog na sumbrero, para kahit papano ay mag mukha siyang masigla.
Plano niya sa simula na magmaneho pabalik sa lumang mansyon.
Paglabas pa lang niya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Diego.
"Lumabas ka." nahimigan ni Aerial ang kalamigan sa boses ni Diego ng sabihin iyon sa kanya.
Nagulat si Aerial sa pagtawag nito pero hindi na nakakagulat ang kalamigan ng pakikipag usap nito sa kanya.
Malamang ang lolo nito ang nag-utos sa dito na sunduin siya para na bumalik sa lumang mansyon.
"Sige." matipid niyang sagot.
Lumabas na siya ng villa.
Nakaparada ang isang itim na magarang sasakyan sa tarangkahan. Naalala pa niya dalawang oras bago ngayon, sakay ng sasakyan na ito ang isang babae kasama si Diego.
Huminga siya nang malalim, humakbang paharap, binuksan ang pinto ng kotse, at pumasok.
Pagkapasok pa lang niya sa kotse, naamoy agad niya ang matapang na amoy ng pabango, isang matamis at nakakabatang halimuyak. Mayroon ding kulay rosas na teddy bear sa loob ng kotse, na malinaw na nagpapakita na mahilig ang babaeng kasama ni Diego kanina sa mga malalambot na laruan.
Napatingin pa siya sa kamay ni Diego, mayroon itong suot na panali ng buhok ng isang babae.
Ganito iginigiit ng babaeng iyon ang soberanya nito. Na si Diego ay pagmamay ari na ng babaeng iyon.
Siguradong may gusto talaga si Diego sa babaeng 'yun.
Nakaramdam man ng paninikip ng dibdib si Aerial ay pinigilan niya na makaramdam ng pait sa kanyang puso, umayos siya ng upo. Nagsuot ng seatbelt.
Hanggang sa dahan dahan ng nagmaneho si Diego paalis.
Tumingin si Aerial sa bintana ng kotse, pinili niya ang manahimik.
Dati, tuwing may oras siyang kasama ito, pinahahalagahan niya at sinisikap na mapalapit dito. Kahit halata na ayaw nitong makasama siya, matiyaga siyang naghahanap ng mga paksang mapag-uusapan nilang dalawa.
Dahil lamang sa walang kabuluhan niyang pantasya na balang araw ay mapapansin siya nito. Na ngayon mag-asawa na sila at magkakaroon ng anak, umaasa siya na magkakaroon siya ng pagkakataong mapaibig ito. Naniniwala siya noon na hanggat magiging mabuti siyang asawa kay Diego ay iibig din ito sa kanya.
Pero nagkamali siya, dahil alam niyang niloloko na lang niya ang kanyang sarili.
Dahil matigas ang puso si Diego, walang pakialam ito sa kanyang nararamdaman. At ngayon ay natauhan na siya, kaninang nakita si Diego na may kasamang ibang babae, nagising na siya sa katotohanan na hindi na niya mapapaibig ito. Dahil may mahal na itong iba.
“Anong kasarian ng bata?” malamig at tila hindi naman interesado si Diego na tanong sa kanya na siyang bumasag sa katahimikan bumalot sa kanila sa loob ng sasakyan.
“Tulad pa rin ng dati.” tipid niyang sagot.
Hindi na rin naman niya iyon mababago. Gustuhin man niy si Diego sana ang maging anak nila para hindi siya nito hiwalayan ay mas mabuting naging babae na rin. Dahil mawawakasan na ang kanilang pagsasama.
Nanatili ang kaseryosohan sa gwapong mukha ni Diego.
“Magdidiborsyo tayo pagkatapos ipanganak ang bata." sabi nito sa malamig na tinig.
Hindi siya nagkamali, iyon na ang inaasahan niyang maririnig kay Diego.
Humigpit ang hawak ni Aerial sa kanyang seatbelt.
Pakiramdam niya ay parang pinipiga ng husto ang puso niya, hindi siya makahinga ng maayos.
Alam niyang hindi na kailanman magtatagal ang kasal na nagtatali sa kanila. At kahit na inaasahan na niya iyon, masakit pa rin marinig na si Diego mismo ang nagsasabi tungkol sa bagay na iyon. Dahil anak lang na babae ang kailangan nito sa kanya. Dahil iyon ang gusto ng kanyang lolo na magkaroon ng prinsesa ang kanilang angkan.
Napalunok siya. Kagat ang ibabang labi. Ilang segundo niyang kinalma ang sarili bago sumagot.
"Sige."
Napansin niya ang pagsumulyap ni Diego sa kanya, tila nagulat sa mabilis niyang pagsang-ayon sa sinabi nitong magdidiborsyo sila.
Wala nang sinabi pa si Alvert. "Sige."Pagkatapos noon, ibinaba na ang tawag.Tumingin si Aerial kay Gabriel. "Ihatid mo na ako pabalik."Sumagot si Gabriel, "Nakarating na rin tayo rito. Hindi pa naman gabi, pwede pa tayong maglibot sandali bago umuwi."Habang papalayo na si Alvert, bigla niyang nakasalubong ang isang grupong papalapit.Karga ni Diego si Danica , habang kasunod naman nila sina Yanah at Anne. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa, at para silang isang masayang pamilya.Agad na naisip ni Alvert kung ano ang sitwasyon.Napansin siya ni Anne. Nang makita niya ito, sandali siyang natigilan. Ganoon pa rin ito—gwapo at elegante.Walang pakialam na binawi ni Alvert ang tingin niya at nagpatuloy sa paglalakad.Tahimik namang pinanood ni Diego ang papalayong lalaki.Nakahanda na ang sasakyan sa labas.Una munang inupo ni Diego si Danica sa child seat at isinara ang seatbelt nito.Pagkatapos ay hinarap niya si Anne at mahinahong sinabi, "Ihahatid ko muna si Danica sa bahay. Mag
Napatingin si Aerial kay Diego.Lumingon si Yanah at sinulyapan ang kanyang anak bago binalaan si Aerial."Miss Evelynn, mas mabuting sarilinin mo na lang ang sinabi ko. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo."Pagkasabi noon ay dumiretso siya sa banyo.Pagkaalis ni Yanah, sina Aerial at Diego na lamang ang naiwan.Malamig lang siyang sumulyap sa lalaki. Wala siyang balak makipag-usap dito."May kailangan akong asikasuhin kaya mauuna na ako. Pakisabi na lang kay Mr. Natividad kay Danica."Pagkalabas ni Aerial, narinig niyang sinabi ng lalaki,"Ikaw na mismo ang magsabi kay Danica."Napahinto siya.Pagbalik niya sa pribadong silid, agad na nawala ang masayang ngiti ni Danica."Aunt Evelynn, ang kaunti lang ng kinain mo."Ngumiti si Aerial nang bahagya."Pasensya ka na, Danica. May kailangan talaga akong asikasuhin.""Sige po. Sa susunod na lang kita iimbitahan ulit para mag-dinner, ha?" tanong ni Danica habang puno ng pag-asa ang mga mata.Tumango si Aerial. "Sige."Muling ngumi
Walang nagawa si Diego. Pinisil niya ang pagitan ng kanyang mga kilay at saka nagsalita, "Dahil pumayag ka na, wala na akong masasabi."Sinabi ni Yanah, "Sige. Gusto ko ring makita kung anong klaseng tao si Evelynn. Isang beses ko pa lang siya nakikita, pero sobrang gusto na siya ni Danica. Mabait din sa kanya si Anne, pero ngayon lang ako nakarinig na may inimbitahan siyang maghapunan sa bahay."Tumango si Diego. "Ikaw na ang bahala sa lahat."Kinabukasan, nakatanggap si Aerial ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. Kunot-noo niya itong sinagot."Hello? Sino ito?"Ilang sandali lang, narinig niya ang masayang boses ni Danica mula sa kabilang linya."Auntie Evelynn!"Nagulat si Aerial."Danica!"Mahinahon ngunit puno ng pag-asa ang tanong ni Danica."Aunt Evelynn, libre po ba kayo mamayang gabi? Gusto niyo po bang sabayan akong maghapunan?"Natigilan si Aerial. Naalala niyang hiningi ni Diego ang contact number niya kahapon. Pero kahit hindi niya ibigay iyon, madali lang naman
Palagi na lang tila nagkakataon na nagkikita sila. Parang mahilig talagang paglaruan ng tadhana si Aerial.Umorder si Diego ng isang tasa ng kape. Mukhang may hinihintay rin siyang tao roon.Abalang-abala si Aerial sa pagtitig sa screen ng kanyang laptop at hindi man lang pinansin ang taong nasa harapan niya.Maya-maya ay tumawag si Alvert at sinabing darating siya sa loob ng sampung minuto."Sige."Pagkababa ng tawag, tumayo si Aerial at nagtungo sa banyo.Pagbalik niya, may isang taong nakaupo na sa tapat ng kanyang mesa.Natigilan siya.Tahimik siyang tinitigan ni Diego gamit ang malamig at malalim nitong mga mata.Natauhan si Aerial. Lumapit siya at malamig na sinabi, "President Natividad, may tao na po rito."Kinuha ni Diego ang kanyang cellphone at mayabang na nagtanong, "Ano ang phone number mo?"Nanlaki ang mga mata ni Aerial.Malamig ang boses ng lalaki nang sabihin nito, "Huwag kang magkamali ng iniisip. Hindi ako interesado sa'yo. Ang anak ko ang gustong..."Hindi pa man ni
Lumambot ang boses ni Diego habang sinasabi, "Gusto ba ni Danica na pilitin ni Daddy ang ibang tao na gawin ang mga bagay na ayaw nilang gawin?"Nang marinig iyon, napatingala si Danica sa kanyang ama."Paano kung magkaroon siya ng sama ng loob kay Danica dahil dito?"Yumuko si Danica at nanahimik sandali bago sumagot."Sa tingin ko, hindi naman magagalit si Aunt Evelynn sa akin."Pero sa totoo lang, hindi siya sigurado.Sinabi naman ni Aunt Evelynn na abala ito sa trabaho. Kaya naisip ni Danica, kung ipipilit niyang samahan siya nito, baka hindi talaga ito matuwa.Nang maisip niyang maaaring sumama ang loob ni Aunt Evelynn o hindi na siya magustuhan nito, bigla siyang nalungkot.Maya-maya, narinig ang boses ni Yanah mula sa labas ng pinto."Sige na, mag-almusal muna tayo."Tahimik na sumunod si Danica sa kanyang ama palabas ng silid.Pagdating nila sa restawran, nakita ni Danica ang kanyang mga lolo't lola.Masaya siyang bumati."Grandpa, Grandma."Lumapit si Henry at binuhat ang ka
Ang proyektong nakuha ni Anton ay isang malaking pakikipagtulungan sa Xinyuan, at si Diego mismo ang nag-ayos ng lahat ng koneksyon para rito.“Padalos-dalos po ako. Nagkamali ako,” agad niyang inamin.Mukhang may napansin si David kaya nagsalita rin siya.“Sige na, Anton. Mabuti at alam mong nagkamali ka. Dalawampu't walong taong gulang ka na. Hindi ka na bata kaya dapat mas maging maingat ka sa mga ginagawa mo. Panahon na rin siguro para humanap ka ng taong makakasama mo habang-buhay.”Tahimik na tumango si Anton bilang pagsang-ayon.Samantala, sumakay si Aerial sa kotse ni Alvert. Sumandal siya sa upuan at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata.Lalo niyang naramdaman ang pagod, at tila mas lumala pa ang tama ng alak sa kanya.Sinulyapan siya ni Alvert, ngunit hindi muna siya nagtanong. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan at umalis sila.———Bandang alas-diyes ng gabi.Dahan-dahang pumasok ang isang Rolls-Royce sa isang eksklusibo at mahigpit ang seguridad na subdivision.Hum
"Ikaw..."Nagbago ang mukha ni Anton at mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao."Anton."Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.Nakatayo si Diego sa hindi kalayuan, suot ang itim na business suit. Matangkad siya at may malamig at makapangyarihang presensya na imposibleng hindi mapansin.Dahan-
Ngumiti si Aerial.“Kung hindi ako naging mahigpit sa sarili ko, hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon. At saka, sanay na rin ako.”Hindi na nagsalita pa si Alvert.Habang kumakain, pinag-usapan nila ang summit at kung gaano ito kalaki ang magiging epekto sa kanilang uri ng investment firm.Pa
Gusto na talaga niyang isama ang kaniyang anak at umalis.Ngunit sa kasalukuyan, wala siyang kakayahang gawin iyon.Pinipigilan niya ang mga luha, ngunit napansin iyon ni Belen.Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya. “Umiyak ka kung gusto mo. Laging nasa tabi mo si Aunt Belen.”Hindi na napigilan
Tumawag ang madam Natividad at pinapauwi siya kinabukasan.“Uncle Fred, pakisabi na lang po kina Grandma na may aasikasuhin ako rito bukas kaya hindi ako makakapunta,” mahinahong tugon ni Aerial.Noon, tuwing may okasyon, maingat pa ring naghahanda sina Danilo at Belen ng mga regalo para sa pamilya







