Share

Chapter 4

last update Tanggal publikasi: 2025-08-08 10:41:23

Ang araw ay maalinsangan, pero magaan sa pakiramdam ang simoy ng hangin habang binabaybay nina Leandro at Isobel ang mahabang kalsadang punong-puno ng kahoy at palayan. Naka-top down ang kotse, at ang mahinang ihip ng hangin ay ginugulo ang buhok ni Isobel habang nakahilig siya sa balikat ni Leandro.

“Ang tahimik ng paligid. Walang traffic, walang estudyante, walang admin meeting,” bulong ni Leandro habang ang isang kamay ay nakapatong sa hita ni Isobel.

“Parang ibang mundo,” sagot ni Isobel habang nakatingin sa malawak na taniman ng mais sa gilid.

Ito na yata ang pinakamasayang linggo ng buhay niya. Tinanggap siya ng pamilya ni Evren. Hindi niya naramdaman na hindi siya gusto ng mga ito. Agad nga niyang naka-close ang Lola ni Evren. Tila lahat ay perpekto, kasama si Leandro. At ngayong araw, pinangakuan siya nitong ipapasyal sa paborito nitong spot sa tabi ng ilog—isang lugar na aniya’y taguan niya noong bata pa siya kapag gusto niyang mapag-isa.

Pagdating nila sa maliit na bayan, huminto sila sa isang local bakery na may vintage-style exterior. Pumili sila ng cheese bread, pan de coco, at isang bote ng malamig na sago’t gulaman. Tumawa si Isobel nang ibulong ni Leandro sa tindera na 'asawa ko po, huwag niyo nang lokohin sa presyo.'

Lumabas sila ng bakery, naglakad sa sidewalk habang hawak-hawak ni Leandro ang plastic bag ng tinapay at si Isobel ay s********p sa straw ng inumin nila.

“Gusto kong tandaan mo lahat ng lugar na dinala kita. Kasi gusto ko... lahat ng ito, maging bahagi ng kwento natin,” bulong ni Leandro habang tinitigan siya.

Ngumiti si Isobel, tila tinatago ang kilig sa likod ng baso ng sago’t gulaman.

Habang papalapit sila sa munting parke, may mga batang naglalaro, at sa may bandang waiting shed, may ilang nakatambay na kababaihan. May isang babae na naka-blue dress, medyo curly ang buhok at naka-shades, ang nakatayo habang nakatingin sa direksyon nila.

Paglapit nila sa waiting shed, biglang kumaripas ng lakad ang babaeng iyon.

"Leandro!" tawag ng babae—mabilis, puno ng sigla.

At bago pa man makapagsalita si Leandro, sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap.

Kumapit ito sa leeg ng lalaki, at tila ba nakalimutan ang paligid, habang pumikit at ngumiti. “Oh my God, after all these years...”

Napako sa kinatatayuan si Isobel. Mula sa kamay ni Leandro, marahan niyang binawi ang sarili at humakbang palayo.

Tila lahat ng init sa kanyang katawan ay unti-unting napalitan ng lamig, parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Narinig niya ang masayang boses ng babae, ang halakhak nito habang kinukuwento kung paanong nagkasalubong ulit silang dalawa.

Si Leandro ay tila nagulat rin, ngunit hindi agad ito gumalaw. At doon nagsimulang mabuo sa loob ni Isobel ang sakit. Bakit hindi agad ito  bumitaw? Bakit hindi niya agad ako pinakilala?

Lumakad siya paalis, mas mabilis ngayon. Kunot ang noo niya. Hindi na siya nagtanong. Hindi din siya nagsalita. Basta’t tumalikod na lang siya.

“Isobel!” tawag ni Leandro mula sa likuran. “Sandali lang!”

Pero hindi siya lumingon.

Hindi niya alam kung anong parte ng pride ang nagtulak sa kanyang ituloy ang paglalakad. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit napakatulis ng kirot sa dibdib niya. Wala namang label. Wala siyang karapatan. Pero bakit parang gusto niyang sumigaw? Manabunot nang buhok ng babae?

Umabot si Leandro sa likod niya, hinawakan ang braso niya pero marahan siyang hinila.

“Hey, teka...”

“Okay lang. Doon ka muna,” malamig niyang sagot, hindi tumitingin dito. “Enjoy your catching up.”

“Isobel...” Malungkot ang tinig ng lalaki, pero hindi ito bumitaw agad. “She’s just an old friend. Kaibigan ng kapatid ko. We grew up together. I didn’t expect—”

"Exactly," putol ni Isobel. “You didn’t expect. Pero hindi ka rin kumilos. Hindi mo rin ako pinakilala. Parang... wala ako doon sa tabi mo para magpayakap sa iba.”

Tumingin sa kanya si Leandro, tila naguguluhan. “I was caught off guard. Wala akong masamang intensyon. Alam mong ikaw ang kasama ko dito.”

Tahimik lang si Isobel. Tiningnan niya ang kamay ni Leandro sa braso niya at marahang tinanggal iyon. "I just need a moment."

Tahimik ang biyahe nila pabalik. Hindi na sila tumuloy sa ilog.

Si Isobel ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang ang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang kandungan. Si Leandro ay paminsan-minsan sumusulyap, pero hindi muna nagsalita.

Nang makarating sila sa bahay, diretso siyang umakyat sa guest room. Pinagmasdan ni Leandro ang likod niya habang paakyat. Gusto siyang sundan. Gusto nitong humingi ng tawad. Pero alam niyang kailangan niyang hayaan si Isobel sa space na hinihingi niya.

Sa silid, humiga si Isobel sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi siya umiiyak, pero ang bigat ng dibdib niya ay hindi niya maipaliwanag. Ang masakit ay hindi lang ang yakap na nakita niya. Ang masakit ay ang katotohanang hindi niya alam kung may karapatan ba siyang sumama ang loob.

Hindi naman sila. Ano nga ba sila?

Kinagabihan, kumatok si Leandro sa pinto. May dala itong mug ng chamomile tea.

“Pwede ba akong pumasok?”

“Hindi ako natutulog,” mahinang sagot niya mula sa kama.

Pumasok si Leandro, inilapag ang tea sa side table at umupo sa dulo ng kama.

“Gusto ko lang sanang ipaliwanag,” simula nito. “Her name’s Mika. Anak siya ng kaibigan ng parents ko at kaibigan din ng kapatid ko, si Ashley. She lived in the States for ten years. She was just surprised to see me.”

Tumango si Isobel pero hindi nagsalita.

“Pero ikaw... ikaw ang kasama ko ngayon. At kung may pagkukulang ako, gusto kong malaman mo, hindi dahil wala kang halaga. Kundi dahil minsan... nakakalimot din akong may nararamdaman ka na pala para sa akin.”

Doon lumingon si Isobel.

“Akala ko ikaw lang ang hindi sigurado,” sabi niya. “Pero pareho lang pala tayo.”

“Hindi ko pinagsisisihang dinala kita rito. O pinakilala ka sa pamilya. O sinama kita sa mga paborito kong lugar. Kasi mahalaga ka sa akin, Isobel.”

Tahimik. Mabigat. Ngunit unti-unti, ang tensyon ay napalitan ng kaunting pag-asa.

Lumapit si Leandro at hinawakan ang kamay niya. "I know we never defined this. Pero kung hayaan mong ipaglaban kita, sisiguraduhin kong hindi na kita kailanman mararamdaman na ‘wala ka’."

Nag-init ang mata ni Isobel, pero hindi siya lumuha.

"Mahirap pala," bulong niya. "Kapag nasanay ka sa tago, kahit lumantad na kayo, parang gusto mo pa ring magtago sa sakit."

"Then don’t," sabi ni Leandro. "Lumaban ka. Gaya ng paglaban ko."

At sa gabing iyon, walang halik, walang haplos. Pero si Isobel ay dahan-dahang humilig sa balikat ni Leandro.

At doon, sa gitna ng tahimik na gabi, sinimulan nilang buuin ang katotohanan ng relasyong tila matagal nang pilit nililimita ng takot at katahimikan.

The morning breeze in the province was soft and warm. Pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang tensyon sa dibdib ni Isobel. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kinakalikot ang laylayan ng kanyang bestida, wari’y malayo ang iniisip. Maligamgam ang liwanag ng araw na tumatama sa sahig ng lumang kusina, pero tila hindi niya iyon napapansin.

That woman…

The one who hugged Leandro yesterday like they were lovers in a movie.

Hindi siya nagtanong. Ayaw niyang malaman. Pero paulit-ulit ang eksenang iyon sa isip niya—ang yakap ng babae, ang hindi pag-iwas ni Leandro.

Kanina lang, narinig niyang nagkukuwento ang pinsan ni Leandro.

“Si Mika ‘yun! Yung ex ni Kuya Leandro. Ang tagal din nilang naging sila…”

Parang huminto ang tibok ng puso niya. Ex? Hindi lang basta kakilala.

Kinompronta niya si Leandro kinabukasan, habang inaayos nito ang sasakyan sa likod-bahay.

“You didn’t tell me,” she said quietly.

Napatingin ito sa kanya. Hindi galit, pero halatang nagulat. “Akala ko hindi ko na kailangang sabihin dahil hindi naman importante.”

Nakapamewang si Isobel. “She hugged you like she still owned you.”

“Hindi na siya gano’n. Matagal na ‘yon.”

“Pero parang gano’n yon, sa pagkakaintindi ko.”

Napabuntong-hininga si Leandro. Pinagpag ang grasa sa kamay niya. “Matagal kaming naging kami ni Mika. Simula pa college. Kilala niya ako bago pa ako naging professor. Bago ako naging... ako.”

“Why did you break up?” tanong niya.

““She wanted things I wasn’t ready to give.” May pait sa boses nito. “Gusto na niyang magpakasal, bumuo ng pamilya. Ako, ni hindi ko pa nga naayos sarili ko.”

“Mahal mo ba siya noon?”

“Akala ko. Pero sa huli, narealize kong mahal ko lang ang idea niya, hindi siya mismo.” Sandaling katahimikan ang namayani. “Hindi naging maganda ang pagtatapos namin.”

“Ngayon, nandito na ulit siya?”

Napatingin ito sa kanya. “Pero ikaw na ang nandito ngayon. That’s what matters to me.”

Pero kahit sinabi na ni Leandro iyon, hindi pa rin mawala ang bigat sa dibdib ni Isobel.

Kinabukasan, mas lalo siyang nawalan ng gana.

Habang tumutulong si Isobel sa kusina, narinig niyang tumunog ang doorbell. Hindi niya ito pinansin—hanggang sa narinig niya ang isang boses na pamilyar.

“Hi, Tita! Is Leandro home?”

Parang natigilan ang buong katawan ni Isobel. Ang boses na yon.

She turned, slowly, and there she was—Mika—smiling sweetly, wearing a perfectly fitted white blouse, her long legs wrapped in soft beige linen trousers. Classy, elegant, confident.

Eksaktong tipo ng babaeng gusto ni Leandro, kung tutuusin.

“Oh! Ikaw pala si Isobel?” ngumiti si Mika nang matamis, pero ramdam niya ang inis sa boses nito. “Hi! I’ve heard… nothing about you.”

Tangina mo, bulong ni Isobel sa isip. She forced a smile. “And yet here you are.”

Leandro appeared from the hallway, surprise evident on his face. “Mika? What are you doing here?” 

“I was in the area. Na-miss kita,” sagot ni Mika.  She walked forward like she owned the house,  “Didn’t think you’d be so surprised to see me here.”

“I wasn’t expecting you,” sagot ni Leandro, maingat ang tono.

“I never needed an invitation before, Leandro,” she said with a slight laugh. “Have things changed that much?”

Puta ka, isip ni Isobel. Pero hindi siya nagsalita.

The next few hours were unbearable.

Mika stayed for lunch. She chatted with the elders, laughed with the cousins, even helped prepare dessert—looking every bit like the perfect ex who never really left.

Isobel sat beside Leandro at the table, but she may as well have been a shadow. Mika dominated every conversation. And Leandro, though obviously trying to be polite, didn’t exactly push her away either.

“Naalala mo noong nawala tayo sa daan pa-Batangas?” tawa ni Mika. “You insisted you didn’t need a map, and we ended up two towns away!”

Leandro smiled, a flicker of old memory passing through his eyes. “Oo... sa kotse pa tayo natulog nun.”

Sumama ang pakiramdam ni Isobel.

Tumayo siya. “Excuse me. I just need some air.”

“Bel—” tawag ni Leandro, pero naglakad na siya palayo.

Outside, she leaned against the post of the wooden terrace, breathing hard. The warm breeze that once comforted her now stung like fire. Why did it feel like she was the outsider here? The temporary visitor? The hidden girl?

Hindi naman sila official. Wala siyang karapatan.

But why did it hurt like she did?

“Okay ka lang?” tanong ng boses sa likod niya.

Si Leandro.

Hindi siya tumingin. “Bakit siya nandito?”

“She’s just visiting. Nothing more.”

“She clearly thinks she’s still part of your life.”

“Hindi na. Hindi ko siya inimbitahan dito.”

“Pero hindi mo rin siya pinaalis.”

Tahimik.

Lumingon siya, bahagyang nanginginig ang boses. “May nararamdaman ka pa ba sa kanya?”

Gulat ang mukha ni Leandro nang tingnan siya. “What? No. Isobel—”

“Mali yatang pumunta ako rito,” bulong niya. “This was a mistake.”

Hinawakan siya ni Leandro sa pulso at hinila palapit sa katawan nito. “Don’t say that. You’re not a mistake.”

“Then why does it feel like I’m being replaced before I was even yours?”

Hindi agad sumagot si Leandro. Pero niyakap siya nito nang mahigpit. “Kasi natatakot ka. At naiintindihan ko. Mika is part of my past. You’re the one I brought here. You’re the one I want.”

“Then tell her to leave,” mahina niyang sabi habang nakasiksik sa dibdib nito.

Hapon na nang lumapit si Mika kay Leandro sa hardin. Si Isobel, nasa loob lang at panay ang buntonghininga habang nakatulala.

“Doon ako sa resort matutulog ngayon, fifteen minutes from here lang,” ani ni Mika. She brushed imaginary lint off his shirt. “In case you feel like catching up.”

Umiling si Leandro. “Mika, stop.”

She blinked, feigning innocence. “Stop what?”

“You don’t get to show up here and act like nothing’s changed. You’re not part of my life anymore.”

Natahimik si Mika. “You used to say I’d always be.”

“That was before. I moved on. You should too.”

At saka may ngiting mapait si Mika. “Yung babae mo? She’s just another fling, right?”

Nanigas ang panga ni Leandro. “She’s more than you ever were.”

Nanlabo ang mata ni Mika. Pero tumalikod na lang ito at umalis.

That evening, Isobel sat on the hammock outside, watching the stars blink one by one in the sky. She felt Leandro approach before she saw him. His arms slid around her from behind.

“Umalis na siya,” mahina nitong sabi.

“Gan’un lang?”

“Tapos na. Sinabi ko ang kailangan niyang marinig.”

Isobel leaned into him. “And what about me? What do I need to hear?”

Hinawakan siya nito mula sa likod, naramdaman niya ang pagsakop nito sa magkabilang dibdib niya pero hinayaan niya ito. “Na hindi na kita pakakawalan. Kahit kailan.”

Lumingon si Isobel. “Kahit matigas ang ulo ko?”

“Kaya nga kita gusto.”

Ngumiti si Isobel. Sa wakas, tumahimik ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit kontento na agad siya sa sagot nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 30

    ​"Sigurado ka ba talaga rito, Leandro? Pwede ka pa ring hindi pumunta. Nag-submit ka na ng resignation letter. Out of jurisdiction ka na dapat dito."​Nakatayo si Atty. Ramon Santos, ang matagal nang legal counsel ng pamilya Valencia, habang inaayos ang kanyang briefcase sa tapat ng pintuan ng Grand Executive Conference Room. Tumingin siya sa dating propesor na nakatayo sa tabi niya.​Naka-dark gray suit si Leandro, maayos ang buhok, at malamig ang mukha. Pero sa ilalim ng mga mata niya, bakas pa rin ang matinding pagod at puyat.​"Kailangan kong pumunta, Atty. Santos," sagot ni Leandro. Ang boses niya ay patag ngunit puno ng matinding pinalidad. "Inihabol pa rin ng Board ang kaso laban kay Isobel. Kahit wala na ako sa unibersidad, hindi sila titigil hangga't hindi nila napapatawan ng expulsion ang bata. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari 'yon."​"Pero kapag pumasok ka sa kwartong 'yan, Leandro, ilalagay mo ang sarili mo sa isang kangaroo court. Gagamitin nila ang lahat para durugin

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 29

    "Totoo ba, Bea? Sabihin mo sa akin na hindi totoo 'yan!"​Nakahawak si Isobel sa magkabilang balikat ng kaibigan sa loob ng bakanteng classroom sa second floor. Nanginginig ang buo niyang katawan, habang ang mga mata niya ay nanlalabo na dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak.​"Narinig ko lang din sa faculty room kanina, Bel," sagot ni Bea, ang boses ay puno ng awa at matinding pag-aalala. "Nag-uusap si Miss Clarisse at 'yung secretary ni Dean. Nagpasa na daw si Sir Leandro ng resignation letter ngayong umaga. Tinanggap na agad ng Board. Effective immediately na raw."​"Hindi... hindi niya pwedeng gawin 'yan," umiling-iling si Isobel, dahan-dahang napapabitaw sa kaibigan habang napapahawak sa kanyang dibdib. "Nangako sila sa akin sa investigation room... naniwala ako na kapag nanahimik ako, pareho kaming magiging ligtas. Bakit siya mag-reresign?"​"Isobel, ginawa niya 'yon para sa 'yo!" pilit siyang hinawakan muli ni Bea sa braso. "Inalok daw siya ng deal ng Dean! Kapag nag-resign

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 28

    "Hindi mo na kailangang palakihin pa ito, Leandro. May paraan naman para matapos 'to nang hindi nasisira ang lahat."​Nakatayo si Leandro sa tapat ng malaking narra desk sa loob ng opisina ng Dean. Nakasara ang mga blinds, at ang tanging ilaw lang ay mula sa maliit na desk lamp ni Dean Alvarez. Sa gilid ng silid, nakaupo rin ang Vice President for Academic Affairs, nakatitig sa kanya nang malamig.​"Anong paraan, Dean? Ang aminin ang kasalanang hindi ko naman buong ginawa? O ang magturo ng kung sino para lang may maipakain kayo sa media at sa board?" malamig na tanong ni Leandro. Naka-de kuwatro lang siya sa upuan, pero bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagod mula sa walang tulog na mga gabi. ​"Makinig ka muna bago ka mag-react," mahinahong sabi ni Dean Alvarez habang inilalapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "Gusto ka naming tulungan. Alam naming magaling kang guro. Malaki ang naambag ng pamilya mo at ng pangalan mo sa unibersidad na ito. Ayaw ka naming ipahiya nang tul

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 27

    ​"Hindi mo pa rin ba siya nakakausap?"​Inayos ni Bea ang strap ng canvas tote bag niya habang binabaybay nila ang hallway ng Arts and Sciences building. Saglit siyang tumingin sa kaibigan na tahimik lang na nakatingin sa semento habang naglalakad.​"Sino?" sagot ni Isobel.Ang boses niya ay walang buhay, parang isang simpleng tugon lang para matapos na ang usapan.​"Isobel, naman," bumuntong-hininga si Bea at huminto sa paglalakad, dahilan para mapahinto rin ang dalaga. "Si Leandro.Isang linggo na, 'di ba? Hindi ka na pumupunta sa condo niya. Hindi ka na rin naghihintay sa parking lot pagkatapos ng huling klase mo. Kahit sa Org room, kapag nandoon siya, bigla kung paano ka nawawala."​"Busy ako sa finals project, Bea," malumanay ngunit malamig na tugon ni Isobel. Inayos niya ang ilang strands ng buhok na humaharang sa mukha niya. "At busy rin siya sa kaso niya. Mas mabuting ganito muna."​"Mas mabuti o iniiwasan niyo lang ang isa't isa kasi pareho kayong natatakot?" tanong ni Bea. I

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 26

    CHAPTER 26 — The Investigation​Scene 1​“Wala po talaga akong alam, Dean. Normal naman po ang pakikitungo ni Sir Leandro sa amin sa klase.”​“Are you sure, Miss Krisha? Wala ka bang napapansin na kakaibang closeness or any special treatment towards any particular student?”​“Wala naman po. Strict nga po si Sir, eh. Halos lahat kami natatakot kapag recitation.”​The administrative conference room smelled heavily of brewed coffee and anxiety. Outside the frosted glass doors, the corridor was unusually quiet, but the tension was thick enough to choke anyone who dared to walk by. The university’s executive committee composed of the Dean, the Vice President for Academic Affairs, and two senior board representatives had set up a temporary tribunal.​One by one, the faculty and students from the Humanities department were called in.​“How about you, Mr. Adrian? Sinasabi rito sa reports na nagkaroon daw kayo ng physical altercation ni Marco kanina lang sa loob ng lecture hall.” Dean Alvarez

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 25

    “Seryoso ba? Sila talaga?”“Oo nga! Sobrang kalat na kaya sa kabilang building. May nakakita raw mismo sa email na sinend sa Dean.”“Kaya pala laging mataas ang grade niyan kay Sir Leandro, eh. May VIP pass pala sa faculty room.”“Shh! Ang ingay mo, baka marinig ka. Papunta siya rito.”The whispers in the hallway of the Humanities building didn’t stop. They only dropped in volume, turning into a low, buzzing hiss as Isobel walked down the corridor. She kept her head down, her fingers clutching the straps of her backpack so tightly that her knuckles turned white.Every single step felt like walking through wet cement. Every laugh from a passing group of students felt like a slap directly to her face. She could feel their eyes... dozens of them—heavy, judging, and mocking, boring into her back.“Isobel! Huy!”A hand grabbed her forearm, making her flinch violently. She gasped, stepping back, her heart leaping into her throat.“Hey, hey, it’s just me. Si Krisha ’to,” Krisha said, her eye

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status