LOGINKhyfer Casteliogne - the world's hottest billionaire bachelor architect and one of the (4) European youngest billionaires and who is being famous for winning numerous prestigious awards in the field of Architecture, which made him the greatest architect in this 21st century and hailed as the world-renowned architect of all time. As he establishes his own company and proves that he has succeeded his wicked father in the business world, an event will change his life. For one intimate and passionate pleasure over the Grand Hotel de la Minerve, The present will shock his darkest past. A past which is riddled with secrets that would undoubtedly ruin his life and cause him to lose the only lady he has loved for a long time. Pasts that are related to his friendship with the brother of the woman with whom he slept with that night in Italy. The unexpected stranger turned out to be the only woman he'd ever loved. He knows that the secrets he encased in the darkest part of the hell pit will undoubtedly destroy the woman's sanity and cause her to avoid and despise him forever. Susubukin ng isang hindi malilimutang gabing namagitan sa kanila ang mga damdaming matagal nang nakakubli sa likod ng kanilang mga pusong naging sing tigas ng bato dahil sa mga pangyayaring napagdaanan nila sa nakaraan. Their intimacy and love connection will be their strength to look back to their past then untangled the web of secrets and lies before facing the future with acceptance and peace. Will he take the risk? Will she take the lies? ---------- ONE NIGHT PLEASURE European Billionaire Bachelor Series Book 1 Hreint | Kaethy GS
View MoreFirst day of school ngayon kaya nagbibihis ako ng uniform ko. Gusto ko sanang panlalake yung uniform pero bawal. Inaayos ko ang uniform ko at nagpaposing-posing sa salamin.
'Malamang skwelahan yun! Tanga!'
Natawa ako sa mga niisip ko. Alam ko ng may pagkabrusko ako noon palang at alam din yun ng mga magulang ko. Pagkatapos kong magbihis ako ay agad ko sinuot ang sumbrero ko ng pabaliktad.
"Ma, papasok na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama. Nang lingonin niya ako ay agad na kumunot ang nuo niya.
"Alisin mo yan!" Sabi niya at inalis ako sumbrero ko. "Magpakababae ka naman kahit isang taon anak." Usal niya.
"Ma, naman. Akin na yan! Mas pogi ako kapag ganyan eh" pagmamaktol ko. "Sige na po aalis na ako. Malelate na ko ma bye!" Sigaw ko at agad na lumabas ng bahay. Inantay ko muna ang jeep kaya medyo natagalan akong nakaabot sa school. Nang makaabot ako ay agad na bungad saakin ang mga barkada ko.
"Pare!" Sigaw ni Leo sabay akbay saakin. Puro lalake ang kaibigan ko at lima kaming lahat. "Kamusta?" Maligayang bati niya.
"Ayos naman HAHAHAHA." Usal ko.
"Oh bakit naka ganyan ka?" Biglang singit ni Brandon. "Babaeng babae ah?! HAHAHAHA" Sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Mas pogi parin ako sayo!" Sigaw ko sakanya at nagtawanan kami.
"May pogi bang nagpapalda?" Natatawang tanong nito.
'Isang kontra mo pa malilintikan ka talaga!!'
"Meron! At ako lang ang makakagawa nun!" Sigaw ko ulit sabay tawa.
"Napakapikonin mo!" Sigaw ni Leo.
"Ito kasi!" Sabi ko at akmang babatukan si Brandon pero umiwas ito. "Unang araw sinisira mo!" Naiinis na usal ko at tumawa lang siya.
"Tama na nga yan! Pumasok na tayo." Usal ni Yuri at pumaunang lumakad pero huminto kami. Dahan dahan din siyang huminto at nilingon kami. "Ano?! Hindi kayo papasok?! Yung Lecturer naghihintay oh?!" Sigaw niya sabay turo sa room namin. At nandoon na nga yung teacher. Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo. Huminto ako sa harap ng pinto at agad ako nilingon nung guro. Kinakabahan ako.
"E-excuse me? M-may i c-come in?" Kinakabahang usal ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Good morning ma'am" Usal ko at sinenyasan ako pumasok. Nung makatalikod na ako sakanya ay doon na ako nakahinga ng malalim.
Umupo ako sa likod para hindi ako masyadong makita na mga teacher. Nahagip ko ang mata ni Leo kaya agad akong natawa. Pinagpapawisan dahil sa kaba. Yumuko lang ako para hindi makita yung mukha ko.
"What's you name?" Biglang sigaw nung teacher. Umangat ako ng tingin at napansing saakin sila nakatingin lahat. Agad akong tumayo at tinuro ang sarili ko.
"A-ako po?" Tanong ko at tumango lamang siya. "A-ah, Remedy Alfonso ma'am" pormal na usal ko. Tumango lang ito.
"Please, remove your cap." Tugon niya kaya agad ko itong tinggal at inayos ang buhok ko. "Okay, is this your friends?" Tanong niya ulit.
"Yes ma'am." Agarang tanong ko.
"They are 1 minute late, kaya inuutusan kitang samahan sila sa prefect of dicipline." Usal niya at agad na nanlaki ang mata ko.
'What?! POD sa 1 minute late?!!'
"Gusto mo bang paabutin ng paabutin ng 5 minutes miss Alfonso? I've implemented rules inside your class and being late is strictly not allowed." Usal niya sabay turo sa white board.
"Rule #1. Five minutes late is considered absent."
"Yes ma'am" sabi ko sabay lakad pa labas. Agad ko silang tinulak at tumakbo patungong POD.
"Hoy! Hintay!" Sigaw ni Brandon.
"Bilisan niyo! Madadamay ako niyan eh!" Sigaw ko sakanya. Agad kong kinatok ang pinto ng POD at binuksan 'yon.
"Good morning ma'am" Pormal na usal ko. Sinenyasan ko silang pumasok at agad nila akong sinunod.
"Anong maitutulong ko sainyo?" Tanong ni Sir. London kahit taga pilipinas.
'HAHAHAHAHAHA'
"They are late sir." Usal ko sabay turo sa mga kaibigan ko.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at tinignan ang kabuuan ko.
"Inutusan po ako ni ma'am--"
"Carolina? Ha Ha Ha." Pagpuputol niya sa sinabi ko.
"O-opo." Tatango tangong tugon ko kahit hindi ko kilala yun teacher na yun. May pinermahan siyang papel at ibinigay ito saakin. Agad ako nagpaalam at tumakbo paalis sa POD. Nang maka-abot ako ay agad kong binigay ang papel na iyon. Tumango lang siya at sinenyasan kaming pumasok. Nung makaupo na ako ay doon na ako bumuntong hininga.
"Buti nalang talaga mabait yung si sir. London ano?" Mahinang bulong ni Yuri.
"Shh.. maririnig ka niyan." Sita ko at nakinig sa pinagsasabi nung Lecturer.
"Magpapakilala ulit ako dahil may mga late tayo sa unang pasukan." Usal niya't mukhang nagpaparinig. "I'm Carolina Santiago and I will be your English Lecturer for the next 10 months."
'Kaya pala English ng English kanina.'
"We will be having 20 lessons all over this school year and 20 activities din. I want you to be prepared para hindi kayo magulat sa ipapagawa ko sa inyo." Usal niya at may sinulat sa white board.
"Activity #1: Research Paper"
'Research paper agad?!?!'
"Ma'am?" May babaeng nag taas ng kamay. "Hindi po ba third grading pa yan?" Nag-aalinlangang tanong niya. Marami ang sumang-ayos sakanya kaya agad niyang inilagay ang white board pen at umangat ng tingin sa babae.
"Okay. Kung sa third grading ko pa ipapagawa sa inyo ito, 1 week niyo lang gagawin." Usal niya. Agad nanlaki ang mga mata namin.
'Paano yun?!?!'
Hindi ko alam kung magiging madali 'to para saakin dahil tamad ako. Tsaka hindi pa ako nakakaranas ng research paper at hindi manlang enexplain kung ano ang gagawin diyan.
"You will be doing this by pair." Usal niya at agad akong naliwanagan. Buti naman at naisipang pagdalawahin dahil hindi ko talaga magagawa yan kapag ako lang mag-isa. May utak naman ako kaso sadyang mahina talaga pagdating English. "Abeña and Antonio, Alfonso and Alejandro." Pagsisimula niya sa pagpapares samin.
"Ma'am hindi po ba pwedeng kami ang mamili sa partner namin?" Biglang tanong ni Brandon.
"No, na-pair ko na kayo kaya yun ang susundin niyo." Usal niya't napakamot sa ulo si Brandon. Agad naman niyang pinagpatuloy ang pagpapares saamin hangga't sa matapos siya. "Go to your respective pairs 'cause we're heading to the library." Tugon niya.
"Sino nga ulit partner ko?" Tanong ko kay Leo. Kunot nuo niya lang akong tinignan.
"Abay, malay ko sayo HAHAHAHA." Usal niya sabay tawa.
'May nakakatawa ba?! Tsk!'
"You're Alfonso right?" Biglang may nagsalita sa gilid ko. Tinignan ko lang siyang nakakunot ang nuo. "I'm Alejandro, Your partner." Tugon niya at doon lang ako natinag.
"Oyy, Bagay kayo HAHAHAHA." Biglang bulong ni Brandon.
"Isang putak mo pa malilintikan ka!" Pananakot ko at binaling kay Alejandro ang paningin ko. "T-tara?" Usal ko at tumango naman siya.
"Baguhin mo yan! Maganda yan!" Sigaw nila. Agad ko tinaas ang kamao ko pero tumawa lang sila.
'Ganun sila ka desididong gawin akong babae?!?!'
Sumingahal lang ako at nag patuloy sa paglalakad. Nang malapit na kami sa library ay Napahinto kami dahil may sinasabi na naman ang Lecturer.
"One table per One pair para hindi magulo." Usal niya't agad na tumalikod.
"Yes ma'am." Sagot namin at nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa kami makapasok sa library ay nag attendance muna kami bago tuluyang makaupo sa mga table namin. Pagkatapos naming isulat ang pangalang namin ay umupo na kami sa lamesang nakatalaga saamin.
Kaharap ko si Alejandro pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Masyado siyang tahimik at mukhang walang emosyon ang mukha. Ilang sandali pa ay may binigay si ma'am na maliit na papel. Binuksan ko iyon at may isang title na nakalagay.
"LGBTQ"
"Excuse me, ma'am?" Mahinang tawag ko. Nilingon niya at pero yung ulo niya lang kaya nakakatakot. "Ano po ito?" Tanong ko at inayos niya ang paglingon niya.
"This will be your topic in your research paper." Usal niya at agad na tumalikod. Magiging madali 'to dahil parte ako nito. Ngumiti lang ako at nilingon si Alejandro.
'Ganyan ba talaga siya ka boring?!'
"Hoy!" Mahinay tawag ko sakanya. Kunot nuo niya akong tinignan at nag kibitbalikat.
"May pangalan ako." Walang ganang usal niya.
"Apilyedo mo lang kilala ko eh." Usal ko at agad niya akong inirapan.
'Bakla ba siya?!'
"Blaze Alejandro. Kilala muna ako kaya wag mo akong eh hoy." Iritadong usal nito.
"Oh anong gagawin natin? Tutunganga ka lang diyan?" Iritadong usal ko.
"Eh hindi ko alam yung topic, anong gagawin ko?" Usal niya at sumandal sa upuan.
"Ito!" Mahinang sigaw ko sakanya sabay abot sakanya nung papel.
"Bakit parang galit ka diyan?!" Mahinang sigaw niya at inabot yung papel.
"Sige na! Hindi tayo makakapag simula niyan, ang daming mong satsat." Iritadong sagot ko.
'Napakareklamador naman nito. Nakakainis!!'
"Ikaw yung salita ng salita diyan, ako pa yung maingay?" Hindi makapiniwalang usal niya.
"What's happening between you two?" Biglang singit nung ma'am carolina.
"Nothing ma'am" Walang ganang usal ni Blaze perl parang may diin ang salitang yun. Tumango lang ito at agad na bumalik sa pagalalakad. Inantay ko munang makalayo bago ako magsalita baka marinig kaming hindi magka-ayos ng mokong na'to malalagot ako. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makaliko ito ay agad kong binalik ang paningin kay Blaze.
"Hindi ka ba talaga magsisimula? Kasi kung ayaw mo ako nalang--"
"Ikaw ang ilalagay kong prominent people dito." Agad na usal niya.
"Ano yun?!" Takang tanong ko at nag-angat siya ng tingin.
"Tomboy ka diba? Ikaw ang magiging example natin dito para hindi mahirap. Kilala mo rin naman ang sarili mo hindi na kailangan nang background check." Naniniguradong usal niya.
"Bakit ako?! Ayoko!"
"Hindi ilalagay ang buong buhay mo dito. Wag kang assuming." Akala ko parang MMK ang tema nung pagkakasabi niya.
"Paano ba sisimulan yan?" Napapahiyang tanong ko.
'Lintek ang boplaks ko ngayon ah?'
"Let's start from the introduction. Ang ilalagay doon ay patungkol lahat sa LGBTQ Community. Ieexplain mo doon kung ano ang LGBT at kung ano pa ang dapat nilang malaman sa LGBT." Nagpatuloy siya sa pagexplain at agad ko namang nakuha iyon.
Kaya naman pala nasobra sa tahimik dahil matalino. Kung ganyan lang ako ka talino hindi na ako magsasalita buong buhay ko, pero hindi ako matalino eh, kaya dadaldal ako buong buhay ko.
'HAHAHAHAHA'
Agad akong napayuko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Nakikinig ka ba?" Takang tanong niya.
"Pasensya na, may naisip lang na kabobohan. Sige." Sabi ko at sinenyasan siyang magpatuloy.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang englsih time namin kaya agad kaming bumalik sa silid at inantay ang kasunod na magtuturo. Habang naghihintay ay may biglang kumatok kaya umayos kaming lahat sa pag-upo. Agad na bumungad ang isang magandang dilag.
"Good morning everyone!" Masayang usal nito. "Sir. Fazz Lentido won't be here today because of the urgent meeting so, i will be the one who look after you. Wala tayong gagawing activity pero, let's just be quite." Usal niya at umupo sa teachers desk.
Maganda siya pero, pinagbabawalan akong mangligaw ng babae ang unang patakaran ni mama sa bahay. Paano ko ba magagampanan ang pagiging tomboy ko kung hindi ako mangliligaw? Hindi ko alam. Sana nalang pala naging babae nalang ako.
'Tsk! Ayoko!'
Umiling ako at umayos ng upo. Lilingonin ko na sana si Leo kaso may biglang humarang na lalaki. Agad kong nilihis ang paningin ko pero, parang sinadya niyang iharang ang katawan niya.
"Ano ba?!" Galit na tanong ko. "Umalis ka nga diyan!" Mahinang sigaw ko pero hindi parin siya nagpatinag. Tinignan siya mula ulo hanggang paa at napansin kong hindi ito lalake kundi.
BAKLA!
Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako sa mata.
"Ang ganda ng mata mo!" Baklang usal niya. Akmang hahawakan niya ang mukha ko kaya agad kong hinawi ang kamay niya. "Ang harsh mo bakla!"
"Ikaw lang yung bakla! Hindi ako!"
"Ganon na rin yun ano!" Maarteng usal nito sabay kuha sa liptint at maarteng nilagay sa bibig niya. "Halika ka, lagyan kita." Sabi niya at dahan dahang inilapat ang liptint sa bibig ko.
"Ano ba!" Sigaw ko sabay pahid sa liptint sa bibig ko. "Nakakadiri." Nandidiring usal ko at kumunot naman ang nuo niya.
"Beh, ang puti ng labi mo! Lagyan mo na kasi nito para kissable ganern!"
"Wala akong pake! Basta! Ayaw ko niyan, tsaka hindi tayo close, wag kang masyadong feeling diyan." Tugon ko at bumuntong hininga naman siya.
"Bahala ka diyan. Mukha kang patay sa puti ng labi mo." Usal niya at tumayo sabay lumakad na pakembot kembot paalis.
'Mas mukha ka ngang patay sa kapal ng make-up mo! Tss!'
Napakamot ako sa ulo ko. Nanggigil talaga ako sa baklang yun. Kahit saan pa ako pumunta nadoon siya, pero may napapansin din akong kakaiba sakanya napapansin ko kasing may pagkabrusko rin siya minsan.
'Ah basta! Bakla siya! Ayoko ko sakanya!'
"Mukhang galit na galit ka ah?" Biglang usal ni Yuri sabay upo sa tabi ko.
"Eh kasi, yung baklang yun! Dikit ng dikit saakin. Nakakairita na!" Bulalas ko.
"Baka may gusto yun sayo?" Seryosong sambit niya.
"Nababaliw ka na ba?! Bakla yun! Matik ng lalake ang magugustuhan nun! Tss!" Usal ko at lumingon siya.
"Hindi lahat ng bakla ganun, Remedy." Sabi niya at nilagay ang earphone the tenga niya.
'Bakit parang makabuluhan ang dating saakin nun?! Tsk'
Suminghal ako. Agad na tumunog ang bell na senyas ng kasunod na guro na naman. May matipunong lalaking pumasok sa silid, kasabay ng paglagay ng gamit niya sa mesa ay agad na tumayo ang babaeng nakaupo dito at lumakad paalis.
"Magandang umaga sa lahat!" Tumayo kami at sabay-sabay kaming bumati.
"Magandang umaga ginoong." Parang patanong ang pagbating iyon dahil mukhang bagong mukha ang nakatayo sa aming harapan.
"Feirno Trenidad jr. Ang magiging tagapagturo niyo sa larangan ng Filipino. Alam kong bago pa ako sa inyong paningin dahil bago parin ako dito. Ako ang inyong adviser for the whole School Year. Magsi-upo ang lahat." Malawak na ngiti ang bungad niya simula kanina kaya napakaraming babaeng nagpipigil ng kilig simula nung pagdating niya. "May mga itatalaga akong patakaran sa silid na ito." Usal niya't umupo sa mesa. "Una, Ayaw ko ng hindi sumasagot kapag tinatanong. Kapag tinanong ka sumagot ka." Una palang kinabahan na ako.
'Paano pag hindi nakasagot?! Bagsak?!'
Wag naman sana. Agad kong binura iyon sa isip ko at itinuon ang pansin ko sa guro.
"Pangalawa, bawal ang huli sa klase. Alam niyo na naman yun siguro? Pangatlo, strikto kong ipinapatupad ang pagsasalita ng tagalog sa oras ko." Usal niya't umayos ng upo sa mesa.
'Kailan pa naging upuan yan?! Tss?!'
"Pang huli, Dapat maisumite ang proyekto sa itinakdang panahon. No extentions, pero kung may tamang rason sa hindi mo pagsumite ay, maiintindihan ko naman." Tugon niya at tumayo. Agad itong may sinulat sa pisara.
"Proyekto Uno: Gumawa ng tula."
'Buti naman, magagamit ko na ang kakayahan ko.'
"Bukas isusumite ang tulang ito. Malayang pagtutula lamang ito ngunit, kailangan may sukat, walong saknong at walong taludtud. Naiintindihan niyo?"
"Yes sir." Tugon namin at kumonut ang nuo niya.
"Ingles ang iyong sinagot. Nakalimutan niyo na ba ang pangatlong patakaran?" May bahid na galit na usal niya.
"Opo." Usal naming lahat.
"Mabuti." Tatango tangong usal niya. "Ang gagawin natin ngayon ay magbabalik-aral sa mga unang pinag-aralan niyo sa nakaraang baitang. Iisa-isa ko kayong tatanongin." Usal niya at binuksan ang attendance book.
Isa isang tinawag ang pangalan hangga't sa umabot saakin. Tumayo ako. Nang walang ano ano'y...
TING!! TING!! TING!!
TUMUNOG ang bell!! Susunod na subject na. Bumaladra ang malawak na ngiti sa mukha ko.
"Bukas nalang natin ito ipagpapatuloy dahil naubusan tayo ng oras. Ikaw ang mauuna." Usal niya sabay lumabas. Agad ako naupo.
"Ligtas ang mokong HAHAHAHA." Biglang tawa ni leo. Tumawa lang ako. "Tara canteen! Absent yung susunod na lecturer HAHAHAHA." Pag-aaya niya. Tumango lang ako at sumunod.
+ To be continued +
“Good morning Miss Blythe, Miss Elisha.” Bati sa amin ng secretary ni Geordane nang makarating kami dito sa ospital.Pansin ko lang na mas busy ang mga tao ngayon dahil na rin sa napabalitang poison incident sa isang public school dito lang sa Makati at isang vehicular accident dahil sa Road Rage sa kahabaan ng EDSA.Kanina ay nadaanan pa namin ni Elisha yung eskwelahan na iyon at nakaawa tignan yung mga magulang na nagsisigaw sa labas habang yung iba ay nagkukumahog na isakay sa mga ambulansya ang mga nalason at madala sa malalapit na ospital.Nai-kuwento ni Jazteen na agad silang inalerto ni Geordane at nagbaba ng memo na kunin lahat ng batang pasyente at agad na dalhin sa ER para mabigyan ng karampatang lunas sa pagkalason at ma-examine din ang kinain nila na naging sanhi para sumama ang kanilang tiyan.While praying for the kid’s speedy recovery, I am happy to know that he ordered the Board that all the children brought from the poison incident will be treated for free in his hosp
It's already ten in the evening. Only the light from the lampshade made from precious capiz shells pacifies the study room. I'm currently keeping myself busy to divert my mind thinking into something. I need to finish my paperwork because I'll be having an important meeting with an International client on Friday."Argh!"I messed up my hair out of frustration. I'm slowly losing my attention to what I am doing. I'm hungry right now, and I want to eat something cold and sweets. Kumain na ako ng hapunan kanina pero parang hindi ako na-satisfy sa kinain ko. Parang sa pakiramdam ko ay may kulang.I twitched my lips about that thought. Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas-diyes nap ala ng gabi. Mas lalo tuloy akong tinamad na bumaba ng condo para magpunta sa pinakamalapit na convenient store para sa cravings ko.My body has been craving something different to eat ever since I discovered I was pregnant. That sensation of wanting something that can be ordered from a distance or that
The hell with that question!I started feeling uneasy by running my fingers across my hand. Elisha's question caused my heart rate rise dramatically.That memory I already buried down the grave were trying to escape. I was with Elisha that day in Italy for an Art Exhibit. I was cordially invited by the Artist itself and I can’t say no since he was a former client of my company.What happened to me during the event were totally unexpected up until I woke up the next morning , naked with red stained behind the white bed sheet as an evidence that I lost my virginity with the stranger who became my savior and my one night stand vanquisher.“I had this feeling na hindi naman kakilala mo yung kasama mo noong gabing hindi ka bumalik sa hotel natin after mong mawala sa Exhibit. I had a hang-over that morning that I wasn’t able to digest your alibi, B.”"E…" I know how curious Elisha is right now."It’s okay, I understand B. God! If I knew right away what happened to you that night with whoeve
TWO RED LINES.I blinked faster than usual. My heartbeat seems to join the rhythm. Hindi ko matanggal ang aking tingin sa hawak ko. I can feel my hands shaking and sweating.Napapikit ako nang mariin habang pilit na hinahalukay sa aking isipan kung saan nagsimula ang lahat ng ito.Damn! This can't be!I didn't notice a soft knock on the bathroom door from outside. I still couldn't let go of what I was holding, and I suddenly looked up just as the small tears that had been clinging at the corner of my eyes fell."Blythe, ang tagal mo na d'yan. Please come out, kinakabahan na ako sa 'yo!" Oh damn! I almost forgot that my best friend is here.Hindi ko na namalayan ang oras at sa kung ilang minute na ako nalagi rito sa banyo. Ayaw pa rin talaga magsink-in sa utak ang katotohanang pinapakita sa akin ng test kit."Hey! Please say something. Ano, okay ka lang ba d'yan?" Hindi na rin nito nilubayan ang pagkatok sa pintuan ng banyo. "Do I need to call a doctor na ba?"Doon na ako natauhan sa
"When you find real love, you will realize that sex is only a plus and not a priority." This was just supposed to be a normal day for him. As he watched the peaceful sky and the breath-taking view of buildings across the Italian city, his brows align as the pain strike in his head. He massaged his












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews