Share

Chapter Seven

last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-29 16:47:50

Tinaasan ko ng kilay si Ethan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, na tila ba isang maliit at nakakaawang insekto lang ang nasa harap ko.

Akala ba ng batang ito na mananahimik na lang ako at iiyak sa sulok, gaya ng dati? Akala ba niya na papanoorin ko na lang silang tapakan ang pagkatao ko dahil lang sa pitong taon akong nagparaya? Hmpt! Nagkakamali ang buong pamilya Morris kung iniisip nilang ako pa rin ang Scarlet na sunod-sunuran sa kanila.

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong maleta sa huling tuntungan ng hagdan. Umalingawngaw ang marahas na tunog niyon sa sala, dahilan para mapatigil sa pag-aayos ang ilang mga katulong at mapalingon sa amin.

"Ethan," panimula ko. Ang boses ko ay hindi sumisigaw, ngunit sapat ang lamig para magpatahimik sa paligid. Isang mapait at nakakalokong ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Masyado ka pang bata para makisawsaw sa usapan ng mga matatanda. At mas lalong wala ka sa posisyon para diktahan ako kung kailan ko gustong umalis sa bahay na ito."

Nanlaki ang mga mata ng binatilyo, tila hindi nakapaniwala na ang 'katulong' na tinatawag niya ay may lakas ng loob na sagutin siya ngayon.

"Anong sabi mo?!" asik niya. Namumula ang mukha sa galit at napahakbang pabalik.

"Ang sabi ko, bago mo ako sabihan na mag-empake, siguraduhin mo munang ang kuya mo ang mismong mag-abot sa akin ng divorce papers," dire-diretso kong saad, habang humahakbang palapit sa kanya. "Dahil hangga't walang pirma ko ang kontratang iyon, ako pa rin ang legal na Mrs. Morris. At sa batas, ikaw at ang magiging 'Sister-in-law' mo ang walang puwang at nakikisunod lang sa pamamahay ko."

Tumingin ako sa mga katulong na nakatungo na ngayon at tila litong-lito kung sino ang susundin.

"Ipagpatuloy niyo ang pagtatanggal," utos ko sa kanila, habang itinuturo ang mga bagong dating na kahon. "Pero ang tanggalin niyo ay ang mga bagong gamit na kakapadala lang. Wala kayong tatanggalin na kahit isa sa mga gamit ko na matagal nang nandito, at iyang mga bagong gamit na iyan… inyo na! Huwag na kayong magpakapagod pa sa pagtatanggal ng mga gamit na ako mismo ang bumili para sa mansyong ito. At iyang mga bagong dating na gamit ni Jana, ibenta ninyo nang second hand. Kapag nabenta niyo, gamitin niyo ang pera para sa sarili niyo."

Natuwa naman ang lahat ng katulong na kanina pa napapagod at nahihirapan sa pagtanggal ng mga gamit ko. Mas sinunod ng mga katulong ang mas matanda kaysa sa bata—at hindi ko rin naman sila masisisi dahil alam kong inutusan lang din sila at sumusunod sa agos.

Walang nagawa si Ethan nang biglang huminto ang mga katulong sa pagsunod sa kanya. Galit na galit ang kanyang mukha at muli niya akong dinuro. Nanginginig ang boses sa pangingitngit.

"Sino ka ba sa akala mo?! Regalo iyan ni Mama para kay Ate Jana! Sa palagay mo ba ay may karapatan kang magdesisyon dito? Sisiguraduhin kong papalayasin ka ng Kuya ko!" gulantang niyang sigaw.

Ah... Kaya pala ganoon na lamang kalakas ang loob ng binatilyong ito na gawin ang mga bagay na ito. Ang nasa likod pala niya ay ang mismong mother-in-law ko.

Nagtulong-tulong pa talaga ang mag-ina para kay Jana. Gustong-gusto talaga ni Madam Eleanor Morris ang isang katulad ni Jana Thorne. Akala ko noong una ay dahil lamang ito sa nakatakdang pagpapakasal kay Marcus. Ngunit ngayong nakakulong si Marcus, mukhang hindi na matutuloy ang kasal sa pangalawang anak; doon naman sa panganay, ipipilit ng matanda. Tsk! Ang kawalan ng moralidad ng pamilyang ito ay talagang walang kapantay.

Lumapit ako nang husto kay Ethan. Walang pasubali kong hinawakan ang kanyang kamay at marahas kong inalis ang daliri niyang nakaduro sa aking mukha. Alam na alam ko kung paano mapapatahimik ang isang spoiled brat na katulad niya.

Sa isang mahinahon ngunit mapagbanta at madiing boses, nagsalita ako. "Sige, ganito na lang... Tutal, gustong-gusto mo naman si Jana para maging sister-in-law mo. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa school mo. Sasabihin ko sa lahat ng mga kaibigan, kaklase, at guro mo na tinutulungan mong mang-agaw ng asawa ang kuya mo. Sasabihin ko sa kanila na para bang tradisyon na ng pamilya niyo ang pagkakaroon ng second family dahil sa pagtataksil at kawalan ng moralidad. Tutulungan na kitang ipagkalat ito, para sa ganoon ay ikaw naman ang sumikat lalo sa eskwelahan ninyo. Gusto mo ba?"

Nanalaki ang mga mata ni Ethan. Hindi ito makapaniwala na makakapagsalita ako ng ganoon sa kanya. Sa loob ng pitong taon, kailanman ay hindi ako naging marahas o pabalang sa kanila—lagi ko pa ngang sinusuyo ang batang ito sa tuwing nagtatantrums siya noon.

Namumula ang mukha ng bata sa pinaghalong takot at hiya. "T-talagang napakasama mo! Subukan mo lang talaga; hindi kita mapapatawad! Isusumbong kita kay Kuya!"

Nagkibit-balikat lang ako at napaismid. Kita mo na. Sino ba ang nagsasabing hindi dapat makipagtalo sa mga mas bata sa iyo? Sa tingin ba ng iba, ang ganitong klaseng bata ay hindi na nag-iisip ng epekto ng ginagawa nila? At bilang matanda, dapat ba palagi na lang tayong magpakumbaba at magpaapi sa mga bata? Tss... Wala nang ganoon ngayon. Dapat na siyang disiplinasin at gisingin sa katotohanan.

Dahil siguro sa ingay at komosyon na nalikha namin sa sala, biglang bumukas ang pinto ng library at pumasok ang isa pang matapobreng tao na sagad ang galit sa akin—ang aking mother-in-law na si Eleanor Morris.

"Anong nangyayari rito?" Bakas ang awtoridad sa boses ng matandang babae habang nakatingin sa akin. Sumimangot agad ito, na ipinapakita ang kanyang matinding disappointment. "Alas-diyes na ng umaga, bakit ngayon ka lang nagising? Hindi pa ba luto ang herbal dietary soup ko na palagi mong ginagawa, pati ang breakfast? Anong kakainin ko… at ni Ana?"

Tinitigan ko ang aking biyenan. Ang kapal din talaga ng mukha niya na hanapan ako ng almusal para sa kanila ng kabit ng anak niya. Isang malamig na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa aking mga labi habang dinalian ko ang hawak kong dalawang maleta.

Naalala ko bigla ang nakaraan. Noong mga nakaraang taon, kahit puyat at pagod ako galing sa duty ko sa ospital, gumigising ako bago mag-alasingko ng madaling araw. Magtitiyaga akong magbayo at magpakulo ng herbal tonic soup para sa mag-asawang Morris, at ipapadala ko pa iyon sa pinakamansyon ng pamilya. At sa tuwing bumibisita o nananatili sila rito sa mansyon namin ni Draven, hindi lang tonic soup ang ginagawa ko—ako ang nagluluto ng agahan, tanghalian, at hapunan nila. Ako ang nag-aasikaso ng lahat, pati na ang mga personal na kagustuhan sa pagkain ni Jana Thorne nang magsimula itong dumikit sa pamilya. Ginawa ko silang mga diyos sa buhay ko habang ginagawa ko ang sarili ko bilang isang katulong.

Ngayon ko lang talaga naisip at unti-unting napagtanto kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng trato ni Madam Eleanor sa akin kumpara kay Jana.

Kaya pala. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala ganoon na lamang ang panlalait at pagpapahirap sa akin ng matandang babaeng ito, dahil mas gusto nitong maging tunay na daughter-in-law ang kabit ng aking asawa. Alam na marahil ng matandang ito na si Jana ang babaeng matagal nang minamahal ni Draven.

Nakakasuka ang pamilyang ito. Kumukulo sa galit ang sikmura ko na malamang habang kasal ako kay Draven, lalo pang gumagawa ng paraan ang mag-ina para mapalapit ang dalawa sa isa't isa sa loob mismo ng pamamahay ko. Hindi ako kailanman nirespeto ng mga taong ito. Itinuring nila akong anino na walang pakiramdam.

Ngunit tapos na ang panahon ng pagtitiis. Ang Scarlet Ferguson na tanga at umiiyak sa kusina ay matagal nang namatay.

Humarap ako nang diretso kay Madam Eleanor. Walang bakas ng takot, galit, o panginginig sa aking mukha. Sa halip, isang kalmado, malamig, at swabeng boses ang binitawan ko na tila ba nagbibigay lang ako ng isang simpleng medikal na diagnosis.

"Kung hindi niyo kayang kumilos para makakain kayo, at kung sa palagay ninyo ay hindi niyo kayang mabuhay nang wala ako..." Tumitig ako nang diretso sa nagngangalit niyang mga mata. "...puwede naman na kayong mamatay."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 45

    SCARLET’S POV"Dapat kasi magkusa kang magbigay ng divorce paper na may pirma mo, Scarlet. Para hindi ka na magmukhang kaawa-awa rito at baka ikaw pa ang maging harang sa 'tunay na pag-ibig' nina Mr. Morris at Miss Thorne," paghahabol pang asar ni Lucas Finch habang naglalakad kami ni Lindsay palabas ng bulwagan ng The Highlands Mountain Resort.Hindi ko na siya nilingon, ngunit si Lindsay ay umuusok na ang ilong sa galit habang nagda-drive pauwi."Bessy, swear, kailangan ko na yata ng nitroglycerin pills sa sobrang high blood ko sa dalawang 'yan!" Nanginginig ang boses ni Lindsay habang mahigpit ang hawak sa manibela. "Kung legal lang ang pumatay ng mga adulterers, niresbakan at pinasibad ko na ang kotse ko sa mukha nila! Sana talaga nag-lawmaker na lang ako noon. Kung ako lang ang may kapangyarihan o maging mayor ng Maynila, babaguhin ko ang batas at ipapakulong ko lahat ng nang-aagaw ng may karelasyon!"Natawa ako nang mahina sa kabila ng bigat sa aking dibdib. "Kung maging mayor

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 44

    SCARLET’S POV"Bessy, kung gustong-gusto niyang magpasikat, bakit hindi na lang siya magdala ng kama sa stage at doon mag-show? Mas epektibo pa 'yon kaysa sa pa-VIP na pag-upo niya!" Walang humpay at gigil na bulong sa akin ni Lindsay habang nakatingin kay Jana Thorne sa unahan.Para mapigilan ang aking BFF sa tuluyang pagwawala at pagmura, agad kong isinubsob ang baso ng mango juice sa kanyang bibig. "Inumin mo na lang 'yan, Lindsay. Baka marinig ka ng mga reporter."Habang nagpapatuloy ang auction dito sa ballroom ng The Highlands Mountain Resort, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga elitista sa paligid. Ang usap-usapan ng lahat ay kung paano naging isang bigating exception si Jana Thorne sa buhay ng kilalang malamig na si Draven Morris.Ngunit ang mas nagpadala sa akin ay nang makita ko ang mga cellphone na nakalapag sa kanilang lamesa. Magkapareho ang kanilang phone case—isang bagay na hinding-hindi gagawin ni Draven Morris noon. Kilalang-kilala ko ang mga habit niya; di

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 43

    SCARLET’S POV"Draven? Anong ginagawa mo rito?"Ang malamig na tinig ni Draven Morris ang bumasag sa katahimikan ng suite. Nakatayo siya sa pintuan; ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa aking anyo—mula sa aking basang buhok, sa aking mga balikat, hanggang sa tuwalyang nakatapis sa aking dibdib. Wala man lang bakas ng pagkagulat o paghanga sa kanyang mukha; ang tanging nakita ko ay ang pagtataka na tila ba ako ay isang estrangherong pumasok sa kanyang teritoryo."Tinanong kita, Scarlet. Kailan ka pa dumating? May kasama ka ba?" tanong niya, na may halong hinala na baka sinusundan ko siya o ini-stalk. "Pribadong suite ko ito."Napakunot ang noo ko. Hindi niya alam na si Donya Aurora ang nag-upgrade sa akin? Bago pa man ako makasagot, narinig ko ang pamilyar na boses ng babaeng kinamumuhian ko mula sa labas ng pinto."Draven, nandiyan ka ba? Sabi nila ay nasa loob ka na."Si Jana Thorne.Imbes na ipagtanggol ang kanyang legal na asawa, agad na bumaling sa akin si Draven. "Pumunta ka

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 42

    SCARLET’S POV Dahan-dahan kong ini-log out ang aking WeChat account. Ang mga pang-aasar at pambu-bully ng mga tropa ni Draven sa Moments ay hindi na nagdulot ng sakit sa akin ngayon—sa halip, naging paalala ito kung gaano ako katanga noong pitong taon akong naghahabol sa isang taong kailanman ay hindi ako minahal."Bessy, tulala ka na naman diyan," pukaw sa akin ng aking matalik na kaibigan na si Atty. Lindsay Montenegro habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga sangkap sa kusina ng aming bahay.Napabuntong-hininga ako at hinarap siya. "Iniisip ko lang ang kaligtasan ni Beatrice. Hangga't narito tayo sa bansa, malaking banta ang pamilyang Morris. Kung malalaman ni Draven ang tungkol sa bata...""Huwag kang mag-alala," seryosong sagot ni Lindsay, sabay tapik sa aking balikat. "Para makasiguro, napagkasunduan na natin na mas mabuting itago muna natin ang bata sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng iyong mentor na si Dr. Alberto Sterling. Walang makakalapit sa kanya roon. At hig

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 41

    SCARLET’S POVNatatawa na lamang ako sa tindi ng lakas ng loob ng mga ito na harangin ako sa tapat ng aking bago at marangyang Land Rover Range Rover. Ang kintab ng metal nito sa ilalim ng ilaw ng parking lot ay tila ba lalong nagpainit sa mga mata ni Jana na sumasabog na sa inggit."Scarlet," sarcastic na ngumisi si Jana habang pinupunasan ang gilid ng kanyang mamahaling Hermes bag. "Sigurado ka bang sa'yo ang kotse na 'yan? Baka naman hiniram mo lang 'yan kay Alejandro Valdemar para may maipagmalaki ka rito sa seremonya?"Tinitigan ko siya nang blangko bago ko binitawan ang isang malamig na ngiti. "Hindi ko hiniram, Jana. Ninakaw ko lang."Bago pa man makasagot si Jana, biglang humakbang palapit si Lucas Finch na tila ba may natuklasang malaking krimen. Itinuro niya ang plaka ng aking bagong sasakyan. "Huwag ka nang magpanggap, Scarlet! Tingnan mo nga ang plaka ng kotse mo, 'couple number' sa brand-new Rolls-Royce ni Mr. Morris! Ang plaka mo ay nagtatapos sa 7 habang kay Mr. Morris

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 40

    SCARLET’S POVNaramdaman ko ang biglang pag-atake ng matinding kaba sa aking dibdib nang mapansin ang malaking anino na lumapit sa aking tabi. Si Draven Morris. Narito siya sa on-site medical consultation, nakatitig nang malamig habang ang aking pulso ay hawak ng matandang doktor.Dahil napakagaling ng Traditional Chinese Medicine, alam ko ang kakayahan ng isang tunay na master. Kayang-kaya nilang malaman kung nanganak na ang isang babae sa pamamagitan lamang ng tamang pagbasa sa pulso.Sa unang ilang segundo ng pagsusuri, seryosong nagsalita ang matandang doktor. "Ang pulso mo, iha… kulang sa qi at dugo. Parang ang katawan mo ay nauubos nang husto at hindi naibalik ang dating sigla."Dahil sa mga salitang ito, agad na nagbago ang tingin ni Draven. Nanliit ang kanyang mga mata, humakbang siya palapit, at nagtanong nang may hinala: "May mali ba sa kalusugan niya?"Sa sobrang takot na mabuko ang tungkol sa sikreto kong panganganak kay Beatrice, naramdaman ng matandang doktor sa ilalim n

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 13

    SCARLET POVAng tawang iyon—isang mahinhin ngunit mapang-asar na halakhak mula kay Jana Thorne sa screen ng telepono—ay parang isang kalawanging tinik na lalong bumaon at nagpa-implikasyon sa sugat ng aking puso.Napanood ni Jana ang buong kahiya-hiyang eksena kung saan sinampal ako ng matandang ba

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 11

    SCARLET POVHindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Draven Morris pagkatapos kong bitawan ang salitang iyon sa loob ng room na ito. Ngunit ang kanyang madilim, malalamig, at tila walang katapusang malalim na mga mata ay nakatitig sa aking mukha nang may labis na pagkainis at pagkaburyong

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 21

    SCARLET POVPumunta si Jana sa tabi ni Draven Morris. Kalmado ito sa bawat kilos na ipinapakita sa akin na siya ang tunay na reyna sa buhay ni Draven. Nagsalita siya nang puno ng lambing kay Draven. "Gutom na ako. Maghanap muna tayo ng makakainan."Binawi na ni Draven ang tingin sa akin. Hindi na n

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 19

    SCARLET POVWala akong oras para makipagtalo o makipag-away pa kay Jana. Mas mahalaga ang buhay ng bata ngayon.Lumapit ako sa natatarantang ina at dahan-dahan ngunit matatag na nagsabi, "Isa akong doktor. Hayaan niyo po akong hawakan ang bata; mas madali ko po siyang magagamitan ng first aid kung

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status