LOGINUpang basagin ang tensyon, nagtanong siya..
"Ano po ang mga libangan ninyo Mr. Valderama?" "Making money." direktang sagot nito. "?" natitigilan si Elara sandali bago ngumiti at sinabing.. "Me too, Gusto ko rin pong kumita ng pera." ""I love the hustle. Nakaka-satisfy 'yung feeling na ang dami mong natatapos at the same time, lumalago ang income mo."" dagdag ni Aless "Same here." sagot naman ni Elara. “ Aside from making money, I also love spending it on others." makahulugang sabi nito sabay titig kay Elara. Nagtaas ng kilay si Elara, nararamdaman niya ang nakatagong kahulugan sa mga salita nito. Naningkit ang kanyang mga mata. Tinitigan siya ni Aless gamit ang kanyang malalim at itim na mga mata at nagpatuloy.. "Kung pakakasalan mo ako, bibigyan kita ng isang 1,200 square-meter na villa sa isang prime location, isang Porsche na kulay Ice Berry Pink, a housekeeper, at hindi mo na kailangang gumawa ng gawaing bahay. Bukod pa riyan, bibigyan kita ng 200,000 pesos bilang pocket money buwan-buwan." Sa mundo ng mga hayop, ang mga lalaki ay umaakit ng babae sa pamamagitan ng pag-awit, pagpapakita ng makukulay na balahibo, o pagsasayaw. Sa madaling salita, ganoon din ang ginagawa ni Aless. Ipinapakita niya ang kanyang lakas at kaya niya sa status nito sa buhay. Gusto niyang pakasalan siya ng babae. At hindi niya hahayaang maghirap ito kasama niya. Bukod dito, sa yaman niya, kaya niyang ibigay ang komportableng buhay para sa kanyang magiging kabiyak. Siyempre, mayroon din siyang mga kondisyon. Sa isang banda, ang kanyang mga hiling ay hindi madaling tanggapin ng karaniwang babae. Dahil pumunta siya sa blind date, naroon si Aless na may intensyong magpakasal. Ang kasal ay nangangahulugang dalawang tao ang magsasama. Sa paglipas ng panahon, lalabas ang tunay na ugali ng bawat isa. Ayaw niyang manloko ng babae, ayaw niyang maging sobrang mapusok bago ang kasal at pagkatapos ay babalewalain lang ang asawa. Gusto niyang pag-usapan ang lahat nang malinaw, irespeto ang kanyang partner, at bigyan ito ng karapatang pumili. “ I’m very busy with work, often traveling overseas for business. My schedule doesn't really allow me to spend quality time with a partner. Ang ideal marriage para sa akin ay 'yung may respeto tayo sa isa't isa but we mind our own business…” tinitigan niya muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Ms. Elara, are you okay with that?" “ Stone cold “ bulong ni Elara sa kanyang isip habang nakatingin dito. Hindi akalain na ganito ito kadiretso. May mga taong nagpapanic kapag hindi nakatanggap ng reply sa loob ng limang minuto, habang ang iba naman ay kampante lang kahit bukas pa sumagot. May mga gustong laging may tugon sa lahat ng bagay para makaramdam ng seguridad, habang ang iba ay mas pinapahalagahan ang kanilang kalayaan. Walang mali sa paghahanap ng atensyon, pero ang pinakamagandang solusyon ay humanap ng taong kapareho mo ng pangangailangan para walang nasasakal. Ang mga taong "high demand" ay dapat sa kapwa nila "high demand," at ang mga "low demand" ay para sa kapwa nila "low demand." Tiningnan ni Elara si Aless bago nagsalita. "Mr. Valderama, iyan din po ang ideal kong kasal." sagot ni Elara pagkatpos ang isang mahabang katahimikan. Dahil lumaki sa mataas na lipunan, alam niya ang mga hindi nakasulat na panuntunan ng kasalan sa mayayamang pamilya. Kaya maagap siyang nagtanong, "Do we need to sign a prenuptial agreement?" "Yes, we have too" sagot ni Aless. Hindi tutol si Elara sa pagpirma ng prenuptial agreement. Hindi naman siya nakatulong sa pag-iipon ng yaman ni Aless bago sila magkita. Para sa kanya, isang biyaya na kung bibigyan siya nito ng pera, at karapatan din nito kung hindi. Ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Aless, at wala pa silang malalim na ugnayan. Bukod dito, para sa isang pamilyang may katayuan tulad ng mga Valderama, ang pera ay hindi sinusukat sa libo-libo kundi sa daan-daang milyon. Ang imperyong pinaghirapan ng maraming henerasyon ay natural lamang na protektahan nila. Inisip ni Elara na kung siya ang nasa kalagayan nito at mayroon siyang dambuhalang kayamanan bago ikasal, tiyak na hihilingin din niyang pumirma ng prenuptial agreement. “ Ms. Castillo, can you live with these terms??" tanong ni Aless Ngumiti nang bahagya si Elara at sinabing.. "Why not?" Ngumiti rin si Aless.. "I think we suit each other Miss Castillo. Pinipilit na ako ng pamilya ko na magpakasal. Kahit ngayong araw pwede tayong magpakasal." Natigilan si Elara. Hindi niya inaasahan na ganun kabilis magdesisyon si Aless. "Ngayong araw? pakakasalan niya ako ngayong araw?" sigaw na utak niya habang kumukurap kurap. “ If that is possible, then, It’s ok with me..” may pagdududang sabi niya. “ I just need some important information about you so I can prepare the papers, any ID's? "Ow, OK" Nagmamadaling hinalughog ni Elara ang kanyang bag hanggang sa makuha niya ang kanyang ID. “ Here " sabay bigay niya ng kanyang pasaporte. " Perfect!, let's go!" Kunot ang noong sumunod si Elara, hindi alam kung saan sila pupunta.. Pupunta na kame para magpakasal? nang nakapula ako? puno ang tanong ng utak niya habang sumusunod sa likod ni Aless."Noong pumanaw ang ina nina Elara at Deo, may iniwan itong mga alaala na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin.""Anong alaala?" interesadong tanong ni Danica."Mula noong ipanganak sina Elara at Deo, ang nanay nila ay palaging nagrerekord ng video kasama sila tuwing kaarawan nila nang walang patid. Ang mga video na 'yon ay nasa tabi ko ngayon, at sigurado akong gagawin ni Elara ang lahat makuha lang 'yon."Naintindihan agad ni Danica ang plano ng ina."Wala na ang nanay nila at hindi na nila ito makikita sa totoong buhay. Ang makita ang mukha at marinig ang boses ng nanay nila sa video ang tanging paraan para maalala ito. Siguradong magkakandarapa si Elara para makuha 'yan!"Mabilis na naghalungkat ng mga drawer at cabinet
Ang sandaling mabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng ina nina Elara at Deo, ang buong sala ay biglang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan.Ang paksang ito ay parang isang high-voltage wire, isang maling hawak lang ay siguradong sasabog ang lahat, kaya naman urong ang dila ng lahat. Si Olivia, na karaniwang napakatulis ng bibig, ay hindi nanganahas na magsalita ngayon. Maging si Danica ay maingat na nagmamasid sa reaksyon ni Herardo.Si Herardo na madalas magmataas at umasta na parang hari ay nanatiling tahimik at hindi makakibo, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkakasala.Tiningnan sila ni Elara at isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para lang siyang nanonood ng mga payaso na nagkakandarapa sa pag-arte sa loob ng isang sirko.Isang katulo
"Papa, nagdudugo ang kamay mo!" sigaw ni Danica.Tinitigan niya si Elara nang may nanlilisik na mga mata. "Bakit wala ka man lang reaksyon?!""Hindi naman ako ang nasugatan, bakit ako magkakaroon ng reaksyon?" sagot ni Elara.Natigilan si Danica ng tatlong segundo, bago sumigaw nang mas malakas. "Galit na galit si Papa dahil sa'yo kaya niya nabasag ang tasa, at sa tingin mo pa rin wala kang kasalanan? Napakawalang utang na loob mo! Dapat kang mahiya sa mga ginagawa mo!"Malamig namang sumagot si Elara. "Bilisan mo na lang maghanap ng band-aid para sa papa mo. Kung magpapatumpik-tumpik ka pa ng isang segundo, baka maghilom na ang sugat sa bagal mo."Mabilis na tumalikod si Danica para maghanap ng band-aid. Ang sandaling hinila niya ang drawer at kinuha ang band-aid, bigla niyang napagtanto kung bakit sunod-sunod siya sa mga utos ni Elara.Ang kasalukuyang Elara ay napakaganda, at may napakalakas na awra. Ang bawat kilos nito ay nagpapakita ng isang marangal na antas ng pagkatao, na n
"Nakita ko lang sa fashion week ang Hermès na bistidang suot mo. Hindi pa 'yan inilalabas dito sa bansa natin, ah. Paano mo 'yan nakuha ngayon?" naiinggit na tanong ni Danica."Dahil mayroon akong mabuting asawa na lumipad pa papuntang Europa para lang bilhan ako ng mga damit. Huwag ka nang mainggit. Ang mga mararangyang haute couture na damit na nagkakahalaga ng daan-daang libo, mayroon akong sampung closet niyan sa bahay. Pang-araw-araw ko lang 'tong suot."Hindi man lang mapangarap ni Danica ang ganoong karangyaan kaya sumagot ito.. "Nagyayabang ka lang naman, eh.""Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa mga taong makitid ang utak. Nirerespeto ko ang bawat palaka na nakatira sa loob ng balon, pero tuwing nirerespeto ko sila, binubuhusan ko ng kumukulong tubig ang balon nila."Nanatiling kalmado si Elara habang naglalakad patungo sa hapag-kainan, bago direktang naupo sa pinaka-ulo ng lamesa, ang upuan para sa pinuno ng bahay. Sa kanyang pulang bistida at marangyang kilos, mukhan
"Sa Tahanan natin."Dahan-dahang inulit ni Elara ang mga salitang ito sa kanyang sarili, habang ang walang laman at malamig na bahagi ng kanyang puso ay tila biglang napuno ng init.Ang salitang "Tahanan" para sa kanya noon ay parang isang malayong pangarap, napakaganda, napakahamog, ngunit hinding-hindi maabot.Ngunit ngayon... sa tahanan natin.Ang tahanan niya at ni Aless.Sa hinaharap, magkakaroon sila ng sariling anak. Kasama ang asawa at ang bubuuing pamilya, unti-unting lalaki ang kanilang maliit na mundo. Isang ama, isang ina, isang anak, at isang mapayapang tahanan.Sa pag-iisip pa lang sa eksenang ito, pakiramdam ni Elara ay biglang nasikatan ng araw ang kanyang puso, napakamaginhawa at napakainit.Nakatayo siya sa may pinto ng sala, pinapanood ang papaalis na kotse ng asawa hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin, ngunit matagal pa bago siya nakalingon pabalik.Humampas ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ni Elara, dahilan para sumayaw ang kanyang mahaba
"Sa Tahanan natin."Dahan-dahang inulit ni Elara ang mga salitang ito sa kanyang sarili, habang ang walang laman at malamig na bahagi ng kanyang puso ay tila biglang napuno ng init.Ang salitang "Tahanan" para sa kanya noon ay parang isang malayong pangarap, napakaganda, napakahamog, ngunit hinding-hindi maabot.Ngunit ngayon... sa tahanan natin.Ang tahanan niya at ni Aless.Sa hinaharap, magkakaroon sila ng sariling anak. Kasama ang asawa at ang bubuuing pamilya, unti-unting lalaki ang kanilang maliit na mundo. Isang ama, isang ina, isang anak, at isang mapayapang tahanan.Sa pag-iisip pa lang sa eksenang ito, pakiramdam ni Elara ay biglang nasikatan ng araw ang kanyang puso, napakamaginhawa at napakainit.Nakatayo siya sa may pinto ng sala, pinapanood ang papaalis na kotse ng asawa hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin, ngunit matagal pa bago siya nakalingon pabalik.Humampas ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ni Elara, dahilan para sumayaw ang kanyang mahaba
Sa unang gabi ng kanyang kasal, dinalaw si Elara ng isang mapusok na panaginip.Muli niyang binalikan ang gabing iyon isang taon na ang nakalipas, isang gabing puno ng pagkasabik at kawalan ng malay. Sa kanyang panaginip, ramdam niya ang bigat ng mga kamay ng lalaki na nakatukod sa magkabilang gili
Parang masyadong malamig ang sagot na iyon, kaya dinagdagan niya… "Hihintayin ko ang pagbabalik mo."Pagkatapos niyang sabihin iyon, namula ang kanyang mukha, para siyang isang batang asawa na sabik na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang minamahal. Kasabay nito, umalingawngaw sa isip niya ang "ideal
Naging mabilis at swabe ang kanilang civil wedding. Hindi akalain ni Elara na kayang ayusin ni Aless ang lahat ng legal na papeles sa loob lamang ng ilang oras, patunay ng impluwensya at kapangyarihan ng lalaki.“Congratulations, Mr. Valderama, and to your beautiful wife!” masiglang bati ng judge n
Ngumiti si Elara nang matamis habang naglalakad patungo sa kanya. Ang kanyang mapupulang labi ay nagpakita ng alindog na sadyang nakakabighani, habang ang kanyang itim at kulot na buhok ay dahan-dahang sumasabay sa bawat hakbang niya. Hapit ang pulang damit sa kanyang balingkinitang baywang, at an







