LOGINWala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.
Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.
Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.
Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.
Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.
“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”
Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabilang side no’n ay naroon ang sakayan ng jeep papuntang dorm nila. Isang tawid na lang at konting tiis ay makakauwi na siya.
Huminga siya nang malalim at humakbang papunta sa gilid ng kalsada.
Patawid na sana siya nang may narinig siyang sunod-sunod na sigaw.
“Miss! Miss! Sandali lang!”
Automatic na lumingon ang ulo niya. Reflex na ‘yon sa kahit sinong makakarinig ng ganoong pagatawag. Kahit pagod ay buhay na buhay ang radar niya sa chismis.
Hinagilap ng mga mata niya ang pinanggalingan ng boses.
May isang lalaking nakasuot ng long sleeves at slacks, tila hindi sanay tumakbo sa ganitong init, ang patakbong papalapit sa pedestrian lane kung saan siya nakatayo. Hinihingal at pawis na pawis. Halatang galing sa maayos na lugar at hindi sanay sa kalye.
Napalingon siya sa mga tao sa paligid.
Walang pumapansin sa lalaking tinitingnan niya ngayon kaya mas lalo siyang nagtaka.
Parang siya lang ang tinatawag.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ako ‘yon,” bulong niya sa sarili at muling humakbang.
“Teka lang, Miss!”
Napahinto siya.
Agad kumunot ang noo niya.
Ano bang trip nito? Bakit hindi na lang sabihin ang pangalan ng tinatawag? Ang daming babae rito. Miss nang miss.
Pero mas lalong kumunot ang noo niya nang mapansin na diretso ang tingin nito sa kaniya.
Sa kaniya.
Hindi sa ibang babae.
Sa kaniya lang talaga ito nakatingin.
Tinitigan niya ito nang mabuti at pinagmasdan ang mukha. Baka customer niya ito dati. Baka nakalimot magbayad. Baka may utang. O baka inalok niya ito noon at ngayon lang gustong bumili. O baka may utang nga at gusto ng magbayad ngayon.
Hay sana nga, bulong niya sa sarili. Kahit dalawang daan lang ay okay na siya.
“Ako ba ang tinatawag mo?” tanong niya, medyo pabulong. Baka assuming lang siya at mapahiya pa.
Sa wakas ay nakalapit ang lalaki. Yumuko ito sandali, hawak ang tuhod at pilit hinahabol ang hininga.
“Ikaw nga,” sagot nito sa pagitan ng hingal. “Ang bilis mong maglakad, grabe.”
Napairap siya.
Eh ikaw ba naman maholdap sa gitna ng araw, hindi ka ba magmamadali? Kahit bente lang ‘yon, pamasahe na rin niya ‘yon.
“Sino ka ba?” tanong niya sa lalaki at diretso ang tingin. Hindi siya ngumiti. Hindi siya nagpaka-friendly. “Ano bang kailangan mo sa’kin?”
Inayos niya ang pagkakahawak sa bag niya. Inipit sa ilalim ng braso. Kung part two ito ng hold-up, ready na siya. Kahit payong na lang ang armas niya.
Saglit siyang pinagmasdan ng lalaki. Parang may sinusukat.
“Pwede bang malaman ang pangalan mo?”
Natigilan siya at mas lalo siyang naintriga. Bakit naman nito gustong malaman ang pangalan niya? Hindi nga niya ito kilala. Hindi rin mukhang agent ng vitamins.
“Sabog ka ba?” diretso niyang sagot. “Hoy, kung nakabili ka man sa’kin dati ng vitamins, legit ‘yon, okay? May suppliers ako galing abroad. Kahit ireklamo mo pa ‘ko sa FDA—”
“Miss,” mabilis na sabat nito, medyo napangiti sa litanya niya, “may nagpapatanong lang kasi.”
May dinukot ito mula sa bulsa ng slacks niya. Isang calling card at iniabot sa kaniya.
“Pinapatanong ng boss ko ang pangalan mo. Pinapabigay niya nga ‘to sa’yo.”
Napatitig siya sa maliit na parang ID.
Calling card?
Ano’ng gagawin niya rito? Pwede ba ‘to ipambayad sa jeep? Pwede ba ‘to isanla?
“Anong gagawin ko sa calling card ng boss mo?” aniya habang tinatanggap iyon. “Pwede bang masangla sa pawnshop ‘to?”
Pero kahit nagbibiro siya, binasa niya pa rin ang pangalan.
Alexander Montalban.
Sandaling tumigil ang utak niya.
Montalban.
Pamilyar. Parang narinig na niya sa balita. Sa mga tarpulin. Sa mga sponsorship sa events.
“Montalban?” mahina niyang ulit. “Ito ba ‘yong anak ni Mayor Montalban?”
Bahagyang tumango ang lalaki.
“Oo. Kaya tawagan mo na lang ang boss ko—”
Pero agad siyang umiling.
Hindi pa man ito tapos magsalita.
“Siguro babaero ‘yang boss mo,” sabi niya, taas-noo kahit pawisan at magulo ang buhok. “Sa ganda ko ba namang ‘to, alam kong naakit siya.”
Hindi niya rin alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na ‘yon. Baka dala ng gutom. Baka dala ng galit. Baka defense mechanism.
Saglit na natulala ang lalaki.
Parang hindi sanay na may sumasagot nang ganito sa kaniya.
“Maiwan na nga kita,” dagdag niya. “Tatawid na ‘ko.”
At hindi na siya naghintay ng sagot.
~
“WHAT?”
Umalingawngaw ang boses ni Alex sa buong executive floor.
Napahinto ang dalawang empleyadong nag-uusap sa labas ng glass office niya. Maging ang sekretarya sa reception ay napatingin sa loob. Hindi siya madalas magtaas ng boses.
At kapag ginawa niya iyon ay may mabigat na dahilan.
Nakatayo siya sa likod ng malawak niyang mesa, nakadiin ang dalawang palad sa makintab na kahoy. Naninigas ang panga niya, halatang pinipigilan ang inis.
Sa harap niya, halos hindi na alam ni Brian kung saan titingin.
“You’re telling me,” madiing sabi niya kay Brian, kontrolado na ang tono pero mas nakakatakot, “you ran after her and you came back without her name?”
Napakamot si Brian sa ulo. “Sir, sinubukan ko naman po—”
“Her name, Brian.” Diretso ang tingin niya. “That was the only thing I asked from you.”
“Nako, Sir, ako pa nga ang napagkamalan. Akala niya isusumbong ko raw siya sa FDA. Nag-explain pa siya tungkol sa vitamins niya.”
Bahagyang nag-angat siya ng kilay.
“FDA?”
“Yes, Sir. Vitamins daw po ang binebenta niya.”
Sandaling natahimik ang silid.
Unti-unting tumuwid siya at tumalikod. Naglakad siya patungo sa malawak na salamin kung saan tanaw ang kalsadang kanina lang ay pinangyarihan ng eksena.
Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.
Sa isip niya ay malinaw pa rin ang imahe ng babae.
Magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mukha. Pawisan pa nga ito pero lumaban at nakipag-agawan pa rin sa bag nito.
“Do you know,” tahimik niyang sabi habang nakatingin sa labas, “what most people do when they hear my last name?”
Hindi sumagot si Brian.
“They adjust,” dugtong niya. “They change their tone. Their posture and their intentions.”
Unti-unti siyang lumingon paharap.
“But she didn’t.”
Nanatiling tahimik si Brian.
“She looked at my calling card,” patuloy niya habang inaalala ang mga sinabi ni Brian sa kaniya kung anong ginawa ng babae, “and asked if she could pawn it.” Halos mapaubo si Brian pero pinigilan ang sarili. “She assumed I was a womanizer,” dagdag pa niya, at sa pagkakataong iyon ay may bahagyang pag-angat sa sulok ng labi niya. “I haven’t met someone in a long time who spoke to me without calculating what they could gain.”
Lumakad siya pabalik sa mesa at dinampot ang baso ng tubig. Uminom siya nang dahan-dahan, parang iniisip ang bawat detalye.
“I watched her fight over twenty pesos,” sabi niya. “Not because it was a large amount. But because it was her own money.” Ibinalik niya ang baso sa mesa. “That kind of instinct… is rare, Brian.”
Nagkibit-balikat si Brian. “Sir, baka naman po—”
“I don’t care if she sells vitamins,” pagputol niya. “I don’t care if she misunderstood you. And I certainly don’t care if she insulted me.” Tumingin siya nang diretso kay Brian. “What I care about is that she didn’t flinch.”
Ramdam ang bigat ng bawat salita niya.
“Find her.”
Natigilan si Brian. “Sir, tapos po?”
Dinampot ang isa pang calling card at ini-slide iyon sa ibabaw ng mesa.
“You will offer her a job.”
Napakurap si Brian. “Job? Dito po sa kumpanya?”
“Excatly, alangan naman sa kumpanya mo diba. Wala ka naman no’n.”
“Anong position, Sir?”
“I don’t care,” kalmadong sagot niya. “Reception. Marketing. Sales. Give her something that keeps her in this building.”
Sandaling katahimikan.
“Sir, paano po kung tumanggi ulit?”
Sa pagkakataong iyon, malinaw ang ngiti niya.
“Then we make a better offer.” Sumandal siya nang bahagya sa mesa, nakapamulsa ulit. “No one walks away from opportunity twice, Brian. And if she does, then she becomes even more interesting.”
Pagkagising ni Joy ay parang may martilyong pumupukpok sa sentido niya. Napapikit pa siya sandali bago tuluyang dumilat. Bumungad agad sa kaniya ang maingay na tawanan, kaluskos ng zipper, at pagkaladkad ng malalaking maleta sa sahig ng dorm.“Hoy, akin ‘yan! Huwag mong isama sa’yo!” sigaw ng isa.“Regine, nasaan ‘yong charger ko?!” dagdag ng isa pa.Umikot ang paningin niya sa kisame bago siya napaupo. Sumakit lalo ang ulo niya sa biglang paggalaw. Ramdam pa niya ang pagkahilo at tuyong lalamunan, malinaw na epekto ng alak kagabi. Hindi niya na nga maalala kung pang-ilang shot ang huli niyang nainom.Napahawak siya sa sentido habang pilit iniintindi ang nangyayari.Unti-unti siyang tumingin sa paligid. Ang dati nilang masikip pero masayang dorm ay parang ibang lugar na. Nasa gilid na ang mga maleta. May mga kahon na nakabukas. May mga damit na nakaayos na sa loob ng luggage. May iba namang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin.At si Regine, nakaupo sa gilid ng kama, maing
“Kanina pa ba kayo?” tanong ni Joy nang tuluyan siyang makalapit sa mesa ng mga kaklase niya.Halos matabunan ang boses niya ng malakas na tugtog ng bar. Kumakalampag ang bass sa dibdib niya. Makukulay ang ilaw, pula, asul at violet na paikot-ikot sa kisame. May amoy ng alak, yosi, pabango, at pawis na nagsasama-sama sa hangin.Sa isang sulok ng bar, nandoon ang mga taong apat na taon niyang nakasama sa dorm. Apat na taon ng iyakan at tawanan, sabay-sabay na breakdown at sabay-sabay na puyat.“Yes, April Joy, kanina pa talaga kami!” sabay-sabay nilang sagot sa kaniya sabay hampas sa mesa.May mga bote na ng Red Horse sa mesa. May ilang platong pulutan na kalahati na lang ang laman. May mga tawa na medyo lasing na ang tono.Kanina pa sila nag-aaya sa group chat. Celebration daw. Finally, tapos na. Kahapon lang ang graduation nila. Graduate na siya. Graduate na sila kaya dapat masaya. Pero habang nakatingin siya sa mga kaklase niyang todo ang tawa, may kung anong kumikirot sa dibdib niy
Wala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabil
Sinilip ni Joy ang laman ng wallet niya na parang umaasang may milagrong mangyayari. Dahan-dahan niya iyong binuka, kahit ramdam na niya ang nipis nito sa pagkakahawak niya.Isang one hundred peso bill lang ang sumalubong sa kaniya.At sa gitna ng wallet niya, sumilip ang mukha ni Roxas na nakasimangot din, parang hindi rin masaya na nag-iisa lang siya roon. Parang pati ang pera niya may attitude na.“Mabuti na lang may one hundred pa,” bulong niya sa sarili, pilit na pinapasaya ang sitwasyon. Pero sa totoo lang, alam niyang kulang na kulang iyon.As usual, bokya na naman ang lakad niya kanina.Nasa kahabaan pa siya ng Butuan City, pagod ang mga paa at masakit ang likod sa kakalakad. Akala niya makakabenta siya sa pinuntahan niyang eskwelahan. Inayos pa niya kanina ang buhok niya bago pumasok, nag-practice pa ng sales talk sa isip.“Ma’am, vitamins po for immune support…”Pero parang pati mga guro doon ay immune sa budol niya.Isa-isa silang tumanggi. May nag-smile, may nagkunwaring b




![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


