หน้าหลัก / Romance / OUR FATHER THE STRANGER / CHAPTER 2. *Damien POV - Continuation*

แชร์

CHAPTER 2. *Damien POV - Continuation*

ผู้เขียน: lhyn
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-04 11:44:23

*Damien POV - Continuation*

Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae .

Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan .

Sa isip ko parin ang lahat . Selena Rivera. Room 412. March 12. 6:12AM check-out. Napangiti ako ..hindi naman ako ganito pero iba ang epekto sa akin ng babaeng iyon

Napatingin ako sa hawak kong papel . Nandito lahat ng proweba na kami ang magkasama ng selena na iyon ng gabing may naganap .

Hindi ko siya kilala. Pero dugo ko yung dala niya. Voss ang bata na nasa kanyang sinapupunan at sigurado ako na akin iyon .Anim na buwan. Ang laki na ng tiyan. Ilang buwan na pala nito dinadala ang bunga ng similya ko .

Napangisi ako dahil gamit ko na naman ang pangalan ni Xander. Ang pangalan na binigay ko sa receptionist nung gabi na yun. Madaling kalimutan. Madaling takbuhan at madaling ayusin . Ang bastardong iyon inshort ampon ng mga Voss .

Pero ngayon hindi na pwede tumakbo... Biglang may pumasok sa aking isipan .Ano kaya kung pupuntahan ko ulit sya. Agad akong umiling hindi pwede!!! Kasi pag pumunta ako... anong sasabihin ko?

"Hi. Ako yung Xander mo nung gabi. Ako yung tatay ng dinadala mo ngayon" Tumawa ako ng walang tunog. Gag*!!!!! sa isip ko akala mo ang daling sabihin.

Binalik ko ang papel sa bulsa. Saka pumasok sa kotse .Wala akong tauhan na dala dahil gusto ko ako lang ang mag isa para sa mga lakad ko .

Sa kabilang kanto lang. Doon ako huminto.Madilim na ang paligid .

Mula dito, kita ko yung blue gate. Kita ko ang ilaw sa bintana sa taas. Kwarto niya siguro. Dahil may Isang babae. Mag-isa. Buntis. na nakatayo mula sa maliit na verandan ng kanyang kwarto.

Hindi siya humingi ng tulong. Hindi siya naghanap sa akin. Mukhang kaya nitong buhayin ang magiging anak nila .Anim na buwan kinaya niya mag-isa. So mukhang hindi niya ako kailangan pam

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ako bayani. Hindi ako Voss ngayon. Pero Voss pa rin ang dugo ko.At tulad ng nasa sinapupunan nito isang Voss .At ang Voss hindi nag-iiwan ng gulo sa labas. Kinukuha namin ang lahat.

Bago pa ako makaisip ng susunod...nag vibration ang phone ko

Unknown number. Text lang:

_"Nasa coffee shop ka na naman Gabi na. Umuwi ka na, Damien."_ napalabi ako mukhang alam lahat ng lolo ko ang bawat galaw na meron ako

Hindi ko inintindi ang mensahe ng lolo ko .Dahil sa isip ko, isang pangalan lang: Selena. Hindi ko siya kilala. Pero bukas... pupunta ako. Hindi para magpaliwanag.

Para kunin ang dapat .

Tinignan ko ang oras gabi na pala at mukhang nababagot na ang matanda kailangan ko na rin umuwi para sabihin ang katotohanan sa lolo ko at ito ang gagawa ng desisyon kung ano ang dapat gawin sa mga anak ko.

Pagdating ko sa mansion, madilim pa rin sa sala. Pero gising pa si Lolo. Gaya ng lagi.Nakaupo sa leather chair. Baston sa gilid. Kape sa mesa. Hindi pa nagalaw. Mapait. Walang asukal. Alam ko ang tipo ng timpla na gusto nito .

Hindi ako nagmano. Hindi ako umupo.Nakatayo lang ako sa harap niya dahil iyon ang nakasanayan naming mga Voss . Kailangan ang lolo ko parin ang nakaupo sa trono at kami nakasunod lang sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Isang sulyap lang. Tapos sa papel. Akma ko sana itago ngunit nagsalita na ito

"May nahanap ka," sabi niya. Medyo nagulat ako tanong na iyon may alam ba ang lolo ko .Agad na tanong sa aking isipan .

Inilapag ko papel sa lamesa. Dahan dahan.

"Selena Rivera. 23 years old. Coffee shop sa kabilang kanto," boses ko mababa. Walang emosyon. "Room 412. March 12. Ako rin nandun."Tahimik. Tatlong segundo.

Kinuha ni Lolo yung papel. Binasa. Mata niya lang gamit at hindi kumurap.

"Anim na buwan?" tanong niya.

Tumango ako. Tumawa siya. Isang beses lang. Walang saya. Kilala ko ang lolo ko sa mga kalokohan sanay na ito para sa akin .

"Voss ka, Damien. Ganyan tayo. Iiwan muna bago managot." napalunok ako sa sinabi niya mukhang may punto naman pero para sa akin gustong panagutan ang mag iina ko .Iyon nga lang walang pagmamahal sa pagitan . Hindi ako sumagot. Tumayo si Lolo. Mabagal tunog ng baston sa sahig na marmol. Lumapit siya sa bintana. nakaTalikod sa akin.

"Kinuha mo na pangalan. Address. Confirm mo na anak mo," sabi niya. Boses malamig. "Anong susunod?" Humiga ako ng malalim.

"Hindi ko siya kilala, Lolo. Pero dugo ko yun."

Tumalikod siya sa akin. Mata niya matalim na para bang gusto niya akong paluin sa baston .

"Eh di kunin mo," sabi niya. Simple lang. Walang pag-aalinlangan. "Voss kami. Hindi kami nagtatago. Hindi kami nag-iiwan ng gulo sa labas ng pader na to at sana iyon ang gawin mo Damien ..hirap sayo kapusukan ang inaaupag mo di mo gayahin si Xander..." napalunok sya dahil kinumpara na naman ako sa taong iyon.

Napatingin ako sa sahig.

"Kunin ko?" ulit ko.

"Oo," sagot niya. "Dalhin mo dito. Sa mansion. Sa ilalim ng pangalan natin. Protektado. Legal. Wala nang tanong." pag uutos ng lolo ko

"Oo," sabi ko na lang. Isang salita sapat na iyon sa hindi pa sigurado kung makukuha ko ba talaga si Selena . Tumango siya at bumalik sa sarili nitong upuan at humigop ng kape.A

"Gawin mo bukas. Bago pa malaman ng iba." maraan akong tumango at hindi na lang naimik pa .Marami ng plano ang pumapasok sa aking isipan .

" pero sigurado kaba na sayo nga ang dinadala nito . Kailangan mo muna ng proweba .." Bago pa ako makasagot sa Lolo oo bumukas ang pinto ng opisina .

Tunog ng sapatos sa marmol. Pamilyar. Mabilis. Walang kumatok. Gaya lagi.

Xander. Ang malamig kong kapatid ..kasing lamig ng marmol kung umasta . Mukhang kagagaling lang sa kompanya dahil nakasuot parin ng suit maGulo ang buhok. May hawak na envelope.

"Late meeting kanina," sabi niya agad seryosong boses ang naririnig sa buong opisina ng kanyang lolo . "Traffic sa downtown. Voss Tower dealing. Pirma mo nalang ang kulang dito, Lolo."

Hindi ako lumingon sa kanya. Pero naramdaman ko ang titig niya sa akin. Saglit lang. Tapos kay Lolo. Kaya minsan gustong gusto ni lolo ang lalaking ito dahil magaling sa kompanya ito ang ginawang CEO ng Voss empire.

Walang kibo si Lolo. Kinuha ang papel kay Xander. Binasa. Walang emosyon. Yung papel namin ni Lolo? Yung may pirma ni Selena? Nakapasok na sa bulsa ko nung marinig ko ang yabag ni Xander.

Hindi dapat niya malaman. Hindi pa.sa ngayon kailangan ko pang ayusin ang totoo.

"Nasaan ka kagabi?" tanong ni Lolo kay Xander habang sinusulat pangalan sa papel.

"sa kompanya nag overtime para dyan . close deal na kanina ," sagot ni Xander. Tumango lang si Lolo. Tinupi ang papel. Ibinalik kay Xander.

"salamat Xander buti kapa maasahan ...pwede ka ng magpahinga at kausapin ko pa yung kapatid mo" buntong hininga lang si Xander sabay tumingin sa akin. Kunot noo. Parang may naramdaman sa hangin. Sa tensyon.

Pero wala siyang sinabi. Tumalikod agad at umalis.Ingay lang ng pinto ang tanging naririnig pagkaalis niya sa opisina. Naiwan kami ni Lolo. Usapan tungkol kay Selena... putol. Tumingin si Lolo sa akin. Walang salita. Pero sa mata niya nagsabi: Ituloy natin mamaya. Walang makakaalam muna.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 23 "aksidente

    Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis si Alex. Sinabi niya kay Selena na may apurahang dapat asikasuhin at babalik agad, kaya nanatili silang maghihintay dahil pati ang mga bata naghihintay para kay Xander.Isang hapon, pagkatapos ng klase sa paaralan, naglakad pauwi sina Theo at Tala. Dahil malapit lang ang daan sa kanila at sanay na silang dumaan doon, akala nila ay ligtas lang ang biyahe.Ngunit habang tumatawid sila sa pangunahing kalsada na malapit na sa kanilang bahay , biglang dumating nang napakabilis ang isang itim na sasakyan. Walang senyales, walang babala, at bago pa man makapag-reaksyon ang dalawang bata, tinamaan ng gilid ng kotse si Theo “Theo!” sigaw ni Tala habang mabilis na tumakbo palapit sa kapatid.Umiiyak ito habang sinisigaw ang tulong . Agad ding narinig ang ingay at sigaw niya sa loob ng bahay kaya sina Selena at Michael na nasa sala nag uusap. Nagmadali silang tumakbo palabas ng bahay pagkarinig nila sa sigaw ni Tala . Nang makarating sila, nakita nila

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 22

    Isang hapon, pagkatapos mag out sa cafe si Selena , inaya ni Xander si Selena na maglakak pauwi sa kanilang tinitirahan. Habang naglalakad ramdam nila ang malamig na hangin .Nagagandahan si Selena sa araw na papalubog na mas naging maganda at enjoy ang kanilang lakad . Wala silang ibang kasama, na kung titignan parang may relasyon silang dalawa .“Ang ganda talaga ng tanawin dito ‘di ba?” simula ni Alex habang naglalakad sila nang dahan-dahan.Malamig nga ang hangin ngunit hindi nila ramdam dahil sa kapal ng suot nilang jacket.Tumingin si Selena sa kanya at ngumiti nang mahinhin. “Oo. Dito lang talaga kami nakahanap ng kapayapaan simula nung umalis kami sa bansa . Nagustuhan ko agad dito noon dahil sa ganda ng tanawin ...fresh pa lahat di gaya sa city sa pinakabayan ng bansang ito grabe magaganda nga ang nasa paligid dahil sa naglalakihang mga gusali parang nakaka stress naman doon " alam ni Xander kung anong lugar ang tinutukoy ni Selena .Talagang magulo nga doon at maingay di gaya

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 21 "pagbibigay tiwala

    Patuloy ang payapang araw sa maliit na bayan. Si Alexander ay laging naroon sa buhay nina Selena at ng magkambal. Araw-araw ay dumadaan siya sa cafe, tumutulong sa gawain, at nagbibigay ng oras para makausap sila.Walang araw na hindi siya lumapit sa mga ito .Hindi nakaligtaan ito ni Michael na matagal na silang kasama at parang kapatid na ang turing sa isa’t isa.Napapansin niya ang pagiging malapit ng dalawa at mukhang malapit ng mahulog si Selena kay Alexander na hindi pa nila lubusan kilala .Isang hapon, habang nagpapahinga sila sa tabi ng farm pagkatapos mag-ayos ng pananim, nagsalita si Michael nang dahan-dahan.“Selena, napapansin mo ba ‘yung paraan ng pagtingin sa’yo ni Alex?”Huminto si Selena sa pag-inom ng tubig at tumingin sa kaibigan niya. “Mabait lang naman siya, Michael. Tumutulong siya at kaibigan lang namin.”Umupo si Michael sa tabi niya at ngumiti nang bahagya pero seryoso ang usapan.“Alam ko na mabait siya. At alam ko rin na wala siyang masamang balak. Pero hind

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 20 " nagmamasid

    Patuloy pa rin ang araw-araw ni Xander sa pagpapanggap bilang Alexander Gray. Habang unti-unti nang tumatibay ang tiwala ni Selena sa kanya, hindi niya kailanman binabalewala ang paalala sa sarili niya walang bagay na nananatiling lihim habambuhay.Isang hapon, habang nag-aayos ng mga gamit sa cade biglang may dumaan na isang lalaki na hindi pamilyar sa bayan ,nalagi na sya sa cafe para tumulong pag wala syang magawa. Napasilip sya sa pumasok na tao na hindi bumili ng kahit ano, basta tumingin lang sa paligid na para bang maumy hinahanap . Nang magtagpo ang tingin nila , may kakaibang ngiti ang ibinigay ng lalaki bago tuluyang umalis.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Alam niya ang itsura ng mga tauhan ni Jaime nakasanayan na niya ito sa loob ng maraming taon. Masama ang kanyang kutob mukhang may ideya na ang mga ito na nandito sya sa bansa .Hindi pwedeng mangyari ang nasa isip niya panigurado sisirain ni Jaime ang kanyang plano para mapasakanya ang lahat ng meron ang

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 19 " Paghanga ni Xander

    Tuwing nababagot si Xander sa inuupahan niyang apartment gawain na niya tuwing umaga na dumadaan sa cafe para doon mag almusal at nakikipag usap narin kay Selena ganun din ang matandang babae na boss nito.Madalas ay may dala siyang bagong kaalaman o simpleng tulong para sa business nila. Hindi niya pinapakita na may alam siya tungkol sa negosyo o kapangyarihan simple lang ang binabahagi niya dahil sa paningin ng lahat, siya ay isang taong marunong, mabait, at laging handang tumulong.Isang hapon na walang masyadong customer sa tindahan, naiwan silang dalawa ni Selena. Nag-aayos siya ng mga istante habang si Selena ay nagsusulat ng listahan ng kailangan para sa susunod na linggo.“Selena,” panimula ni Alex nang dahan-dahan. “Napansin ko na lagi mong inuuna ang iba bago ang sarili mo. Lagi kang nagpupuyat, laging naghahanap ng paraan para maging maayos ang lahat. Pero hindi ba nakakapagod din ‘yan ..hindi mo ba naisipan na maghanap ng magiging katulong mo ?" Huminto si Selena sa pagsu

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 18 "pagiging malapit

    Dalawang buwan na sya sa america at naging maayos lahat ng kanyang plano .Pagbaba niya ng kotse napatigil sya habang hawak ang isang box at bulaklak na binili niya kanina. Hindi siya padalos-dalos lumapit. Sa halip, dahan-dahan lang ang lahat parang pinapakita niya na nandiyan siya hindi para maging kaaway o katakutan nila, kundi para maging kapaki-pakinabang at kaibigan. Tinignan niya ang oras at maghahapon na tumingin sya sa gusaling madalas niyang tambayan, nasa cafe lang mag-isa si Selena at nag-aayos ng mga paninda nang dumating si Alexander. May dala siyang maliit na kahon at simpleng bulaklak . Hindi niya pinahalata na para kay Selena ang mga iyon dahil baka umiwas ito sa kanya. “Selena, may dala l ako para sa’yo,” bati niya habang inilalapag ito sa counter. "Nakita ko kanina at naisip ko, baka magandang idagdag sa paligid niyo.”pagdadahilan niya sa bulaklak para hindi makahalata si Selena ngayon niya lang ito nagawa sa buong buhay niya .Mga babae ang kusang lumalapit sa

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 4 "Pag lalansi ng isip

    *Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 3 "Tagalinis ng kalat

    *Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 1 "Dalawang Guhit na pula

    SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 7 "nawawala ang mag iina

    Nang tuluyang maisara ang pinto, ibinaba ko ang tingin sa dokumentong hawak ko. Ang bawat salita ay tila nakaukit na sa aking isipan — hindi lamang ito basta huling habilin, ito ay isang bitag na matalinong inilagay ni Lolo. "kahit hindi kayo patay I know sa akin niyo ipapaako ang mga anak ni Dami

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status