LOGINWindy's POV
"I kept this letter for years," paliwanag ni Attorney Castillo. "Your father entrusted it to Don Alejandro before he passed away."
"Bakit hindi niya agad ibinigay sa amin?"
Napabuntong-hininga si Attorney Castillo.
"Because your father specifically requested that it should only be given to you when the time was right."
Napakunot-noo ako. Anong right time ang pinagsasabi niya?
"Right time?"
Tumango siya. "And according to Don Alejandro, that time is now."
Maingat kong tiningnan ulit ang sobre. Isang sulat-kamay lang ang laman nito. At nang makilala ko ang sulat-kamay ni Papa ay biglang lumabo ang paningin ko.
Labingwalong taon na. Labingwalong mahabang taon mula nang huli kong marinig ang boses niya. Pero, ang makita ang sulat-kamay niya ay parang narinig ko siyang muli.
Nilunok ko ang namuong bukol sa lalamunan bago nagsimulang magbasa.
My dearest Windy,
If you're reading this, it means I'm no longer there to see the wonderful woman you've become. I'm sorry I couldn't stay longer. If I had one wish, it would have been to watch you grow up beside your mother.
But life doesn't always give us what we want.
There's something I never told you.
Don Alejandro Domingo wasn't just my kumparé. He was my best friend. We built our dreams together when we were young. We made a promise to each other.
If one of us ever needed the other... we would never turn our backs.
If one day Don Alejandro asks something from you... I hope you'll at least listen. Trust him the way I trusted him.
Iyon na iyon. Doon nagtapos ang sulat. Ilang beses akong napakurap at nalilito. Hindi naman naging specific si Papa. Binaliktad ko pa ang sulat baka kasi may mabasa pa kong iba. Pero yon lang ang nakasulat.
"Iyon na... iyon lang po?"
Dahan-dahang tumango si Attorney Castillo. "Yes."
Maingat kong ibinalik ang sulat sa loob ng sobre.
"Ano ba talaga ang hinihiling ni Don Alejandro sa akin?"
Malalim na huminga ang matandang abogado at naging seryoso ang ekspresyon niya.
"Miss Guanzon, according to Don Alejandro's Last Will and Testament, he wants you to marry his grandson."
Napatitig lang ako sa kanya. Parang hindi ko narinig nang maayos ang sinasabi niya. Parang may nagtakip sa tenga ko kaya hindi ko agad narinig or siguradong mali ang narinig ko.
"Pasensya na po..." Napatawa ako nang alanganin. "Parang may hindi ako naintindihan. Gusto niyang pakasalan ko ang apo niya?" Itinuro ko ang sarili ko. "Ako?"
"Yes."
"Eh diba, mayaman to?" Tinuro ko pa ang picture ng Don. “Don Alejandro nga siya diba? So, mayaman to. Meaning, mayaman din apo niya diba?”
"Tama ka."
"So, syempre may mamanahin to sa lolo niya?"
"Tama ka rin."
Napahalakhak ako nang malakas. Agad akong kinurot ni Mama sa braso pero mabuti na lang at nakaiwas ako.
"Windy!"
Muli akong humarap kay Attorney Castillo.
"Pasensya na po, Attorne, hindi po ako tumatawa sa inyo. Pero imposible naman kasi ito eh. Hindi ko pa nga nakikilala ang lalaking iyon! At iyon mismo ang dahilan kung bakit tumatanggi ako kasi hindi ko siya kilala. At bakit—"
Nanatiling kalmado si Attorney Castillo at pinutol ang mga litanya ko.
"I understand your reaction."
"Hindi po, Attorney." Tumayo ako at umiling. "Hindi ninyo naiintindihan. Dito na ako lumaki buong buhay ko at hindi ako nababagay sa Maynila. Hindi ako nababagay sa mga mansyon na yan. Hindi ko nga alam kung paano kumain ng sabaw ang mga mayayaman."
Napangiti si Mama kahit may mga luha pa sa kanyang mga mata.
Nagpatuloy ako.
"Nagtatanim ako ng gulay, sumasakay ako ng traysikel. Sa palengke lang ako bumibili ng tsinelas." Tinuro ko pa ang suot kong tsinelas na butas na rin. "Hindi pa ako nakakadalo kahit isang business meeting lang tulad nong mga nababasa ko sa magazine at pocketbook. Nako Dios ko! Kaya paano ninyo inaasahang magpapakasal ako sa isang bilyonaryo?"
Tahimik lang na nakinig si Attorney Castillo. Nang matapos akong magsalita ay saka siya nagsalita.
"I had the exact same questions."
"Ha?"
"When Don Alejandro told me about his final wish."
Napakurap ako.
"Ibig sabihin... kahit kayo inisip ninyong baliw ang ideyang iyon?"
Bahagya siyang ngumiti.
"A little, but Don Alejandro believed something."
"Ano po iyon?"
Tumingin siya sa bintana.
"He believed you were the only person capable of saving his grandson."
Napakunot-noo ako. Saving? Bakit? Anong nangyari sa apo ng Don?
"Ililigtas ko siya... saan?"
Tumingin muli si Attorney Castillo sa labas.
"Sa kalungkutan."
Binalot ng katahimikan ang silid. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paanong masasabi ng isang taong hindi ko kilala na ako ang magliligtas sa isa pang taong hindi ko rin kilala?
Pointless talaga eh.
"Pasensya na po." Muli akong umiling. "Hindi ko kaya. Nirerespeto ko ang pagkakaibigan nina Papa at Don Alejandro, pero ang kasal..." Ngumiti ako nang may paghingi ng paumanhin. "...hindi pabor na basta na lang ibinibigay ang ganon."
Tumingin pa ko kay Mama para manghingi ng tulong pero pati si Mama ay parang wala ring masabi. Parang ako lang talaga ang lalabas sa karapatan ko.
Dahan-dahang tumango si Attorney Castillo.
"I expected you to refuse."
Napakurap ako.
"And that's why Don Alejandro left one final instruction."
Iniabot niya sa akin ang isang invitation letter.
"Come with me to Manila."
Napakunot-noo ako. "Para saan naman po?"
"Meet Winston Domingo because Don Alejandro specifically instructed that neither of you should make a decision, until you've looked each other in the eye."
Napatingin ako kay Mama. Hindi na tama tong nangyayari. Parang gusto kong tumili kasi ayoko ngang umalis eh! Kaso si Mama parang wala talagang kibo.
Pagkatapos ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
"Anak, kung ito ang huling hiling ng papa mo. Pakinggan man lang natin sila."
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Kabaliwan ito pero kung ang pagsama sa iisang biyahe ay magiging katapusan ng lahat ng ito… Siguro, sulit naman.
Dahan-dahan akong huminga.
"...Sige."
Ngumiti si Attorney Castillo sa unang pagkakataon mula nang dumating siya.
"We'll leave tomorrow morning."
Sana talaga, tama tong desisyon na to.
~~~
Kinabukasan...
Napatigil ako sa harap ng pinakamalaking mansyon na nakita ko sa buong buhay ko.
Hindi. Parang kulang pa ngang tawaging mansyon iyon. Mas mukha itong isang palasyo.
Napakalawak ang garden dito at sobrang daming bulaklak. Isang napakalaking fountain na kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw. Nakahanay sa driveway ang mga luxury car na mas mahal pa marahil kaysa sa buong bukid namin.
Napayuko ako at tiningnan ang sarili ko. Simpleng puting blouse at mapusyaw na asul na jeans lang ang suot ko at pinaresan pa ng gomang tsinelas. Nakatali ang mahaba kong buhok sa magulong ponytail matapos ang anim na oras na biyahe.
May ilang hibla ng buhok na nakalugay at nakapalibot sa mukha ko. Hindi ko na iyon inayos. Tutal, hindi naman ako narito para magpasikat sa kahit sino.
Pinangunahan ako ni Attorney Castillo papasok. Bawat hakbang namin ay umaalingawngaw sa sahig. Huminto sa ginagawa ang mga kasambahay para tingnan ako.
May ilan na magalang na ngumiti at may iba namang halatang nagtataka.
"This way, Miss Guanzon."
Huminto kami sa harap ng napakalaking dobleng pintuang kahoy. Minsang kumatok si Attorney Castillo. Pagkatapos ay itinulak niya iyon pabukas.
Sa loob, sabay-sabay na napatingin sa amin ang ilang tao. At may isang lalaki na nakatayo sa gitna. Suot ang isang perpektong tinahing itim na suit… Ang pinakaguwapo at pinakanakakatakot na lalaking nakita ko sa buong buhay ko.
Lalong tumalim ang kanyang panga nang magtama ang aming mga mata. Dahan-dahan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ang isang investment na wala naman siyang balak bilhin.
Lumitaw ang isang mapanuyang ngiti sa kanyang labi.
"That's Windy?"
Walang sumagot. Inilipat niya ang tingin kay Attorney Castillo.
"There has to be some mistake."
Muli siyang tumingin sa akin. Huminto ang tingin niya sa magulo kong ponytail. Sa mga hibla ng buhok na nakalugay sa paligid ng mukha ko. Pagkatapos ay napakibit-balikat siya habang bahagyang natawa.
"Check your records again. I'm not marrying a woman who doesn't even know how to brush her hair."
Windy's POVNanatiling tahimik ang buong silid matapos bumagsak ang mapanuyang salita ni Winston.Parang pati ang hangin ay tumigil din at hindi siya agad nakahinga. Lahat ng naroon ay hindi naka-react, pati ang abogado at kasambahay ay nagkatinginan ngunit walang nangahas magsalita.Ako man ay hindi agad nakakibo. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil hindi ako makapaniwalang may taong kayang manghusga sa loob lamang ng ilang segundo."Mr. Domingo."Bahagyang sumingit ang boses ni Attorney Castillo."I don't think that was necessary."Hindi man lang lumingon si Winston.Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang isa lamang akong malaking pagkakamali."I simply stated a fact.""She's not what my grandfather described."Humalukipkip na lang ako. Bakit? Ano bang sinabi ng lolo niya? Na maganda ako? Eh, maganda naman talaga ako. Ano pa bang hindi niya nakita sakin?"And let me make this clear. I have absolutely no intention of marrying that woman."Nag-init ang ulo ko. Kanina pa ako nagp
Windy's POV"I kept this letter for years," paliwanag ni Attorney Castillo. "Your father entrusted it to Don Alejandro before he passed away.""Bakit hindi niya agad ibinigay sa amin?"Napabuntong-hininga si Attorney Castillo."Because your father specifically requested that it should only be given to you when the time was right."Napakunot-noo ako. Anong right time ang pinagsasabi niya?"Right time?"Tumango siya. "And according to Don Alejandro, that time is now."Maingat kong tiningnan ulit ang sobre. Isang sulat-kamay lang ang laman nito. At nang makilala ko ang sulat-kamay ni Papa ay biglang lumabo ang paningin ko.Labingwalong taon na. Labingwalong mahabang taon mula nang huli kong marinig ang boses niya. Pero, ang makita ang sulat-kamay niya ay parang narinig ko siyang muli.Nilunok ko ang namuong bukol sa lalamunan bago nagsimulang magbasa.My dearest Windy,If you're reading this, it means I'm no longer there to see the wonderful woman you've become. I'm sorry I couldn't stay
Windy's POV"Windy! Bilisan mo! Mauubos na naman ang pandesal!"Napahalakhak ako habang inilalagay ang huling basket ng talong sa likod ng maliit naming tricycle."Aling Nena, five minutes lang po! Hindi naman tatakbo ang pandesal, eh.""Tatlong tray na ang naubos! Ikaw na lang ang hinihintay!""Ayan na po!"Tumalon ako pababa ng tricycle at halos madulas sa putik dahil sa ambon na bumalot sa buong baryo kagabi. Ito talagang si Aling Nena, palagi na lang ako minamadali. Takot na takot talaga ito na maubusan ako ng pandesal. Pero sabagay, ayoko rin naman din kasing maubusan, mabuti na nga lang at palagi akong tinitirhan ni Aling Nena."Naku!" Napatawa ako sa sarili ko. "Good morning talaga.""Nakakaloka ka, hija."Tinapik ni Mang Isko ang balikat ko habang nagwawalis sa tapat ng barangay hall. Pati si Mang Isko ay saksi kung paano ako makipaglaban para sa pandesal na yan. Syempre, favorite ko eh. Hahamakin talaga ang lahat, matikman ka lamang. Hoy, mali! Pandesal lang, pandesal."Isan
Winston's POV"You look just like your grandfather."Those were the first words Attorney Benjamin Castillo said as I took the seat across from him.I adjusted the cuff of my charcoal-gray suit before looking up. "People have been telling me that since I was a kid."He smiled faintly."I wasn't talking about your face."I raised an eyebrow. Sinasabi ba nito na hindi ko kamukha si Lolo?"I meant..." He paused, as if carefully choosing his words. "The way you carry yourself."Pero hindi ko na siya pinakinggan. Mas gusto ko pang marinig na agad kung anong nakasulat sa Last Will and Testament ni Lolo. Kasi ngayong araw na to babasahin iyon.Around the long conference table sat the people who carried the Domingo name. Some looked solemn and others looked impatient. A few couldn't even hide the excitement in their eyes.Pathetic.My grandfather had only been buried a week ago, yet everyone was already thinking about who would get what.Attorney Castillo closed the thick black folder in front







