LOGINNagising si Gideon Isaac Revamonte na parang pinupokpok ang ulo niya sa sakit. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kaniya ang nagkalat na mga kagamitan niya. Parang pelikulang nagflashback sa utak niya ang lahat ng mga nangyari kagabi.
Umiinom lang si Gideon ng alak tapos bigla na lamang siyang nakatulog. Nagising na lang siyang nakapiring ang kaniyang mga mata at nakatali ang mga kamay niya. May babaeng biglang nagtulak sa kaniya at pinaibabawan siya. Napatakip siya sa pang-ibabang bahagi niya nang biglang kumislot ang parteng iyon. Naalala niya ang bawat sandaling pinagsaluhan nila ng misteryosong babae. Hindi niya mabilang kung ilang beses na may nangyari sa kanila dahil nakatulog na rin siya sa sobrang pagod. Kumunot ang noo ni Gideon nang makita niya ang isang makapal na bugkos ng pera. Kinuha niya iyon at tiningnan. Sa tantsa niya ay nasa mahigit isang daang libong piso iyon. Tumaas ang itaas na bahagi ng kaniyang labi. “What the heck is this?!” inis na tanong ni Gideon kahit alam niyang wala namang sasagot sa kaniya. “Is this her payment? Anong tingin niya sa akin? Pulubi?” Parang kandilang sinindihan ang galit ni Gideon. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng pagpapahiya at pangmamaliit. Matapos siyang gamitin ng babaeng iyon ay basta na lamang siyang iniwan. Ni hindi man lang siya nito kinausap at hindi man lang ito nag-abalang alisin ang takip sa kaniyang mga mata, na para bang wala itong pakialam sa katauhan niya. Ikinuyom ni Gideon ang kaniyang mga kamao. Kailangan niyang malaman kung sino ang nag-utos sa babaeng unang umangkin sa kaniyang pagkalalaki at kung paano ito nakapasok sa kwarto niya. Inabot ni Gideon ang cell phone niyang nakapatong sa bedside drawer. Mabilis niyang idinial ang numero ng assistant niya. Isang ring palang ay agad na sumagot si Drew sa tawag niya. [“Hello, Sir Gideon? Kumusta po ang pahinga niyo? Magpapadeliver po ba ako ng pagkain o susunduin ko na lang kayo?”] Mukhang walang kaalam-alam si Drew sa mga nangyari. “Alamin mo kung sino ang babaeng pumasok sa kuwarto ko kagabi! Hanapin mo siya at alamin mo ang lahat ng mga impormasyong tungkol sa kaniya. Kahit pa bayaran mo ang buong hotel para makakuha ng CCTV footage, I don’t fúcking care. Just do it!” Hindi matanggap ni Gideon na nagmukha siyang gigolo sa mga nangyari kagabi. Sigurado rin siyang may nainom siyang dr0ga dahil hindi naman siya babagsak nang gano’n lang matapos uminom ng isang basong alak. Isa pa, may kakaibang init siyang naramdaman kagabi na siyang lalong nagpalakas sa kaniya. Sigurado siyang may nagtangkang saktan siya o baka ang babaeng pumasok sa silid niya ay kilala siya at balak na guluhin ang buhay niya matapos ang ilang buwan. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Kailangan niyang maunahan ito sa mga plano nito at kailangan niyang mabawi ang dignidad niyang tinapakan nito. Dalawang buwan ang lumipas, sa mansyon ng mga Alejado… Abalang-abala ang lahat ng mga tauhan ng pamilyang Alejado—may nag-aayos ng mga kurtina, may nagpuputol ng mga bulaklak para sa mesa, at may kaniya-kaniya silang bitbit na pinggan mula sa kusina. Halos magkabungguan na sila sa pagmamadali, para bang bawat isa ay may oras na hinahabol. Pero si Yvee, nanatili lang na nakatayo sa tabi ng malaking pintuan. Hawak niya ang gilid ng kaniyang damit. Pinipigilan niya ang marahang panginginig ng kaniyang mga daliri. Paulit-ulit siyang sumusulyap sa mahabang daanan sa labas ng mansyon na para bang anumang sandali ay may darating. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya, hindi dahil sa gulo sa loob, kung hindi dahil sa inaabangang taong hindi niya alam kung gugustuhin ba niyang makita o dapat na bang iwasan. May magarang limousine na huminto sa tapat ng gate ng mansyon. Bumukas ang pinto noon at bumaba roon ang ama ni Yvee na si Edwin Alejado. Kasunod niya ang pangalawang asawa niyang si Elena at ang bunga ng kataksilan nila– si Ereena, ang kapatid sa ama ni Yvee. Napakagat labi si Yvee. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili at hinahanda sa delubyong paparating. Matagal na niyang pinaghandaan ang pagkakataong ito pero hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Ang nais niya lang ngayon ay matapos na ang lahat ng ito at makalaya na siya nang tuluyan. May isa pang lalaking lumabas mula sa sasakyan. Halos kaedaran na siya ng ama ni Yvee. Siya ay walang iba kung hindi si Geronimo Ong. Siya ang bagong kasosyo ng ama ni Yvee sa negosyo at ang lalaking pilit na ipinagkakanulo ni Edwin kay Yvee. Nang magsalubong ang mga mata nina Yvee at Geronimo ay awtimatikong ngumiti si Geronimo at awtomatiko namang ngumiwi si Yvee. Hindi talaga masikmura ni Yvee ang makita ang matandang huklubang si Ong. Kahit pa yata mabulag siya ay hindi niya pa rin masisikmurang mahalikan ito o makadikit man lang. “Good morning, my darling…” Akmang lalapit si Geronimo kay Yvee ngunit mabilis itong umatras at itinaas ang kaliwa nitong kamay. “What is wrong? Saka bakit hindi ka pa bihis? Paparating na ang mag-o-officiate ng kasal natin.” Kasal? Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ni Yvee sa kaniyang braso dahil sa kaniyang narinig. Ang maikasal sa matandang si Ong ay isang kaparusahan. Ang magaling niyang ama ay pinipilit siyang ikasal dito kapalit ng malaking investment para sa kumpanya nilang papalubog na. Kahit anong pilit niyang tanggi ay pinipilit pa rin siya ng ama niya. Kaya kinailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal na sinasabi nito. At ngayong araw ang huling pagkakataon niya para masira ang kasal na itinakdang mangyari ng kaniyang ama. “Ano ka ba naman, anak? Nakakahiya sa mapapangasawa mo. Hindi ka pa pala bihis. Pumayag na nga si Geronimo sa kasunduan mong ikasal dito sa bahay–” “It’s alright. Ayos lang naman sa akin kahit anong isusuot ng mapapangasawa ko. As long as she’s willing to marry me and she’s pure until our honeymoon ay walang—” “Here,” walang pag-aalinlangang inabot ni Yvee ang isang sonogram kay Mr. Ong. Iyon ang huling alas niya para hindi siya maitali ng kaniyang ama sa isang pagsasamang hindi niya kailanman gugustuhin. “What’s this?” kunot-noong tanong ni Geronimo. “Isn’t it obvious? It is a sonogram. Buntis ako, Mr. Geronimo. And you’re not the father. I am not sure if, it was Mr. Yoo or it was Mr. Lee or it was—ugh! Hindi ko na maalala. Matagal na rin kasi. But that is not important, ang importante ngayon ay buntis ako. Are you still willing to marry a wretched woman like me?” may pang-aasar na sambit ni Yvee. “W-What?” Nanigas ang buong katawan ni Geronimo sa narinig. Hawak-hawak pa rin niya ang papel. Gustong matawa ni Yvee, dahil parang mahihimatay na ang matandang groom niya sa nakikita nito. “I can’t believe this! Ang usapan ay magiging puro si Yvangeline. Anong buntis? Tapos hindi pa niya kilala kung sino ang ama ng bata! Ano? P0kp0k ba siya at kung kani-kanino lang siya basta nagpapatira? This is bullshit!” Halos hindi na maintindihan ni Geronimo ang mga salitang lumalabas sa bibig niya na siya namang ikinatuwa ni Yvee. “Paano ba ‘yan? Matutuloy pa ba ang kasal natin, Mr. Geronimo?” pinalungkot pa ni Yvee ang boses niya. “This is unacceptable! Hindi matutuloy ang kasal! Niloko niyo akong lahat—” “Sandali lang kumpadre–” pigil ng ama ni Yvee sa matandang lalaki. “Baka mapapag-usapan pa natin ito.” “I will not marry your daughter anymore! Hindi ako makakapayag na mapunta sa akin ang babaeng pinaglumaan na ng marami,” ani Mr. Ong saka mabilis na nagmartsa palabas ng mansyon ng mga Alejado. Gustong masuka ni Yvee sa pinagsasabi ng matanda. Siya pa talaga itong pinaglumaan? Na kung tutuusin ay mas mukha pa itong luma kaysa sa kaniya. But it doesn’t matter anymore. Ang mahalaga ay nagtagumpay ang plano niya. Naiwan silang apat, si Yvee, ang ama niya, at ang stepmother niya, pati na rin ang half-sibling niya. Humarap ang ama ni Yvee sa kaniya at bago pa siya makaiwas ay isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Ramdam niya ang pamamanhid ng mukha niya at hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng ama niya sa kaniya. “How dare you ruin our chance, Yvee?! Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang mawawala sa atin dahil sa ginawa mong katàngahan? You sabotaged this marriage! Napaka-selfish mong bata ka. Manang-mana ka sa ina mo!” Pumanting ang tainga ni Yvee sa narinig. Pinaka ayaw niya sa lahat ay idinadamay ang namayapa na niyang ina. Tinuro ni Yvee ang kaniyang sarili. “Ako pa talaga ang selfish, dad? Sino sa atin ang mas selfish? Matapos mamatay ni mommy ay ibinahay mo agad iyang kabit mo at anak mo sa labas! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko… ang mararamdaman ni mommy. Tapos ngayon, ipagkakanulo mo ako sa pangit at mabagong matandang ‘yon para lang sa pera? Gan'yan ba kababa ang halaga ko sa iyo?” “Shut up! Hindi ka mapapakain ng sentimento mo!” Bumuntong hininga si Edwin. “Umalis ka sa pamamahay ko at huwag na huwag ka nang babalik. Simula sa araw na ito, wala na akong anak na Yvangeline. Leave!” Tumawa si Yvee. “Papalayasin mo ako? Ako na sarili mong anak? Gan'yan ka na ba talaga katigas, dad? Sa bagay, nagawa mo ngang lokohin si mommy, eh. Don’t worry, hindi mo na ako kailangang palayasin dahil ako na mismo ang aalis sa bahay na ito. Hindi ko na kayang masikmura na tumira sa iisang bahay kasama ang mga tulad niyong demony0 at walang puso!” Nagmartsa si Yvee paalis ngunit bago pa man siya makarating sa mismong gate ay may narinig siyang sumigaw. “Yvee!” Lumingon si Yvee at nakita niya ang kaniyang kapatid na galit na galit na nakatingin sa kaniya. “Kapag humakbang ka palabas ng mansyon ay tuluyan ka na naming kakalimutan at buburahin sa pamilya,” banta ni Ereena. Pero hindi natinag si Yvee. Humakbang pa siya ulit. Hindi na niya masisikumura pang tumira sa mansyon kasama ang mga taong kinamumuhian niya. Ang mga taong sumira sa pamilya niya. “Fine, lumayas ka. Pero kapag lumayas ka siguraduhin mong ipapalaglag mo ang bastardong nasa tiyan mo. Huwag mo nang dagdagan pa ang kahihiyang ibinigay mo sa pamilya natin. At huwag na huwag ka na ring magpapakita pa!” Kuyom ang kamao ni Yvee. Ang kapal ng mukha ng kapatid niya para tawaging bastardo ang anak niya. Kung tutuusin ay mas bastardo ito. Anak ito ng daddy niya sa ibang babae. Hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy siya sa paglalakad. Lalayo siya at magsisimulang muli, malayo sa mga taong malas sa buhay niya. ~~~ Nakadungaw si Gideon sa bintana ng sasakyan niya. Dalawang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin niya makalimutan ang babaeng nanamantala sa kaniya at hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ito. “Sir,” tawag ni Drew. “What?” “May nakalap na pong impormasyon ang private investigator na ini-hire natin. Ayon sa kaniya ay dalawang buwang buntis na raw ang babae. At kung kakalkulahin ay malaki ang posibilidad na ikaw ang ama ng batang dinadala nito.” Nanlamig ang buong katawan ni Gideon. Biglang bumalik sa kaniyang isipan ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ng estrangherang babaeng iyon. Hindi niya maalala kung ilang beses nilang narating ang rurok ng kaligayahan nang gabing iyon pero isa lang ang sigurado siya — siya ang ama ng batang dinadala nito. Wala silang proteksyong ginamit noon kaya malaki ang chance na nabuntis niya ito. ‘Magiging ama na ako,’ paulit-ulit na rumehistro iyon sa utak niya habang nakatitig siya sa kawalan.Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin
Tatlong araw lamang ang itinagal ng business trip nina Drew at Iya sa Baguio pero para kay Iya, pakiramdam niya ay may nagbago sa kaniya matapos ang mga araw na iyon. Dahil sa loob ng tatlong araw, nakilala niya ang ibang mukha ng boss niyang si Drew Revamonte.“Ang CEO ng Revamonte Group, hindi naman pala gano'n katigas ang puso niya. Marunong din naman pala siyang ngumiti, makisama, mag-alala para sa ibang tao at matapang din pala siya. He's a gentleman and he protected me many times. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Kahit yata sinong ilagay sa posisyon ko ay ganito ang mangyayari. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa kontrata. We are not allowed to fall in love pero…mahal ko na si Sir Drew. At kailangan ko nang bumalik sa realidad…”“Huy, ate! Kanina ka pang ung0t nang ung0t diyan sa harap ng salamin. Papasok ka ba sa work mo today o mag-mo-monologue ka na lang d’yan maghapon?" tanong ng kapatid ni Iya na si Izza.“Kumakanta ako, ‘no. Anong umuung0t ka riyan!" “Su
Tahimik ang buong sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada pauwi ng Maynila. Mula Baguio hanggang pababa ng bundok ay halos walang nagsasalita kina Drew at Iya. Hindi dahil wala silang gustong sabihin kung hindi dahil pareho nilang sinusubukang intindihin ang bagong sitwasyon na kinasasangkutan nila. Isang kontrata. Isang pagpapanggap. Isang relasyong hindi dapat magkaroon ng kahit anong emosyon.Habang tahimik na nagmamaneho si Drew, hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sa Baguio–ang halik at ang paraan ng pagtanggap nito sa kasunduan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Pero isang bagay ang sigurado siya. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ng taong kayang humarap kina Ahma at Alessandra. At sa lahat ng taong kilala niya, si Iya ang unang pumasok sa isip niya. Siguro dahil alam niyang hindi ito katulad ng ibang babae na lumalapit sa kaniya dahil sa pangalan niya. Siguro dahil kahit natatakot ito sa kaniya noong una. Hindi ito nagpangg
Matagal na nanatiling tahimik ang lugar matapos umalis si Alessandra.Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ni Iya ang lahat ng nangyari, ang halik, ang pagdepensa ni Drew, ang paraan ng pagtayo nito sa harapan niya na para bang walang sinuman ang may karapatang saktan siya at higit sa lahat…ang sinabi nito. My girlfriend. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Hindi alam ni Iya kung dapat ba siyang magalit dahil ginamit siya ni Drew para itaboy ang dating fiancée nito. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang taong pinili siyang ipagtanggol.Ngunit ang mas nakakainis sa lahat, hindi na maitatanggi ni Iya ang katotohanang nang halikan siya ni Drew...hindi niya ginustong umiwas."Iya."Napakurap si Iya nang marinig ang boses ng kaniyang boss. Doon lamang niya napansin na matagal na pala siyang nakatingin sa kawalan."Po?"Bahagyang napabuntong-hininga si Drew. "Are you okay?"Agad na tumango si Iya. "Opo." Ngunit pareho nil
Nanatiling nakatayo si Alessandra sa harap nina Drew at Iya, halatang hindi siya kumbinsido sa ipinakilalang relasyon ng dati niyang fiancé. Bahagya siyang tumawa, ngunit may pang-uuyam sa mga mata niya."Come on, Drew," ani Alessandra habang nakapamewang siya. "Seriously? Your secretary?"Hindi kumibo si Drew. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Iya, na para bang hindi niya balak bitiwan iyon kahit gaano pa kalakas ang hangin sa paligid.Napalunok si Iya. Pakiramdam niya ay biglang naging masikip ang lahat ng espasyo sa paligid nila. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa paraan ng paghawak ni Drew sa kaniya. Para ‘yong normal lang, parang natural lang, parang matagal na silang ganito ngunit alam niyang hindi iyon totoo.Hindi alam ni Iya kung paano siya dadalhin ng mga susunod na sandali, pero isang bagay ang malinaw sa kaniya. Hindi siya handa sa ganoong palabas at kasinungalingan."Hindi ka naniniwala?" malamig na tanong ni Drew.Natawa nang mahina si Alessandra. "Seryoso
Mabagal na sumilip ang sikat ng araw sa pagitan ng makakapal na kurtina ng presidential suite. Tahimik ang buong silid at sa likod ng katahimikang iyon ay may dalawang pusong hindi nakatulog buong magdamag. Naunang magmulat ng mga mata si Iya. Agad siyang napabangon nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi niya namalayang napahawak na naman siya sa sariling mga labi. Napailing siya. Hindi. Kailangan na niyang kalimutan iyon dahil malinaw naman na aksidente lang ang lahat. Paglingon ni Iya sa sala ay nakita niyang wala na si Drew sa couch. Naroon lamang ang maayos na nakatiklop na kumot at unan. "S-Sir?" Bahagyang tinawag ni Iya ang kaniyang boss, ngunit walang sumagot. Sakto namang bumukas ang p***o ng suite. Pumasok si Drew na may hawak na dalawang paper bag ng almusal at dalawang baso ng mainit na kape. "Good morning, Miss Monteverde," maikli at normal na bati ni Drew. Parang walang nangyari kagabi. Lalong nailang si Iya. "G-Good morning po, Sir." Tahimik na inilapag ni Drew a







