Share

KABANATA 6

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-04-26 21:59:00

Ang malamig na simoy ng hangin sa Pier 4 ay may halong amoy ng kalawang at krudo. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, ang pantalan ay tila isang malaking sementeryo ng mga bakal. Walang tigil ang ugong ng mga barko sa malayo, habang ang mga higanteng cranes ay tila mga halimaw na nakatayo sa dilim.

Itinago ni Ally ang Ducati sa likod ng isang abandonadong bodega. Mula roon, naglakad sila ni Spencer nang nakayuko, sumisingit sa pagitan ng mga naglalakihang shipping containers na kulay asul at pula. Ang bawat hakbang nila ay maingat, iniiwasan ang anumang kaluskos na maaaring umalingawngaw sa tahimik na paligid.

"Dito tayo," bulong ni Ally sabay hila kay Spencer patungo sa isang makipot na siwang sa pagitan ng dalawang container na nakaharap sa mismong pantalan.

Mula sa kanilang pinagtataguan, kitang-kita nila ang isang malawak na espasyo na naiilawan ng dalawang malalaking spotlight. May isang itim na cargo truck na nakaparada doon. Sa paligid nito ay nagkalat ang may sampung armadong lalaki, at sa gitna nila ay nakatayo si Raul Mendoza, naninigarilyo habang tinitingnan ang kaniyang relo.

Nakaramdam si Spencer ng pag-init ng kaniyang dugo nang makita ang mga tauhan. Ngunit mas naramdaman niya ang panginginig ng babaeng katabi niya. Nakahawak si Ally sa malamig na bakal ng container, ang mga mata nito ay nanlilisik at namumuo ang luha sa galit.

"Ma'am," mahinang tawag ni Spencer. "Ano po bang ginagawa natin dito? Mga masasamang tao po iyan. Baka mapahamak po kayo."

Lumingon si Ally kay Spencer. Sa liwanag na nagmumula sa pantalan, nakita ni Spencer ang isang emosyon na hindi pa niya nakikita sa dalaga—isang matinding desperasyon na may halong tapang.

"Hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito, Josep," pag-amin ni Ally. "Sa tuwing may malaking operasyon ang tatay ko, palagi akong tumatakas para mag-imbestiga. Lahat sila, ang buong bansa, iniisip na ang ama ko ang pinakamataas na tao sa Orion Syndicate. Pero kilala ko si Dad. Oo, corrupt siya, oo, marami siyang ginagawang mali. Pero duwag siya. Walang kakayahan ang ama ko na magpatakbo ng ganito kalaking sindikato nang mag-isa. Mayroong mastermind... mayroong Big Boss na nagkokontrol sa kanya. At nandito ako para hanapin ang pruwebang iyon."

Natigilan si Spencer. Ang lahat ng teorya niya bilang lead strategist ay biglang nayanig at biglang tumaas ang respeto niya sa babaeng nasa harap niya.

"Pero bakit ngayon po? Bakit hatinggabi at masyadong delikado?" tanong ni Spencer.

Humigpit ang hawak ni Ally sa kaniyang jacket. "Kagabi... noong narinig kong may kausap si Raul sa telepono. Ibang klaseng shipment ito, Josep. Hindi ito baril o droga." Itinuro ni Ally ang nakaparadang truck. "Mga bata. Mga inosenteng bata na ipapadala nila sa mga dayuhan sa kabilang ibayo para ibenta. Hindi ko na kaya... hindi pwedeng mangyari ito. Gagawin ko ang lahat, ililigtas ko sila." desperadong sagot ni Ally.

Isang malamig na kilabot ang gumapang sa batok ni Spencer. Dahil ang  Child trafficking ay walang kapatawaran dahil mga inosenteng bata ang nadadamay. At tama si Ally, kailangan nilang mailigtas ang mga bata.

"Kailangan ko ng tulong mo, Josep," seryosong pakiusap ni Ally, hawak ang braso ni Spencer. "Hindi natin kayang harapin ang sampung armadong lalaki. Gusto kong lumabas ka sa pantalan. Pumunta ka sa kanto o sa mga squatter's area diyan sa labas. Maghanap ka ng mga tambay, mga basag-ulero. Bayaran mo sila, heto ang pera ko." Inilabas ni Ally ang isang makapal na bundle ng pera mula sa kaniyang bulsa. "Papuntahin mo sila rito at magsimula kayo ng gulo. Isang malaking rambol. Kapag nakuha nila ang atensyon ni Raul, papasok ako sa truck at itatakas ko ang mga bata. Ako na ang bahala mag-drive."

"Pero Ma'am! Paano kung mabaril kayo? Paano kung—"

"Wala nang paano-paano, Josep! Buhay ng mga inosenteng bata ang pinag-uusapan natin dito!" putol ni Ally.

 Ang mga mata niya ay nagmamakaawa ngunit puno ng awtoridad. 

"Gawin mo na. At pakiusap... mag-ingat ka."

Tumango si Spencer nang mabagal, kinakagat ang kaniyang labi para magmukhang natatakot pero sa loob loob niya ay naeexcite siya at muling nabuhayan ng dugo.

 "Opo, Ma'am. Para sa mga bata. Dito lang po kayo, babalik po ako agad."

Tumalikod si Spencer at naglakad palayo pabalik sa madilim na bahagi ng mga container. Ngunit nang makasiguro siyang malayo na siya sa paningin ni Ally, nagbago ang kaniyang anyo. Nawala ang pagiging kuba, tumuwid ang kaniyang tindig, at nanlisik ang kaniyang mga mata dahil sa galit.

Inabot niya ang earpiece na nakatago sa ilalim ng kaniyang buhok.

"Vince. Naririnig mo ba ako?" malamig at madiin na utos ni Spencer.

"Sir? Akala ko ba aborted na ang—"

"Change of plans. This is a Code Red. Child trafficking operation, I repeat, may mga bata sa loob ng cargo truck sa gitna ng Pier 4. Deploy the strike team now. But… i have a plan…" Huminto si Spencer habang tinitingnan ang orasan niya. "...Ayokong magmukhang military raid ito. Palitan niyo ang gear niyo. Magsuot kayo ng mga pang-tambay, jacket, bonnets, at gumamit kayo ng mga baseball bats, tubo, at handgun. I want a staged gang war. Gusto kong guluhin niyo ang tauhan ni Raul sa pinaka-magulong paraan na kaya niyo."

"Copy that, Sir. Switching to civilian tactical. Two minutes out," mabilis na sagot ni Vince, halatang na-alarma rin sa impormasyon tungkol sa mga bata.

"At Vince... andito ang anak ni Valderama. Siya ang magliligtas sa mga bata. Pumasok siya sa gitna ng operasyon bilang isang vigilante," dagdag ni Spencer.

Narinig niya ang pag-mura ni Vince mula sa kabilang linya. "Ano?! Ang anak ng target, siya ang may plano ng pag ligtas sa mga bata?"

"Exactly. Kaya makinig ka. Ang priority niyo ay kunin ang atensyon ng lahat ng armadong tauhan. Walang lalapit sa truck. I-cover niyo si Ally mula sa malayo. At kung may makalusot mang tauhan ni Raul..." 

Dinukot ni Spencer ang kaniyang silenced pistol mula sa loob ng kaniyang pantalon at kinasa ito sa dilim. "...Ako na ang bahala rito. Out."

Bumalik si Spencer sa malapit, ngunit hindi na siya lumapit kay Ally. Nagtago siya sa itaas ng isang container, sakop ng mga anino, kung saan kitang-kita niya ang buong paligid pati na ang posisyon ng dalaga.

Hindi nagtagal, umalingawngaw ang tunog ng mga nagkikiskisang gulong ng mga lumang van at motor na biglang pumasok sa entrance ng Pier 4. Mahigit dalawampung tauhan ni Spencer—na ngayon ay nagkukunwaring mga galit na miyembro ng isang lokal na gang ang sumugod sa pwesto nila Raul.

"Hoy! Lugar namin 'to!" sigaw ng isa sa mga tao ni Spencer bago naghagis ng isang bote na sumabog malapit sa mga armadong tao.

Nagsimula ang gulo. Nagkagulo ang mga tauhan ni Raul. May mga nagpaputok ng baril sa hangin, may mga nagpalitan ng suntok at hataw ng tubo. Ang buong pantalan ay naging isang madugong entablado.

"Mga siraulo! Ubusin niyo 'yan!" sigaw ni Raul habang bumubunot ng sarili niyang baril.

Sa likod ng isang container, nakita ni Spencer kung paano huminga nang malalim si Ally. Nakita niya ang panginginig ng mga tuhod ng dalaga, pero gayunpaman, tumakbo ito palabas ng kaniyang pinagtataguan. Parang isang mailap na pusa ang dalaga, gumapang at tumakbo si Ally papunta sa likuran ng cargo truck habang lahat ng bantay ay nakikipagbakbakan sa unahan.

Ngunit habang binubuksan ni Ally ang malaking kandado ng truck gamit ang isang bolt cutter na nakita niya sa lapag, may isang tauhan ni Raul na humiwalay sa gulo. Nakita nito si Ally at dahan-dahang itinaas ang kaniyang rifle, handang iputok ito sa likod ng dalaga.

Mula sa itaas ng container, hindi nag-atubili si Spencer. Itinaas niya ang kaniyang silenced pistol at mabilis na kinalabit ang gatilyo.

Isang mahinang tunog ang umalingawngaw. Bumagsak ang lalaki sa lupa, tinamaan nang eksakto sa balikat upang mawalan ng malay bago pa man ito makapagkalabit ng gatilyo. Hindi man lang ito napansin ni Ally dahil sa ingay ng gulo sa paligid.

Nabuksan ni Ally ang pinto ng truck. Sa loob, tumambad sa kaniya ang dose-dosenang mga batang nakakulong sa mga hawla, umiiyak at nakayapos sa isa't isa. Agad na tumulo ang luha ni Ally.

"Shh... huwag na kayong umiyak. Ate's here. I'll get you all out of here," umiiyak ngunit matapang na sabi ni Ally habang mabilis na sinisira ang mga kandado ng mga hawla.

Mula sa kaniyang pinagtataguan, pinanood ni Spencer ang dalaga. Ang dating masungit na prinsesa na nagpabitbit sa kaniya ng mga shopping bags ay naroon ngayon, isinusugal ang sariling buhay para sa mga batang hindi naman niya kaano-ano.

Habang patuloy siyang nagbabantay, inaasinta ang sinumang magtatangkang lumapit kay Ally, naramdaman ni Spencer na may isang bagay sa kaniyang plano ang tuluyang nasira. Ang puso niya ay hindi na lang sumusunod sa misyon, nagsisimula na rin itong pumrotekta sa babaeng unti-unti niyang nakikilala sa likod ng mga maskara nito.

kkyrieehale

Hello po! thank you for always, supporting po! ^^

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 40

    Ang gubat sa paanan ng Banahaw ay tila naging isang malaking maze ng kadiliman. Pagkalabas na pagkalabas nina Spencer at Vince sa emergency hatch, hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Ang flare na pumutok sa langit ay sapat na babala—hindi lang sila hinahanap, hinuhuli na sila."SIR, sugatan ka!" hingal na sabi ni Vince habang mabilis silang nagtatakbo sa pagitan ng mga puno. Bakas ang dugo sa suot na tactical vest ni Spencer mula sa nakuha niyang galos sa balikat kanina."Ayos lang ako," sagot ni Spencer, kahit na ramdam niya ang bawat tibok ng puso niya sa bawat hakbang. "Kailangan nating marating ang ravine. 'Pag nakatawid tayo doon, mahihirapan na silang i-track ang heat signatures natin."Sa likuran nila, dinig na nila ang mga boses ng mga mersenaryo at ang mga flashlight na nagwawalis sa gubat. “They went this way! Spread out!” sigaw ng isa sa mga ito."Vince, gamitin mo 'yung EMP grenade na huli nating natitira. Ngayon na!" utos ni Spencer.Walang pag-aalinlangan, inihagis ni V

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 39

    Alas-tres na ng madaling araw. Sa loob ng vault, ramdam ang tensyon—yung tipong kahit mahangin ang ventilation, parang ang init sa loob dahil sa kaba. Nakasuot na ng tactical gear sina Spencer at Vince. Si Spencer, abala sa pag-check ng baril niya, habang si Vince naman ay busy sa tech-pack na nakasukbit sa likod niya."Testing. Can you hear me clearly?" bulong ni Vince sa earpiece niya."Loud and clear," sagot ni Spencer.Sa kabilang gilid ng mesa, nakaupo lang sina Ally at ang Daddy niya. Si Congressman Valderama, nakatutok lang sa security monitors. Si Ally naman, hindi matanggal ang tingin kay Spencer. Parang may kung anong bigat sa dibdib niya na hindi niya mailabas."Spencer," tawag ni Ally. Nilapitan niya ang binata. "Huwag kang magpaka-hero. Hindi natin kailangang makipagbarilan kung hindi kailangan. Ang goal lang natin, ma-upload 'yung files."Tumigil si Spencer sa pag-aayos ng vest niya. Tumingin siya kay Ally nang diretso sa mata. "Hindi ako magpaka-hero, Ally. Magiging prak

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 38

    Pagkatapos ligpitin ang mga plato, ang vibe sa sala ay mabilis na nagbago. Mula sa tawanan, bumalik sila sa realidad. Inilabas ni Vince ang isang portable server at ikinonekta ito sa main screen."Okay, tapos na ang family dinner," seryosong sabi ni Vince habang mabilis na nag-a-adjust ng mga parameters sa monitor. "Time to get back to work. Cong, Ally, Spencer... kailangan nating pag-usapan ang exit strategy para sa ebidensyang hawak natin."Tumayo si Valderama, nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi na tayo pwedeng basta magtago lang. Kung itatago natin ang listahang ito, para lang tayong naghihintay na mahuli. Kailangan itong makarating sa publiko.""Exactly," sagot ni Vince. "Pero hindi 'to basta Facebook post o email lang. Ang Orion ay may monitoring system na kayang i-track ang anumang data packets na lalabas sa private networks. Kung ia-upload natin 'to sa cloud, mahuhuli tayo sa loob ng sampung segundo."Tumabi si Spencer sa monitor, sinusuri ang mga firewall diagrams. "So,

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 37

    Pagpatak ng alas-sais ng gabi, ang loob ng vault ay nabalot na ng nakaka-relax na ingay ng pagluluto. Dahil limitado ang supplies, naging creative sila—nagluto si Ally ng spam-fried rice at canned goods na ginawang parang gourmet meal gamit ang mga spices na nahanap ni Vince sa pantry ng safehouse.Pagdating ng oras ng hapunan, ang dining table ay naging sentro ng gulo."Cong, pakiabot naman ng tubig," request ni Vince habang abala sa pag-aayos ng kaniyang laptop sa tabi ng plato niya. "Tsaka 'yung sili, kulang sa anghang 'tong gawa ni Ally, parang buhay lang natin—kulang sa thrill."Sumimangot si Valderama at mabilis na itinulak ang pitsel ng tubig palapit kay Vince, halos matapon pa ito. "Pwede bang kumain ka nang hindi nakaharap sa screen na 'yan? Nakakahilo kang tignan.""Priority ko ang security natin, Cong. Kung may pumasok na breach sa firewall habang nagpapakabusog tayo, kailangan handa tayo," depensa ni Vince, pero kumuha na rin siya ng kanin."Breach, breach ka dyan," sagot

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 36

    Tahimik sa loob ng vault. Hindi 'yung tipong nakakasakal na katahimikan, kundi 'yung sapat lang para makapag-isip nang malinaw. Si Vince, ayun, tutok na tutok pa rin sa mga monitor niya—parang hindi natutulog, panay lang ang pindot sa keyboard. Sa kabilang kwarto, tulog na tulog si Congressman Valderama, pagod na pagod sa dami ng nangyari.Naiwang magkatabi sina Ally at Spencer sa leather sofa sa sala. Medyo madilim, 'yung malambot na ilaw lang mula sa ceiling ang nagbibigay ng liwanag sa kanila."Spencer," basag ni Ally sa katahimikan habang nakatingin sa mga tactical display sa dingding. "Sorry... Gusto ko lang mag-sorry. Dahil sa amin ng Daddy, pati ikaw... nadamay. Dati kang opisyal, maayos ang buhay mo, may dignidad ang posisyon mo. Pero ngayon, takas ka na sa batas. Hindi mo deserve 'yung ganitong buhay."Humarap sa kanya si Spencer. Sa liwanag ng screen, kitang-kita ni Ally ang pagod sa mga mata nito—hindi lang pagod sa katawan, kundi pati na rin sa isip. "Ally, stop. Huwag mon

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 35

    Maagang nagising si Ally at lumabas ng kuwarto. Hind na muna niya inistorbo angpagtulog ni Spencer dahil alam niyang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa mga tinamo nitong sugat, idagdag pa ang ginawa nila kagabi.Naabutan niya sa sala si Vince at ang ama niya na si Cong Valderama. Masayang nagkaakpe, pero ng makita siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Cong valderama.“San ka natulog?” tanong ni Cong kay Ally.“S-sa kuwarto po, dad”“Katabi mo si Jo–Spencer?” tanong ng matanda at tumango naman si Ally.“May relasyon ba kayo? Anong relasyon niyong dalawa?” sunod sunod na tanong nito kaya napalabi na lang si Ally.“Dad… kung ano mang meoron samin ni Spencer please. Alam ko ang pinapasok ko.” sagot naman ni Ally kaya nangunot ang noo ni Valderama.“He lied to us—”“But he save us. He risk his life to save us Dad.” putol ni Ally sa ama. Kaya nanahimik na lang si Valderama habang si Vince ay tahimik lang sa gilid, pero hindi maikubli ang nagngingiti niyang labi.“Ano bang ngini-ngi

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 21

    Nanatili lang na nakadantay si Ally sa dibdib ni Spencer matapos ng ginawa nila. Habang si Spencer naman ay halos murahin ba niya ang sarili dahil bumigay agad ito sa dalaga.“Josep?” mahinang tawag ni Ally.“Hmm”“N-nagsisisi ka ba sa ginawa natin?” tanong ni Ally kay Spencer kaya napalunok ito.“

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 20

    Ang malamig na tubig mula sa shower ay patuloy na bumabagsak sa kanilang dalawa, pero ang init na namamagitan sa kanilang mga labi ay sapat na upang mapawi ang panginginig ni Ally. Sa bawat halik, tila sinusubukang burahin ni Ally ang lansa ng dugo at ang bigat ng kasalanang pasan niya.Sa ilalim n

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 18

    Dahil sa nabasa ni Spencer na message mula kay Vince ay hindi na ito mapakali. Iniisip rin niya na mukhang walang alam si Congressman Valderama tungkol sa shipment, kaya paniguradong wala ring alam si Ally.(Stand by. I'm on my way) message ni Spencer kay Vince at nagsuot ng itim na pants, hoodie a

  • My Undercover Bodyguard (SSPG)   KABANATA 15

    Nanatili lang tahimik si Ally habang nakatingin sakaniya si Spencer at Vince, nag hihintay sa sagot niya kung bakit nandito siya sa Divisoria.“Sinusundan mo ba ako madam?” tanong ulit ni Spencer habang bahagyang tumatawa na para bang inaasar si Ally.“Hays, di ko na nga po kayo tatanungin. Gusto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status