Mag-log inTHIRD PERSON:
Mag-aalas dos na ng madaling araw nang tuluyang makauwi si Sera.
Halos hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga paa sa sobrang pagod.
Mabagal niyang binuksan ang pinto ng maliit nilang inuupahang silid upang hindi magising ang kanyang kapatid.
Tahimik ang buong paligid.
Tanging mahinang pag-ugong lamang ng lumang electric fan ang maririnig.
Dahan-dahan siyang lumapit sa maliit na higaan nila sapat na para magkasya silang dalawa magkaptid.
Naroon si Liam.
Mahimbing na natutulog.
Maputla ang kanyang mukha, ngunit bakas pa rin ang inosenteng anyo ng isang walong taong gulang na batang wala sanang ibang iniisip kundi ang maglaro at mangarap.
Napaupo si Sera sa gilid nito.
Hindi niya namalayang unti-unti nang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Marahan niyang iniabot ang nanginginig niyang kamay.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kapatid.
Napapikit siya ng maramdaman niya ang init ng kanyang kapatid.
Parang may mahigpit na kamay na pumisil sa kanyang puso.
Hindi niya alam kung lagnat ba iyon o init lamang ng katawan ng bata.
Ngunit sapat na iyon upang lalo siyang mag-alala.
Isang luha ang kusang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Hanggang sa hindi na niya napigilan.
Tahimik siyang umiyak.
Ayaw niyang magising ang kapatid kaya maingat niyang hinaplos ang buhok nito.
"Bunso..."
Basag ang boses niyang halos pabulong.
"Lalaban pa tayo, ha?"
Mahigpit niyang kinagat ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang paghagulgol.
Sa buong maghapon, pilit niyang naging matatag. Pilit niyang iginuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi at ipinakitang kaya pa niya, kahit sa loob-loob niya ay unti-unti na siyang napapagod at nanghihina.
Ngunit sa tuwing nakikita niya ang kanyang kapatid...
Doon lamang niya hinahayaang maging mahina ang sarili.
Dahil si Liam ang tanging dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang lumalaban. Siya rin ang nagbibigay sa kanya ng lakas sa tuwing gusto na niyang sumuko.
Sa kabila ng lahat ng pagod at hirap na araw-araw niyang dinadala, sapat na ang makita niyang lumalaban ang kanyang kapatid para ipagpatuloy niya ang laban.
Marahan siyang yumuko.
Hindi na alintana ni Sera ang pagod na bumabalot sa bawat parte ng kanyang katawan.
Hindi na niya iniisip ang maagang pagpasok kinabukasan.
Ang mahalaga...
Mayakap lamang niya ang nag-iisa niyang pamilya.
Unti-unti niyang ipinatong ang kanyang ulo sa tabi ni Liam.
Habang yakap pa rin ito nang mahigpit.
Tahimik na pumikit si Sera.
Kasabay ng patuloy na pagpatak ng kanyang mga luha.
Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog...
Habang yakap-yakap ang pinakamahalagang dahilan kung bakit araw-araw niyang pinipiling lumaban.
Ang kanyang munting kapatid.
*****
Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong upuan ng mahaba at mamahaling conference table.
Mula sa floor-to-ceiling glass windows ng executive boardroom ay tanaw ang buong siyudad.
Naroon ang ilan sa pinakamayayamang investors at business partners mula sa iba't ibang bansa.
Mga CEO.
Mga shareholders.
Mga executive directors.
Lahat sila...
Tahimik na naghihintay sa magiging desisyon ko.
Sa harapan ng silid, sunod-sunod na ipinapakita ng aking executive secretary ang financial projections ng bagong proyekto.
"As you can see, Mr. Del Rosario..."
"Kapag natuloy ang acquisition ng tatlong logistics companies sa Southeast Asia, inaasahang tataas ng halos apatnapung porsiyento ang market share ng Del Rosario Group sa loob lamang ng isang taon."
Tahimik akong nakikinig.
Hindi ako nagsasalita.
Paminsan-minsan lamang akong tumitingin sa mga dokumentong nasa aking harapan.
Habang ang mga investors ay seryosong nakatingin sa malaking LED screen.
"This project requires an initial investment of five billion pesos."
"The projected return on investment is estimated at two hundred percent within three years."
Tumango ang ilan. May mga nagbulungan din sa isa't isa. Ngunit nanatili akong tahimik.
Alam nilang lahat na hindi sapat ang magagandang numero para mapapayag ako.
Isa sa mga foreign investors ang nagsalita.
"Mr. Del Rosario, this is a once-in-a-lifetime opportunity."
"If we move now, we'll dominate the market."
Dahan-dahan kong isinara ang hawak kong folder.
Agad na natahimik ang buong conference room.
Lahat ng mata ay napalingon sa akin. Hindi ko na kailangang magtaas ng boses o gumawa ng anumang bagay para makuha ang kanilang atensyon. Sapat na ang presensya ko upang tuluyang manahimik ang buong silid. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat isa sa kanila, saka ako dahan-dahang nagsalita.
"I don't invest because of opportunities."
Malamig ang boses ko habang diretso kong tinitigan ang mga nasa harapan ko.
"I invest because I already know the outcome."
Nabalot ng katahimikan ang buong conference room.
"Five billion..."
Bahagya akong huminto bago muling nagsalita.
"In my company..."
"...is not an expense."
"It's a weapon."
"A weapon that controls the market... and crushes anyone who stands in my way."
Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking upuan.
Tahimik akong naglakad patungo sa floor-to-ceiling glass window at minasdan ang malawak na skyline ng lungsod sa ibaba.
Nakapamulsa ang isa kong kamay habang malamig akong nagsalita.
"Kapag naglalabas ako ng bilyon-bilyong dolyar..."
"Hindi ako namumuhunan para sa simpleng tubo."
Dahan-dahan akong lumingon sa kanila.
"I expect three times the return."
"Or more."
Bahagya akong ngumiti, isang ngiting walang init.
"I don't settle for less."
Muling bumalot ang katahimikan sa buong silid. Halos walang sinuman ang nangahas magsalita. Alam nilang lahat na hindi ako kailanman naging emosyonal pagdating sa negosyo. Hindi ako nagpapadala sa matatamis na salita o magagandang presentasyon.
Bawat pisong inilalabas ko ay pinag-iisipan ko nang mabuti, dahil para sa akin, ang negosyo ay hindi tungkol sa emosyon, kundi sa tamang desisyon.
Kailangan kong mabawi nang tatlo o apat na beses ang halaga.
Kung hindi, hindi ako interesado.
Tahimik kong ibinalik ang folder sa mesa.
"Revise the proposal."
"Reduce the operational risk."
"And increase the projected return."
"Then come back."
Iyon lamang ang sinabi ko.
Agad na tumango ang aking executive secretary.
"Yes, Mr. Del Rosario."
Samantalang ang mga investors ay napatingin sa isa't isa.
Walang sinuman ang nagtangkang makipagtalo.
Dahil sa mundo ng negosyo...
Iisa lamang ang batas.
At ang batas na iyon...
Ay si Damian Alistair Del Rosario.
*****
SERA'S POV:
Napatingin ako sa lumang relong nakasabit sa dingding ng panaderya.
Alas otso na ng umaga.
Napabuntong-hininga ako habang marahang pinupunasan ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng aking kamay.
Pagkatapos ay isa-isa kong isinilid sa estante ang mga bagong lutong pandesal, ensaymada, at loaf bread na kararating lamang mula sa oven.
Habang inaayos ko ang mga tinapay...
Hindi mapakali ang isip ko.
Kaninang madaling-araw pa lamang, napansin ko nang tila may sinat si Liam.
At kilalang-kilala ko na ang kapatid ko.
Sa tuwing nagsisimula siyang magkaroon ng sinat...
Hindi iyon basta lagnat lang.
Madalas...
Iyon ang simula ng muling paghina ng kanyang katawan.
At bago matapos ang araw...
Maaari na naman siyang umabot sa napakataas na lagnat at kailangang dalhin sa ospital.
Mahigpit kong kinagat ang aking ibabang labi. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumasok ngayong umaga. Mas gusto kong manatili sa tabi ni Liam, bantayan siya, at siguraduhing hindi na siya lalong manghihina.
Ngunit wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong kumita. Kailangan kong magtrabaho. Dahil kung hindi ako kikilos, paano kami mabubuhay?
Kaya bago pa ako pumasok sa panaderya, nakiusap na ako kay Aling Nora at kay Alex na silipin paminsan-minsan si Liam habang nasa trabaho ako.
Nagpaalam na rin ako sa manager ng restaurant kung saan ako nagtatrabaho tuwing hapon.
Ipinaliwanag kong baka mahuli ako ng pasok dahil kailangan ko munang umuwi at kumustahin ang kalagayan ng kapatid ko.
Mabuti na lamang at naintindihan niya ang sitwasyon ko. Ang plano ko lang ay tapusin ang shift ko rito sa panaderya, pagkatapos ay dumiretso na sa ospital. Gusto kong matiyak na maayos ang lagay ni Liam.
Ngunit hindi pa man natatapos ang trabaho ko, biglang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng aking apron. Napahinto ako sa ginagawa at agad na napatingin sa screen.
'Alex Calling...'
Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello? Alex?"
Ngunit hindi ang masayahing boses ng kaibigan ko ang bumungad.
Halos hinihingal siya.
"S-Sera!"
Sa paraan pa lang ng pagtawag niya sa pangalan ko...
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko.
Mahigpit kong napisil ang cellphone.
Sa tuwing ganyan ang tono ng boses ni Alex...
Iisa lang ang ibig sabihin noon.
Si Liam.
THIRD PERSON:Ang biyahe pabalik sa eksklusibong condominium tower ay nabalot ng nakabibinging katahimikan. Bawat segundo na lumilipas ay mas lalong nagpapatindi sa kabog ng dibdib ni Sera. Nang bumukas ang pinto ng pribadong elevator sa pinakamataas na palapag, nanginginig ang kaniyang mga daliri habang dahan-dahang itinutulak ang pinto ng penthouse.Pagpasok niya sa loob, ang kaninang eleganteng karangyaan ng condo ay tila napalitan ng isang napakalamig at nakatatakot na atmospera.Nakaharap sa kanya si Damian.Tahimik itong nakaupo sa gitna ng mamahaling leather couch sa sala, tila kanina pa hinihintay ang kanyang pagdating. Sa isang kamay ay hawak nito ang kristal na baso ng alak, habang ang isa nama'y nakapatong sa sandalan ng sofa.Ngunit ang higit na nagpayanig kay Sera ay ang ekspresyon ng lalaki.Naglalaro sa guwapo nitong mukha ang malamig, seryoso, at madilim na anyo ng galit. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakapako kay Sera, walang kurap, walang awa.Para siyang isang
THIRD PERSON:Nasa gitna pa ng seryoso at mabigat na pag-uusap sina Sera at Alex nang biglang marinig ang isang mahinang ungol mula sa kama. Sabay na napalingon ang dalawa at doon ay nakita nila ang marahang paggalaw ng mga daliri ni Liam, kasunod ng dahan-dahang pagkabukas ng kaniyang maliliit na mata.Bumaling ang paningin ng walong taong gulang na bata sa kabuuan ng silid. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata at napuno ng matinding pagtataka ang kaniyang inosenteng mukha nang masilayan ang napakalawak, napakalinis, at napakarangyang ICU Isolation Suite. Wala na ang siksikan at maingay na ward room na kinalakihan niya nitong mga nakaraang linggo."Ate... nasaan tayo?" pabulong at medyo paos na tanong ni Liam habang nakatingin sa kisame na may modernong ilaw. "Bakit po ang ganda ng kwarto na 'to?"Hindi na napigilan ni Sera ang kaniyang sarili. Lumapit siya nang husto sa tabi ng kama at hinawakan ang magkabilang kamay ng kapatid. Ang kaniyang puso ay napuno ng matinding sakit na m
SERA'S POV:Mabilis kong itinulak ang pinto ng ICU Isolation Suite upang takasan ang mga mapanghusgang titig at bulungan ng mga nars sa pasilyo. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako rito, dahan-dahang hinahabol ang aking hininga habang pilit na pinapakalma ang nanginginig kong dibdib.Nang iangat ko ang aking paningin, sinalubong ako ng payapa at marangyang silid. Lumapit ako sa gilid ng kama at tinitigan si Liam. Ang kaniyang maliit na mukha ay mahimbing pa ring nakapikit, ngunit kitang-kita ko na mas maayos na ang kaniyang kulay kumpara noong mga nakaraang araw.8.0Hindi pa man ako nauupo, dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Ramirez. May hawak siyang medical chart, at sa pagkakataong ito, may malawak at panatag na ngiti sa kaniyang mga labi."Magandang umaga, Miss Monteverde," bati ng doktor sa akin."Magandang umaga po, Doc," agad kong sagot, habang muling bumabalik ang kaba sa aking boses. "Kamusta po si Liam? Bakit po hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigisin
SERA'S POV:Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata nang tumama ang sikat ng araw sa aking mukha mula sa glass wall. Agad kong hinawakan ang aking tabi, ngunit malamig at malinis ang kabilang bahagi ng kama. Wala na si Damian. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng luwag dahil hindi ko siya nakita paggising ko, ngunit ang hapdi at kirot sa aking katawan ay sapat na paalala ng kaniyang kalupitan kagabi.Inayos ko ang aking robe at nagpasya nang lumabas ng kwarto upang mag-asikaso para sa pag-alis ko papuntang ospital. Ngunit pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, napaatras ako sa matinding gulat.Nakatayo sa harap ko ang isang may-edad na babae, mukhang nasa huling bahagi na ng kaniyang singkwenta, maayos ang pagkakatali ng buhok, at nakasuot ng isang napakapormal at eleganteng uniporme. May bitbit siyang ilang mamahaling paper bag."Magandang umaga, Miss Seraphina," bati ng matanda sa isang napaka-propesyonal ngunit malamig na tono.
SERA'S POV:Nanatili akong nakahiga sa dambuhalang kama, mahigpit na nakakapit sa aking nagusot na robe habang pilit kong pinapakalma ang aking nagwawalang puso. Naririnig ko ang kaniyang mabibigat na hakbang sa labas ng kwarto, kasunod ng kaniyang baritonong boses na may awtoridad habang nakikipag-usap sa telepono. Tumawag siya sa staff ng condo upang mag-utos na agad na magpadeliver ng pagkain sa penthouse.Hindi pa man lumilipas ang dalawampung minuto, narinig ko na ang marahang katok sa labas ng pinto at ang mabilis na pagtanggap ni Damian sa pagkain.Maya-maya pa ay bumukas muli ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Damian. May dala siyang tray na naglalaman ng mga bagong lutong pagkain mula sa isang mamahaling restaurant sa ibaba. Ang bango ng sabaw at ng bagong luto na kanin ay agad na pumuno sa buong silid, na mas lalong nagpaingay sa gutom ng aking sikmura.Ibinaba niya ang tray sa side table sa tabi ng kama at naupo sa gilid niyon. Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang mapa
SERA'S POV:Matapos ang mahabang oras sa ilalim ng umaagos na tubig, pinihit ko ang gripo at tinapos ang aking pagligo. Kumuha ako ng isang malambot na kulay puting robe na nakasabit sa banyo, isinuot ko ito, at mahigpit na itinali ang sinturon sa aking baywang. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ng aking katawan, subalit ang kaba sa aking dibdib ay hindi pa rin tuluyang nawawala.Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili habang hinahawakan ang hawakan ng pinto ng banyo. Inisip ko na baka pwede na akong makapagpahinga nang maayos ngayong gabi dahil mag-isa naman ako sa malawak na penthouse na ito.Ngunit nagkamali ako. Isang malaking pagkakamali.Dahan-dahan kong itinulak ang pinto upang lumabas. Ngunit sa mismong pag-hakbang ko, tila ba lumaktaw ang tibok ng aking puso at tuluyang napigtas ang aking paghinga."A-Anong—"Nakatayo na si Damian sa harapan ko.Ni hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng digital lock ng pangunahing pinto ng condo.Siyang nanatiling naka







