مشاركة

Chapter 186:

مؤلف: Hiraya_23
last update تاريخ النشر: 2026-04-23 19:32:42
“Bitawan mo ako, Darken,” walang emosyong utos ko, kahit pa unti-unti na namang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha.

“No! Hindi kita hahayaang mawala, Angel!” mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa mga binti ko, tila isang batang takot na takot na iwan ng ina. Tumingala siya sa akin, ang mga mata niyang namumula.

“Aayusin natin 'to. I’ll give you everything. My wealth, my life, my entire empire... everything is yours! Just please, give me a chance to fix the broken pieces!”

Isang mapait
Hiraya_23

accckkkk. Ay ambot. Nakakabaliw na huhuhuhuhhu

| 21
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (5)
goodnovel comment avatar
Elvie Garganian
nakakawalang gana na
goodnovel comment avatar
MarieRhose Olib
Ewan ko hnd ko ma get Ang story abot sa imo day
goodnovel comment avatar
inday garutay
Ang drama u namn angel ang arte mo masyado humihingi n ng tawad un tao nagmamatigas ka pa lumuhod n lahat2x d u mnlng magawa patawarin mas masahol pa yan ginagawa u sa ginawa ni darken sau
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 26:

    Napaangat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko. “P-Po?”Ibinaba ni Sir Darken ang kaniyang pen. Kumuha siya ng isang makapal na itim na folder mula sa gilid ng kaniyang mesa at inilapag ito sa mismong harapan ko.“I called you here because of your performance, Miss Alvarez. The management has been reviewing your files. Despite your... clumsy record,” bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Darken nang sabihin iyon, “Your eye for detail and color coordination is exceptional. We are restructuring the executive VIP handling.”Nanlaki ang mga mata ko. Anong nangyayari? Hindi niya ako sisisantehin?“I am officially promoting you to the position of Personal Head Stylist for our VVIP Accounts,” direktang deklarasyon ni Darken. “This is an executive position. You will no longer report to the general wardrobe department. You will report directly to the top floor.”Halos malaglag ang panga ko sa sahig. “H-Head Stylist?! A-Ako po?! P-Pero sir, kakasimula ko pa lang po! Wala pa po akong isang taon dit

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 25:

    RYE’S POVPagpasok ko pa lang sa matataas na glass doors ng Saviano Modeling Company, pakiramdam ko ay naglalakad ako patungo sa isang execution chamber.Malamig ang aircon ng lobby, pero pinagpapawisan ang mga palad ko. Mahigpit kong hawak ang strap ng sling bag ko habang naglalakad patungo sa elevator. Inaasahan ko na ang sasabihin ng management.Siguradong sisante na ako.Bilang isang simpleng wardrobe assistant, ang pag-iwan sa trabaho sa kalagitnaan ng shift nang walang official leave ay isang malaking ground for termination.Lalo na at umalis ako kahapon habang nagkakagulo sa Studio B. At ang mas malala... nahuli pa ako ni Hunter Saviano sa loob ng dressing room bago ako tuluyang umalis ng walang undertime permission.Pagdating ko sa wardrobe department, sinalubong agad ako ng nagkakagulong mga racks ng damit at mga models na naghahanda para sa photoshoot.“Rye!”Napalingon ako. Mabilis na lumapit sa akin sina Ana at Mia, parehong nanlalaki ang mga mata.“Oh my gosh, bakla! Akal

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 24:

    RYE’S POVAmoy ng piniritong bawang, mainit na kape, at nagmamantikang bacon.Iyon ang unang pumasok sa pandama ko bago ko pa man tuluyang maimulat ang aking mga mata. Mabigat ang mga talukap ko, parang may nakapatong na mga bato dahil sa magdamag na pag-iyak.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang pamilyar na kulay cream na kisame ng apartment namin ni Tristan. Ang sikat ng araw ay banayad na tumatagos mula sa manipis na kurtina, nagbibigay ng mainit na liwanag sa buong kwarto.Napasinghap ako. Agad na bumagsak sa utak ko ang lahat ng nangyari kahapon. Ang madilim at maputik na eskinita. Ang kinakalawang na operating table. Ang amoy ng matapang na bleach at kalawang. Ang pagdating ni Tristan na parang isang galit na anghel para iligtas ako sa sarili kong desisyon.Kusang gumapang ang mga kamay ko patungo sa aking tiyan. Patag pa rin ito. Walang umbok. Pero andito siya. Buhay ang anak ko. Buhay ang batang muntik ko nang patayin dahil sa matinding takot at kadu

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 23:

    “…ikaw pa rin ang Rye na minahal ko ng tatlong taon. Walang magbabago doon. Tayo ang bubuo sa batang 'yan. Tayo ang magpapalaki sa kaniya.”Sa bawat salitang binibitawan niya, lalong nababasag ang puso ko—hindi sa lungkot, kundi sa labis na pasasalamat.Laking pasasalamat at utang na loob ko kay Tristan dahil hindi niya ako iniwan kahit buntis ako sa iba.Kung ang ibang lalaki ay baka sinaktan na ako o itinakwil, heto si Tristan, sumugod siya rito para lang iligtas ako at ang isang inosenteng batang hindi naman sa kaniya.Napakabuti niya. Napakabuti ng lalaking minahal ko!At kasabay ng pagbaha ng pagmamahal ko para sa kasintahan ko, ay ang labis na pag-usbong ng matinding poot ko sa totoong ama ng batang ito.Si Hunter Saviano.Ang demonyong lalakeng sumira sa tahimik kong buhay.Ang dambuhalang demonyo na walang-awang umangkin sa akin nang gabing iyon! Nakaramdam ako ng matinding inis at pandidiri tuwing naiisip ko ang mukha ng lalakeng iyon na malayang nagpapakasaya ngayon matapos

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 22:

    Nang umangat ang kaniyang paningin at magtama ang aming mga mata, parang may malamig na patalim na bumaon sa dibdib ko.“T-Tristan...” garalgal at halos walang boses na usal ko.Ang kaniyang mga mata ay namumula, lumuluha, at umaapaw sa matinding takot.“Rye!” sigaw niya. Ang boses niya ay basag at pumiyok, puno ng pighati na tila ba siya ang nakahiga sa malamig na mesa.Wala siyang pakialam sa doktor na may hawak pang instrumento, o sa matandang nurse na sumisigaw sa kaniya. Mabilis at malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ako.“Hoy! Bawal ka dito! Tatawag ako ng tao sa labas!” banta ng doktor, iniaamba ang hawak na bakal.Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Tristan. Hinawi lamang niya nang marahas ang metal tray na nakaharang sa daan, dahilan para magbagsakan at kumalansing ang lahat ng nakakatakot na instrumento sa malamig na semento.Nang makalapit siya sa operating table, agad niyang hinubad ang basang-basa niyang jacket at mabilis na ibinalot ito sa nanginginig kong kata

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 21:

    Pumikit ako nang mariin, sinusubukang isara ang isip ko sa katotohanan ng mga nangyayari, ngunit ang bawat tunog sa loob ng kwartong iyon ay tila nagpapalakas ng takot sa dibdib ko.Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng asul na scrub suit at surgical mask. Ang kaniyang mga mata ay blangko, sanay na sanay na sa araw-araw na pagpatay ng mga inosenteng pangarap at buhay. Siya na marahil ang doktor.“Relax ka lang, mabilis lang 'to,” malamig na sabi ng doktor habang nagsusuot ng manipis na latex gloves.Isang malakas at metallic na tunog ang umalingawngaw sa kwarto.Clink. Clink. Clink.Ang tunog ng mga bakal na instrumento habang isa-isang inihahanda ng doktor sa ibabaw ng metal tray.Napasinghap ako. Ang buong katawan ko ay nagsimulang manginig nang walang kontrol. Hindi ko kaya! Gustong gusto ko ng umatras! Parang pinipiga ang dibdib ko! Nahihirapan akong huminga.Inilagay ko ang dalawa kong nanginginig na kamay sa ibabaw ng patag ko pang tiyan.Ipini

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status