Share

THREE:

Author: YuChenXi
last update publish date: 2026-04-19 20:17:33

Mahimbing na nakatulog si Vladimir.

Matagal na siyang hindi nakaranas ng ganitong komportableng tulog.

Marahil ay dahil sa nangyari kagabi, dahil sa babaeng kayakap niya ng magdamag. Naging komportable ang pakiramdam niya sa balingkinitan at malambot na katawan ng babae. Idagdag pa ang natural na bango nito na nanuot sa kanyang pang amoy na tila nakapagpahipnotismo sa kanya.

Kaya naman nakatulog siya nang mahimbing at payapa.

Gayunpaman, nang magising siya, walang laman ang kaniyang mga braso. Ang babaeng nakasama niya ng magdamag ay wala ng bakas na iniwan.

Huli nang mapagtanto ni Vladimir na tinakasan siya ng babae. Balak pa naman sana niya itong kausapin ng masinsinan ngayong umaga ngunit hindi na pala niya ito mabubungaran paggising niya.

Umakyat ang galit niya. Hindi niya nagustuhan na tinakbuhan siya ng babae na siyang naging unang karanasan niya.

“Damn you, woman.” gigil na napamura siya at galit na bumangon.

Kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang personal assistant.

"Sanny, dalhan mo ako ng malinis na damit dito room 921!" utos niya kay Sanny.

Pagkatapos niyang tawagan ito ay bumangon na siya at naghanda para maligo.

Pagbangon niya, napansin niya ang kaunting pulang bahid sa puting kumot.

Nagdilim ang mga mata ni Vladimir; kunot ang noo niya. Ito ang unang karanasan ng babae at siya rin ang nakauna dito.

Ilang sandali pa ay mabilis na lumitaw si Sanny sa presidential suite na may dalang malinis na damit.

Nakita nito ang mga damit ng boss nito na nakakalat sa sahig, ang mga kumot sa kama ay magulo, at hindi nakaligtas sa pang amoy ni Sanny ang masangsang na amoy kaya nahulaan na agad nito ang nangyari kay Vladimir.

Hindi maipagkakaila na labis na nagulat si Sanny. At agad na gumana ang isip nito na sa unang pagkakataon ay nalaman niyang mayroon na itong ginalaw na babae. Sa tagal ni Sanny na kasama si Vladimir bilang assistant wala pa nga itong nasasaksihan na ganitong eksena. Pero ngayon…

Sinong babae ang may ganoong kakayahan para masira ang tila mga pangako ng isang dakilang bachelor na walang balak itong magpakasal at lalong hindi interesado sa mga babae.

Bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas mula sa loob si Vladimir na nakasuot na lang ng itim na roba na iniwang nakabukas at nakatapis ng puting tuwalya ang kaselanan niya. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito.

Hindi nakaligtas sa paningin ng assistant niya ang naiwang kalmot at mga marka ng halik at ngipin sa matipuno niyang dibdib at sa kanyang mga abs. Nagpapakita lang na naging mainit ang naging pakikipagtalik niya sa babaeng nakasama magdamag.

Namula si Sanny at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya.

"Um, boss, ang damit mo..." sabay abot naman sa kanya ang dala nitong damit.

Kinuha ni Vladimir ang bag na naglalaman ng mga damit na walang ibang namutawi sa bibig niya.

"Tingnan mo ang security footage at alamin mo kung sino yung babaeng sumulpot sa kwarto ko kagabi." ilang sandali pa ay utos ni Vladimir kay Sanny.

"President, hindi mo nga kilala kung sino ang babaeng iyon?" lalong nagulat si Sanny sa utos niya dito.

Kumunot ang noo ni Vladimir.

"Kung alam ko ba, kailangan mo pa bang mag-imbestiga?" balik tanong na sagot niya sa tanong nito.

Hindi kasi maalis sa isip ni Vladimir na isa sa mga kasosyo niya sa negosyo ang may pakana ng lahat ng nangyari kagabi. At isa sa kanila ang nag utos sa babae para akitin siya at hindi naman sila nabigo sa pagkakataong ito.

Gayunpaman, wala siyang ebidensya, kaya dapat itong imbestigahan nang mabuti para hindi na siya mabibigla na bigla na lang susulpot isang araw sa harap niya ang babae at sabihing panagutan niya.

"Naiintindihan ko, titingnan ko agad, boss."

Tinawagan ni Sanny ang manager at hiniling dito na tingnan ang surveillance footage ng hotel.

Pero mahinang sinabi ng manager na sira ang mga surveillance camera sa palapag na ito at hindi pa naaayos.

Samakatuwid, imposibleng malaman kung sino ang pumasok sa silid ni Vladimir.

Bagama't hindi nasiyahan si Vladimir, hindi niya inutusan ang sinuman na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Iisipin na lang niya na iIsa lamang babaeng naka-one-night stand niya; hindi na niya kailangang gumugol ng masyadong maraming oras sa pag-iimbestiga sa babaeng iyon.

Sabihin man na nakita niya ang imbedensya na unang karanasan ng babae ang pakikipagniig sa kanya ay hindi pa rin niya iyon gagawing dahilan para pag aksayahan niya ng kanyang oras.

…..

Nakatulog naman ng mahimbing si Aliah hanggang kinabukasan.

Ngunit pagkagising niya ay nakaramdam siya ng bigat ng katawan. Nanakit ang ulo niya at nakaramdam siya ng pagkahilo.

Gayunpaman, hindi lang iyon ang masakit sa kanya dahil ng kumilos siya para bumangon ay sumidhi ang sakit sa balakang niya at sa kanyang pagkababae.

Pinilit pa rin niyang kumilos ng normal. Nang makatayo ay hindi na nga siya makapaglakad ng maayos.

Naipilig niya ang kanyang ulo. Dapat ay papasok siya sa trabaho ngayon, pero ano kaya ang iisipin ng mga kasamahan niya kung makita siyang ganito?

Matapos mapag-isipan ang gagawin, tinawagan ni Aliah ang kanyang supervisor at humingi ng isang araw na pahinga.

Uminom siya ng gamot na pampababa ng lagnat at naghanda ng simpleng almusal.

Pagkatapos ng almusal, nagplano na siyang pumunta sa ospital para sa isang check-up.

Natatakot siya na baka may sakit ang lalaki kagabi, at mahawaan siya kung ano man ang sakit nito.

Isinumpa pa niya ang sarili, hindi na siya iinom ulit ng ganoon karami. Dahil sa pag inum niya ay nakagawa siya ng bagay na hindi dapat niya dawin.

Kung magkasakit talaga siya dahil sa pakikipagniig niya sa lalaking iyon ay talagang isa iyong malaking dagok ng buhay niya.

Dahil sa pag aalala kung ano ba ang maaring makuha niyang sakit ay naghanap pa siya ng impormasyon online at ganun na lang ang panlulumo niya sa sarili ng mabasa ang mga posebleng sakit na dadapo sa kanya.

Nahabag siya sa kanyang sarili. Kaya bago pa lumala ang lahat ay nagpasya na talaga siyang magtungo ng ospital para maagapan sakali mang may sakit nga ang lalaking iyon.

Gumawa si Aliah ng espesyal na appointment sa isang senior na babaeng gynecologist na mas matanda at mas may karanasan.

Matapos ang halos kalahating oras na paghihintay sa pila, sa wakas ay tinawag na ang numero niya.

Gayunpaman, pagpasok niya, hindi niya nakita ang punong manggagamot. Nakita niya ang puting kurtina na tumatakip sa kama sa gilit, sa tabi ng bintana. Nililipad ng hangin ang kurtina kaya nasulyapan niya ang isang anino mula doon.

Naisip niya na iyon na ang doctor.

Maingat na lumapit si Aliah at tinawag nga ang doktor.

"Doktor?"

Sandaling tumigil ang pigura sa likod ng kurtina, pagkatapos ay itinaas ang kurtina at dahan-dahang lumabas.

Pagtingala, agad na nanlaki ang mga mata ni Aliah nang makita niya ang guwapong mukha lalaking doctor na kaharap niya.

“Why is it him?” sa loob loob niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Mistake Of True Love   S2-FORTY:

    “Let’s go.” aya niya sa akin. “Let’s go grab something to eat.”“Uh,” tumango ako na hindi na nawala sa mga labi ko ang ngiti. Sino ang hindi mapapangiti kung ang matagal ko ng pangarap na sasakyan ay masasakyan ko na at maimamaneho. At higit sa lahat ay regalo sa akin ng asawa ko.Awtomatikong bumukas ang pinto ng Mclaren at sumakay agad ako.Pero agad din akong bumaba at lumapit sa kanya. Kailangan ko paring maging gentleman kahit na atat na akong imaneho ang bago kong sasakyan.Kahit na awtomatikong bumubukas naman ang pinto ay kailangan ko pa rin siya alalayan pasakay kaya pinasakay ko muna siya bago ako sasakay.“Salamat,”“Uhm,” tinaungahan ko siya at nagmamadaling umikot sa kabilang panig at sumakay na.Nanginginig pa rin ang kamay kong humawak sa manibela hindi dahil sa natatakot akong imaneho iyon kundi nae-excite lang talaga akong mahawakan ang matagal ko ng pangarap na sasakyan.Ilang minuto rin akong napatitig lang sa manibela at nakahawak doon. Nagpakawala ng malalim na p

  • One Night Mistake Of True Love   S2-THIRTY-NINE:

    Mabagal ang naging lakad ko habang papalapit na ako sa opisina ni Erin.Nagdadalawang isip kung papasok na ba ako o hindi. Napapatingin na rin sa akin ang ibang mga empleyado dahil kanina pa ako nakatayo sa harap ng pinto ng kanyang opisina.Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko din iyon pinakawalan. Hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok sa loob.Dere-deretso akong naglakad hanggang sa tumapat ako mismo sa harap ng kanyang lamesa.Halata ang pagkagulat niya ng umangat ang kanyang mukha mula sa kanyang binabasa.“Why are you here?” iyon agad ang tanong niya sa akin kasabay ng pagtiklop ng kanyang binabasa.“Uh… Well…” kanina ko pa inaral ang mga sasabihin ko sa kanya pero ngayon ay biglang umurong ang dila ko.Napasimangot pa ako na naipilig ang ulo ko.“Hmmm,” nakatitig lang naman siya sa akin at hinintay talaga kung ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya kaya bakit ako nandito.“H-huwag kang maniniwala o makikinig sa mga bali-balitang kumakalat. Hindi ako nakikipagtalik sa

  • One Night Mistake Of True Love   S2-THIRTY-EIGHT:

    Manipis na naman ang suot kong pantulog para hindi na siya makatanggi sa akin.Naupo na ako sa gitna ng kama at hinintay na siyang lumabas ng banyo.Nauna na siya kaninang nasa banyo pero naupa pa akong natapos kaysa sa kanya.Kaya napapaisip ako na sinasadya niyang magtagal sa loob para iwasan ako at hinihintay lang siguro na makatulog ako bago siya lumabas doon.Ilang minuto pa akong naghintay. At hindi naman nagtagal ay lumabas na rin siya. Suot na ang kanyang pantulog.Nakita ko siyang napalunok kaya ang akala ko ay lalapit siya sa akin at hahawakan ako.Ngunit nabigo ako sa inaasahan ko dahil ng humakbang na siya palapit ng kama ay basta na lang siyang nahiga patalikod sa akin.Masyado ko ba siyang nasaktan kahapon kaya hindi hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako napapatawad kahit na humingi na ako ng tawad sa kanya.Hindi ko mapigilan ang mapabungtong hininga.Wala akong nagawa kundi ang mahiga na lang. Ngunit bago pa man ako makahiga ay bigla na lang siyang bumangon at humar

  • One Night Mistake Of True Love   S2-THIRTY-SEVEN:

    “What are you doing here again?” tanong ko kay Geline nang muli itong pumasok sa opisina ko.“I’m really sorry. Dahil sa akin ay nag-aaway kayo ni Gabriel. Masama ang loob niya, kaya nagawa niya ang bagay na iyon.”Napatitig na lang ako kay Geline habang nagsasalita ito. Hindi naman malaking issue iyon sa akin.“Malaki na ang ipinagbago ni Gabriel simula noon. Kaya sana huwag kang magalit sa kanya. He was just in a bad mood. At alam ko na hindi niya magagawa ang mga kumakalat na balita.”“I know. Kaya hindi mo na kailangang ipagtanggol si Gabriel sa akin. Pero hindi ba makakabuti iyon para sa iyo, kung mag aaaway kami ni Gabriel at maghihiwalay.”“Huh! Totoong gusto ko si Gabriel, pero hindi ko siya puwedeng pilitin kung ayaw niya. Hindi naman ako ganoong kawalang-hiyang tao na isipin na maghiwalay kayo sa hindi magandang paraan.”“Okay! Alam ko naman na isa kang mabuting tao at may tuwid na paninindigan,” malumanay na sabi ko sa kanya kaya muli siyang napatitig sa akin.Napapansin ko

  • One Night Mistake Of True Love   S2-THIRTY-SIX:

    Malalim na ang gabi ng umuwi ako at halos tulog na ang lahat ng tao sa buong mansyon maliban sa guard na nagbukas ng gate para sa akin ng umuwi ako.Agad akong pumanhik ng kwarto namin ni Erin at naabutan ko itong gising pa na nakasandal sa headboard ng kama at nakaupo.“Ehem,” wala naman akong balak magpapansin ngunit abala siya sa pagtingin sa kanyang cellphone na tila ba hindi narinig ang pagdating ko.Taas ang noo ko na binawi ang tingin ko sa kanya ng bumaling na siya sa akin.Tatalikod na sana ako para pumasok ng banyo ng marinig ko siyang magsalita.“I’m sorry,”Pagkarinig ko ng paghingi niya ng tawad ay agad akong napalingon sa kanya.At talagang humingi siya sa akin ng tawad.“Pasensya na, hindi ko lang kasi gustong nakikita ang ibang tao na umiiyak tapos tinaasan mo pa siya ng boses. Wala naman akong balak kampihan siya dahil ang akala ko ay pinaiyak mo siya. So, I’m really sorry.” malumanay na paliwanag niya sa akin at paulit-ulit na paghingi ng tawad.Ngunit hindi na ako n

  • One Night Mistake Of True Love   S2-THIRTY-FIVE:

    Dahil sa inis ko ay nagpunta ako ng bar ng mag isa na hindi kasama sina Jarren. Hindi naman talaga ako pumupunta sa lugar na ganito kung hindi ko sila kasama pero iba ang gabing ito.Naiinis na talaga ako dahil sa Geline na iyon at pinapalabas pa nito na binubully ko siya para dito mapunta ang simpatya ni Erin.At iyon nga ang nangyari. Dahil nakisimpatya si Erin sa Geline na iyon at hindi ko matanggap na mas papaniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin.Galit na galit na ako at kung hindi ako umalis kanina doon baka nga nasigawan ko pa ng tuluyan si Geline at masasabi na binubully ko na nga siya.“Anong maipaglilingkod ko sa inyo, young master?” tanong sa akin ng isang babae.Kunot ang noo ko na napatingin dito.At sino naman ang babaeng ito na nasa harap ko ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang tignan ito mula ulo hanggang paa na hindi ko naman gawain lalo na babae ang kaharap ko.Uupo na sana ito sa tabi ko ng mabilis na itinaas ko ang kamay ko para pigilan ito sa paglapit sa ak

  • One Night Mistake Of True Love   SIX:

    Lumabas si Aliah ng silid konsultasyon, dali-daling bumili ng gamot, at naghanda nang umuwi.Sa labas ng ospital, maganda at maaraw ang panahon, na may maaliwalas na asul na kalangitan.Pero bakit napaka-malas niya?Hindi lang niya nakasalamuha ulit ang lalaking nakaniig niya noong nakaraang gabi,

  • One Night Mistake Of True Love   FIVE:

    “Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.Lumapit ito sa kanila.“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.Hanggang sa balingan na siya

  • One Night Mistake Of True Love   FOUR:

    Lumabas si Vladimir, natural na napatitig siya sa maamo at inosesnteng mukha ng babaeng kaharap niya ngayon.“It’s her!” sa loob loob ni Vladimir.Nagsalubong ang mga mata nila.Napansin niyang hindi makatingin sa kanya ang babae.“Anong maipaglilingkod ko sayo?” seryosong tanong ni Vladimir dito n

  • One Night Mistake Of True Love   TWO:

    Nagising si Aliah na parang may nakadagan sa kanya at hindi siya maayos huminga.Nagmulat siya ng mga mata ng mapagtantong hindi lang basta kung ano ang nakadagan sa kanya kaya hindi siya makahinga kundi nakayakap ng mahigpit ang braso ng isang lalaki sa baywang niya.She swallowed. She blinked as

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status