Mag-log inMabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni Astrid.
“You can deny it all you want, Astrid,” malamig nitong saad. “Pero hinding-hindi ako magkakamali sa sarili kong dugo.” Nanlamig ang buong katawan ni Astrid. Hindi. Hindi niya pwedeng hayaan na umabot pa ito sa puntong iyon. Kailangan niyang pigilan si Xavian. Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang elevator sa hallway. Kasunod no’n ay mabilis na yabag ng isang tao. “Astrid!” Lahat sila ay napalingon. Isang matangkad na lalaki ang naglalakad palapit habang may hawak na paper bag ng groceries. Mestizo ito, maamo ang mukha, at halatang may concern sa mga mata nito nang makita ang tensyon sa paligid. “Daniel…” halos pabulong na saad ni Astrid. Huminto ang lalaki nang makita si Xavian sa harap ng condo. Bahagyang kumunot ang noo nito. “Ayos ka lang ba?” At doon biglang may naisip si Astrid. Mabilis. Desperado. At marahil… mali. Pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para protektahan si Ashton. Mabilis niyang hinawakan si Ashton sa balikat. “Baby,” mahina niyang saad, “say hi to daddy.” Tahimik. Parang tumigil ang buong mundo. Maging si Daniel ay tuluyang natigilan. “Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Xavian. Unti-unting nagdilim ang ekspresyon nito habang dahan-dahang lumingon kay Daniel. Samantalang si Ashton naman ay naguguluhan lang na tumingala sa kanilang lahat. “Daddy?” inosenteng ulit nito. Hindi agad nakasagot si Daniel. Kitang-kita ni Astrid ang gulat sa mukha nito. Pero matalino ito. At bilang matagal na niyang kaibigan agad nitong naramdaman na may mali. Mabilis nitong tinignan si Astrid. At sa isang tingin pa lang, naintindihan na nito na kailangan siya ng babae. Kaya kahit halatang naguguluhan…marahan itong ngumiti kay Ashton. “Hey, champ.” Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Xavian. Pakiramdam niya may kung anong sumabog sa loob ng dibdib niya. “Who the fuck are you?” Malamig ang boses nito. Mapanganib. Ngunit kalmado lang na hinarap siya ni Daniel. “Daniel Reyes.” Naningkit ang mga mata ni Xavian. “And?” Bahagyang nag-atubili si Daniel. Ngunit bago pa ito makapagsalita, mabilis na sumagot si Astrid. “He’s Ashton’s father.” Parang bumagsak ang temperatura ng buong hallway. Tahimik. Nakakatakot na katahimikan. At sa unang pagkakataon matapos muling makita ni Astrid si Xavian…nakakita siya ng ibang emosyon sa mga mata nito. Hindi galit. Kundi sakit. Pure, brutal pain. Ngunit mabilis din iyong natabunan ng malamig na ekspresyon. “Really.” Mababa ang boses nito. Ngunit mas lalong delikado. Tumabi si Daniel kay Astrid na para bang instinctively pinoprotektahan siya nito. At iyon ang lalong nagpagalit kay Xavian. “Problem?” tanong ni Daniel habang diretsong nakatingin dito. Biglang napatawa si Xavian. Ngunit walang amusement doon. “Problem?” marahan nitong ulit. “You’re asking me if there’s a problem?” Mabagal itong lumapit. One step. Two steps. Hanggang sa halos magkatapat na silang dalawa ni Daniel. Mas matangkad nang kaunti si Xavian at mas mabigat ang presence nito. Parang isang predator na anumang oras ay kayang manakal. “At anong klaseng ama ka?” malamig nitong tanong. “Na ngayon ko lang nakita?” Tahimik si Daniel. Dahil wala naman talaga siyang maisasagot. Hindi niya alam ang buong kwento. Pero ramdam niyang hindi normal ang sitwasyon. At higit sa lahat, ramdam niyang takot si Astrid. Mabilis siyang sumagot. “I work overseas.” Naningkit ang mga mata ni Xavian. “Convenient.” Humigpit ang hawak ni Astrid kay Ashton. “Xavian, stop this.” Hindi siya pinansin ng lalaki. Diretso lang itong nakatingin kay Daniel. “At gusto mong paniwalaan kong anak mo siya?” Malamig na ngumiti si Daniel. “I don’t need your approval.” Biglang tumalim ang mga mata ni Xavian. At doon naramdaman ni Astrid na malapit nang mawalan ng kontrol ang lalaki. Kilalang-kilala niya ito. Kapag ganito katahimik si Xavian, mas delikado. “Enough,” mabilis niyang saad. Lumapit siya kay Daniel at marahang hinawakan ang braso nito. “Pasok na tayo.” Ngunit bago pa sila makakilos, mabilis na hinawakan ni Xavian ang pulsuhan niya. Nanigas siya. Lalo na nang maramdaman niya ang higpit ng hawak nito. “Look at me.” Hindi siya gumalaw. “Tell me the truth.” Mariin siyang napapikit. “Sinabi ko na sa’yo.” “Bullshit.” Biglang nagulat si Ashton nang tumaas ang boses ni Xavian. Agad itong napakapit kay Astrid. “Mama…” At sa isang iglap, biglang natahimik si Xavian. Dahan-dahan itong napatingin sa bata. Kitang-kita ni Astrid kung paano bahagyang lumambot ang ekspresyon nito nang makita ang takot sa mukha ni Ashton. At lalo iyong nagpabigat sa dibdib niya. Dahil sa kabila ng lahat…alam niyang hindi masamang tao si Xavian. Pero natatakot pa rin siya sa kung ano ang kaya nitong gawin kapag nawalan ng kontrol. Mabilis niyang hinila si Ashton palapit sa kanya. “It’s okay, baby.” Tahimik lang na nakatingin si Xavian sa bata. Pagkatapos ay marahan itong tumawa. Ngunit malamig pa rin iyon. “You really expect me to believe this?” tanong nito habang nakatingin kay Astrid. Walang sumagot. Dahan-dahang tumango si Xavian. “Fine.” Mababa ang boses nito. Nakakatakot. “If that’s the story you want…” marahan nitong saad, “then let’s test it.” Nanlamig si Astrid. “Ano?” “DNA test.” Biglang tumigas ang katawan ni Daniel. Mabilis itong napatingin kay Astrid. At doon niya tuluyang nakumpirma. Anak nga ni Xavian ang bata. Hindi niya alam buong kwento. Pero sapat na ang reaksyon ni Astrid para maintindihan niya lahat. “No.” mabilis na saad ni Astrid. Ngumiti si Xavian ngunit walang init iyon. “Bakit?” Naningkit ang mga mata nito. “Takot ka bang lumabas ang totoo?” “He doesn’t need to prove anything to you.” Malamig na napatingin si Xavian kay Daniel. “You should stay out of this.” “Then stop harassing her.” At doon tuluyang naputol ang natitirang pasensya ni Xavian. Sa isang iglap, marahas nitong nasuntok ang pader sa tabi ni Daniel. Malakas na ugong ang umalingawngaw dahilan para mapasinghap si Astrid. Maging si Ashton ay natakot at napaiyak. “Mama!” Agad na niyakap ni Astrid ang anak. “It’s okay, baby. It’s okay…” Ngunit habang umiiyak si Ashton, biglang tila natauhan si Xavian. Nakita nito ang takot sa mukha ng bata. At unti-unting bumaba ang tingin nito sa sariling kamao. Nanigas ang ekspresyon niya. Parang may biglang bumalik na alaala sa kanya. Mga panahong galit siya. Mga basag na gamit. Mga sigaw. At ang takot sa mga mata ni Astrid noon. Dahan-dahang napaatras si Xavian. At sa unang pagkakataon…parang may guilt na dumaan sa mukha nito. Ngunit mabilis din iyong nawala. Muli nitong tinignan si Astrid. At sa pagkakataong iyon, mas malamig na. Mas seryoso. “You’re still scared of me.” Tahimik si Astrid. At ang katahimikang iyon ang siyang sumagot para sa kanya. Mabigat na napatawa si Xavian. “Now I understand.” Nanlamig ang sikmura ni Astrid. Dahan-dahang tumango ang lalaki. “Kaya ka umalis.” Napapikit siya nang mariin. At bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita si Xavian. “But whether you like it or not…” malamig nitong saad habang nakatingin kay Ashton, “I will find out the truth.” Pagkatapos no’n ay tuluyan na itong tumalikod. Tahimik nilang pinanood habang naglalakad ito palayo sa hallway. Ngunit bago tuluyang sumara ang elevator, muli itong tumingin kay Astrid. Diretso. Mabigat. “At kapag nalaman kong anak ko siya…” Nanlamig ang buong katawan ni Astrid dahil sa sumunod nitong sinabi. “I’m taking back what’s mine.”Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Hindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon
Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i
Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li
Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy
Chapter 17Hindi na muling nakatulog nang maayos si Astrid. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, iisa lang ang naiisip niya. Si Ashton. At ang posibilidad na may taong gustong agawin ito sa kanya.Limang taon niyang pinalaki ang anak nang siya lang.Limang niyang ipinaglaban. Limang taon niy
Hindi naging mapayapa ang sumunod na mga araw. Matapos ang biglaang pagdating ni Victor Avanzado, tila may mabigat na ulap na nakabitin sa ibabaw ng bahay nina Astrid. Wala nang ibang ginawa si Astrid kundi isipin ang mga sinabi ng matanda. "My grandson has been hidden long enough." Paulit-ulit
Chapter 8Hindi makatulog si Astrid buong gabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian bago ito umalis.“Kapag nalaman kong anak ko siya… I’m taking back what’s mine.”Mahigpit niyang niyakap ang unan habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Katabi niya si Ashton na mahimbing na n
Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n







