LOGINTatlong babae. Tatlong kwento ng pag-ibig. Isang mundo ng bilyonaryo, lihim, at tadhana. Si Sheena del Fuente ang unang bumuo ng pag-ibig na akala niya ay panghabang-buhay—isang relasyon na sinubok ng panahon, sakit, at pagbabalik ng lalaking minsan niyang minahal. Kasunod niya si Antonette del Fuente—ang kanyang best friend at half-sister sa ama—isang simpleng front desk staff na biglang madadala sa mundo ng isang bilyonaryo. Sa isang napulot na magazine magsisimula ang lahat… at sa pagdating ni Gabby Ong, ang tagapagmana ng isang hotel empire, unti-unting mabubuksan ang pag-ibig na hindi niya inaasahan. Kasama nila si Carlo, isang makapangyarihang businessman na may sariling sugat ng nakaraan, na magpapakumplikado sa ugnayan ng magkakaibigan at magbubukas ng mga lihim na matagal nang itinatago. Tatlong magkakaibigan. Tatlong pusong susubok magmahal. Isang tadhanang hindi mo matatakasan. Sa mundo ng mga bilyonaryo, hindi lang pag-ibig ang nakataya—pati tiwala, pamilya, at katotohanan. Dahil minsan… ang pinakamalapit na tao ang siyang magpapabago ng lahat.
View MoreIto ang unang kwento.
Kwentong pag ibig nina Sheena at Carlo. Halina't basahin kung paano mapapaamo ni Sheena del Fuente ang puso ng kanyang boss na Super suplado, perfectionist at super kung makatingin na animo'y pati kaluluwa mo ay kaya nitong basahin.. ----- Hindi normal ang hiling na gusto mong masampal ka sa job interview. Pero iyon mismo ang sinabi ni Sheena Del Fuente sa CEO ng Sanchez Media Corporation. — Ilang oras lang ang nakalipas… Sheena took a deep breath bago pumasok sa lobby ng Sanchez Media Corporation. Pagpasok niya, agad na bumungad ang napakalawak na espasyo—glass walls na parang salamin ng bawat galaw, polished marble floors na kumikinang sa ilalim ng ilaw, at sleek modern interiors na tila sinasabing hindi basta-basta ang kumpanyang ito. Saka ang mga empleyado—walang sayang na oras, parang sanay na sa pressure, sa success, sa expectations na mataas at walang puwang sa pagkakamali. May kanya-kanyang mundo, pero iisa ang aura: competence. At siya? Parang hindi bagay. Bigla siyang nakaramdam ng liit. “Okay, Sheena… chill ka lang,” bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa folder ng resume niya. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya. “First impression is everything.” Patuloy niyang pag-encourage sa kanyang sarili. Dumiretso siya sa waiting area at umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang iba pang applicants—lahat mukhang confident, well-dressed, at halatang may experience na. May nagre-review ng notes, may nakapikit na parang kinokondisyon ang sarili, at may nakatingin lang sa harap pero halatang kalmado. “Grabe… mukhang ang gagaling nila,” bulong niya. “First time mo rin?” tanong ng katabi niyang babae. Napalingon si Sheena at tumango. “Oo… ikaw?” “Second time ko na dito,” sagot nito, bahagyang ngumiti. “Mahirap makapasok, lalo na kung si Carlo Sanchez ang mag-iinterview.” Napakunot ang noo ni Sheena. “Si Carlo Sanchez?” “CEO,” sagot ng babae. “Bata pa, pero sobrang powerful. Billionaire. Perfectionist… at sobrang gwapo.” Napangiti si Sheena ng bahagya. “Talaga?” “Yeah. Pero warning—sobrang strict. Walang patawad. Isang mali mo lang, ligwak ka agad.” Biglang kinabahan si Sheena. Parang hindi na siya sigurado kung ready ba talaga siya. Parang gusto na niyang umatras habang may pagkakataon pa. Pero bago pa siya tuluyang mag-isip ng dahilan para umalis— “Ms. Del Fuente?” Napalingon siya sa HR staff. “Your turn.” Tumayo siya. Pagbukas ng pinto— Natigilan siya. Hindi dahil sa laki ng opisina. Kundi dahil sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Carlo Sanchez. Impeccably dressed. Perfect posture. Parang hindi tao. Parang sistema. At may isang bagay pa... pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Parang nakita na niya ito dati. Hindi niya lang maipaliwanag kung saan. Hindi agad nagsalita si Carlo. Nakatingin lang ito. Diretso. Walang emosyon. Parang binabasa nito si Sheena mula ulo hanggang paa—hindi lang ang itsura niya, kundi pati ang pagkatao niya. “Ms. Del Fuente,” malamig nitong sabi. “Sit." Isang salita. Pero parang utos na hindi puwedeng suwayin. Umupo siya. Maingat. Halos hindi niya maramdaman ang upuan niya dahil sa kaba. “Why do you want to work here?” Diretso. Walang kahit konting comfort. Walang small talk. Walang “good morning.” Napakurap si Sheena. Parang biglang nawala ang lahat ng sagot na inihanda niya kagabi. “B-Because… I want to grow in the media industry…” “Explain your skills. Be specific.” Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Isa-isa siyang sumagot—about sa writing experience niya, sa organizational skills, sa pagiging adaptable. Pero habang tumatagal, pakiramdam niya… parang bawat sagot niya ay hinuhusgahan bago pa niya matapos. “Give me an example.” “How do you handle pressure? “What makes you different from the others outside?” Sunod-sunod. Walang pagitan. At parang walang pagkakataon na huminga. At habang tumatagal... lalong lumalakas ang pakiramdam niya. May mali. May mali talaga. Hindi lang sa interview. Kundi sa kanya. Sa pakiramdam na ito. Sa lalaking kaharap niya. Hanggang sa hindi niya napigilan. “Sir…” Tumigil si Carlo. Huminga siya ng malalim, parang doon nakasalalay ang lahat. “I know this sounds weird…” Lumakas ang tibok ng puso niya, halos marinig na niya sa tenga niya ang kalabog niyon. “Pero… puwede mo ba akong sampalin?” Pakiramdam niya, tumahimik ang buong silid. Parang pati hangin huminto. “What?” malamig na tanong ni Carlo. “Para magising ako…” halos pabulong niya, pero sapat para marinig nito ang sabi niya. “Kasi parang… hindi totoo ‘to.” patuloy pa niya. Mas tumalim ang tingin ni Carlo. “I don’t hit people in my company.” wika nito. “If you cannot separate reality from imagination… this position is not for you.” patuloy ng lalaki Parang bumagsak ang mundo ni Sheena sa salitang iyon. Parang may pinto na isinara, hindi lang sa opportunity, kundi sa sarili niyang confidence. — Paglabas ni Sheena ng building, hindi niya maalala kung paano siya nakalakad pababa. Parang lahat ng nangyari ay nasa ulap—malabo, magulo, at paulit-ulit na bumabalik sa alaa niya. Carlo Sanchez. Ang interview. Ang tingin nito. At ang sinabi niya. “Not for you… Iyon na lang ang paulit-ulit sa isip niya. Parang mantra na pilit niyang tinatanggap para hindi masaktan. Iwas disappointments. Pagdating niya sa bahay, diretso siyang humiga sa kama. Hindi na siya nagpalit ng damit. “Congrats, Sheena…” sarkastiko niyang bulong, habang nakatitig sa kisame. “Sample ng kahihiyan, 100% complete. Sampal pa more.” patuloy niya Tinakpan niya ang mukha ng unan. Pero kahit pinipilit niyang kalimutan iyon… bumabalik sa isipan niya ang nangyari. Ang eksena. Ang boses. Ang presensya. Si Carlo Sanchez. At yung pamilyar na mukha nito... Ay may pagkahawig. “Kamukha lang niya,” pilit niyang sabi sa sarili. Pero hindi mapigil ng utak niya. Na isipin ang pagkahawig nito kay Homer Alejandrino. Parehong tindig. Parehong aura. Parehong paraan ng pagtitig na parang may nakikita silang hindi mo kayang itago. “Hindi… coincidence lang ‘to,” bulong niya. — Biglang nag-ring ang phone niya. Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad kinuha ang phone sa tabi niya. Unknown number. Nag-alinlangan siya sandali bago sumagot. “Hello?” “Good afternoon, Ms. Del Fuente. This is HR from Sanchez Media Corporation.” Bigla siyang napaupo ng maayos. Parang bumalik ang lahat ng tension sa katawan niya. “Opo?” “We’re calling to inform you that you are hired.” Napatigil siya. “You are assigned as the personal assistant of Mr. Carlo Sanchez. Please report tomorrow.” Saglit siyang hindi nakapagsalita. “Okay po… thank you,” aniya sapagdaka Call ended. Napatulala siya. Wait… what? Personal assistant? Hindi naman iyon ang in-applyan niya. At bukas agad? “Ang bilis naman…” bulong niya. —- Ano ang dahilan kung bakit na-hired si Sheena bilang personal assistant ni Carlo Sanchez? Bakit ganoon na lang kabilis ang lahat? At sino nga ba si Homer Alejandrino, ang pangalang patuloy na bumabalik sa isip ni Sheena? Subaybayan ang mga susunod na kabanata. Huwag kalimutang i-follow at i-add to library/subscribe and click heart, para masundan ang kwento nina Sheena at Carlo.Napakunot-noo si Antonette. Antonette: "Ano 'yon?" Ilang segundo ang lumipas bago muling nagliwanag ang screen ng cellphone niya. Gabby: "Huwag mong tanggihan." Napailing siya habang natatawa. Antonette: "Hindi ko pa nga alam kung ano ang hihilingin mo." Mabilis ding dumating ang kasunod na mensahe. Gabby: "Kapag sinabi ko, huwag kang kabahan." Napahawak siya sa noo. "Grabe naman..." mahina niyang usal. Lalong lumawak ang ngiti ni Althea, na hindi pala tuluyang nakatulog. "Naku, gising pa pala ako. Mukhang interesting ang usapan n'yo." Napasinghap si Antonette. "Akala ko tulog ka na." "Pikit lang ako." Ani Althea. Napailing si Antonette. "Huwag mo nga akong pakialaman." "Fine." Natatawang humiga muli si Althea. "Hindi na ako makikialam." Ibinalik ni Antonette ang atensyon sa cellphone. Maya-maya ay dumating din ang hinihintay niyang mensahe. Gabby: "Pwede bang... kapag may free time ka ulit, samahan mo akong magkape?" Simpleng imbitasyon lamang. Ngunit hindi niya maipa
Naiwan si Gabby sa tabi ng sasakyan ilang segundo matapos maisara ni Antonette ang pintuan ng apartment.Napatingala siya sa bintanang may ilaw sa ikalawang palapag.Hindi niya namalayang may ngiti na pala siyang nakaguhit sa mga labi.Hindi niya matandaan kung kailan huling naging ganoon kagaan ang pakiramdam niya matapos ang isang mahabang araw.Marami na siyang nakasamang tao sa iba't ibang pagtitipon.Marami na rin siyang nakasabay sa mamahaling restaurant.Ngunit kakaiba ang gabing ito.Hindi dahil sa lugar.Hindi dahil sa pagkain.Kundi dahil sa babaeng kasama niya.Huminga siya ng malalim bago sumakay muli sa sasakyan.Hindi muna niya pinaandar ang makina.Napatingin siya sa bakanteng passenger seat.Para bang naroon pa rin ang mga ngiti ni Antonette.Ang paraan ng pag-sulyap nito sa basket ng mga bulaklak.At ang simpleng ngiting halos hindi nawawala sa mukha nito.Napailing siya."Gabby..."Mahinang bulong niya sa sarili."Hindi na normal yan..." Napatawa siya sa sariling si
Naglakad sina Gabby at Antonette patungo sa parking lot. Paminsan-minsan ay napapangiti si Antonette habang sinusulyapan ang mga bulaklak sa basket na binili ni Gabby at ibinigay sa kanya. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gabby. "Mukhang nagustuhan mo ang mga bulaklak" Napatingin siya rito. "Oo naman. Matagal na rin akong huling nakatanggap ng bulaklak." Wika nya. "Noong graduation ko pa yata sa college." Patuloy ni Antonette. Napakunot ang noo ni Gabby. "Ibig sabihin..." "Wala pang nagbibigay sa'yo pagkatapos noon." Napailing si Antonette. "Wala." Sandaling natahimik ang binata. Hindi niya inaasahang ganoon ang maririnig niya. Para sa kanya, isang babaeng tulad ni Antonette ang siguradong maraming nanliligaw "Paano nangyari iyon?" Napatawa si Antonette. "Busy sa buhay." "At saka..." bahagya siyang napangiti. "Hindi naman lahat ng babae pangarap na makatanggap ng bulaklak." "Ano ang pangarap mo?" Napaisip siya. "Simple lang." "Tahimik na buhay." "Pamilyang n
Ang nakaraan.... Nagdinner sina Antonette at Gabby. Biglang dumating si Jiha at si Marco na close friend nito. Nakaramdam ng selos si Jiha nang makita ang dalawa kahit na alam nito na kasali sa premyo ang dinner date ng dalawa. Sumali sa dinner ng dalawa sina jiha at Marco, hanggang sa nagpaalam ang mga ito na manonood ng city view. ----Hindi alam ni Antonnete kung bakit tila mabilis ang tibok ng kanyang puso sa salitang namumutawi sa labi ni Gabby."Pwede ba kitang tanungin?" sabi ni Gabby."Sige.""Bakit Ong Hotels ang pinasukan mo?"Napangiti si Antonette."Marami akong inaplayan noon.""Tapos?""Kayo ang unang tumanggap sa akin.""Ano pa?"Humugot siya ng maikling buntong-hininga."Noong nabasa ko ang mission ng kumpanya, sinabi kong gusto kong maging bahagi nito."Napangiti si Gabby."Naalala mo pa?""Oo.""'Creating memories that feel like home.'"Saglit na natigilan si Gabby.Ilang empleyado na ang natanong niya tungkol sa mission ng kumpanya.Karamihan ay hindi na ito ka
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit




![Cover your eyes baby [Series 1]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.