เข้าสู่ระบบ“Huhuhu… Daddy… Where are you?”
Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya. “Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ulan? Nasaan ang kasama mo?” malambing kong tanong. Dahan-dahang itinaas ng bata ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang ganda niya—may malalaking bilugang mata, mapuputing pisngi na namumula dahil sa pag-iyak, at ang buhok ay may dalawang cute na pigtails. Yumakap siya lalo sa kaniyang basang teddy bear at humikbi. “I… I ran away from my bodyguard. My daddy is bad! Palagi na lang siyang nagda-drive ng fast cars kasi! Hindi niya ako pinapakinggan! Sabi niya manonood kami ng fireworks together, but he forgot na naman!” ‘ Wow! Conyo siya! Napalaban ako ah! ’ Naawa ako bigla. Ang batang ito ay biktima rin pala ng isang pabayang ama. At mukhang galing din siya sa loob ng arena dahil sa sinabi niya tungkol sa karera. “Gabi na at baka magkasakit ka rito sa ulan. Come, may convenience store doon sa tapat. Treat kita ng ice cream, gusto mo?” pag-aaya ko habang nakangiti nang banayad. Tumingin siya sa akin, tila sinusuri kung mapagkakatiwalaan ako. Pagkatapos ng ilang segundo, dahan-dahan siyang tumango at inilahad ang maliit niyang kamay sa akin. “Okay… My name is Tala. What’s your name, Auntie?” “I’m Maya,” sagot ko at hinawakan ang malamig niyang kamay. Pinasok ko siya sa maliit na 7-Eleven sa tapat ng kalsada. Kumuha ako ng ilang tissue para patuyuin ang buhok niya at binilhan ko siya ng isang malaking chocolate sundae cup. Umupo kami sa may counter window. Sa bawat subo niya ng ice cream, unti-unting nawawala ang lungkot sa mukha niya. Ginamitan ko siya ng mga nakakatawang jokes at mga facial expressions na madalas kong ginagawa sa unibersidad kapag inaantok ang mga estudyante ko. Kitang-kita ko kung paano sumilay ang napakakyut niyang ngiti na may kasama pang dimples. ‘ Ang ganda ng batang 'to, i-uwi ko kaya? ’ “Auntie Maya, you are so pretty! And you're so mabango, kahit basang-basa ka ng rain,” sabi ni Tala habang nakatingala sa akin nang may paghanga. “Sana ikaw na lang ang nanny ko. Ang ugly at ang susungit ng mga nanny na kinukuha ni Daddy, eh!” Natawa ako nang mahina at pinunasan ang mantsa ng tsokolate sa gilid ng labi niya. “Naku, Tala, hindi pwede. May trabaho si Auntie, nagtuturo ako sa mga kuya at ate sa college. At ngayon, kailangan na nating tawagan ang Daddy mo. Siguradong nag-aalala na 'yun sa'yo.” Umasam ang mukha niya at umiling. “Ayaw ko kay Daddy. He’s mean.” “Kahit mean si Daddy, pamilya mo pa rin siya. Sige na, anong phone number niya? Sasabihin ko lang kung nasaan ka,” pambubuyo ko. Tumayo si Tala sa kaniyang upuan at tumuro sa labas ng salamin ng convenience store. “Hindi na kailangan ng phone, Auntie. Nandoon na si Daddy, oh. And he looked mad na naman.” Napadako ang tingin ko sa direksyong tinuro niya. Isang marangyang itim na Mercedes-Benz SUV ang biglang huminto sa tapat ng store. Kasunod nito ang tatlo pang itim na sasakyan. Bumukas ang pinto ng SUV at isang pamilyar na pigura ang bumaba. Suot pa rin niya ang kaniyang racing pants, pero ngayon ay may suot na siyang itim na jacket. Kasunod niya ang halos dalawampung bodyguards na nakaitim na suit. Ang mukha niya ay tila handang pumatay ng tao sa tindi ng galit at takot. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong mainit na kape. Si Nikolai Sandoval?! Si Nikolai ang tatay ng batang 'to?! At may anak siya?! Bakit hindi sinabi ni Kenji?! At bakit naman niya sasabihin?! Kaya pala pamilyar ang hugis ng mukha at ang matitigas na titig ni Tala—namana niya sa kaniyang aroganteng ama! Bago pa man ako makapagtago sa ilalim ng counter, bumukas ang pinto ng convenience store na lumikha ng tunog na nagpatunog sa welcome chime. Pumasok si Nikolai na may mabibigat na hakbang, diretso ang tingin sa amin ng kaniyang anak. “Tala!” “What do you think you’re doing?! Alam mo ba kung ilang bodyguard ang pinatalsik ko dahil sa pagtakas mo?! Let’s go home!” hasik niya. Sa takot ni Tala, mabilis siyang tumakbo sa likod ko at mahigpit na yumakap sa aking bewang, ginagawa akong kalasag laban sa kaniyang tatay. Nang tumingin si Nikolai sa akin, sandaling nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya nang makita ang “gold-digger” na kamatayan lang niyang kaaway sa locker room. “You?” madiin niyang tanong, ang boses ay puno ng hinala. “Anong ginagawa mo sa anak ko? Sinusundan mo ba ako, Maya Trinidad? Ginamit mo pa talaga ang anak ko para mapalapit sa akin matapos kang iwan ng kapatid ko?” ‘ Saan ba 'to kumuha nang lakas nang loob ha! ’ “Kapal ng mukha mo!” sigaw ko. Mahiya ka naman! Hindi ko nga alam na may anak ka! Lakas mo ah! “Nakita ko ang anak mo na umiiyak sa labas habang ikaw ay nagpapakasasa sa karera mo! Kung hindi ko siya pinasok dito, baka nagkasakit na itong bata! Imbis na magpasalamat ka, nambibintang ka pa!” “Daddy, stop shouting at Auntie Maya! She’s nice!” sigaw ni Tala mula sa likod ko. Lumapit si Nikolai at hinawakan ang kamay ni Tala para hilahin ito. “Tala, don’t trust this woman. Kakilala siya ng Tito Kenji mo at hindi siya mabuting tao. Sumama ka na sa akin.” ‘ Anong kakilala?! Girlfriend ako ng kapatid mo huy!— ay, Ex na pala. Ha. ha. ha ’ Pero bago pa man maihiwalay ni Nikolai si Tala sa akin, mas lalong humigpit ang yakap ng bata. Bigla siyang tumalon at pumulupot sa leeg ko, habang umiiyak nang napakalakas. “Ayaw ko! I want Auntie Maya! Daddy, I found my new mommy! Auntie, please marry my daddy!” sigaw ni Tala na umalingawngaw sa buong convenience store. Napatulala ako. Napatigil din si Nikolai, nakanganga habang nakatitig sa aming dalawa. Ang mga bodyguard sa labas ay napalingon din sa loob, lahat ay gulat na gulat sa hiningi ng munting prinsesa ng pamilyang Sandoval.“Sir! Sir! Ano po ang nangyari? Bakit duguan kayong dalawa ni Kenji Sandoval?""May kinalaman ba ito sa relasyon ninyo ni Maya Trinidad?""Bakit ganyan ang itsura mo, Miss Maya? Bakit punit ang mga gamit mo?"Sunod-sunod ang nakatutulig na tanong ng mga paparazzi habang pilit na nakikipagsiksikan si Nikolai para bigyan kami ng daan. Iniwan na namin sa loob si Kenji, na kasalukuyan nang tinutulungan ng mga ka-team niya. Napakapit ako nang mahigpit sa braso ni Nikolai.Alam kong kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako pumunta rito, walang ganitong iskandalo na puputok. Siguradong manganganib ang karera niya dahil sa akin, at tiyak na madadamay din ang trabaho ko sa gulong ito."Don't mind them. I'll call my secretary to handle this. Just rest," maingat na bilin ni Nikolai matapos niya akong isakay sa loob ng sasakyan.Pumasok siya at agad na tumabi sa akin. Hindi ko magawang makipag-usap dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot.Mabilis namang pinaladpad n
Breathe, Maya. Please, just breathe.Iyon ang huling paulit-ulit na utos ng utak ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim. Pero unti-unti, may mga boses akong naririnig mula sa malayo. Malabo. Parang nanggagaling sa ilalim ng tubig. May mga tunog ng mararahas na kalabog, mga sumasabog na salamin, at mga sigaw na puno ng purong galit.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang paningin ko ay sobrang labo, umiikot ang paligid, at ang bawat hininga ko ay may kasamang matinding hapdi at sakit sa aking lalamunan. Hawak-hawak ko ang aking leeg habang nakahiga sa leather sofa.Nang luminaw nang kaunti ang mga mata ko, doon ko nakita ang isang eksenang hinding-hindi ko malilimutan habang-buhay.Ang pinto ng locker room ay tuluyang natanggal sa mga bisagra nito, wasak na wasak sa sahig. At sa gitna ng kwarto... nandoon si Nikolai.Pero hindi iyon ang Nikolai na nakakakulitan ko sa mansyon. Ang kaniyang mga mata ay hindi lang basta malamig, ito ay nag-aapoy sa galit. Ang kaniyang mukha ay mad
(BABALA: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga eksena ng harassment na maaaring makagambala o magdulot ng trauma sa ilang mambabasa. Patnubay ng mambabasa ay kinakailangan.)“Kuya, paki-overtake naman 'yung bus! Please, double ang ibabayad ko!” halos maiyak kong pakiusap sa taxi driver habang nakasubsob ang mukha ko sa bintana.Nang sa wakas ay huminto ang taxi sa tapat ng Grand Apex Velocity Arena, mabilis kong itinapon ang isang limang daang piso sa driver at tumakbo ako palabas. Hindi ko na inintindi ang sukli. Ang sapatos ko, muntik pang matanggal habang tinatakbo ko ang mahabang hallway patungo sa control room at pit lane.Saktong pagpasok ko sa race track area, isang nakakabinging ugong ng makina ang sumalubong sa akin. Isang pulang sports car ang humaharurot sa gitna ng semento, umiislayd sa mga kurbada na parang mawawalan na ng kontrol sa tindi ng bilis.“Ms. Maya! Salamat sa diyos, dumating ka!” Patakbong lumapit sa akin ang team manager ni Kenji, pawis na pawis at hawak
Akala ko ay natapos na ang gulo matapos ang masayang Family Day ni Tala, mali pala ako. Mas mabilis pa sa kidlat na kumalat sa social media ang mga litrato naming tatlo. Ang kumuha? Ang official photographer ng preschool na hindi nakatiis at ipinost ang pamilya namin sa page ng paaralan. Sa loob lang ng ilang oras, naging trending topic ito sa buong bansa.“The Cold Billionaire Racer Captures a New Heart!”“The Most Beautiful Academic Matriarch: Maya Trinidad Stuns the Media with Nikolai Sandoval!”Ang mga comment section ay punong-puno ng paghanga. Ang dating imahe ko bilang kawawang biktima ng panloloko ay tuluyan nang nabura. Kinaumagahan, pagpasok ko pa lang sa main gate ng unibersidad, iba na ang pakiramdam ko. Mas lalong naging mailap ang mga tingin ng mga estudyante. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng faculty room, narinig ko ang isang pamilyar at matinis na boses na sumisigaw sa loob. Ang aga-aga nambubulabog siya!“I don’t care! Kailangang matanggal ang babaeng 'yan sa
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang lumipat ako sa mansyon ng mga Sandoval. Sa loob ng tatlong araw na iyon, walang tigil ang asaran, kakulitan, at ang unti-unting pagguho ng mga strikto kong patakaran dahil na rin sa diskarte ni Nikolai at sa lambing ni Tala. At ngayong araw, may Family Day sa School ni Tala.“Mommy, look! My drawing won first place!” masayang hiyaw ni Tala habang tumatakbo palapit sa amin ni Nikolai. Ipinakita niya ang isang makulay na crayon drawing kung saan may tatlong taong magkakahawak-kamay sa ilalim ng malaking bahaghari. May nakasulat sa ibaba: My Family.“Wow, ang galing naman ng munting prinsesa ko!”Kinakarga ko siya at hinahalikan sa pisngi. Lumapit din si Nikolai sa tabi ko, hawak ang kaniyang dambuhalang camera na ginamit niya para kuhanan ng litrato ang bawat sandali ng kaganapan ngayon.“Syempre, kanino pa ba magmamana ang anak ko? Sa gwapo at matalinong ama,” pagmamayabang niya.“Kapal talaga ng mukha mo, Sandoval. Baka sa akin nagmana ng tal
Matapos ang matagumpay kong pakikipag-bardagulan kay Chloe sa faculty room, pumasok ako sa susunod kong klase na may baong malaking ngiti. Ito ang paborito kong batch, mga third-year economics students na kilalang maiingay pero sobrang talino.“Good afternoon, class,” bati ko.Ibinababa ko ang aking mga gamit sa podium.Bago pa man ako makahawak ng chalk, sinalubong na nila ako ng sabay-sabay na hiyawan at hampasan ng lamesa.“Omg, good afternoon, Mommy Maya! Este, Professor Trinidad!” sigaw ni Kevin, ang pinakamakulit kong student na nasa unahan. “Ma’am, nabasa namin ang news! Kayo na ba talaga ng nag-iisang Nikolai Sandoval? Pa-pizzaland ka naman diyan, Ma’am!”“Oo nga, Ma’am Maya! Grabe 'yung entrance niyo kanina sa gate, akala ko nanonood ako ng live K-drama! Protective kung protective si Papa Nikolai!” hirit naman ni Sarah mula sa likod, habang ang mga kaklase niya ay nag-aayiiieee sa kilig.Napailing ako at pilit na nagtaray tsaka inayos ang salamin ko sa ilong. “Quiet, class
“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h
MAYA'S POV“Go, Kenji! Wooo!”Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang co







