LOGINMaagang nagising ang buong campus ng Bulacan State University. Hindi dahil may exam, hindi rin dahil may surprise quiz kundi dahil dumating na ang pinakahihintay ng lahat.Buwan ng Wika.Mula pa lamang sa main gate ay makikita na ang makukulay na banderitas na nakasabit sa magkabilang gilid ng daan. May mga estudyanteng nakasuot ng barong Tagalog, Filipiñana, Maria Clara, at iba't ibang modernong kasuotang Pilipino. Sa quadrangle ay naroon ang malalaking booth ng bawat kolehiyo, may mga eksibit tungkol sa kasaysayan, panitikan, kultura, at mga katutubong sining.Masigla ang paligid may tumutugtog ng kundiman sa entablado, may grupo ng mga estudyanteng nagpa-practice ng tinikling, may mga guro ring nakangiti habang kinukuhanan ng litrato ang kanilang mga estudyante.Halos buong unibersidad ay tila naging isang malaking piyesta at sa gitna ng lahat ng iyon... abalang-abala si Maeve."Check natin ulit ang registration table!""Okay na po!""Nasaan 'yung certificates?""Nasa backstage na!
CHAPTER 18 : Ang Unang Pag-amin sa SariliMadilim pa ang buong unit nang dahan-dahang dumilat si Keiv. Hindi niya agad naaninag ang kisame. Hindi rin niya agad naalala kung bakit mabigat ang ulo niya.Napapikit siya sandali.Kasunod noon ay ang bahagyang kirot sa sentido."...Beer."Mahina niyang bulong at unti-unti niyang naalala ang nangyari kagabi ang ginataang pakbet, ang mahabang kuwentuhan, ang refrigerator niyang puro tubig ang laman at ang dalawang lata ng beer.Napabuntong-hininga siya."Ang hina mo talaga..." Mahina niyang pinagtawanan ang sarili.Susubukan sana niyang bumangon nang may maramdaman siyang kakaibang bigat sa gilid ng kama. Napalingon siya at doon siya tuluyang natigilan dahil nakita niyang mahimbing na natutulog si Maeve.Bahagyang nakatagilid ang dalaga habang yakap ang isang maliit na throw pillow. Magulo ang ilang hibla ng buhok nito na tumatakip sa noo. Ang isang kamay nito ay nakalaylay sa gilid ng kama habang ang mahina at pantay nitong paghinga lamang a
Isang Mangkok ng Ginataang PakbetTahimik ang buong condominium nang gabing iyon.Matapos ang mahabang araw ng paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isa-isang nagsiuwian ang mga estudyante. Ang dating maingay na hallway ay napalitan ng mahinang tunog ng air conditioner at paminsan-minsang yabag ng mga umuuwi pang residente.Pagkapasok ni Maeve sa unit ay agad niyang napansin ang isang puting papel na nakasingit sa ilalim ng pinto.Napakunot-noo siya."Ano 'to?"Pinulot niya iyon at binasa.NOTICEMahal naming mga residente, humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot ng pansamantalang pagsasama ng ilang tenants sa iisang unit. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin pong available na bakanteng unit. Humihiling po kami ng kaunting pang-unawa at pasensya habang inaayos namin ang sitwasyon. Maraming salamat po.— ManagementNapabuntong-hininga si Maeve. "So... matatagalan pa pala." Napakamot siya sa ulo. "Hay naku..."Pagkatapos ay maingat niyang isinabit ang n
Hindi naging ordinaryo ang umagang iyon sa Bulacan State University.Maaga pa lamang ay usap-usapan na ng halos buong campus ang balitang may isang bagong transfer student na darating. Hindi iyon karaniwan, lalo na't nasa kalagitnaan na sila ng semestre. Kadalasan, sa simula lamang ng school year tumatanggap ng mga bagong estudyante ang unibersidad. Kaya naman maging ang mga professor ay nagtataka."Late enrollee raw.""May special approval mula sa university president.""Baka anak ng politician.""O baka foreign student?"Iba-iba ang lumilipad na haka-haka.Samantala, abala naman sina Maeve at Keiv sa pag-aayos ng mga dekorasyon para sa nalalapit na Buwan ng Wika. Dahil pareho silang committee heads, halos araw-araw na silang magkasama sa iba't ibang gawain. Ngunit matapos ang nangyari nitong mga nakaraang araw, hindi pa rin ganap na bumabalik sa dati ang pakikitungo nila sa isa't isa.Mas maayos na, mas komportable ngunit pareho pa ring nag-iingat. Paminsan-minsan ay nagkakatitigan
Cevin Klein SpenserMay isang kasabihang madalas niyang marinig sa mundo ng negosyo. "Hindi bumabagsak ang mga imperyo sa isang araw." Unti-unti itong kinakain mula sa loob at sa unang pagkakataon matapos ang halos tatlumpung taon niyang pamumuno...Pakiramdam ni Cevin Klein Spenser ay may isang taong unti-unting kumakain sa pundasyon ng kanilang imperyo.Alas-sais pa lamang ng umaga ngunit gising na ang buong Spenser Global Holdings Tower sa Makati. Isa-isa nang dumarating ang mga executive may mga abogado, may mga financial analysts, may mga investor, may mga foreign delegates ngunit walang nagsasalita.Tahimik, masyadong tahimik.Iyon ang katahimikang ayaw marinig ni Cevin dahil sa negosyo kapag tahimik ang boardroom ay may malaking problema, dahan-dahang bumukas ang pinto."Good morning, Sir."Bumati ang executive secretary."Everyone is waiting."Tumango lamang si Cevin bago marahang pumasok sa conference room, agad nagsitayuan ang lahat ng makapasok siya."Good morning, Chairman
Maagang nagsimula ang unang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Bulacan State University. Makulay ang buong campus. Halos bawat gusali ay may nakasabit na banderitas, mga bandilang Pilipino, at mga dekorasyong yari sa kawayan, banig, at papel na may disenyong baybayin. Ang mga estudyante ay nakasuot ng iba't ibang kasuotang Pilipino—barong, Filipiniana, Maria Clara, at modernong Filipiniana-inspired outfits. Masigla ang paligid, ngunit may isang taong tila hindi maramdaman ang kasiyahan ng lahat.Si Maeve.Habang nakaupo siya sa gitna ng audience sa opening ceremony, paulit-ulit lamang bumabalik sa isip niya ang eksenang nakita niya sa Activity Room.Si Vanessa na nakayakap kay Keiv at ang sandaling tila hahalikan nito ang binata. Hindi niya nakita ang buong pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang nauna. Hindi rin niya alam kung ano ang sumunod ang alam lamang niya... ay iyon ang unang larawang tumatak sa isip niya.Ilang beses siyang tinawag ng emcee para sabayan ang pambansang







