LOGINWala naman saysay kong makikila nila ako, dahil wala naman totoo sa kung anong namamagitan sa amin ng boss nila. And besides hindi ito bago sa akin. Madaming beses na akong nadamay sa mga maling ginawa ng nakababata kong kapatid. Pati nga negosyo ko damay na rin. Kaya walang gustong magtiwala at kumuha sa akin bilang Event Organizer. Dahilan kaya kumakapit ako sa patalim.
THIRD POV TRISTAN instructed his assistant to make a reservation at one of the famous fine dining restaurant, where he and Samantha would have a conversation. Hindi pa man dumarating ang inorder nilang steak and red wine nang mag-umpisa silang mag-usap. "Samantha, I heard you went to my hub," panimula ni Tristan. Seryoso ang mukha at may madilim na tingin. Bumuntong hininga naman si Sam. Kinakabahan. Pilit kino-compose ang sarili. `Pag-uusapan ba namin ang kalaswaan niya, este ang nakita ko!" ani ni Sam sa isip. At nakaramdam ng pagkailang. Noon pa man alam ni Sam na babaero si Tristan at lapitin ng mga babae. Actually ang mga colleagues nito ay ganoon din. Matagal na niya itong kilala dahil pinsan ito ng asawa ng bestfriend niyang si Dan. Pero ngayon kailangan niyang pikit mata tanggapin ang sitwasyon na meron sila. Umasang magiging maayos ang pansamantalang pagsasama nila. "Tristan, wala akong pakialam sa personal mong buhay." tugon ni Sam at tsaka pinagkrus ang kamay sa dibdib. "I went to your hub 'coz I want to talk to you." Seryosong aniya. Deretcho ang tingin ni Sam sa mata ni Tristan habang sinasabi iyon. Ayaw niyang ipahalata ang kaba sa dibdib. "I want our set-up to be clear. Now that we're married, what are your plans?" tanong pa ni Sam. Ngunit bago pa makasagot si Tristan lumapit sa kanila ang waiter. "Sir, Ma'am here is your order." Inilapag nito ang pagkain sa kani-kanilang harapan. "Do you need anything else?" tanong ng waiter. "No more. thank you" sagot ni Sam at tipid na ngumiti. Samantalang sinamaan naman ito ng tingin ni Tristan dahilan kaya napatungo ang waiter at tsaka mabilis na umalis. "Let's eat first," ani ni Tristan at dinampot ang kubyertos sa gilid. "Let's just eat while we talk." suwesyon naman ni Sam. Dahil hindi niya ata kayang tumagal na kaharap ang lalaking ito. Para siyang matutunaw sa bawat titig na ipinupukol ng asawa sa kanya. "Tristan, hindi kita pakikialam sa pribado mong buhay, ganon ka rin sa akin. Kaya—" "Oh, come on, Samantha! Don't tell me what I should do. Ano pang silbi ng marriage contract agreement natin kung hindi naman natin iyon susundin." Tumaas pa ang kilay ni Tristan ng sinabi iyon. "So, pano na!" Napipikon na ani ni Sam. "I'll have one of my bodyguards who will pick you up tomorrow., simula bukas sa penthouse ka titira. Kasama ko," saad ni Tristan at saka sumubo ng steak. "Don't worry, separate room tayo." ani pa nito. Napalunok si Samantha sa narinig. Gusto niya sanang sabihin Bakit seperate room pa, payag naman siya na magkasama sila. Kahit may marriage arrangement sila pumapayag siyang magsama sila. Maging ang matulog sa iisang silid. Dahil may lihim na nadarama si Sam para kay Tristan. Kaya ganoon na lang din kabilis ang naging pagsang-ayon niya ng alukin siya ni Tristan sa isang kasunduan. Gusto niyang malaman kong talaga bang totoo ang nararamdaman niya para sa binatang noon pa niya lihim na tinitingnan.. Hindi nawawala ang nadarama niya para dito. Kahit anong iwas at tanggi nya sa sarili may espesyal na bahagi si Tristan sa puso ni Sam. Kaya hindi niya rin maatim na hindi ito tulungan. Kahit pinilit niya itong binalewala noon at sinubukang itago ngunit hindi maalis ang binata sa isip niya. Siguro ngayon na magkakasama na sila palagi mas makukumpirma niya ang damdamin niya para kay Tristan o kusang mawawala ito dahil sa mga disappointment at discouragement na nakikita niya mula kay Tristan "I'll just use the restroom, excuse me," paalam ni Sam sabay marahang tumayo at naglakad. Hindi na niya inintay ang sagot ni Tristan pero nadinig niya ang mahinang pagtikhim nito. SAMANTHA'S POV Nang makapasok sa restroom agad kung nasapo ang dibdib ko at huminga ng maluwag. My heart pounded a bit different than its usual beat. That beat whenever Tristan was around me. Ganito ang epekto sa akin ni Tristan Miller na ngayon ay asawa kuna. Dapat masanay ako sa presyensiya niya lalo't palagi kona siyang makakasama. Kahit hindi pa rin ako makapaniwalang titira akong kasama niya. "Girls, kilala nyo ba `yung kasama ni Tristan Miller? She looks fimiliar," Natigilan ako ng marinig ang boses ng babae at ilang yabag ng takong ng sapatos papasok dito sa restroom. Agad akong pumasok sa isang cubicle dito. Mukhang ako ang tinutukoy ng mga ito. "Nakita mo din," sagot ng panibagong tinig. "Of course `yung mukhang librarian na `yon," nagtawanan ang mga ito. Parang nanliit naman ako ng marinig iyon. "Ang sabihin mo, mukhang computer programmer na nakasubsub sa computer maghapon." Mas lumakas ang tawanan ng mga ito. "Akala ko nga maganda, kase una kung nakita nakatalikod pero pagharap. Hipon pala!" "Kain katawan,. Tapon ulo!" Dinig kung may nag-apir mula sa grupo ng mga babaeng ito. Nanatili ako sa loob ng cubicle. Inintay kong matapos silang mag-make up habang nilalait ako. Nang makaalis ang grupong ito saka ako lumabas. Sandali kung tinitigan ang sarili ko mula sa salamin dito sa restroom. "Still the same nerdy, Samantha." sambit ko habang pinagmamasdan ang sarili kong reflection. Mukhang masmalala pa ang sasapitin ko sa mga babaeng nagkakagusto sa asawa kesa sa mga basher ng kapatid ko. Inalis ko ang salamin sa mata ko at tsaka nag make-up. Maskinapalan ko ng konte ang make-up ko lalo na ang eyeshadow ko. Para naman hindi ang makapal kung eyeglases ang napapansin agad. Nag-curl din ako ng eyelashes at saka pinatungan ng maskara ang eyelashes ko. Napangiti ako ng makitang mas nagkabuhay ang mata ko. `Hmm.. may nagbago naman ng konte sa itsura ko. Siguro dapat mag-sanay na akong maglagay ng contact lenses at mas lalo pang mag-ayos. Nakahanda akong mag-adjust para kay Tristan. Ibinalik ko na ang eyeglases ko at tsaka lumabas ng nang restroom. "Ay kabayo!" sambit ko sa pagkagulat. I saw Tristan standing in the corridor outside of the bathroom, leaning against the wall, hands in his pockets. ""What took you so long?" Salubong ang kilay ni Tristan at madilim ang tingin ipinupukol sa akin. "Kase.." Kumunot ang noo ko habang iniisip ko ang sasabihin. Hindi ko alam pano explain. Naiisip kung magdahilan nalang pero hindi naman ako bihasang magsinungaling. "Never mind,.. let's go." ani niya. Nainip na ata sa paliwanag ko kaya tinalikuran nalang ako. Naglakad siya pabalik sa table namin. I swallow hard at tsaka sumunod sa kanya. Mukha syang impatient sa akin. Nang makabalik sa table namin. Muli kaming kumain at nag-usap. Kagaya ng nakasaad sa kontrata once nakuha na niya ang malaking share sa kumpanya ng Dad nya at position sa Miller's Group we'll go our separate ways. Ngayon ko lang din nalaman na kahit solong anak siya may mga kapatid pala siya sa labas at ang mga ito ang kakumpitensya nya sa mana. Dahil pag-aari nila ang mga ilang five star hotel sa bansa. Mga bigatin ang mga client nila. Ayon sa kanya bibigyan niya ako ng referrals, irerekuminda ang company ko sa tuwing may mga event na gaganapin sa hotel nila. Gagawin niya top of the list ang company ko sa mga recomended sa hotel nila bilang Event Planner. Malaking tulong ito para makabangon ang Sapphire Event Planning ang maliit na kumpanyang ako mismo ang nagpapatakbo at nagtataguyod. KINABUKASAN pinasundo ako ni Tristan sa isa sa mga tao nya. Malaki at maganda ang penthouse niya. Halos high-tech ang mga gamit. I enter the room Tristan arrages for me. This room is twice the size of my bedroom sa bahay ng parent ko. Ironic isn't it. Titira ako sa magandang Penthouse na ito with a massive bedroom. Nang mabaling ang tingin ko sa bed napansin ko ang isang itim na malaking box at ilang mga paper bag na nasa ibabaw ng bed. Nakapatong ito sa malaking kama. Ngunit bago ko pa ito malapitan nagulat ako ng biglang bumukas ang bookshelves sa gilid ng silid ko. "Oh my gosh," sambit ko at nasapo ko ang sariling dibdib. Nagulat ako at bahagyang natakot. Pintuan pala iyon, hidden bookshelf door kaya hindi halata. "Hmm.. Magugulatin ka pala" ani ni Tristan nang bumungad ang mukha niya mula doon. I swallowhard. Naglakad siya papalapit sa akin. Naka-suot lang siya ng white t- shirt at grey jogging pants pero parang ang formal pa rin niyang tingnan at ang lakas ng dating. My heart flipped. Hindi ako makapaniwala asawa kona si Tristan Miller. I froze. Nalaglag ata ang puso ko. "Do you like it?, Did you like your room?" Tanong niya sa malamig na tinig. I inhale sharply. "Hmm.. Okey naman, kaya lang para saan ang pintong `yon?" tanong ko. Dahil nakakagulat na bigla-biglang may bubukas na pinto, baka madaming ganito dito sa penthouse niya at kung saan-saan siya sumusulpot. Magugulatin pa naman ako. "That secret door is connected to my room." sagot niya.Bahagyang umayos ng tindig ni congressman at tsaka lumingon sa panibagong tinig. "I saw a former friend here, I just said hi to her" tugon nito at tsaka tumingin sa akin. "Samantha," tawag naman agad ni Tristan sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Tristan kita ko ang seryoso nitong titig sa akin pero hindi ko mabasa. Gayon pa man humakbang ako papalapit sa kanya. At tumayo sa tabi nya. "I'm leaving now," sambit ni Cong. Romualdez "You should," tugon ni Tristan Tahimik lamang ang paligid ngunit ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nang tumalikod si Cong. Romualdez malamig na sinusundan ng tingin ni Tristan ang papalayong congressman. Samantala ako… hindi pa rin tuluyang nakakabawi mula sa banta. “Are you okay?” mababa ngunit mariing tanong ni Tristan nang hindi tumitingin sa akin nananatili siyang nakatayo sa tabi ko. “I’m fine.” bago pilit na ngumiti. Ngunit agad din nitong ibinaling sa akin ang tingin. “Don’t lie to me, Samantha.”
Nakapirmi ako sa kinatatayuan ko, hawak ang dibdib kong hindi pa rin maayos ang tibok. Kapwa kami nakainum sa hub ng maghalikan kami noon. At ngayon lasing siya ulit, hindi ko gustong sa ganitong paraan kami magkalapit, kaya kailangan kong magmatigas. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Gusto ko siya at marami na akong kahibangang nagawa para lang sa lintik na nararamdaman kong ito. Pero may mga bagay na hindi ko kayang isugal. Hindi ko hahayaan na ibaba ko pa ang dangal ko lalo't mas mahalaga sa akin na mapaibig siya, hindi ang akitin lang siya gamit ang katawan ko. “Lasing ka,” ulit ko, mas mahinahon na ngayon, pero may diin. “At kung lasing nga ako?” mababa niyang tanong. “Then this conversation can wait... Hindi ko gustong pagsisihan natin ito bukas,” dagdag ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Ayokong isipin mong kaya lang tayo nagkakalapit dahil wala ka sa sarili mo.” Umangat ang tingin niya sa akin. “Hindi alkohol ang problema,” sagot niya, paos pa rin ngunit kontrolad
“Tristan, lasing ka… mabuti pa magpahinga ka na,” mahina kong saad habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya.Ngunit hindi niya iyon pinansin.Kinalas niya ang suot na necktie at mabilis iyong itinapon sa gilid. Sunod naman nitong tinanggal ang ilang butones ng suot na long sleeves na para bang wala lang.Napasinghap ako nang bahagyang tumambad ang matipuno nitong katawan.Agad akong napaiwas ng tingin.Ngunit huli na.Nakita ko na kung paano gumalaw ang panga niya habang nakatitig sa akin.Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama ko bago isinandal ang isang braso sa tuhod niya.“W-Why are you wearing that kind of clothes?” tanong niya sa mababang boses.Unti-unti akong napakapit sa laylayan ng suot kong nighty.“K-kasi…”Hindi ako makasagot dahil ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon ay hindi madilim. Kundi parang may kung anong init na pilit niyang pinipigilan.“Kala ko ba manang ang style mo?” dagdag pa niya habang dahan-dahang sinusukat ng tingin ang buo kong katawan. “But look a
THIRD PERSON POV Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa noon ang bodyguard ni Tristan na si Martin, bakas sa seryoso mukha nito ang tila mabigat na balitang dala. Natigilan sina Tristan at Luke nang makitang dire-diretsong lumapit si Martin. “May problema ba?” agad na tanong ni Tristan nang mapansing kakaiba ang ekspresyon nito. “Boss… may galaw na naman ang kampo ni Romualdez,” agad nitong ulat. Biglang tumalim ang tingin ni Tristan. “What do you mean?” “Kaninang hapon, may ilang taong nakita sa paligid ng kumpanya ni ma'am Samantha. Hindi natin kilala, pero mukhang hindi ordinaryong mga tauhan.” Nagdilim ang mukha ni Tristan sa narinig. Habang sumeryoso ang mukha ni Luke. “Ilang beses ko nang sinabi na higpitan ang pagbabantay sa kanya,” mariin niyang saad ni Tristan. “We did, Boss. Pero mukhang sinusubukan lang nilang magpadala ng mensahe.” Napakuyom ang kamao ni Tristan. Ramdam ang unti-unting pagtaas ng tensyon sa loob ng opisin
THIRD PERSON POV KINAGABIHAN sa hub. Habang nag-uusap sina Tristan at Luke sa loob ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok ang isang staff na may bitbit na tray. Nakapatong doon ang mamahaling alak, yelo, at dalawang crystal glass. Maingat nitong inilapag ang tray sa gilid ng office table bago bahagyang yumuko. “Sir, ito na po ang pinapakuha n’yo,” magalang nitong saad. “Hm. Maaari ka nang umalis,” walang emosyong tugon ni Tristan habang abala sa pagbubukas ng ilang dokumentong nasa harapan niya. “Nasaan si Andy? Bakit parang hindi ko nakikita ang paborito mong manager?” tanong ni Luke habang inaabot ang isang baso. Karaniwan kasi, tuwing nasa hub ito, si Andy mismo ang naghahatid ng alak sa opisina ni Tristan. Kilala ito ni Luke na malapit kay Tristan at isa sa mga pinagkakatiwalaan nito sa loob ng negosyo. Saglit na napatingin ang staff kay Luke ngunit agad ding nagbaba ng tingin. Tikom ang bibig nitong tumango bago mabilis na lumabas ng opisina. Naiwang nakakunot-noo si L
THIRD PERSON POV Walang gustong magpatalo sa pagitan ni Miguel at Liam. “Enough,” awat ni Tristan habang mariing tumitingin sa dalawa. “Ian, nagsisisi na si Daphne. She learned her lesson. Until now, ikaw pa rin ang mahal niya at gagawin niya ang lahat para mabawi ka. I know may lugar pa rin siya sa puso mo. Please, hayaan mong manatili siya sa tabi mo. Hayaan mong ipaglaban ka ni Daphne. She sincerely regrets leaving you and not fighting for your relationship before.” pagpupumilit na ani ni Miguel. Napailing si Liam at marahang natawa, ngunit bakas sa mukha nito ang pagkainis. “Too late,” malamig nitong saad. "Kahit magsisi pa si Daphne, kasal na sina Ian at Sam. Bakit hindi na lang ninyo hayaan maging masaya ang dalawa? Don’t act like a fool, dude.” Natahimik ang buong silid matapos ang palitan ng opinyon at mga pakiusap. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig habang nanatiling walang imik si Ian, tila nahihirapang mamili sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. N
Ipinatong niya sa vanity table ko ang dala niya. "I suppose you know what to do here," ani niya. Wala man lang kalambing lambing pero mukha naman concern sya. Tinigil ko ang ginagawa ko at ini-off ang hair blower. Napatango ako. "Thank you.., Salamat din sa pagtatanggol sa akin kanina,. Di mo n
"Hmm.. Resently lang ako nagpakasal.. It's sudden." pag-amin ko. "Come on,. Baby,." sambit ni Tribor at sweet na siniksik ang mukha sa gilid ng leeg ni Janeth at tska umakap pa ito sa bewang ng dalaga. Itsura nila mukhang may relasyon pero ewan ko lang din, kase nasa hub kami madami naman ganito d
TINUNGO ko ang opisina ni Tristan. Tulad ng suwesyon ni Edward tinanggal ko ang formal blazer na suot ko. Kinuha pa ito ni Edward sa akin para masiguro na hindi ko na daw ito susuotin pa ulit Sigurista siya sa bagay na yun. Suggestion niya rin na mas buksan ang blouse na suot ko, exposing my cleavag
Mabilis sumunod si Dan sa akin. "Grabe,. Excited na ko!" Dinig kong sabi ni Dan. "Ohh.. baka makalimutan mo.. Ang major project natin." anya ni Cathy kay Dan. "Oh course not,. Excited na nga ako para sa kanya." Nilingon ko silang dalwa. "Anong meron?" tanong ko dahil parang may hindi sila s







