Share

Kabanata 22

last update publish date: 2026-04-10 22:31:33

Third Person’s POV

Katatapos lang ni Sebastian makipag-deal sa bagong project nang nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid niyang si Arturo.

“Seb, naaksidente ang asawa mo. Maraming dugo ang nawala sa kaniya,” sabi ni Arturo sa kabilang linya.

Umawang ang labi ni Seb. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

“Where is she? I'm on my way.”

“Nadala ko na siya sa ospital. Mabuti na lang nakita ko siya.”

Napamura si Sebastian at mabilis na lumabas ng opisina niya.

Dumiretso siya sa ospital kung
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 20

    Kabanata 20Kimberly's POVTahimik ang buong biyahe pauwi. Walang nagsasalita sa amin ni Cameron.Siya ay nakatutok lang sa pagmamaneho habang ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Paminsan-minsan, palihim ko siyang sinusulyapan.Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Kalmado ang mukha niya, pero seryoso ang tingin sa daan.Hindi ko maintindihan ang lalaking ito.Noong una, akala ko trabaho lang ang lahat.Isang kontrata.Isang kasunduan na matatapos din pagdating ng araw.Pero habang tumatagal, parang lumalampas na siya sa hangganan ng pagiging "professional."Hindi ko siya kailangang utusan para alagaan ako. Hindi ko rin siya kailangang sabihan na magluto o maghintay sa pag-uwi ko. Ginagawa niya ang lahat nang kusa. At iyon ang lalong nagpapagulo sa isip ko.Bakit?Trabaho lang ba talaga ito?O baka...Hindi.Hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa niya.Pagdating namin sa condo, saka ko naramdaman ang bigat ng alak na nainom ko.Biglang kumulo ang sikmura ko.

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 19

    Kabanata 19Kimberly's POVIsa-isang nagsimulang magpaalam ang mga bisita ni Attorney Miguel Reyes.Unti-unting humupa ang ingay sa garden. Nagligpitan na ang catering staff, pinatay ang ilan sa mga ilaw na nakasabit sa mga puno, at nag-empake na rin ang live band ng kanilang mga gamit.Makalipas ang ilang minuto, kaming mga naiwan na lang ang naroon.Si Yumi ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa boyfriend niyang si Marco. Si Alexa naman ay nakikipag-usap pa kay Attorney Reyes tungkol sa isang kasong hawak nila. Si Lyca ay nakaupo sa sofa habang may tinitingnan sa cellphone niya.Ako lang ang kusang lumayo.Umupo ako sa isang bakanteng mesa sa dulo ng garden. Gusto ko lang ng kaunting katahimikan. Pero kahit anong pilit kong umiwas, kusa pa ring napupunta ang tingin ko kay Cameron.Napapalibutan siya ng mga abogado mula sa firm. Madali siyang makisama. Paminsan-minsan ay tumatawa siya sa mga biro nila, at halatang komportable ang lahat sa presensiya niya.Kung hindi ko siya kilala, iisip

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 18

    Kabanata 18 Kimberly's POV Nakatayo si Cameron ilang metro lang ang layo sa akin. Nakasuot siya ng itim na suit at puting long sleeves. Wala siyang kurbata, pero hindi iyon nakabawas sa dating niya. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya, at gaya ng dati, kalmado lang ang ekspresyon sa mukha niya. Bahagya pa siyang nakangiti habang kausap si Attorney Miguel Reyes. Parang wala lang sa kaniya ang lahat. Samantalang ako... Pakiramdam ko, tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kaniya bago ako natauhan sa boses ni Yumi. "Kim?" Napakurap ako. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. "Nabitawan mo 'yong wine glass." "Ha?" Doon ko lang napansin ang mga bubog sa paanan ko. "A-Ah... okay lang ako." Yumuko ako para pulutin ang mga basag na salamin. "Kim, don't," pigil ni Alexa. Pero huli na. Hindi ko nakita ang isang matulis na piraso ng bubog. "Aray!" Napabitaw ako. Agad kong hinawakan ang d

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 17

    Kabanata 17 Kimberly's POV Halos lahat ng kilalang pangalan sa legal industry ay nasa birthday celebration ni Attorney Miguel Reyes. Hindi na iyon nakapagtataka. Isa siya sa pinakamaimpluwensiyang abogado sa bansa. Ang law firm niya ang pinapangarap pasukan ng maraming bagong abogado, at karamihan sa mga kliyente niya ay mga negosyante, pulitiko, at sikat na personalidad. Kaya ang simpleng birthday party niya ay mistulang isang engrandeng social event. Ginaganap ang selebrasyon sa malawak na garden ng isang luxury hotel. Napapalibutan ng ilaw ang buong lugar, may live band sa gitna, at hindi nauubos ang pagkain at inumin sa buffet. Nakatayo ako sa isang sulok kasama ang mga kaibigan ko sa firm. May hawak akong baso ng wine habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nagsasayawan. Simple lang ang suot ko. Isang black dress na hanggang tuhod, pares ng heels, at kaunting make-up. Hindi talaga ako mahilig sa magagarang kasuotan. Mas gusto ko ang komportable at malinis tingnan. P

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 16

    Kabanata 16 Kimberly's POV Hindi ako makasagot. Pinagmasdan ko lamang siya. "Are you okay, Kim? You look like you've seen a ghost." "Galing ka saan?" tanong ko. Nakakunot na ang noo ko para hindi niya mapansing masaya ako sa pagbalik niya. "Bakit ka hinihingal?" "Tumakbo ako," sabi niya. "Mula sa parking lot hanggang dito. Kasi alam kong naghihintay ka." Pumasok siya sa loob at isinara ang p***o. Lumapit siya sa akin. Inabot niya ang bulaklak. "Para sa iyo," sabi niya. Kinuha ko ang bulaklak. Tiningnan ko ang mga rosas. Pula ang mga ito. Mabango. Maganda. "Bakit may bulaklak?" tanong ko. "Kasi gusto kita pasayahin," sabi niya. "At alam kong malungkot ka ngayon kasi ilang araw kitang iniwan dito." "Hindi ako malungkot," sabi ko. "Kim, limang araw akong nawala. Alam kong na-miss mo ako." "Hindi nga kita na-miss." "Sure ka?" "Oo." "Bakit tumawag ka ng sampung beses?" Natigilan ako. "Binabayaran kita, Cameron," depensa ko. "Hindi ko kayang masayang ang binayad ko." "Ah,

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 15

    Kabanata 15 Kimberly's POV Tumagal ako sa harap ng bintana ng condo. Tinitigan ko ang mga ilaw ng mga gusali sa labas. Ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Ang mga taong naglalakad sa bangketa. Ilang araw na siyang hindi umuuwi. Limang araw na walang Cameron sa condo. Limang araw na akong mag-isa sa kama. Limang araw na akong kumakain mag-isa. Limang araw na akong walang kausap. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang tagal ng limang araw na iyon. Parang limang linggo. Parang limang buwan. Sinubukan kong tawagan siya. Ilang beses. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka naghanap na ang kumag ng ibang kliyente. Nakapagbayad na ako ng advanced sa kanya para sa susunod na limang session namin. Malaking halaga iyon. Hindi ko kayang masayang lang. Kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang tawag ko sa kanya. Sampung beses. Sampung beses ko siyang tinawagan sa loob ng limang araw. Walang sagot. Walang text. Walang kahit anong paramdam. "Bakit ka ba kasi nagpa-advance

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 34

    Chase’s POVBuong araw akong tutok sa computer at sa trabaho. Sunod-sunod ang mga dokumentong kailangang pirmahan, mga kontratang kailangang repasuhin, at mga tawag na hindi ko sinasagot. Ayokong may kausap. Ayokong may istorbo.Kaya nang bumukas ang pinto ng opisina ko, agad akong nainis.Mas lalo

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 32

    Kiara’s POVIsang linggo na mula nang huli kong makita si Uncle Chase. Isang linggo ring parang may kulang sa loob ng bahay. Tahimik. Masyadong tahimik. Walang yabag ng sapatos niya sa umaga, walang tunog ng pagbukas ng pinto sa gabi, walang presensiyang sanay na sanay na akong maramdaman kahit hin

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 26

    Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 29

    Kiara’s POVNapasigaw ako sa gulat nang biglang may bumangga sa akin.Hindi ko namalayang napaatras ako at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi ako agad nasalo ni Clyde. Napakapit ako sa kanya nang kusa. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa baywang ko habang pinipigilan niya akong tuluyang matu

    last updateLast Updated : 2026-03-22
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status