MasukMadaling-araw pa lamang ay gising na ang buong Revamonte Mansion. Abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng isusuot ni Drew. Ang mga bodyguard naman ay isa-isang nagre-report kay Gibo habang mahigpit na sinusunod ang security protocol na ipinag-utos ng kanilang amo.“Sir Gibo, secured na po ang private chapel.” “Double-check ninyo ulit ang paligid,” seryosong utos ni Gibo. “Walang papasok na hindi kasama sa guest list.” “Yes, Sir.”Hindi pa rin mapakali si Gibo. Hindi niya maipaliwanag, ngunit pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.Samantala, tahimik na nakatayo si Drew sa harap ng floor-to-ceiling mirror sa kaniyang silid. Suot na niya ang custom-made black tuxedo. Perpekto ang ayos ng kaniyang buhok. Ngunit kabaligtaran noon ang kaguluhan ng kaniyang isipan.“Drew.” Napalingon si Drew nang pumasok si Ahma. Napangiti ang matanda. “Ang guwapo naman ng apo ko.”Ngumiti rin si Drew. “Salamat po.”Lumapit si Ahma at inayos ang kuwelyo ng tuxedo ni Drew. “Ilang taon kon
“Sir Drew, huwag na po ninyong uulitin ito. Kapag nalaman ni Ahma na nagmaneho kayo ng lasing baka masisante ako sa trabaho ko," sabi ni Gibo habang nagmamaneho. “Mabuti na lang at tinawagan ako ni Miss Iya." Tahimik lamang si Drew habang nakaupo sa may backseat. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang palihim na hinahawakan ang kaniyang labi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyaring halik kanina. Mas ikinagulat niya ang katotohanang hindi siya itinulak ni Iya.Napabuntong-hininga si Drew. “Tuluyan ka na nga yatang nahuhulog, Drew,” mahina niyang bulong sa sarili.Napailing si Gibo. “Naku! Malala na si boss. Kanina, kinakausap ko siya hindi naman siya tumutugon. Ngayon namang walang kumakausap sa kaniya, saka naman siya salita nang salita. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Pagdating nina Gibo at Drew sa mansyon, nadatnan nilang gising pa rin si Ahma. Tahimik itong umiinom ng tsaa sa sala. “Late ka na ng uwi,” ani Ahma nang hindi man lang nililingon ang kaniy
Nagulat si Iya nang bigla na lang siyang hilahin ni Drew palapit dito. Sa isang iglap, sinapo ni Drew ang magkabilang pisngi niya bago niya ito marahang hinalikan.Nanlaki ang mga mata ni Iya. Hindi iyon marahas. Hindi rin mapusok. Isa lamang iyong maikling halik, ngunit sapat para iparamdam ang lahat ng emosyon na matagal nang kinikimkim ni Drew — ang sakit, pagod, pangamba, at ang pag-asang matuto siyang magmahal muli.Nang tuluyang mahimasmasan si Drew, agad siyang umurong. Nanlalaki rin ang mga mata niya habang nakatitig siya kay Iya. Parang ngayon lang niya napagtanto ang kaniyang ginawa.Tahimik na napahawak si Iya sa sarili niyang labi. Napapikit si Drew at mariing napahawak sa kaniyang noo. “Dàmn...” mahina niyang bulong. Ilang segundo siyang nanatiling nakayuko bago muling tumingin kay Iya. “I’m sorry.”Bahagyang natigilan si Iya. “Kasalanan ko,” dugtong ni Drew. “Hindi ko dapat ginawa iyon.” Tahimik lamang na nakatingin si Iya kay Drew.“Nakainom ako. I'm sorry.”Napangit
Kinagabihan, nasa office pa rin si Drew pero hindi siya nag-o-overtime, nag-o-organize siya.Nirereview ni Drew ang listahan ng mga supplier, ng security at ng mga guests na ipinadala ng wedding organizer sa kaniyang email. May mga bagay na hindi dapat malaman ng media at may mga taong hindi dapat makatunog sa mangyayaring kasalan. He couldn't afford to miss a single mistake dahil kung malalaman ng mga kalaban ng Revamonte na ikakasal siya sa isang ordinaryong babae, gagamitin nila iyon laban sa kaniya.Napatigil si Drew sa kaniyang ginagawa nang biglang may kumatok.“Come in," ani Drew.Bumukas ang pint0 at pumasok si Gibo. “Sir, lahat po ng kailangan ay nasa listahan na. Pero...” “Pero ano?"“Ang problema po, ang venue. Ang private chapel lang po ang available sa Sunday.”Napapikit si Drew. Sabado na bukas. Isang araw na lang at ikakasal na siya.“Sir?” “Then book it.” “Pero Sir, maliit lang po ang space sa—” “Mas okay na ‘yon. Mas kaunti ang tao, mas ligtas.”Tumango si Gibo
Kinabukasan, parang gyera ang Revamonte Mansion.“MAA’M, HINDI PO PWEDE ANG GANYANG KULAY SA BULAKLAK! SABI NI AHMA WHITE AT GOLD LANG!” “MAA’M, ANG INVITATION DAW PO KAILANGAN MAI-PRINT BUKAS DIN!” “MAA’M, WALANG AVAILABLE NA CHURCH SA PETSA NA 'YON MALIBAN SA PRIVATE CHAPEL!”Tatlong araw. Iyon lang ang ibinigay ni Ahma. Tatlong araw para ayusin ang kasal ng apo niyang CEO.Nakaupo si Iya sa gitna ng sala na napapaligiran ng swatches ng tela, catalog ng singsing, at listahan ng bisita na mas mahaba pa sa payroll ng Revamonte Group. Namamanhid na ang utak niya.“Miss Iya, fitting niyo po mamayang 3 PM,” sabi ng wedding coordinator habang nagmamadaling tumatakbo.“Miss Iya, pipiliin niyo na rin daw po ang menu. May tasting mamaya.” “Miss Iya, si Ahma po ang pipili ng veil niyo.”Napahawak si Iya sa kaniyang noo. “Sandali lang... Kailangan ko bang pumili ngayon?”“Bago mag-lunch, Miss.”Napabuntong-hininga si Iya. Tatlong araw na lang at magiging bride na siya. Kagabi lang ay pum
Unti-unting nawala ang mga ngiti. Tahimik na napatingin si Drew kay Iya. Hindi niya alam na ganoon pala kalungkot ang buhay ng dalaga noon.“Salamat ha,” biglang sabi ni Ismeralda.Nagulat si Drew. “Po?” “Salamat. Sa pag-aalaga sa anak ko.”“Hindi niyo po kailangang magpasalamat. Bilang boy—” “Hindi,” putol ng ginang. “Nanay ako. Nakikita ko ang pagbabago sa anak ko. Tahimik lang ‘yang si Iya. Masyado siyang workaholic pero iba ang mga mata niya ngayon.”Napatingin si Drew kay Iya. Namumula na ang mukha nito sa hiya. “Nay…”“Oh bakit? Totoo naman.” Ngumiti lamang si Ismeralda. “Mabuti na rin. At least may lalaking marunong mag-alaga sa anak ko.”Biglang sumingit si Izza. “Wait lang.” Lahat ay napatingin sa kaniya. “Interview muna.”Napailing si Iya. “Naku. Nagsimula na naman ‘yan siya.”Lumapit si Izza kay Drew. “Question number one. Anong REAL intentions mo sa Ate ko?” Diretso ang tanong. Hindi man lang siya nagdalawang-isip ngunit mas mabilis ang naging sagot ni Drew. “Paka

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





