LOGINHindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
View More"Ma... huwag mo akong iiwan."
Yun ang huling sinabi ko habang mahigpit kong hawak ang malamig na kamay ng nanay ko. Labindalawang taong gulang lang ako noon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming tao sa maliit naming sala. May umiiyak. May nagdadasal. May kapitbahay na paulit ulit akong inilalayo sa kama. Ayoko. Gusto kong manatili sa tabi ni Mama. "Mahal... alagaan mo ang papa mo." Mahina ang boses niya pero malinaw. Napailing ako habang umiiyak. "Hindi. Ikaw ang mag aalaga sa amin." Ngumiti siya. Mahina. Pagod. "Ikaw ang pinakamatapang kong anak." Hindi ko na napigilan ang hikbi. "Ayaw kong maging matapang... gusto ko lang maging anak." Dumampi ang palad niya sa pisngi ko. "Balang araw... may taong magmamahal sa'yo kahit hindi ka na kailangang lumaban." Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na rin natanong. Dahil iyon na ang huling pagkakataong narinig ko ang boses niya. Unti unting bumagsak ang kamay niyang hawak ko. "Mama?" Hindi siya sumagot. "Mama?" Mas lumakas ang iyak ko. "Mama... gising na..." May humila sa akin. May yumakap. May nagsabing wala na raw siya. Hindi ako naniwala. Hanggang sa isinara nila ang kabaong. Doon ko lang tinanggap. Patay na ang nanay ko. Pagkatapos ng libing, parang kasabay ding nailibing ang dating tatay ko. Dating masayahin si Papa. Mahilig siyang kumanta habang nagluluto. Mahilig siyang magbiro kahit wala namang nakakatawa. Pero isang gabi, umuwi siyang may dalang baraha. Kinabukasan, may mga tiket sa sabong. Sumunod, may online betting. Hanggang sa halos gabi gabi na siyang wala sa bahay. Noong una, nananalo siya. May pagkain kami. May pambayad ng kuryente. May bagong sapatos pa nga ako. Akala ko magiging maayos na ulit. Mali pala. Habang lumalaki ang panalo, mas lumalaki rin ang pustahan. At nang magsimula siyang matalo... Hindi na siya tumigil. Unti unting nawala ang telebisyon. Sumunod ang motor. Sumunod ang ref. Hanggang isang araw... Pag uwi ko galing school... Wala na ang maliit naming sofa. Napaupo ako sa sahig. "Papa... nasaan ang gamit natin?" Hindi siya tumingin sa akin. "Naisanla." "Bakit?" "Kailangan kong bawiin." "Paano kung matalo ulit?" Tumayo siya. "Mananalo ako." Yun ang paulit ulit niyang sinasabi. Hindi na dumating ang panalong hinihintay niya. Labingwalo na ako nang tuluyan akong huminto sa pag aaral. Hindi dahil tamad ako. Kundi dahil wala nang pambayad. Naghanap ako ng trabaho. Crew. Promodiser. Cashier. Lahat sinubukan ko. Lahat kulang. Hanggang sa isang gabi... May lasing na lalaki ang humawak sa braso ko sa convenience store. "Magkano ka?" Hindi ko siya sinagot. Mas hinigpitan niya ang hawak. "Walang angal." Hindi ako umiiyak. Hindi ako nagsisigaw. Diretso ko lang siyang sinuntok. Bumulagta siya sa sahig. Tahimik ang buong tindahan. May lumapit na lalaking naka itim. Malaki ang katawan. Nakangiti. "Ikaw ba ang sumuntok?" "Oo." "Hindi ka natakot?" "Bakit ako matatakot?" Tumawa siya. "Gusto mo bang maging bouncer?" Tatlong taon ang lumipas. Ngayon... Kapag narinig ng mga siga ang pangalan kong Sky Cruz... Kusang bumabait ang karamihan. Hindi dahil sikat ako. Kundi dahil alam nilang hindi ako mahilig makipag usap. Mas mabilis akong makipagsuntukan. "Sky!" Lumingon ako. Si Candy. Bitbit ang dalawang milk tea. "Aba... buhay ka pa pala." Inirapan ko siya. "Gusto mo'ng drinks?" "Sure ba? Libre mo?" "Libre ko." Kinuha ko rin. Ngumisi siya. "May bagong viral video ka." "Ano na naman?" "Inupload nung lalaking binato mo ng basurahan." Napapikit ako. "Kasalanan niya." "Oo na. Pero ang comments..." Binuksan niya ang cellphone. Binasa niya nang malakas. "'Asawahin ko na si ate bouncer.'" Napangiwi ako. "May isa pa." "'Kapag si Sky ang girlfriend mo, safe ka sa holdaper.'" Napatawa ako kahit ayoko. Tinuro ako ni Candy. "Ayan. Marunong ka pa palang ngumiti." "Huwag kang maingay." "Miss ka yata ng mga lasing." "Mas miss nila ang kamao ko." Bigla kaming nagtawanan. Hindi ko alam... Na iyon na pala ang huling araw na matatawa ako nang walang kapalit. Dahil pagsapit ng gabi... May lalaking papasok sa nightclub. At isang suntok lang mula sa akin... Ang tuluyang babaliktad sa buong buhay ko. "Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya." "Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya." Napabuntong hininga ako habang isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. "Ako na naman?" reklamo ko. Tumawa ang manager naming si Boss Nestor. "Ikaw lang ang kayang sumupalpal sa mga feeling hari." "Kapag may sumuntok sa'kin, ibabawas mo sa sweldo ko?" "Kapag ikaw ang nanuntok, baka dagdagan pa kita." Napailing ako. "Napakagandang motivation." Naglakad ako papunta sa entrance ng nightclub. Bumungad agad sa akin ang maingay na tugtog, kumikislap na ilaw, at halo halong amoy ng alak at mamahaling pabango. Ito ang mundo ko. Magulo.Maingay. Pero kontrolado. At trabaho kong siguraduhing walang sisira sa gabing binayaran ng mga customer. "Sky!" Lumingon ako. Si Candy. May hawak na tray ng cocktails habang nakangisi. "May challenge ako." "Ano na naman?" "Kapag walang nasuntok ngayong gabi, libre kitang samgyup." Napairap ako. "Kapag may nantrip?" "Libre mo ako." "Talo ka." "Tingnan natin." Tinapik niya ang balikat ko bago naglakad palayo. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong sigawan. "Hoy! Bitawan mo ako!" Napalingon ako. May lasing na lalaki ang pilit hinihila ang isang waitress papunta sa mesa nila. Diretso akong lumapit. "Boss." Hindi siya lumingon. Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ng waitress. "Busy ako." Tinanggal ko ang kamay niya. "Ngayon, hindi ka na." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang bouncer?" "May problema?" Ngumisi siya. "Akala ko lalaki." "Marami nang nagkamali diyan." Tinulak niya ako. Hindi ako gumalaw. Napakunot ang noo niya. "Anong klaseng babae ka ba?" "Yung hindi pumapayag na bastusin ang staff." Tumawa ang mga kasama niya. Isa sa kanila ang nagsalita. "Pare... alis na tayo. Siya yata si Sky." Nawala ang ngiti ng lalaki. "Siya yung..." "Oo." Bigla niyang binitawan ang waitress. "Sige na nga." Tumalikod silang lahat. Huminga nang malalim ang waitress. "Thank you, Ate Sky." "Magtrabaho ka na." "Opo." Pagkaalis niya, lumapit si Candy. "Hindi ka pa rin nagbabago." "Hindi dapat." "Alam mo... minsan isipin mo rin ang sarili mo." Napatawa ako. "Kapag naisip ko ang sarili ko, sino ang magtatanggol sa kanila?" Hindi siya agad sumagot. Hinampas lang niya nang mahina ang braso ko. "Heroine ka talaga." "Hindi." "Tigas ulo lang." Bago pa kami makapagbiruan ulit, nagvibrate ang cellphone ko. Papa. Napapikit ako bago sinagot. "Ano?" "Sky..." Paos ang boses niya. "May kailangan lang ako." "Wala akong extra." "Hindi pera." "Sigurado?" "Totoo." Tumahimik ako. Kilala ko ang tatay ko. Kapag sinabing hindi pera ang kailangan... Pera pa rin ang dulo. "Anong gusto mo?" "Pwede ba kitang makita bukas?" "Bakit hindi ngayon?" May ilang sandaling walang nagsalita. "Sige na bukas." Pinatay niya ang tawag. Napakagat ako sa labi. May kakaiba. Hindi siya ganoon magsalita. Parang may itinatago. "Problema?" tanong ni Candy. "Si Papa." "Utang nanaman ?" "Parang." "Sky..." "Huwag." "Hanggang kailan mo siya sasaluhin?" Hindi ako nakasagot. Dahil hindi ko rin alam. Mahal ko ang tatay ko. Pero nakakapagod nang paulit ulit siyang bumagsak habang ako ang sumasalo. Binalik ko ang cellphone sa bulsa. "Trabaho muna tayo bhe." Tumango si Candy. "Sige." Hindi pa man kami nakakahakbang ay may malakas na kalabog. Isang customer ang tumilapon sa harap namin. Napatigil ang lahat. May isa pang lalaki ang sumugod. Diretso kong hinarang. "Tigil." "Huwag kang makialam." "Trabaho ko ito." Sinuntok niya ako. Nakaiwas ako. Hinawakan ko ang braso niya saka ko siya itinulak pabalik. "Labas." "Hindi ako lalabas!" "Sige." Hinila ko siya papunta sa pinto habang nagmumura siya. Pagdating sa labas, binitawan ko siya. "Bawal ka na rito." "Angas ah?! babae ka lang, akala mo kaya mo ako?" Napangiti ako. "Hindi." Bigla siyang sumugod. Mabilis kong naiwas ang katawan ko. Nawalan siya ng balanse at dumiretso ang mukha niya sa nakaparadang basurahan. Napatawa ang mga taong nasa labas. Tumayo siyang puno ng galit. "Babalikan kita!" "Kumuha ka muna ng sabon." Mas lumakas ang tawanan. Pagpasok ko ulit sa nightclub, nakataas na ang dalawang kamay ni Candy. "Champion!" "Huwag kang maingay." "Libre na naman ang entertainment." Napailing ako. Ito ang dahilan kung bakit bihira akong seryosohin ng mga kaibigan ko. Kapag may gulo... Ako ang unang tinatawag. Kapag tapos na... Ako rin ang unang inaasar. Lumapit si Boss Nestor. "Good job." "May Bonus?" "Salamat."Tinalikuran ako ng mokong kong boss "Kuripot." Napanguso kong sagot. Tumawa siya. "Sky." "Ano?" "May isa pang paparating." "VIP?" Tumango siya. "Personal request." "Kaninong request?" "May nagbilin lang." Napakunot ang noo ko. Hindi karaniwan iyon. Lahat ng VIP dumadaan sa reservation. Bakit may personal request? May dumating na itim na sasakyan sa harap ng entrance. Tahimik ang paligid. Hindi dahil sa utos ko. Kusang tumigil ang mga valet na parang kilala nila ang bagong dating. Napatingin ako sa pinto ng sasakyan. Unti itong bumukas. May lalaking bumaba. Simple ang suot. Itim na polo. Rolyo ng manggas. Walang bodyguard na katabi. Pero kakaiba ang tindig niya. Naglakad siya papunta sa entrance na parang wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya. Huminto siya sa harap ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Bahagya siyang ngumiti. "Ako yata ang hinihintay mo.""I will accept, but on my own terms, Henry."Tumingin ako sa kanya nang direkta. Hindi ako pwedeng magpakita ng takot. Kung gusto niyang maging nanny ako, gagawin ko iyon, pero hindi ako papayag na maging sunud-sunuran lang sa lahat ng gusto niya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay niya. Mukhang hindi niya inaasahan na may lakas pa ako ng loob na magbigay ng kondisyon."What terms, Sky?" tanong niya habang inilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon."Una, huwag mo akong tratuhin na parang alipin pagdating sa anak mo. Pangalawa, kailangan kong makita si Papa kapag kailangan. At pangatlo, huwag kang makikialam sa paraan ko ng pagdidisiplina kay Zac."Tumitig siya sa akin nang matagal. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sa bawat segundo na lumilipas, parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa wakas, tumango siya."Fine. You have my word. Pero tandaan mo, Sky, kapag may nangyaring masama sa anak ko, ikaw ang mananagot."Tumalikod na siya at naglakad pala
"Hoy Henry, akala mo ba ay madali lang maging alipin mo?!"Sumigaw ako habang nakapamaywang sa harap ng mahabang mesa. Hindi na ako nakapagpigil. Dalawang araw na akong nagpapakapagod sa mansion na ito, sunud sunod na utos ang natatanggap ko, at ang lalaking ito ay wala pang ibang ginawa kundi ang maghanap ng mali sa trabaho ko. Tiningnan niya ako mula sa binabasa niyang mga dokumento. Ang mga mata niya ay mapanuri, matalim, at parang hinuhubaran ako ng lahat ng depensa."Sky, sa tingin mo ba ay pumasok ka rito para magreklamo?" tanong niya sa nakaka-intimidate na boses."Pumasok ako rito para bayaran ang utang ng tatay ko, hindi para maging punching bag mo sa mood swings mo!"Tumayo siya. Ang tangkad niya ay nakakasilaw, lalo na kapag lumalapit siya nang ganito. Huminto siya sa harap ko, sapat na lapit para maamoy ko ang pabango niyang nakaka-adik."Sky, control your temper. You are a maid, remember?""Maid o preso? Dahil sa totoo lang, mas mahirap pa ang trabaho ko rito kaysa sa pag
"Iha, bumangon ka na dahil kailangan mo nang maghanda para sa mga utos ni Sir Henry!"Nagising ako sa boses ni Manang Rosa na may halong pagmamadali. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Iba ang kama sa mansion. Masyadong malambot. Masyadong tahimik. Wala ang ingay ng mga lasing sa nightclub. Wala ang amoy ng usok ng sigarilyo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ticking ng orasan sa dingding."Opo, Manang, babangon na," sagot ko habang pilit na iminumulat ang aking mga mata.Pagbaba ko sa sala, bumungad sa akin si Henry. Nakasuot siya ng mamahaling suit na parang galing pa sa isang photo shoot. Hawak niya ang isang papel na mukhang listahan ng mga batas. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri kung qualified ba ako sa posisyong pinasukan ko."Sky, narito ang mga rules mo. Una, bawal kang pumasok sa study room ko nang walang pahintulot. Pangalawa, huwag mong lalapitan ang anak ko kung hindi ko sinasabi. At pangatlo, siguruhin mong malinis ang bawat sulok ng mansyo
"Pirmahan mo ito o tuluyan nang mawawala ang tatay mo sa mundo."Binitawan ni Henry Zobel ang isang makapal na folder sa ibabaw ng lamesa ng manager sa opisina ng nightclub. Nanginginig ang kamay ko habang tinitingnan ang bawat pahina. Kontrata. Maid contract. Isang taon. Isang taong pagiging alipin ng lalaking sinuntok ko sa panga. Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ang mga itim na sasakyan na naghihintay sa labas. Si Papa... si Papa ang nasa loob ng isa sa mga iyon, hawak ng mga taong may utang siya."Ano ba ang gusto mong mangyari sa akin?" tanong ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko."Simple lang, Sky. Kailangan ko ng isang tao na walang takot at kayang bantayan ang anak ko habang wala ako. Gusto ko ng isang taong hindi madadaan sa suhol at hindi natatakot sa panganib. Ikaw ang nakita ko."Tumawa ako nang mapait. Ang buong buhay ko, pangarap ko ang makawala sa hirap. Pangarap kong makapag-aral ulit at magkaroon ng tahimik na buhay. Pero heto ako, nakikipagk






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.