แชร์

CHAPTER 5 : THE PROFESSOR'S COUNTER-ATTACK

ผู้เขียน: Nikkinini
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-17 21:20:45

“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”

Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.

“You think marriage is just a business transaction? Isang kontrata para lang may taga-alaga ang anak mo at para makaganti ako sa kapatid mo? Pwes, ibahin mo ako, Nikolai Sandoval! Hindi nabibili ng pera niyo ang pirma at ang buhay ko!” bulyaw ko sa kaniya.

Nikolai just raised an eyebrow, completely unfazed by my outburst. “It’s a win-win solution, Maya. I can give you a blank check. I can give you a life that ordinary women can only dream of. Lahat ng karangyaan, ibibigay ko sa’yo kapalit lang ng pag-aalaga kay Tala.”

“I don’t care about your blank check! I*****k mo 'yan sa baga mo!” gigil kong sabi.

Dahan-dahan kong inihiga si Tala sa maluwag na upuan ng SUV at kinumutan siya ng aking basang jacket. Pagkatapos ay pinihit ko ang pinto ng kotse at mabilis na bumaba sa gitna ng tumitilang ulan.

Bago ko isara ang pinto, hinarap ko muli si Nikolai na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin mula sa loob.

“Para sabihin ko sa’yo, hindi lahat ng bagay sa mundo ay nadadaan sa pera at kapangyarihan. At hinding-hindi ko ibebenta ang sarili ko sa isang aroganteng katulad mo. Maghanap ka ng ibang nannying mapapangasawa mo!”

Buong lakas kong isinara ang pinto ng kaniyang mamahaling sasakyan. Naglakad ako palayo at agad na pumara ng isang dumadaang taxi. Pagkaupo ko sa loob ng taxi, doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Umuwi ako sa maliit kong apartment, naligo, at umiyak hanggang sa makatulog. Umiyak ako para sa panloloko ni Kenji, at sa kamalasan na nakatagpo ko ang kaniyang siraulo at baliw na kapatid.

Kinaumagahan, pumasok ako sa unibersidad na may malalaking eye bags.

Sinalubong ako ng mga mapanuring tingin ng mga kapwa ko guro sa faculty room. Halatang pinag-uusapan na nila ang viral video ni Kenji at Chloe kahapon. Mabuti na lang at absent si Chloe ngayon, marahil ay nahiya o natatakot na makaharap ako.

Pinilit kong magpakapropesyonal. Inayos ko ang aking salamin, binuhat ang aking mga libro, at naglakad patungo sa aking unang klase sa malaking lecture hall.

‘ Kailangan kong mag-focus. Trabaho muna bago ang heartbreak, maganda naman ako,’ sabi ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa pinto ng lecture hall, agad na tumahimik ang halos limampung college students ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin nang may halo-halong awa. Dumiretso ako sa podium at ibinaba ang aking mga gamit.

“Good morning, class. Open your textbooks to page 145. Today, we will discuss—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto sa likod ng lecture hall. Ang lahat ng estudyante ko ay sabay-sabay na napalingon. Ang ilan sa mga kababaihan ay napa-singhap pa, habang ang iba naman ay nagsimulang magbulungan nang napakalakas.

“Oh my god… Is that who I think it is?”

“Si Nikolai Sandoval ba 'yan? Bakit siya nandito sa school natin?!”

"I expected Kenji Sandoval, not Nikolai Sandoval!"

Dahan-dahang napadako ang tingin ko sa likod ng classroom. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas ng aking dibdib sa tindi ng gulat at inis.

Nakatayo sa may pintuan si Nikolai Sandoval. Suot niya ang isang napakamahal at perpektong fit na gray tailored suit, naka-dark sunglasses, at may hawak na isang simpleng notebook at ballpen. Ang kaniyang aura ay napakalakas, tila ba hindi siya papasok sa isang classroom kundi sa isang international boardroom meeting.

Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses, isinabit ito sa kaniyang bulsa, at tumingin nang diretso sa akin. Isang mapang-asar at aroganteng ngiti ang sumilay sa kaniyang guwapong mukha.

Naglakad siya patungo sa pinakahuling row ng mga upuan. Umupo siya roon, sumandal, at itinaas ang kaniyang hawak na notebook.

“Good morning, Professor Trinidad,” bati niya.

“I’m here to audit your class… and your life. Don't mind me, please continue your lecture.”

Nanggigil ang mga kamay ko habang hawak ang aking chalk. Ang antipatikong ito, talagang hinamon ang pasensya ko sa sarili kong teritoryo!

Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. Kung akala niya ay mauuto niya ako sa ganitong eksena, nagkakamali siya. Dalawang taon akong nagtuturo ng macroeconomics, at hindi ako magpapatalo sa isang racer na tulad niya!

“Oh, we have a guest today,” panimula ko, habang nakatitig nang matalim kay Nikolai. “Since everyone is distracted, let's test our guest's intellectual capacity. Mr. Sandoval, since you are auditing my class, maybe you can answer the question on the board.”

Isinulat ko sa whiteboard ang isang napakahirap na formula tungkol sa inflation rate projections at aggregate demand elasticity. Ang mga estudyante ko ay napasinghap. Alam nilang pang-Ph.D. level ang tanong na 'yun.

“Please explain how a shift in fiscal policy affects the equilibrium under this model, Mr. Sandoval,” hamon ko sa kaniya, sabay cross ng aking mga braso.

“Kung hindi mo masasagot, I’m afraid you have to leave my classroom. I don't tolerate freeloaders.”

Umayos ng upo si Nikolai. Imbis na mapahiya, mas lalo siyang ngumiti nang nakakaloko. Tumayo siya, nilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon, at dahan-dahang naglakad pababa patungo sa podium.

Bawat hakbang niya ay sinusundan ng tingin ng mga estudyante kong babae na parang hihimatayin na sa kilig.

Huminto siya sa tabi ko. Ang bango niya— Erase!Kinuha niya ang marker sa kamay ko, at sa proseso ay sinasadya niyang dapiin sa kaniyang maiinit na daliri ang palad ko.

Napalunok ako.

Kinaladkad niya ang marker sa board at nagsimulang mag-solve. Sa loob lang ng dalawang minuto, dire-diretso niyang naisulat ang perpektong explanation.

Pambihira. Nakalimutan kong bukod sa pagiging racer, may master's degree pala ang kumag na ito mula sa isang Ivy League school sa ibang bansa!

Ha.ha.ha.

“An expansionary fiscal policy shifts the IS curve to the right, increasing both output and interest rates, Professor,” aniya,habang nakatitig siya sa mga labi ko.

Iniabot niya sa akin ang marker. “Anything else you want me to solve? Like… the formula to your heart?”

“Yieeeeee!”

“Oh my god, sana all pinupormahan ulit ng racer! When kaya?!”

"Kung hindi pwede sa bunso, Doon tayo sa kuya!"

"Hello, Love, Goodbye Kenji. Hello, I will love you forever, Nikolai. Atake!"

"Prof! Mamigay ka naman! Share your blessings! Ang haba ng hair mo, saan ka nagpa-salon?!"

Umingay ang buong lecture hall. Namula ang buong mukha.

“Quiet, class! Or I will give you a pop quiz right now!” sigaw ko.

Agad silang tumahimik pero pabalik-balik pa rin ang tukso sa kanilang mga mata.

Bago pa man ako makaganti ng salita kay Nikolai, biglang bumukas muli ang pinto ng classroom nang napakalakas.

"Mommy Maya!”

Isang maliit at masiglang boses ang umalingawngaw.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tala na pumasok sa loob ng lecture hall. Suot niya ang kaniyang kinder school uniform, pero ang mas nakakakuha ng atensyon ay ang bitbit niyang malaking pink Disney princess lunchbox.

Naka-sunod sa kaniya ang kaniyang bodyguard na si Leo, pawis na pawis at mukhang hindi alam kung paano pipigilan ang munting prinsesa.

“Tala? Bakit ka nandito?” gulat kong tanong habang mabilis na lumapit sa kaniya.

Tumakbo si Tala at agad na yumakap sa bewang ko, itinataas ang kaniyang lunchbox. “I sneaked out of my school, Mommy! I told Driver Leo to bring me here! I made a sandwich for you kasi sabi ni Daddy hindi ka daw kumain ng dinner kagabi dahil nag-away kayo! Look, may heart-shaped cheese pa 'to!”

Nalaglag ang panga ko. Mommy?!!!!

Lumingon ako sa mga estudyante ko. Ang buong klase ay parang nanonood ng isang live K-drama episode. May mga nakanganga, may mga nagpipigil ng tili, at ang iba naman ay nagvi-video na gamit ang kanilang mga cellphone.

“Tala, sweetie, hindi mo ako mommy—” susubukan ko sanang magpaliwanag pero agad na sumingit si Nikolai. Lumapit siya sa amin at binuhat si Tala gamit ang isang braso, habang ang isa naman niyang kamay ay dahan-dahang ipinatong sa bewang ko.

“See, sweetheart? I told you your Mommy Maya is busy teaching,” malambing na sabi ni Nikolai kay Tala, pero ang mapang-asar niyang tingin ay nakatutok sa akin. “But since you brought her lunch, maybe we can have a family picnic inside her office?”

‘ Tangina! Iligtas niyo ako sa mag amang 'to! ’

“Yes! Family picnic!” pumalakpak si Tala sa tuwa.

Tumingin ako kay Nikolai, nag-aapoy ang mga mata sa hiya habang nararamdaman ko ang hawak niya sa bewang ko. Ang lalaking ito, talagang ginagamit ang sarili niyang anak para i-corner ako!

“Nikolai Sandoval, bitawan mo ako kundi—” banta ko sa kaniya sa mahinang boses.

“Kundi ano, Professor?” bulong niya pabalik, at mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin sa harap ng limampung nagwawalang estudyante. “Reject me all you want in private, Maya. Pero dito, right in front of your students, hindi ako aalis hangga't hindi mo tinatanggap ang proposal ko.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
newiva shane
wow, change of heart siya
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 18: THE AFTERMATH RAGE

    “Sir! Sir! Ano po ang nangyari? Bakit duguan kayong dalawa ni Kenji Sandoval?""May kinalaman ba ito sa relasyon ninyo ni Maya Trinidad?""Bakit ganyan ang itsura mo, Miss Maya? Bakit punit ang mga gamit mo?"Sunod-sunod ang nakatutulig na tanong ng mga paparazzi habang pilit na nakikipagsiksikan si Nikolai para bigyan kami ng daan. Iniwan na namin sa loob si Kenji, na kasalukuyan nang tinutulungan ng mga ka-team niya. Napakapit ako nang mahigpit sa braso ni Nikolai.Alam kong kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako pumunta rito, walang ganitong iskandalo na puputok. Siguradong manganganib ang karera niya dahil sa akin, at tiyak na madadamay din ang trabaho ko sa gulong ito."Don't mind them. I'll call my secretary to handle this. Just rest," maingat na bilin ni Nikolai matapos niya akong isakay sa loob ng sasakyan.Pumasok siya at agad na tumabi sa akin. Hindi ko magawang makipag-usap dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot.Mabilis namang pinaladpad n

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 17 : DEMONIC SALVATION

    Breathe, Maya. Please, just breathe.Iyon ang huling paulit-ulit na utos ng utak ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim. Pero unti-unti, may mga boses akong naririnig mula sa malayo. Malabo. Parang nanggagaling sa ilalim ng tubig. May mga tunog ng mararahas na kalabog, mga sumasabog na salamin, at mga sigaw na puno ng purong galit.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang paningin ko ay sobrang labo, umiikot ang paligid, at ang bawat hininga ko ay may kasamang matinding hapdi at sakit sa aking lalamunan. Hawak-hawak ko ang aking leeg habang nakahiga sa leather sofa.Nang luminaw nang kaunti ang mga mata ko, doon ko nakita ang isang eksenang hinding-hindi ko malilimutan habang-buhay.Ang pinto ng locker room ay tuluyang natanggal sa mga bisagra nito, wasak na wasak sa sahig. At sa gitna ng kwarto... nandoon si Nikolai.Pero hindi iyon ang Nikolai na nakakakulitan ko sa mansyon. Ang kaniyang mga mata ay hindi lang basta malamig, ito ay nag-aapoy sa galit. Ang kaniyang mukha ay mad

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 16 : THE TRAP BEHIND CLOSED DOORS

    (BABALA: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga eksena ng harassment na maaaring makagambala o magdulot ng trauma sa ilang mambabasa. Patnubay ng mambabasa ay kinakailangan.)“Kuya, paki-overtake naman 'yung bus! Please, double ang ibabayad ko!” halos maiyak kong pakiusap sa taxi driver habang nakasubsob ang mukha ko sa bintana.Nang sa wakas ay huminto ang taxi sa tapat ng Grand Apex Velocity Arena, mabilis kong itinapon ang isang limang daang piso sa driver at tumakbo ako palabas. Hindi ko na inintindi ang sukli. Ang sapatos ko, muntik pang matanggal habang tinatakbo ko ang mahabang hallway patungo sa control room at pit lane.Saktong pagpasok ko sa race track area, isang nakakabinging ugong ng makina ang sumalubong sa akin. Isang pulang sports car ang humaharurot sa gitna ng semento, umiislayd sa mga kurbada na parang mawawalan na ng kontrol sa tindi ng bilis.“Ms. Maya! Salamat sa diyos, dumating ka!” Patakbong lumapit sa akin ang team manager ni Kenji, pawis na pawis at hawak

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 15 : EX SUICIDAL ATTEMPT?

    Akala ko ay natapos na ang gulo matapos ang masayang Family Day ni Tala, mali pala ako. Mas mabilis pa sa kidlat na kumalat sa social media ang mga litrato naming tatlo. Ang kumuha? Ang official photographer ng preschool na hindi nakatiis at ipinost ang pamilya namin sa page ng paaralan. Sa loob lang ng ilang oras, naging trending topic ito sa buong bansa.“The Cold Billionaire Racer Captures a New Heart!”“The Most Beautiful Academic Matriarch: Maya Trinidad Stuns the Media with Nikolai Sandoval!”Ang mga comment section ay punong-puno ng paghanga. Ang dating imahe ko bilang kawawang biktima ng panloloko ay tuluyan nang nabura. Kinaumagahan, pagpasok ko pa lang sa main gate ng unibersidad, iba na ang pakiramdam ko. Mas lalong naging mailap ang mga tingin ng mga estudyante. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng faculty room, narinig ko ang isang pamilyar at matinis na boses na sumisigaw sa loob. Ang aga-aga nambubulabog siya!“I don’t care! Kailangang matanggal ang babaeng 'yan sa

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 14 : THREE-LEGGED RACE

    Tatlong araw na ang nakalipas mula nang lumipat ako sa mansyon ng mga Sandoval. Sa loob ng tatlong araw na iyon, walang tigil ang asaran, kakulitan, at ang unti-unting pagguho ng mga strikto kong patakaran dahil na rin sa diskarte ni Nikolai at sa lambing ni Tala. At ngayong araw, may Family Day sa School ni Tala.“Mommy, look! My drawing won first place!” masayang hiyaw ni Tala habang tumatakbo palapit sa amin ni Nikolai. Ipinakita niya ang isang makulay na crayon drawing kung saan may tatlong taong magkakahawak-kamay sa ilalim ng malaking bahaghari. May nakasulat sa ibaba: My Family.“Wow, ang galing naman ng munting prinsesa ko!”Kinakarga ko siya at hinahalikan sa pisngi. Lumapit din si Nikolai sa tabi ko, hawak ang kaniyang dambuhalang camera na ginamit niya para kuhanan ng litrato ang bawat sandali ng kaganapan ngayon.“Syempre, kanino pa ba magmamana ang anak ko? Sa gwapo at matalinong ama,” pagmamayabang niya.“Kapal talaga ng mukha mo, Sandoval. Baka sa akin nagmana ng tal

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 13 : ICE CREAM

    Matapos ang matagumpay kong pakikipag-bardagulan kay Chloe sa faculty room, pumasok ako sa susunod kong klase na may baong malaking ngiti. Ito ang paborito kong batch, mga third-year economics students na kilalang maiingay pero sobrang talino.“Good afternoon, class,” bati ko.Ibinababa ko ang aking mga gamit sa podium.Bago pa man ako makahawak ng chalk, sinalubong na nila ako ng sabay-sabay na hiyawan at hampasan ng lamesa.“Omg, good afternoon, Mommy Maya! Este, Professor Trinidad!” sigaw ni Kevin, ang pinakamakulit kong student na nasa unahan. “Ma’am, nabasa namin ang news! Kayo na ba talaga ng nag-iisang Nikolai Sandoval? Pa-pizzaland ka naman diyan, Ma’am!”“Oo nga, Ma’am Maya! Grabe 'yung entrance niyo kanina sa gate, akala ko nanonood ako ng live K-drama! Protective kung protective si Papa Nikolai!” hirit naman ni Sarah mula sa likod, habang ang mga kaklase niya ay nag-aayiiieee sa kilig.Napailing ako at pilit na nagtaray tsaka inayos ang salamin ko sa ilong. “Quiet, class

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 4 : THE OUTRAGEOUS PROPOSAL

    Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 3 : THE LITTLE RUNAWAY

    “Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 2 : THE BILLIONAIRE'S DISDAIN

    “Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 1 : THE FINISH LINE OF A LIE

    MAYA'S POV“Go, Kenji! Wooo!”Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang co

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status