LOGINPitong taon na ang lumipas…
Kadarating lang ni Yvee sa Grand Hotel matapos ang mahabang biyahe. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa, at ngayon, napagdesisyunan na niyang harapin ang mundong iniwan niya. Ito ang mundong araw-araw na nagpapaalala sa kaniya ng pagkawala ng isa niyang anak. Sa dami ng pinagdaanan niya, mas naging matatag siya. At ngayong nakauwi na siya, mas buo na ang loob niyang hanapin ang anak na matagal nang nawawala. “Mom, it’s so hot here!” reklamo ni Atticus, ang anim na taong gulang na anak ni Yvee, habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang maliit na sombrerong dala niya. Napangiti si Yvee kahit pagod, sabay tingin sa anak. “I know, sweetie. Pero kailangan mong tiisin. You know why we’re here, right?” Tumango si Atticus, seryoso ang kaniyang mukha. “For my twin.” “That’s right.” Hinaplos ni Yvee ang buhok ni Atticus. “Kaya tiisin mo na lang ang init, okay? At saka, may aircon naman sa loob ng hotel. Promise, hindi ka magtatagal na maiinitan.” “Okay po, mommy,” tugon ni Atticus, mas mahinahon na. “I will endure it for my twin.” Naramdaman ni Yvee ang bahagyang kirot sa kaniyang dibdib, pero pinilit niyang ngumiti. Sa murang edad, dala na ng anak niya ang bigat ng pagkawala. At sa pagbabalik niya sa Pilipinas, umaasa siyang magsisimula na ang panibagong pag-asa. Ang pag-asang balang araw ay babalik sa kanila ang nawawalang bahagi ng pamilya nila. Kambal ang naging anak ni Yvangeline, ngunit sa kasamaang palad, nadukot ang isa sa kanila habang nasa NICU pa sa hospital kung saan siya nanganak. Halos mabaliw siya noon sa takot at sakit. Ilang buwan niyang ginugol ang bawat araw sa paghahanap, pakikipag-usap sa mga pulis, pagpunta sa mga CCTV room at pakikipag-usap sa mga taga-hospital, ngunit wala kahit isang tumulong sa kaniya na matagpuan niya ang kaniyang anak. Walang kahit anong bakas. Walang kahit anong sagot hanggang sa napilitan siyang sumuko–hindi dahil ayaw na niya, kung hindi dahil hindi na kaya ng katawan at isip niya ang paulit-ulit na pagkabigo. Matapos noon ay nagpasya siyang umalis ng bansa, umaasang baka kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib niya. Pero kahit lumipas ang taon, kahit nag-iba ang lugar at buhay ni Yvee, hindi pa rin nawala sa isip at puso niya ang nawawala niyang anak. Sa gabi-gabi niyang pagdarasal, palagi niyang hinihiling na sana ay ligtas ito, masaya, at mahal ng mga taong nag-aalaga rito. At sa tuwing titingnan niya si Atticus, ang kambal na naiwan sa kaniya, palagi niyang ipinapaalala rito kahit bata pa ito na may isa pa itong kakambal. Na hindi sila kumpleto hangga't hindi nila ito nakikita at balang araw, kahit gaano katagal ay mahahanap nila ang kapatid nitong nawala sa kaniya noong araw na halos ikasira ng buong mundo niya. “Miss Yvangeline!” Napaangat ng tingin si Yvee at agad niyang nakita si Rechelle, ang sekretarya niya noon at hanggang ngayon na pinagkakatiwalaan niya pa rin. Kahit ilang taon siyang nawala sa bansa, si Rechelle ang nag-asikaso sa lahat ng naiwan niyang negosyo sa Pilipinas. “Kumusta?” magaang tanong ni Yvee nang magkaharap na sila. “Ayos lang po. Kumusta po ang biyahe niyo? Kumain na po ba kayo?” Natawa si Yvee at bahagyang iniling ang ulo. “Kumalma ka nga. Ayan ka na naman sa sunod-sunod mong mga tanong.” Pagkatapos ay tinawag niya ang atensyon ng anak. “Atty, this is my secretary, Rechelle. Say hi to her.” “Hi,” tipid na bati ni Atticus habang nakahawak pa sa strap ng maliit niyang backpack. Natawa si Rechelle. “Ako na po ang bahala sa mga gamit niyo. Iaakyat ko na po sa room ninyo. Baka gusto niyo pong kumain muna.” “Mommy, I want to eat,” sabi ni Atticus habang hinihila nang kaunti ang laylayan ng damit ng kaniyang ina, halatang gutom na. Napangiti si Yvee at huminga nang malalim. “Okay, sweetie. Kakain na tayo.” Tumalikod si Rechelle habang hinihila niya ang mga maleta nila paalis. Si Yvee naman, kasama si Atticus ay nagsimulang maglakad papunta sa restaurant sa lobby ng hotel. Kakapasok lang nila sa hallway nang bigla siyang may nabangga. “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Napapitlag si Yvee sa lakas ng boses na iyon. Awtomatiko siyang napatingin at parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita kung sino ang nasa harap niya. Si Ereena, ang half-sister niyang hindi niya nakita nang halos pitong taon. Parehong natigilan sina Yvee at Ereena. Parehong nakabuka ang kanilang bibig at hindi makapaniwalang nagkrus ulit ang mga landas nila. Pero mas mabilis na nakabawi si Ereena. Bigla niyang ibinaba ang tingin at agad niyang napansin si Atticus na nakatayo sa tabi ni Yvee. Sa isang iglap, parang umandar ang instinct ni Yvee. Hinila niya ang batang kasama niya sa likod niya, na para bang kailangan niya itong protektahan mula kay Ereena—mula sa kapatid na matagal niyang itinuring na banta. Nakita ni Yvee ang pag-igting ng panga ni Ereena at ang pag-alab ng mga mata nito. Kahit hindi niya aminin, tumusok iyon sa dibdib niya. Kahit lumipas na ang maraming taon, pareho pa rin ang tingin niya kay Ereena: isang demony0 na dapat iwasan. Samantala, kumapit si Atticus sa kamay ni Yvee. Nagtataka siya pero tahimik. “Bumalik ka na pala, Yvangeline. Iyan na ba ang bastardo mo?” nakangising sabi ni Ereena, punong-puno ng pang-aasar ang boses niya. Hindi pa man nakakasagot si Yvee ay biglang nagsalita si Atticus, diretso at walang kaba. “Mommy, is that your sister? Why does she look ugly? She’s not pretty like you.” Napasinghap si Yvee, pati si Ereena ay napakurap sa laki ng insultong hindi niya inasahan mula sa isang bata. “What? How dare you say that?!” Mabilis na ibinaba ni Ereena ang kaniyang kamay at akmang aabutin si Atticus pero mabilis kumilos si Yvee. Iniharang agad nito ang katawan nito at tinapik ang kamay niya. “Huwag na huwag mong hahawakan ang anak ko!” mariing sabi ni Yvee, ramdam ang panginginig ng galit sa boses niya. “At huwag na huwag mo ring tatawaging bastardo ang anak ko.” Nanigas ang mukha ni Ereena pero mas lalong tumalim ang mga mata ni Yvee. “Dahil kung may bastarda man dito ay ikaw iyon,” diretsong wika ni Yvee. “Anak ka ng daddy ko sa ibang babae. Your mother is my father’s mistress bago pa siya maging asawa. Kaya kung may karapatan kang mang-insulto, siguraduhin mong titingin ka muna sa salamin bago mo bastusin ang anak ko.” Nanginig ang panga ni Ereena pero hindi siya makasagot. “Matatanggap ko pang ako ang insultuhin mo,” patuloy ni Yvee, sa mabagsik na tono. “Pero huwag na huwag mong sasaktan o bababuyin ang anak ko, Ereena. Noon, nakapagtimpi pa ako sa iyo. Ngayon, hindi na.” Nanahimik ang paligid at kahit ilang taong nawala si Yvee, malinaw sa lahat ng nasa lobby na hindi na siya ang dating babaeng kayang apak-apakan ng sinuman lalo na ng kapatid niyang matagal ng tinik sa leeg niya. Bago pa makasagot si Ereena, biglang nagkagulo sa bandang lobby. May mga papalapit na yabag, mabibilis at mabibigat, kasunod ang sunod-sunod na bulong at pag-ikot ng mga ulo ng mga empleyado. “Ma’am, sir, please step aside,” sabi ng isa, sabay hatak kina Yvee, Atticus, at Ereena palayo. Halos hindi na sila makapagtanong ng sila mismo ay napapagitnaan na ng mga staff na nagsisimulang bumuo ng parang linya sa magkabilang gilid. “Make way! Make way!” sigaw ng isang manager habang nagmamadaling nag-aayos ng postura. “The CEO is arriving!” Napatigil si Yvee, hawak pa rin niya ang kamay ni Atticus. Si Ereena naman ay napatingin sa paligid, halatang nagtataka siya pero hindi makaporma dahil sa dami ng taong gumagalaw. Unti-unting tumahimik ang lobby, napalitan ang ingay ng tensyong hindi maipaliwanag. May ilang empleyadong halos pigilan ang kanilang paghinga at ang iba nama’y hindi mapakali sa pag-aayos ng mga kurtina, mesa, at sahig kahit mukhang malinis naman ang lahat. Sa gitna ng komosyon, may dumaang dalawang bodyguards na naka-black suit. Diretso lang ang tingin nila at walang pakialam sa kahit sino. “Totoo ba? Siya talaga ang darating?” “Nandito na raw galing meeting sa Japan.” “Grabe, ang guwapo no’n. Nakita ko siya last month—” “Shhh! Nandyan na siya!” Napalingon si Yvee sa direksyong pinagmulan ng bulungan, at doon, sa malayo, mula sa bukas na pinto ng hotel, may humakbang na isang matangkad na lalaking parang may sariling aurang kayang patahimikin ang buong lugar. Matikas ang postura nito, malamig ang ekspresyon, at tila sanay na sanay na lahat ng mata ay nakatingin dito. Sa bisig nito ay may batang lalaking nakapulupot. Hindi niya maaninag ang mukha ng bata kaya mas napuno siya ng kyuryusidad. “Mr. Gideon Isaac Revamonte, welcome back to the Grand Hotel.” “So siya ang CEO ng Grand Hotel Chains,” bulong ng isang guest ng hotel. Ilang beses nang narinig ni Yvee ang pangalang iyon pero kailanman ay hindi niya nakatagpo ng landas ang lalaki at marahil na rin ay dahil wala siyang pakialam rito. Isa lang ang layunin niya kaya siya bumalik ng bansa at iyon ay mahanap ang nawawalang parte ng buhay at pagkatao niya— ang kaniyang isang anak.Mula nang mangyari ang komprontasyon nila ni Alessandra sa opisina, mas naging seryoso si Drew sa papel na ginagampanan nila ni Iyan bilang magkasintahan, hindi dahil gusto niyang lokohin ang lahat. Kailangan niya lamang maging kapani-paniwala.Alam ni Drew na hindi titigil si Alessandra at lalong hindi titigil ang kaniyang lola kaya sa mismong araw na iyon, matapos ang office hours ay nagdesisyon na siyang ipapakilala na niya si Iya bilang girlfriend niya kay Ahma.Naglakad si Drew palabas ng opisina habang sinusundan siya ni Iya."Sir... saan po tayo pupunta?"Hindi nilingon ni Drew si Iya. "As I’ve said, we will go shopping."Napakurap si Iya."Ha? Seryoso po ba talaga kayo roon?"Tumigil si Drew sa paglalakad at saka niya nilingon ang sekretarya niya. "Hindi magiging kapani-paniwala ang pagpapanggap natin kung wala kang maayos na wardrobe.""S-Sir, marami naman po akong damit.""I know." Malamig pa rin ang boses ni Drew. "But my girlfriend doesn't wear worn-out office blouses outsi
Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin
Tatlong araw lamang ang itinagal ng business trip nina Drew at Iya sa Baguio pero para kay Iya, pakiramdam niya ay may nagbago sa kaniya matapos ang mga araw na iyon. Dahil sa loob ng tatlong araw, nakilala niya ang ibang mukha ng boss niyang si Drew Revamonte.“Ang CEO ng Revamonte Group, hindi naman pala gano'n katigas ang puso niya. Marunong din naman pala siyang ngumiti, makisama, mag-alala para sa ibang tao at matapang din pala siya. He's a gentleman and he protected me many times. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Kahit yata sinong ilagay sa posisyon ko ay ganito ang mangyayari. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa kontrata. We are not allowed to fall in love pero…mahal ko na si Sir Drew. At kailangan ko nang bumalik sa realidad…”“Huy, ate! Kanina ka pang ung0t nang ung0t diyan sa harap ng salamin. Papasok ka ba sa work mo today o mag-mo-monologue ka na lang d’yan maghapon?" tanong ng kapatid ni Iya na si Izza.“Kumakanta ako, ‘no. Anong umuung0t ka riyan!" “Su
Tahimik ang buong sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada pauwi ng Maynila. Mula Baguio hanggang pababa ng bundok ay halos walang nagsasalita kina Drew at Iya. Hindi dahil wala silang gustong sabihin kung hindi dahil pareho nilang sinusubukang intindihin ang bagong sitwasyon na kinasasangkutan nila. Isang kontrata. Isang pagpapanggap. Isang relasyong hindi dapat magkaroon ng kahit anong emosyon.Habang tahimik na nagmamaneho si Drew, hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sa Baguio–ang halik at ang paraan ng pagtanggap nito sa kasunduan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Pero isang bagay ang sigurado siya. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ng taong kayang humarap kina Ahma at Alessandra. At sa lahat ng taong kilala niya, si Iya ang unang pumasok sa isip niya. Siguro dahil alam niyang hindi ito katulad ng ibang babae na lumalapit sa kaniya dahil sa pangalan niya. Siguro dahil kahit natatakot ito sa kaniya noong una. Hindi ito nagpangg
Matagal na nanatiling tahimik ang lugar matapos umalis si Alessandra.Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ni Iya ang lahat ng nangyari, ang halik, ang pagdepensa ni Drew, ang paraan ng pagtayo nito sa harapan niya na para bang walang sinuman ang may karapatang saktan siya at higit sa lahat…ang sinabi nito. My girlfriend. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Hindi alam ni Iya kung dapat ba siyang magalit dahil ginamit siya ni Drew para itaboy ang dating fiancée nito. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang taong pinili siyang ipagtanggol.Ngunit ang mas nakakainis sa lahat, hindi na maitatanggi ni Iya ang katotohanang nang halikan siya ni Drew...hindi niya ginustong umiwas."Iya."Napakurap si Iya nang marinig ang boses ng kaniyang boss. Doon lamang niya napansin na matagal na pala siyang nakatingin sa kawalan."Po?"Bahagyang napabuntong-hininga si Drew. "Are you okay?"Agad na tumango si Iya. "Opo." Ngunit pareho nil
Nanatiling nakatayo si Alessandra sa harap nina Drew at Iya, halatang hindi siya kumbinsido sa ipinakilalang relasyon ng dati niyang fiancé. Bahagya siyang tumawa, ngunit may pang-uuyam sa mga mata niya."Come on, Drew," ani Alessandra habang nakapamewang siya. "Seriously? Your secretary?"Hindi kumibo si Drew. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Iya, na para bang hindi niya balak bitiwan iyon kahit gaano pa kalakas ang hangin sa paligid.Napalunok si Iya. Pakiramdam niya ay biglang naging masikip ang lahat ng espasyo sa paligid nila. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa paraan ng paghawak ni Drew sa kaniya. Para ‘yong normal lang, parang natural lang, parang matagal na silang ganito ngunit alam niyang hindi iyon totoo.Hindi alam ni Iya kung paano siya dadalhin ng mga susunod na sandali, pero isang bagay ang malinaw sa kaniya. Hindi siya handa sa ganoong palabas at kasinungalingan."Hindi ka naniniwala?" malamig na tanong ni Drew.Natawa nang mahina si Alessandra. "Seryoso







