Share

Kabanata 5

Author: Docky
last update publish date: 2026-02-06 16:29:07

Malamig na tiningnan ni Gideon ang pinsan. “Let’s go. I have a lot of things to do. I don’t want to waste my time.”

At walang kahit anong dagdag na salita, tumalikod si Gideon at naglakad palayo. Naiwan ang lahat na nakatulala — lalo na ang mga empleyadong nakasaksi sa buong pangyayari.

Ang isang Gideon Isaac Revamonte… hindi nagalit? Hindi sumigaw? Hindi umiwas na para bang may sakit sa babaeng lumapit at humalik sa kaniya?

Isang himalang hindi pa nila nakikita kailanman.

Si Drew, ang sekretarya—slash—pinsan ni Gideon, ay halos hindi gumalaw sa kinatatayuan niya. Ito ang unang beses na nakita niyang hindi nag-react nang masama ang pinsan niya sa isang babaeng lumapit at nagnakaw ng halik sa kaniya. Kadalasan, kahit ilang pulgada pa lang ang pagitan ay nag-iinit na agad ito sa galit.

Sa totoo lang, kaya halos 70 percent ng empleyado nila ay puro lalaki ay dahil ayaw ni Gideon na malapitan siya ng mga babaeng sumusubok na umeksena o magpa-cute sa kaniya. Dahil kapag babae ang lumalapit, madalas ay nagwawala siya sa inis o hindi naman kaya’y iniinsulto ang mga ito sa harap ng marami. Kaya iilang empleyada na lang ang natira, mga babaeng walang balak lumapit o humirit sa CEO. Pero ngayon… wala man lang siyang sinabi. Wala ring galit. Nakakatindig-balahibo sa pagkakaiba.

Napakurap si Drew, saka unti-unting bumalik sa sarili. Sinamaan niya ng tingin si Yvee, ng tinging para bang kasalanan nito kung bakit nag-iba ang ugali ng pinsan niya kahit ilang segundo lang, at saka siya napasimangot. Hindi man lang niya kinailangang magsalita. Sapat na ang hitsura niyang parang sinasabi: "Ano bang ginawa mo at hindi nagalit ang pinsan ko?"

Mabilis na sumunod si Drew kay Gideon, na parang takot na takot na baka may mangyaring kakaiba ulit. Nang makalapit siya sa pinsan niya ay agad siyang nagsalita, bahagyang hinihimay ang bawat salita.

“Kuya… naalala ko na pala kung sino ang babaeng ’yon.”

Agad na tumigil si Gideon sa paglalakad at lumingon. Diretso ang tingin niya kay Drew. “Who is she?”

Napakurap si Drew. May kakaiba. May interes sa boses ni Gideon — isang bagay na hindi niya inaasahan kailanman. Hindi ito galit. Hindi rin irita. Iba. Parang… gusto nitong malaman ang tungkol sa katauhan ng babaeng iyon. At para sa kaniya halos imposibleng mangyari iyon. Mabilis niyang pinilig ang ulo at iwinawaksi ang mga naiisip niyang hindi naman kailangan.

“She’s Yvangeline Alejado,” panimula ni Drew. “Anak siya ng business tycoon na si Edwin Alejado. Siya rin ang napabalitang ikakasal kay Mr. Geronimo Ong seven years ago… pero nakipag-hook up daw siya sa isang estranghero bago ang kasal. Nabuntis siya, kaya hindi natuloy ang wedding.”

Nakita ni Drew kung paano bahagyang kumunot ang noo ni Gideon, pero hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa kuryosidad.

“At kahit wala raw tulong mula sa lalaking nakabuntis sa kaniya,” patuloy ni Drew. “Itinuloy niya ang pagbubuntis. She raised the kid alone.”

“She kept the kid and ditched the guys?” bulong ni Gideon. Para bang hindi niya sinasadyang sabihin iyon nang malakas.

Hindi man nagpakita ng emosyon ang mukha ni Gideon pero sa loob-loob niya ay may gumuhit na paghanga. What a bold move. At unti-unting humigpit ang hawak niya sa strap ng bag ng kaniyang anak habang naglalakad sila palayo.

Hindi alam ni Drew kung bakit, pero may kutob siyang hindi pa tapos ang koneksyong iyon.

~~~

“Mommy!” sigaw ni Atticus bago mabilis na tumakbo papunta kay Yvee. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina na halatang nagulat at nag-aalala.

“Sweetie,” malambing na tugon ni Yvee habang marahang hinihimas ang buhok ng kaniyang anak. Pagkatapos noon, bigla siyang humarap kay Ereena — malamig at diretso ang tingin. “Really, Ereena? Gan'yan ka pa rin ba ka-papansin? Alam kong sinadya mong itulak ako.”

Agad na kumunot ang noo ni Ereena. Pilit niyang ipinapakitang inosente siya. “Of course not! Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Umangat ang isang kilay ni Yvee, hindi pa rin siya natitinag. “Kapag hindi mo pa ako tinigilan… sisiguraduhin kong may kalalagyan ka, Ereena. I already had enough of your crazy antics. At maniwala ka, hindi mo gugustuhin kapag ako na ang gumanti.”

Nanlaki ang mga mata ni Ereena. Nawala ang tapang niya kanina at napalitan iyon ng halatang takot, kahit pa pilit niyang itinatago. “W-What? I don’t know what you’re talking about!” nauutal na sambit niya sabay ngiti nang pilit. “I-I need to go. M-May importante pa akong appointment ngayon. Ciao!”

Hindi na naghintay ng sagot si Ereena at halos nagmamadali siyang tumalikod. Parang hindi siya makahinga hangga’t hindi siya nakakalayo sa kapatid niyang hindi na tulad ng dati. Hindi na ito nagpapatalo at hindi na rin naaapakan.

“Miss,” tawag ni Rechelle habang papalapit.

Napatingin si Yvee at agad siyang ngumiti nang makita niy ang dating sekretaryang nanatili sa kaniya sa lahat ng laban.

May iniabot na keycard si Rechelle. “Naiakyat na po lahat ng mga gamit niyo, ma’am. Nasa Presidential Suite po ang room niyo, sa top floor ng building.”

“Thank you,” taos-pusong sagot ni Yvee. Hindi lang basta pasasalamat iyon; may halong paghinga ng maluwag. Kahit gaano kadilim ang pinagdaanan niya, may mga taong tulad ni Rechelle na hindi siya iniwan. Hinawakan niya sandali ang braso nito, banayad. “Ipagpatuloy mo pa rin ang paghahanap sa anak ko, please. Kapag may balita… kahit anong balita… agad mo akong kontakin.”

Tumango si Rechelle, seryoso ang mukha. “Got it, ma’am.”

Habang tumatango si Rechelle, ramdam ni Yvee ang tibok ng puso niya — palaging mabigat, palaging may bitbit na pangungulila. Hindi siya susuko. Hindi siya titigil. Kahit maubos ang kayamanan niya, kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit pagod na ang katawan at puno na ng peklat ang puso niya ay ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa anak niyang nawala. At ngayong nasa Pilipinas na siya, mas lalong tumibay ang loob niya. Mas malapit na siya kaysa dati. At hindi iyon kayang baguhin ng kahit sino.

“Let’s go, sweetie,” bulong ni Yvee kay Atticus bago sila tumungo sa elevator. Dala niya ang pag-asang unti-unti nang gumagalaw ang kapalaran nila.

Pagdating nila sa top floor ay agad na binalingan ni Yvee ang anak.

“Atty, bibili lang si Mama ng pagkain, ha. Pero ngayon, pasok muna tayo sa room natin para makaligo at makapagbihis.” Hinaplos niya ang ulo ni Atticus na tahimik lang mula pa kanina.

Nasa tapat na sila ng Presidential Suite nang mapansin ni Yvee ang ilang empleyadong babaeng nagmamadaling naglalakad. Hila-hila nila ang mga branded na damit, laruan, at iba’t ibang mamahaling gamit papasok sa kuwartong katapat ng room nila. Habang nag-uusap-usap, hindi niya napigilang marinig ang ilang piraso ng usapan.

“Sabi ni Mr. Revamonte, siguraduhin niyo raw na top quality ang lahat. Ayaw niyang may kulang para sa anak niya.”

“Natural. Hindi naman basta-basta si Sir Gideon.”

Napatingin lang si Yvee sandali, pero mas abala ang isip niya sa pagod at gutom. Iba naman si Atticus. Kanina pa ito tahimik, mas tahimik pa kaysa sa normal.

Sa murang edad ni Atticus, halata ang pagiging matalino at mas mature niya kaysa sa ibang bata. At mula nang makita niya kanina ang batang hawak ni Gideon, may kung anong bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya iyon binabanggit sa kaniyang ina, pero hindi iyon mabura sa isip niya.

Biglang klik. Bumukas ang pinto ng katapat nilang kuwarto.

Napapitlag si Atticus at lalo siyang natigilan nang may batang lumabas mula roon. Nakasuot ito ng malinis na puting roba, basa pa ang buhok at halatang bagong ligo. At sa pag-angat ng ulo ng bata, nagtagpong muli ang mga mata nila. Pareho silang napatigil. Parehong nanlaki ang kanilang mga mata. Pareho silang hindi makapaniwala. Dahil para silang dalawang repleksyon. Magkamukhang-magkamukha sila! Para bang tinitingnan ni Atticus ang sarili niya sa ibang bersyon.

At sa ilang segundong iyon ay sobrang tahimik. Ni hindi makahinga si Atticus. At ang batang nasa tapat niya, tila ganoon din.

Dalawang batang hindi alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib nila na para bang may bahaging dati nang sa kanila at ngayo’y biglang nasa harap nila.

“Mommy!” tawag ni Atticus habang hinahatak-hatak ang laylayan ng blazer ni Yvee. “I saw someone who looked like me.”

Napatingin si Yvee sa anak, kunot-noo pero kalmado. “Anak, gutom ka lang. Kanina ka pang hindi kumakain, kaya kung anu-ano na ang—”

“Mommy, hindi,” mariing putol ni Atticus, kita ang seryoso at kakaibang pagkailang sa mga mata niya. Itinuro niya ang katapat na pinto ng silid nila. “Doon po, mommy. He looked like me. Same face… same eyes.”

Napalingon si Yvee sa direksyong itinituro ng anak. Nanlamig ang batok niya. Saglit siyang napalunok. Pinilit niyang ibalik ang kontrol sa kaniyang sarili pero kinakabahan siya sa sinasabi ng anak niya. “Atticus, maybe nag-iimagine ka lang—”

Pero umiling ang bata, mariin, halos nanginginig ang maliit na kamay na nakaturo pa rin sa pinto. “No, mommy… I’m sure. I saw someone who has the same face as mine.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ria Me
wow exciting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 15

    Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 14

    Tatlong araw lamang ang itinagal ng business trip nina Drew at Iya sa Baguio pero para kay Iya, pakiramdam niya ay may nagbago sa kaniya matapos ang mga araw na iyon. Dahil sa loob ng tatlong araw, nakilala niya ang ibang mukha ng boss niyang si Drew Revamonte.“Ang CEO ng Revamonte Group, hindi naman pala gano'n katigas ang puso niya. Marunong din naman pala siyang ngumiti, makisama, mag-alala para sa ibang tao at matapang din pala siya. He's a gentleman and he protected me many times. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Kahit yata sinong ilagay sa posisyon ko ay ganito ang mangyayari. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa kontrata. We are not allowed to fall in love pero…mahal ko na si Sir Drew. At kailangan ko nang bumalik sa realidad…”“Huy, ate! Kanina ka pang ung0t nang ung0t diyan sa harap ng salamin. Papasok ka ba sa work mo today o mag-mo-monologue ka na lang d’yan maghapon?" tanong ng kapatid ni Iya na si Izza.“Kumakanta ako, ‘no. Anong umuung0t ka riyan!" “Su

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 13

    Tahimik ang buong sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada pauwi ng Maynila. Mula Baguio hanggang pababa ng bundok ay halos walang nagsasalita kina Drew at Iya. Hindi dahil wala silang gustong sabihin kung hindi dahil pareho nilang sinusubukang intindihin ang bagong sitwasyon na kinasasangkutan nila. Isang kontrata. Isang pagpapanggap. Isang relasyong hindi dapat magkaroon ng kahit anong emosyon.Habang tahimik na nagmamaneho si Drew, hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sa Baguio–ang halik at ang paraan ng pagtanggap nito sa kasunduan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Pero isang bagay ang sigurado siya. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ng taong kayang humarap kina Ahma at Alessandra. At sa lahat ng taong kilala niya, si Iya ang unang pumasok sa isip niya. Siguro dahil alam niyang hindi ito katulad ng ibang babae na lumalapit sa kaniya dahil sa pangalan niya. Siguro dahil kahit natatakot ito sa kaniya noong una. Hindi ito nagpangg

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 12

    Matagal na nanatiling tahimik ang lugar matapos umalis si Alessandra.Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ni Iya ang lahat ng nangyari, ang halik, ang pagdepensa ni Drew, ang paraan ng pagtayo nito sa harapan niya na para bang walang sinuman ang may karapatang saktan siya at higit sa lahat…ang sinabi nito. My girlfriend. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Hindi alam ni Iya kung dapat ba siyang magalit dahil ginamit siya ni Drew para itaboy ang dating fiancée nito. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang taong pinili siyang ipagtanggol.Ngunit ang mas nakakainis sa lahat, hindi na maitatanggi ni Iya ang katotohanang nang halikan siya ni Drew...hindi niya ginustong umiwas."Iya."Napakurap si Iya nang marinig ang boses ng kaniyang boss. Doon lamang niya napansin na matagal na pala siyang nakatingin sa kawalan."Po?"Bahagyang napabuntong-hininga si Drew. "Are you okay?"Agad na tumango si Iya. "Opo." Ngunit pareho nil

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 11

    Nanatiling nakatayo si Alessandra sa harap nina Drew at Iya, halatang hindi siya kumbinsido sa ipinakilalang relasyon ng dati niyang fiancé. Bahagya siyang tumawa, ngunit may pang-uuyam sa mga mata niya."Come on, Drew," ani Alessandra habang nakapamewang siya. "Seriously? Your secretary?"Hindi kumibo si Drew. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Iya, na para bang hindi niya balak bitiwan iyon kahit gaano pa kalakas ang hangin sa paligid.Napalunok si Iya. Pakiramdam niya ay biglang naging masikip ang lahat ng espasyo sa paligid nila. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa paraan ng paghawak ni Drew sa kaniya. Para ‘yong normal lang, parang natural lang, parang matagal na silang ganito ngunit alam niyang hindi iyon totoo.Hindi alam ni Iya kung paano siya dadalhin ng mga susunod na sandali, pero isang bagay ang malinaw sa kaniya. Hindi siya handa sa ganoong palabas at kasinungalingan."Hindi ka naniniwala?" malamig na tanong ni Drew.Natawa nang mahina si Alessandra. "Seryoso

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 10

    Mabagal na sumilip ang sikat ng araw sa pagitan ng makakapal na kurtina ng presidential suite. Tahimik ang buong silid at sa likod ng katahimikang iyon ay may dalawang pusong hindi nakatulog buong magdamag. Naunang magmulat ng mga mata si Iya. Agad siyang napabangon nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi niya namalayang napahawak na naman siya sa sariling mga labi. Napailing siya. Hindi. Kailangan na niyang kalimutan iyon dahil malinaw naman na aksidente lang ang lahat. Paglingon ni Iya sa sala ay nakita niyang wala na si Drew sa couch. Naroon lamang ang maayos na nakatiklop na kumot at unan. "S-Sir?" Bahagyang tinawag ni Iya ang kaniyang boss, ngunit walang sumagot. Sakto namang bumukas ang p***o ng suite. Pumasok si Drew na may hawak na dalawang paper bag ng almusal at dalawang baso ng mainit na kape. "Good morning, Miss Monteverde," maikli at normal na bati ni Drew. Parang walang nangyari kagabi. Lalong nailang si Iya. "G-Good morning po, Sir." Tahimik na inilapag ni Drew a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status