Home / Romance / My Husband, You'll Never Get Us Back / Chapter 12 - Nowhere to Hide

Share

Chapter 12 - Nowhere to Hide

Author: Lirp49
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-31 21:05:26

PAALIS na si Selene nang lapitan niya si Rosa habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Ate," mahina niyang tawag rito upang hindi marinig ng anak ang kung ano man ang sasabihin niya.

Lumingon ito habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'yun, Ma'am?"

"Aalis na 'ko, kung sakaling may maghanap o kung may tumawag man… Please, 'wag mong pansinin."

Tumango si Rosa, naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Sa ilang taon niyang paninilbihan. Mula nang sanggol pa si Alessia ay unti-unti ni
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 12 - Nowhere to Hide

    PAALIS na si Selene nang lapitan niya si Rosa habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Ate," mahina niyang tawag rito upang hindi marinig ng anak ang kung ano man ang sasabihin niya.Lumingon ito habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'yun, Ma'am?""Aalis na 'ko, kung sakaling may maghanap o kung may tumawag man… Please, 'wag mong pansinin."Tumango si Rosa, naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Sa ilang taon niyang paninilbihan. Mula nang sanggol pa si Alessia ay unti-unti niyang nauunawaan ang sitwasyon ni Selene kahit hindi man nito direktang sabihin."'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Ako na po ang bahala, safe po sa'kin si Alessia."Nakahinga nang maluwag si Selene, nagpasalamat saka tuluyang umalis. Nang nasa pinto na ay humabol ang anak. "Mommy!"Nag-angat siya ng tingin habang nagsasapatos. Saglit siyang tumigil sa ginagawa at pinanood ang anak. Napangiti siya habang nakikita ang maliit nitong paa na tumatakbo palapit—ang dalawang kamay ay nakaabang para sa ya

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 11 - Encounter

    MAAGANG nagising si Alessia at kinulit ang ina na lumabas sila para maglaro sa park, na malapit sa building.Papasikat palang ang araw ng mga oras na iyon, si Rosa ay naghahanda na ng agahan kaya pinagbigyan na niya ang anak."Saglit lang tayo, okay?"Bumungisngis si Alessia at pagkatapos ay dali-daling dinala ang bag na para bang papasok sa school.Hinayaan lang niya ito, hinawakan ang munting kamay. "Ate Rosa, sa labas lang kami," paalam niya rito."Sige po, Ma'am."Pagkatapos ay lumabas na sila ng unit. Simpleng sweatpants at t-shirt lang ang suot ni Selene ng mga sandaling iyon. Mabilisang pusod ang ginawa sa buhok at hindi na nagawa pang magsuklay matapos kulit-kulitin ng anak.Natatawa na nga lang siya habang nasa loob sila ng elevator dahil hindi na nito nagawang magpalit at nakapantulog pa. Masyadong excited na lumabas silang dalawa na minsan lang mangyari at lagi siyang busy—madalas na hindi makabisita.Nang bumukas ang elevator ay bumitaw ang anak at tumakbo palabas. "Alessi

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 10 - Unexpected Kiss

    NAKARAMDAM nang tuwa si Selene sa narinig, hindi na nga napigilan ang sariling ngumiti. Ngunit nang makita kung sino ang nakatayo sa may likuran ng Carmela ay biglang napalis ang tuwa sa kanyang labi.Napansin naman ng Ginang na may tinitingnan ito kaya lumingon siya at nabigla nang makita ang anak. "Anong ginagawa mo rito?"Mariing nakakuyom ang magkabilang kamay ni Lucien. Sa kabila nang nararamdaman ay nagawa niyang maging kalmado at lumapit, humila ng bakanteng upuan sa kabilang table saka naupo sa pagitan ng dalawa."Nag-aalala lang kami, Mommy at bigla ka na naman umalis. Baka mapa'no ka na naman sa pag-uwi mo."Kumibot ang kilay ni Selene, hindi niya nagustuhan ang narinig. Kaya napasimsim siya ng tsaa saka nagsalita, "You don't have to worry. Wala akong sinabing ikasasama ng kalusugan niya."Bagama't kalmado ay halata ang talim ng salitang sinabi ni Selene na ikinabahala ni Carmela at baka magtalo pa ang dalawa. "Gusto ko lang naman siyang kausapin." Hinawakan niya ba ang bras

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 9 - Letting Go

    NAGLAKAD si Lucien pabalik sa kotse, kung saan ay naabutan niya si Athena na umiiyak, namumula ang mga mata at hindi matigil sa paghikbi.Sumakay siya sa driver seat at nag-abot ng tissue sa dalaga. "Tumahan ka na, narinig mo ang sinabi ni Selene. Hindi makakabuti sa bata kung ganito ka."Matalim na tingin ang pinukol ni Athena. "You think, ako lang ang may kasalanan? Anong ginagawa mo rito sa ospital? Ano, makikipagbalikan ka sa kanya, pa'no naman ako?"Bumuntong-hininga si Lucien. "Hindi naman kami naghiwalay—""I hate you!"Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng dalaga at nagmaneho patungo sa condominium na nilipatan nito.Nang mapansin ni Athena na hindi sa bahay nito ang tinatahak nilang direksyon ay bigla siyang nabahala. "No! Ayokong tumira ro'n, Lucien! Sa tabi mo lang ako, please. Kung gusto mo, magtatago ako sa kwarto para walang ibang makakita—""Hindi maganda ang kondisyon ni Mommy, kaya 'wag mo nang ipagpilitan pa."Nilunok ni Athena ang sama ng loob na nararamdaman.

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 8 - Confrontation

    PAGSAKAY sa kotse ay agad tinawagan ni Lucien ang asawa. Ilang beses iyong nag-ring ngunit walang sumasagot. Sumubok siyang muli pero ganoon pa rin.Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na nagbalak pang tumawag saka binaba ang cellphone. Matapos ay nagmaneho na siya papunta sa ospital, nagbabaka-sakaling naroon pa si Selene.Pagdating doon ay agad siyang nagtungo sa nurse station. "Excuse me." Napatingin siya sa dalawang nurse na abala sa computer. "On duty pa rin ba si Dr. Selene?"Nagkatinginan sa isa't isa ang dalawang nurse ngunit walang sumagot. Tinitik-tik ang daliri sa counter ngunit tila wala talagang balak magsalita sa mga ito kaya muli siyang nagtanong, "Pwedeng malaman kung nasa'n siya ngayon?"Tahimik pa rin ang dalawang nurse, dahil nakukulitan na sa paulit-ulit na pagpunta ni Lucien sa ospital para hanapin ang asawa. Kahit walang sinasabi si Doctor Selene ay napapansin at nakikita naman ng mga staff doon na may nangyayaring hindi tama.Kaya upang maipagtanggol naman

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 7 - A Mother's Wrath

    PAGDATING ni Lucien sa bahay ng mga magulang ay tinanong niya ang isang katulong sa malapit, "Si Mommy?""Nasa kwarto niya po, Sir… Ahm, mukhang hindi po maganda ang pakiramdam kaya nasa room lang po matapos lumabas kanina."Napakunot-noo siya, nakaramdam ng pag-aalala. "Lumabas siya? Sa'n galing?""Hindi ko rin po alam, Sir."Bumuntong-hininga si Lucien at pagkatapos ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pagdating sa tapat ng master bedroom ay kumatok siya at nang walang sumagot ay doon na niya tinawag ang ina, "Mommy? Are you awake?"Nang wala pa ring respose ay pinihit na niya ang doorknob saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagsilip ay nakita niyang nakahiga ito sa kama, pikit ang mga mata at tila natutulog.Nag-alangan siyang pumasok, kkmang isasara ang pinto nang mapansin niyang nagmulat ito ng mata.Kaya nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto saka lumapit. "Masama raw po ang pakiramdam mo?" Hahawakan niya sana ang noo nito nang mabilis na tinabig.Bumangon sa kama si Ca

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 6 - A Mother's Apology

    ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 5 - The Truth She Overheard

    SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 4 - You Wanted Me Gone

    HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masaki

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 3 - The Woman in My Bed

    PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status