เข้าสู่ระบบNaiwang nakatayo si Adeline sa gitna ng field, hawak ang mainit na pagkain habang nakatitig sa umaalis na likod ng doktor."Bwisit..." pabulong at nanggigil niyang utal habang nakatitig sa plato ng sinigang. "Akala ko pa naman nagwagi na ako! Bwisit ka talaga, Daddy Matthew!"Papalubog na ang araw bagaman nakatakda nang matapos ang konsultasyon bandang alas-sais ng gabi, napansin ng lahat na maliwanag pa ang paligid. Dahil tag-araw sa kabundukan, ang alas-sais ay tila alas-singko pa lamang ang timpla ng sikat ng araw. Marami pa ring residente mula sa malalayong barangay ang nag-aabang sa labas ng gymnasium, may mga bitbit na bata at mga matatandang umaasang maipapasuri ang kani-kanilang karamdaman. Dahil dito, mabilis na nagpatawag ng maikling pagpupulong si Matthew sa gitna ng field."Listen, everyone," pormal na wika ni Matthew habang nakatingin sa buong medical team. "If we pack up now and travel two hours back to the town proper, we lose precious time. We can utilize those two h
NAGSIMULA ang dagsa ng mga pasyente. Naging doble ang hirap kumpara kahapon. Dahil assistant ako ng mga nurse sa triage, hindi lang pagkuha ng vital signs ang ginagawa ko. Ako rin ang tumatakbo papuntang pharmacy kapag nagkakaubusan ng supplies, at ako ang nag-aassist sa mga matatandang nahihirapan nang maglakad.Sa gitna ng kaguluhan, may isang matandang lola na biglang nahilo habang nasa pila. Mabilis ko siyang inalalayan bago pa man siya tuluyang matumba sa semento."Lola! Dahan-dahan po," alala kong wika habang inaayos ang kaniyang pag-upo sa monobloc chair. Mabilis kong kinuha ang aking sariling water bottle at binuksan iyon para ipainom sa kaniya, saka ko kinuha ang pampaypay mula sa bag ko."Salamat, iha... Pasensya na, medyo matarik kasi ang nilakad ko mula sa itaas ng bundok," mahinang wika ng lola."Naku, Lola, huwag kayong mag-alala. Dito lang po kayo, ako na po ang kukuha ng number niyo at maghahatid sa inyo diretso sa doktor para hindi na kayo pumila." Habang pinaliligi
Lumalim ang gabi sa Barrio Sta. Ibañez. Kasabay ng pagbalot ng dilim sa kabundukan ay ang pagbagsak ng matinding lamig na tila tumatagos hanggang sa kalamnan. Matagumpay na naisara ang unang araw ng misyon, ngunit bago pa man makapaghugas ng kamay ang ilang kasamahan ko ay sinabi na ng Mayor at ng Kapitan ang mga nakalaang tulugan para sa buong medical team.Dahil iisa lamang ang maliit na barangay hall at may limitado ang pension house ng bayan, napilitan ang lokal na pamahalaan na hatiin ang tulugan. Ang mga babaeng residente at nurses ay sa malaking Day Care Center itinalaga, habang ang mga senior doctors, VIPs, at punong tagapamahala kabilang si Matthew at Dr. Samantha ay sa mismong rest house ng Mayora papatulugin."Nakahanda na po ang rest house ng pamilya ko, Dr. Fraser," pabebe at malambing na wika ng Mayora—isang dalagang nasa maagang trenta, may kaputi at kapansin-pansin ang pilit na pagpapaganda kahit nasa pampublikong serbisyo. "May sarili po kayong silid nila Dr. Cruz a
AdelineMAAGANG pumailanglang ang malamig na simoy ng hangin sa malawak na parking lot ng Fraser Medical Center. Sabi ng guard ay madaling-araw pa lamang ay nakalinya na ang dalawang malalaking coaster at isang cargo truck na naglalaman ng mga kahon-kahong gamot, vitamins, medical equipment, mga chocolates at candies at emergency kits.Nakatayo ako sa gilid habang hawak ang aking duffel bag, bahagyang nag-uunat ng leeg at sinusubukang itago ang matinding antok. Kahit puyat sa sobrang excitement kagabi, nananatiling gising ang buong sistema ko. Paano ba naman, tatlong araw kong makakasama sa iisang lugar ang lalaking halos magpadugo ng puso ko sa bawat titig niya.Inayos ko ang suot kong jacket at itim na maong. Maya-maya pa, huminto ang isang itim na SUV sa tabi ng coaster. Bumaba mula rito si Matthew, nakasuot siya ng simpling navy blue jacket over his casual shirt, na lalong nagpalabas ng kaniyang matangkad at malapad na pangangatawan. Parang may sarili talagang hangin na humahawi s
AdelineMabilis niyang ibinalik ang malamig at seryoso niyang ekspresyon, kahit halatang bahagyang nagbago ang timpla ng kaniyang mood. Narinig kong tumikhim siya bago hinarap ang chart. "I expected a professional, Miss Montemayor. Punctuality is the basic foundation of a medical practitioner. Kung sa unang araw mo ay hindi mo na kayang kontrolin ang oras mo, paano pa kapag hawak mo na ang buhay ng pasyente?""Hindi na po mauulit, Doc. Na-distract lang po kasi ako sa pag-aayos para maging presentable sa inyo—I mean, sa mga pasyente," mabilis kong pagbawi.Narinig ko ang mahinang hagikhik ng ilang residente sa likod namin. Sinamaan sila ng tingin ni Matthew kaya agad silang tumahimik."Let's start the rounds. Siguraduhin mong may matututunan ka ngayon, dahil hindi ko palalampasin ang kahit anong kapabayaan," malamig niyang banta bago naunang maglakad.“Yes, doc.” Habang nakasunod sa kaniya ay nakatitig lang ako sa kaniyang malalapad na balikat. Kahit anong sungit niya, mas lalo lang s
NAGISING ako dahil mainit na sinag ng araw na lumulusot sa kurtina kahit na makapal naman ang glass window nila dahilan para marahan kong maipikit ang mga mata ko. Ang bigat pa rin ng mga talukap ko paano naman kasi, halos buong gabi akong hindi nakatulog. Sino ba namang makakatulog nang mahimbing matapos ang nakakabaliw na panaginip tungkol kay Daddy Matthew? Napangiti ako nang maalala iyon.Bwisit... bakit ba ang gwapo niya kahit sa panaginip?"Adel?"Napatingin ako sa p***o kasunod ng boses at mahinang katok ay dahan-dahang bumukas ang p***o ng guest room. Pumasok si Marky, nakasuot na ng plantsadong puting dress shirt at itim na slacks. May nakasabit na hospital ID sa leeg niya at halatang paalis na."Good morning, sleepyhead," natatawa niyang bati.Bahagya lang akong umungol bago mas lalong isiniksik ang mukha sa unan. "Tanghali na, babe, may pasok pa tayo.” "Nurse intern lang naman ako ngayon." Inis kong sagot. Ayaw kong pumasok gusto ko na lang dito maghapon sa mansion nila.







