LOGINBusilak ang kanyang puso. Mabuting anak at kapatid. Puno rin siya ng pangarap. Pero sa edad na beinte kuwatro, FAITH AVILA was diagnosed with lung cancer. Sa araw ng kamatayan ng dalaga, isang aksidente ang magpapabago ng kanyang tadhana... Magigising na lang siyang nasa katauhan ni FATE SY, an eighteen-year old heiress na biktima ng hit and run. Paano niyang haharapin ang mundong malayong-malayo sa kanyang nakagisnan? She must hide her identity just to survive. And she can't commit a forbidden love. Pero mapipigilan kaya niya ang pusong huwag tumibok sa taong pag-aari na ng iba?
View More"ANONG ginagawa mo rito?"
Mula sa pagkakaidlip sa mahabang upuan sa sala ay nagising ang diwa ni Faith. Naulinigan niya ang tinig ni Thea kahit halos mahina lang ang pagsasalita nito. "Gusto kong bisitahin ang ate mo." "Ang kapal naman ng mukha mo." "Bakit ganyan ka? Anong ginawa ko sa 'yo? Parang galit na galit ka." "Sa akin, wala kang ginawa. Pero sa ate ko, meron. At hindi lang ako galit. Galit na galit." Hindi natinag sa posisyon si Faith. Pumikit lang siya at nakinig sa usapan ng kanyang nakababatang kapatid at nobyo niyang si Kiel. Nagtataka siya sa klase ng pananalita ni Thea. Kilala niya itong magalang. Hindi ito basta magtataas ng boses lalo na sa nakakatanda rito. "Ano bang pinagsasabi mo?" "Nakita kita." Napakunot ng noo si Kiel. "Naghahalikan kayo ni Ate Laliene." "Tumahimik ka." Pinigil ni Faith na huwag gumalaw sa posisyon dahil alam niyang natuon sa kanya ang tingin ng nobyo. Pero may kirot siyang nadama sa kanyang puso. "Dahil ba may sakit si Ate, ha? At talagang sa kaibigan ka pa niya pumatol." "Mali ang nakita mo." "Malinaw pa ang mga mata ko." "Puwede ba? Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ng ate mo." "Teka. Ako dapat ang nagsasabi niyan. Buhay pa siya, pero nakahanap ka na agad nang kapalit." "Magkaibigan lang kami ni Laliene!" "Magkaibigan na naghahalikan? Lips to lips na may kasama pang yakap? Wow! Ibang klase kayong magkaibigan!" "Fine. Natukso lang ako ni Laliene. I mean, nagkatuksuhan lang kami." "Ano namang pinagtuksuhan niyo? Tungkol ba sa kung puwede kayong dalawa na magkaroon ng relasyon sa oras na mamatay na si Ate?" "Tumigil ka nga!" "Pumunta ka rito dahil guilty ka. Dahil mong may ginawa kang kasalanan kay Ate." "At anong gusto mong gawin ko, ha? Gusto mong hiwalayan ko ang ate mo dahil lang sa nakita mo?" "Bakit? Hanggang kailan niyo siya balak na lokohin?" "Huwag kang makikialam. Itikom mo iyang bibig mong madagdagan ang paghihirap ng kapatid mo." "Alam mo palang naghihirap siya, pero gumawa ka pa ng mali." "Ano bang ingay niyo riyan?" kunwaring usisa ni Faith. Pinilit niyang bumangon kahit nanghihina at nananakit ang katawan niya. "Thea, sino ba iyang kausap mo?" Mabilis nang pumasok si Kiel mula sa pagkakatayo sa bukana ng pinto. "Babe!" "O? Nandito ka pala?" "Kumusta ang chemo mo kahapon?" "Okay lang." "Pasensiya na, hindi kita nasamahan dahil nag-overtime ako sa trabaho." "Sa trabaho ka talaga nag-overtime?" Pasimpleng pinandilatan ng mga mata ni Kiel si Thea na umirap lang dito. "Pakikuha ako ng tubig," utos niya sa kapatid. Muli lang inirapan ni Thea si Kiel nang lagpasan ito. "May pinag-awayan ba kayo ng kapatid ko?" "H-Ha? Wala naman." "Pasensiya na. Mukhang wala siya sa mood ngayon. Baka may 'dalaw'. Alam mo na." Ngumiti at tumango lang si Kiel. "Kumusta ang bago mong trabaho?" "Maayos naman." "Pinag-oovertime na agad nila ang mga baguhan?" "Ni-request ko talaga iyon. Kailangan ko kasi ng pera. Kung hindi dahil kay Laliene, baka hanggang ngayon ay tambay at naghahanap pa rin ako nang trabaho." "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya." "Hayaan mo. Sasabihan ko siya na dalawin ka niya rito." "Madalas ba kayong magkita?" "H-Ha?" "Ah, oo nga pala. Anak siya ng boss mo kaya baka madalas siya pumupunta sa kompanya nila." Ginagap ni Kiel ang kamay ni Faith at umiwas ito sa usapan, "Sana gumaling ka na. Nami-miss ko na ang dating ikaw." "Ano ba ang dating ako?" "Uhm, siyempre 'yong masayahin at malusog." "Masayahin pa rin naman ako. Pero hindi ko maipapangako na magiging malusog ako." "Kaya ka nga nagpapa-chemo, 'di ba? Gagaling ka." "Kapag gumaling ako, ano ang plano?" Hindi agad nakasagot si Kiel. Kanina pa napapansin ni Faith na may nagbago na rito. Wala na sa mga mata nito ang kislap na dati ay nakikita niya tuwing nakatitig ito sa kanya. Blangko na iyon na tila ba nakatingin lang ito sa kawalan. "Ah, kaya ba kailangan mo ng pera dahil nag-iipon ka para sa future natin?" Nagbaba ito ng tingin. "Lilipat ako ng apartment. Sa Makati." "Ha? Mas malapit ang apartment mo rito. Bakit ka lalayo?" "Malapit iyon sa trabaho ko." "Gan'on ba?" "Pero dadalaw-dalawin naman kita." "Okay lang. Lately kasi hindi ka na gaanong pumupunta rito. So, baka lalong mawalan ka na nang time na bisitahin ako." "Busy lang ako sa trabaho." Tumango lang si Faith. "Kiel, paano kung hindi ako gumaling?" "Gagaling ka." "Baka itigil ko na ang chemo." "Bakit?" "Kahit libre ang proseso, hindi ang mga gamot. Ang mamahal. At hindi na kaya ng katawan ko. Lalo akong nanghihina." "Akala ko ba tumutulong ang pamilya ni Laliene?" "Tumutulong sila kapalit nang trabaho ni Nanay. Ayoko siyang nakikitang pagod at nahihirapan nang dahil sa akin." "Pasensiya ka na. Wala akong maitulong. May sinusuportahan din akong pamilya. Alam mo iyan." "Naiintindihan ko. Kung sakaling hindi na ako gumaling, puwede bang mangako ka na lang sa akin?" "Ano 'yon?" Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Faith. "Ayoko sana na lumabas na selfish. Pero puwede ba na kapag namatay ako ay hintayin mong mag-isang taon muna bago ka humanap ng kapalit?" "Oo. Pangako." Hindi iyon ang inaasahan ni Faith na sagot. At hindi ganoon kabilis na tila hindi man lang muna nito pinag-isipan. Gusto sana niyang marinig kay Kiel na wala na itong babae na mahahanap na kapalit niya. At siya lang ang tanging mamahalin nito habangbuhay, hindi pang-isang taon lang.''HUWAG mong kalilimutan ang mga bilin ko.''''Oo na. Memoryado ko na.''''Anong pangalan mo?''''Jessa.''Hinampas niya sa braso si Jessie. ''Ano ka ba? Sinabi nang Joshua!''''Of all names naman kasi bakit pangalan pa ng ex ko?''''Malay ko ba. Nagkataon lang iyon.''"Hindi sa 'yo sinabi nina Fran at Daisy?""Hindi."Umirap si Jessie."Hey! Lalaki ka ngayon. Real men don't do that. Keep that in mind.""English talaga, gurl?""And mind your words."Mula nang napunta ang kaluluwa niya sa katawan ni Fate ay na-adapt na niya ang pagiging englisera nito o ilang mga bagay at gawi nito. Ang iba rito ay kinaiinisan niya tulad nang undying love nito kay Ponce."Oo na."Pumasok na sila sa isang ekslusibong kainan. Naitawag na niya ang reservation dito. At inagahan din nila nang dating para maikondisyon niya si Jessie. Iginiya sila ng isa sa mga crew patungo sa kanilang reserved table. At sinabihan niya ito na mamaya na sila mag-oorder pagdating ng kanilang kasama."Bakit ba hindi ka mapakali
''ANONG ginagawa niya rito? Akala ko ba tayong dalawa lang?''''Sweetie, alam ko kasing hindi ka sasama kung sinabi kong kasama natin siya.''''Mabuti't alam mo!'' asik ni Fran kay Daisy. ''Kahit maayos ang huli naming pagkikita, mainit pa rin ang dugo ko sa kanya.''''Sweetie- ''Itinaas ni Fran ang isang kamay na pumutol sa pagsasalita ni Daisy. Pinapilantik muna nito ang mga daliri saka itinutok ang tingin kay Faith. ''Iba ang pakiramdam ko. May kailangan ka sa akin, 'no?''"Oo.""At ano naman ang kailangan ng isang heredera sa akin?"''Ang serbisyo mo.''Napamulagat ito at mabilis na iniyakap ang mga bisig sa harap ng dibdib.''Babayaran kita.''''Mukha ba akong bayaran, ha?''''Five thousand.""No. I'm not that cheap.''"Ten.""Maghanap ka na lang ng iba.""Fifteen."''Kaya kong kitain iyan sa parlor ko.''''Twenty.''''Wala ka sa auction para makipag-bidding sa akin.''''Fifty. Last offer ko na iyan.''''Sweetie, pumayag ka na!'' singit ni Daisy. ''Sayang din iyon.''''Kailan ka
"MARRY me..."She longed to hear those words from Kiel. Pero iba ang pinili nitong pakasalan. He even left her on her down and most darkest days. At walang kapatawaran iyon. Hindi niya ito mapapatawad.Biglang napasapo sa tapat ng dibdib si Faith nang may gumuhit doong kirot. At nagtaka siya. Sa isip lang naman niya sinabi ang bahaging iyon ng nakaraan tungkol sa dating nobyo. Pero nakaramdam siya ng sakit.May hindi siya naiintindihan sa nangyayari sa kanya. Hindi niya makuha ang logic nang soul-switching nilang iyon ni Fate."Okay ka lang?"Tiniis ni Faith ang nararamdaman at pinanlisikan ng mga mata si Ponce. "Sa tingin mo, okay lang ako?""May masakit ba sa iyo?" pag-aalala nito.Hinawi niya ang kamay ni Ponce na akto sana siyang hahawakan. "Magkakasakit talaga ako nang dahil sa iyo. Anong pumasok sa isip mo para alukin ako nang kasal, ha?""Ikaw ang iniisip ko.""Ako?""Dahil matagal mo nang pangarap ang makasal sa akin."Napatirik ng mga mata si Faith. "Here we go again. Wala na
MAAYOS naman ang dumaan na limang araw. Sinusundo siya ni Ponce at inihahatid. Hindi siya kumontra sa gusto nito dahil nagkaroon na sila nang agreement sa ganoong arrangement. At kahit umiwas siya, magkikita at magkikita pa rin sila nito. Una sa trabaho. Pangalawa sa bahay ng pamilya Avila. At puwede sana niyang iwasan ang pangatlo. Pero mukhang alam na ng kanyang mga magulang ang plano niya dahil siniguro ng mga ito na hindi siya makakaalis ng weekends nang hindi sila magkakasama sa almusal pagkatapos ng mga itong mag-golf.Naisip na niya iyon. Kaya nga maaga siyang bumangon at nag-ayos ng sarili."Ahhh!" Nagulat si Faith nang bumungad sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang silid ang ina. "Ma?""Good morning, my sweet dear!" magiliw nitong bati."H-Hindi ka po ba nag-golf?"Ngumiti ito. "Mukha pa ba akong fresh?""Uhm..." Sinuyod niya ng baba-taas na tingin ang ina. Naka-sports attire naman ito. At pawisan din. "Bakit ang aga niyo pong umuwi?""I just want to make sure na maaabutan kit
"MANONG, just stay there."Napatigil naman sa akto na sanang paglabas sa sasakyan ang driver na naghatid kay Fate sa kompanya ng Boston. "H-Ho?""I can manage. May mga kamay naman ako.""Uhm, sige po."Nagtatakang sinundan ng tingin ng driver ang paglabas ni Fate nang hindi na pinagbuksan ng pinto
NASA harap na ng pinto ng opisina ni Ponce si Fate nang bumalik ito sa mga kasama. Abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho."Hhmmm!" tikhim nito."Miss Fate, may kailangan ka pa?""Well, you know, after a heavy meal, mas maganda siguro if we can have a tea. What do you think?""Miss Fate, workin
"I WAS at the middle of the meeting kaya hindi ko masagot ang tawag mo. May problema ba? Ang dami mong miss call sa akin.""Hindi ko maalala, pero alam kong pamilyar sila sa akin...""Sino?" usisa ni Matthew sa kabilang linya habang kausap si Ponce."Laliene and Kiel. Kilala mo ba sila?""Yes."Nag
"NANDITO na ba ang records ng tatlong pasyente sa Room 126?""Saglit lang po, Ma'am."Tumango lang si Adella sa naging tugon ng isa sa mga naka-duty sa nurse station."Heto po, Ma'am."Kinuha niya ang tatlong asul na folder na inabot ng nurse. "Thank you.""You're welcome, Ma'am."Hahakbang na sana




![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)







Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews