Share

Kabanata 7

Author: Miss A.
last update publish date: 2025-03-09 11:32:44

Aia's POV.

Hating gabi na ng makabalik kami ni Dark sa Manila galing Tagaytay. Kumain pa kasi kami doon at nagpalipas pa ng ilang sandali para mag star gazing.

Tanghali na ng magising ako. Mabuti na lang talaga at linggo ngayon wala kaming pasok.

Habang nasa harap ako ng aking vanity mirror ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa nangyari kagabi.

Nasa ibabaw kami ng sasakyan ni Dark habang pinapanood ang mga bituin sa ilalim ng kalawakan. Wala sa sarili kong dinama ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko si Dark? Hindi naman ako ganito dati.

Dahil siguro ito sa mga pinagsasabi ni lola nung mga nakaraang araw kaya naco-concious ako bigla pag kasama ko sya.

Ayokong magkaroon ng kahit konting pagtingin sa Boss ko. Alam kong mabait lang si Dark saakin dahil secretary nya ako at parang kaibigan lang ang turing nya saakin. Si Dark ang taong hindi nag seseryoso sa pag-ibig. Puro pakikipag s*x lang ang alam nito. Kapag ang mga babaeng naka s*x nya ay nagpapakita ng motibo na gusto ng mga ito ng attachment sakanya ay iniiwasan na ito ni Dark at itinatapon na parang basura. Kapag natikman na nito ang isang babae ay hindi na ito umuulit pa na makipag talik ulit sa mga ito. Ako bilang sekretarya nya ang pinahaharap nya dito para mag taboy sa mga iyon.

Hindi ako pwedeng magka gusto sa boss ko dahil ayaw kong dumating sa punto na iwasan nya rin ako, gaya kung paano nya iwasan ang mga babaeng nagkakandarapa sakanya. Masaya na ako sa kung anong relasyon meron kami ni Dark.

Sunday ngayon. Napag pasyahan kong tawagan ang kaibigan kong si Shane para ayaing lumabas. Gusto kong libangan ang sarili ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari saakin ng mga nagdaang araw.

Ayoko munang isipin si Dark dahil biglang nag iiba ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing naiisip ko sya.

“Anong nakain mo at niyaya mo akong lumabas?”

Nasa bahay na namin si Shane. Malapit lang naman kasi ang bahay nito saamin kaya isang tawag ko lang ay mabilis pa sa alaskwatro itong dumadarating. Isang barangay lang ang pagitan namin. Classmate ko ito nung college. Siya ang best friend ko.

“Wala lang na miss lang kita.” umasim ang mukha nito. Mukhang hindi naniwala sa sinabi ko.

“Sus! Bolera!”

Matapos mag simba ay nag punta kami sa Mall ni Shane para mag shopping. Ilang buwan na rin naman akong hindi nakakabili ng bagong mga damit at ilang buwan na rin kaming hindi nakakapag bonding. Sa tuwing magyayaya kasi sya ay palagi akong busy.

“Tell me may problema ka ba?” mataman nya akong tinitigan. Ako naman ay nag patuloy lang sa pamimili ng damit.

“Bakit mo naman nasabi yan Shane?”

“Kanina ko pa napapansin na parang may malalim kang iniisip.”

Napa buga naman ako ng hangin.

“Shane, na pe-pressure na kasi ako kay lola. Gusto na niya akong magka boyfriend.” sabi ko habang patuloy pa rin sa pagpili ng mga damit.

“Eh bakit nga ba kasi ayaw mo pang mag boyfriend? You're not getting younger Aia.”

“Wala pa kasi akong nakikita na Perfect para maging boyfriend ko.”

“Wala talagang perfect noh! Aamagin ka na nga lang kahihintay ng perfect man na yan!”

“What if makipag one night stand na lang ako? Ang gusto lang naman ni lola ay hindi ako tumandang mag isa. Wala pa talaga akong balak mag boyfriend Shane. Mas gusto ko pang magka anak na lang. Ayos na saakin yung walang ama ang bata para wala na rin akong maging sakit ng ulo in the future.”

Pumalatak naman si Shane sa mga sinabi ko.

“Baliw ka naba? Do you think hindi maghahanap ng tatay ang magiging anak mo kapag lumaki sya? So paano pag naghanap ng tatay ang anak mo? Ano ang sasabihin mo? Na anak, pasensya ka na hindi kilala ng mommy ang Daddy mo kasi basta na lang ako tumuwad at nagpa t*ra para lang mabuo ka?” sermon nito saakin.

“Wala pa kasi sa isip ko ang pakikipag relasyon Shane. Eh halos lahat kayo ipinamumukha na saakin yung edad ko.”

“Umamin ka nga sakin Aia tomboy ka ba?” seryoso nyang tanong saakin na ikinatawa ko naman.

“Sira babae ako noh!”

“Weh? Never kita nakitang na attract sa lalaki Aia.”

“Eh pano naman di ko nga sila type!”

Inirapan lang ako ni Shane.

“Ang taas kasi ng standard mo sa lalaki! Mala character sa isang fantasy book yata ang hanap mo!”

“Hindi naman mataas ang standard ko Shane, ang gusto ko lang naman ay yung, syempre may maayos na hitsura. May maayos na trabaho at responsable! eh kasi naman lahat ng lalaki ngayon eh maarte pa sa babae kung pumorma! Puro pagpapa cute at yung iba humaling pa sa mga Online games at kung ano-anong bisyo at barkada ang inuuna! Sasakit lang ang ulo ko kapag ganyan ang napangasawa ko.”

Napapailing iling lang si Shane sa sinabi ko.

“Hay naku Aia! Alam mo kapag ang lalaki nakita na ang babaeng gusto nila, nagagawa naman nilang magbago. Naku! ikain mo na nga lang yan. Nagugutom na ako.. kanina pa tayo palakad lakad. Na i-stress lang din ako sa mga pinag sasabi mo.”

“Mabuti pa nga siguro. Tanghali na rin pala.” papunta na kami sa isang fast food chain ng mag ring ang cellphone ko.

Si Sir Dark ang naka rehistro sa screen ng cellphone ko. Nakita iyon ni Shane kaya naman tinapunan ako nito ng malisyosang tingin.

“Mukhang iba na yan huh? Kahit day off mo eh tinatawagan ka ng boss mo.“

Dumistansya naman ako kay Shane para sagutin ang tawag ng aking Boss.

“Sir Dark na patawag ka?”

“Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?” sahalip ay tanong din nito saakin.

“Sorry nasa mall kasi ako.” paliwanag ko dito.

“Sinong kasama mo?”

“Kaibigan ko. Teka ano bang kailangan mo bakit na patawag ka?”

“I need you to go to my office, kunin mo yung mga documents na ipi-present natin Kay Mr. Ruiz at dalahin mo dito sa condo unit ko.”

Utos nito.

“T-teka hindi ba pwedeng bukas na lang yan? Kakain pa kasi kami eh..”

“I need it now Aia, dalahin mo na ngayon na.” utos nito saka ibinaba ang tawag. Naiinis kong ibinalik ang aking phone sa shoulder bag ko. Kung makapag utos akala mo kung sino na hindi mo pwede g salungatin! Apurado pa! Bumaling ako kay Shane na naka pamewang na saakin.

“Pasensya ka na Shane kailangan ko ng umalis. Pinapa punta ako ni Sir Dark sa condo unit nya.”

Napairap naman ito saakin.

“Kaya hindi ka magka jowa eh, kahit linggo tinatawagan ka ng boss mo! Bakit hindi na lang kaya kayo?”

“Ano ka ba Shane imposible yang pinagsasabi mo. Sige na alis na ako. Bawi na lang ako sayo sa sunod."

“Oo na! Sa susunod ikaw ang taya!” yinakap ko si Shane bago tuluyang umalis at mag punta sa office.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (212)
goodnovel comment avatar
Cha-cha Nedia
wala na ngang ads, ang mahal mahal pa,
goodnovel comment avatar
Cha-cha Nedia
bakit wala na syang ads, kainis nmn
goodnovel comment avatar
Marve
Hmmm. Amazing. Lets see on the next episode
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Playboy Boss   Kabanata 1250

    “Don't worry about him. Walang sakit ang Kuya Daniel mo. Hindi para sa kaniya ang resetang iyon. Kung kanino man iyon ay hindi ko pwedeng ipagsabi.” anito na lumakad na patungo sa sarili nitong lamesa. Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Serina. Kung hindi ito para kay Dark Angel, para kanino

  • My Playboy Boss   Kabanata 1249

    3RD PERSON'S POV “Ano bang iniisip mo? Doktor ako Daniel. Walang malisya sa 'kin ang gagawin ko. Masyado ka namang OA.” napapailing na palatak ni Dr. Alden. “Ayoko.” tanggi din naman ni Jamaicah. Nahihiya siyang ipakita dito ang pribado niyang katawan. Napapabuntong hininga na lang na napatango

  • My Playboy Boss   Kabanata 1248

    “OMG!!! Nakakainggit naman si Ate Aicah... Buti pa siya natikman na si Sir!” turan naman ng isa pa nilang kasama. “Hindi ko masisisi si Ate Aicah, kung ako din naman ang nasa sitwasyon niya, papayag din akong maging kabit ni Sir, eh!” turan pa ng isa! *** “Ano bang sasabihin mo?” tanong ni Dr. Al

  • My Playboy Boss   Kabanata 1247

    3RD PERSON'S POV “Kuya Daniel!” masayang bulalas bi Serina. Agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo nang makitang pumasok sa loob ng kanilang clinic ang lalaking kagabi pa niya gustong-gustong makita! Ngumiti ng tipid sa kaniya si Dark Angel nang bumaling ito sandali sa kaniya. Siya ba an

  • My Playboy Boss   Kabanata 1246

    Napaawang bigla ang bibig niya at napakurap-kurap ang kaniyang mga mata. Siya nagseselos? Pagak siyang tumawa at tinabig ang kamay ni Dark Angel na nanatili pa ring nakahawak sa kaniyang baba. “Ako, magseselos? FYI Mr. Dark Angel Oxford, wala akong gusto sayo! Kahit pa magunaw ang mundo, hindi

  • My Playboy Boss   Kabanata 1245

    3RD PERSON'S POV “Ay kabayo!” gulat na bulalas ni Jamaicah nang paglabas niya ng banyo ay nasa loob ng silid na kaniyang tinutuluyan si Dark Angel. Napahigpit ang hawak niya sa tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan nang walang imik itong humakbang palapit sa kaniya. Agad siyang humakbang paa

  • My Playboy Boss   Kabanata 373

    3rd PERSON'S POV “You have to take these vitamins so that your baby will be healthy. You also need to drink milk, eat fruits, and avoid getting tired. Your first trimester will be very tough; all pregnant women experience morning sickness. You should be very cautious with your every action. Don't

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • My Playboy Boss   Kabanata 868

    AIRA'S POV "Hi Kuya Jacob!" bati ni Daniel kay Jacob ng magkasalubong kami sa hallway. Matapos ibigay ni babaeng hilaw na mais ang kaniyang cellphone ay agad din naman itong pumasok sa kwarto nito. "Hi!" nakangiti ring bati sa kaniya ni Jacob saka tumingin sa akin kaya muli ko siyang inirapan

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • My Playboy Boss   Kabanata 803

    “Hi!” kibit balikat na bati sakaniya ni Jacob na tila nahihiya sakaniya. Walang duda na napakagwapo nga nito, na kahit na sinong babaeng babatiin nito ay malalag-lagan ng salawal. Narinig niyang impit na tumili si Melai sa likod ng mga kasamahan. “Maghunos dili ka nga Melay..” saway ni Tinay saka

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • My Playboy Boss   Kabanata 794

    3RD PERSON'S POV “Girl kinakabahan ako..” anas ni Vina sakaniya habang nasa loob sila ng elevator. Patuloy ito sa pagkaskas ng mga palad niya na para bang lamig na lamig ito, habang siya naman ay nananatiling kalmado at excited. Ito kasi ang mga trip niya ang mga challenges. “Kalma ka lang.. Mame

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status