LOGIN(Four years ago)
Naya Diaz Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mr. Iglesias ganoon din nang mapadpad ang tingin ko sa kanyang mga labi. Tama ang mga ka-trabaho ko. Ang ganda ng mga labi niya at mukhang ang sarap papakin ng mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ideyang iyon. Kaya naman dali-dali akong umiling at hindi kalaunan ay tumayo na rin mula sa kanyang kandungan. Muli ay umupo ako sa couch sa tabi niya at inayos ang sarili ko. "Bakit ho ba gusto niyong malaman ang tungkol sa problema ko?" iritable kong sambit. "It's a personal matter. Hindi ba't kayo mismo ang nagsabi na walang pakialamanan ng problema ng may problema? What are you doing?" Umangat ang dalawang kilay niya. "Yes, sinabi ko 'yon at tandang-tanda ko pa 'yon. Pero sa tingin mo, makakapag-concentrate ako sa oras na makita ko 'yang pagmumukha mo na problemado? Do you think mahaharap mo ng maayos ang trabaho mo?" Lihim na lamang akong natawa. Kahit naman sabihin ko pa ang problema ko sa kahit na sino ay tiyak naman ako na mananatili pa rin iyon sa diwa ko. Hindi ko alam pero parang parte na yata ng buhay ko ang mag-isip ng mag-isip tungkol sa mga isyung mayroon ako sa pamilya ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muli ay binalingan ng tingin si Mr. Iglesias. "Hindi niyo gugustuhing malaman ang problema ko, sir." Tawa ko. "Isa pa, kaya ko naman 'to at sisiguraduhin kong hindi ko idadamay ang trabaho ko sa personal na bagay na 'to ng buhay ko. I promise you that." Umiling siya. "Tell me. I want to hear it." Sa sinabi niyang iyon ay napakamot na lamang ako sa ulo ko. Ayaw talaga niyang magpatinag. Well, kung tutuusin ay ganoon naman na talaga siya kahit noon pa man. Bakit pa ba ako magtataka? "Pero sir..." Naputol ang sasabihin ko nang unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kita ko ang sinseridad niya sa mga sandaling iyon habang tila ba hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. "Fine. I guess wala naman na akong magagawa," anas ko at hinarap siya. "Ang totoo niyan...ang pamilya ko ang nagdedesisyon ng mga bagay na dapat kong gawin sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit nagawa kong talikuran ang sarili kong pangarap at kung bakit ako nandito ngayon bilang assistant mo." Nanatili siyang walang imik sa mga sandaling iyon habang tahimik lamang niya akong pinagmamasdan. "They're basically the ones controlling my life. Wala akong karapatang magreklamo at wala rin akong karapatang magsabi ng hindi. Kailangan kong gawin ang mga ipinag-uutos nila sa 'kin at kung hindi ko gagawin 'yon ay ipagtatabuyan nila 'ko." Naningkit ang mga mata niyang tinapunan ako ng tingin. Maya-maya ay umayos siya ng upo at nagsalita. "At wala ka man lang magawa?" kunot-noo niyang tanong. "Sarili mo at sarili mong buhay ay hindi mo magawang ipaglaban sa kanila? That's not right." Pagak akong natawa. "Of course, madali lang sabihin ang ganyang bagay. I tried it myself pero wala akong napala. Nasampal pa nga ako at napalayas." "Magulang mo sila at anak ka nila," sambit niya na ikinatitig ko sa kanya. "You're not their pet and they're not your master. Hindi ka hayop at hindi ka isang laruan para kontrolin ng kahit na sino. You should fight against them." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko man aminin ngunit nasaktan ako sa sinabi niya. Para nga akong hayop sa paraan ng pagtrato nila sa akin. Kahit paano ay kaya pang lumaban ng aso sa amo niya, pero ako hindi ko kayang gawin iyon. Dahil kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo ay magulang ko pa rin sila at sila lang ang natatanging pamilyang mayroon ako. Kailangan ko silang sundin dahil sila lang ang nakakaalam ng nararapat para sa akin. "Ikaw na rin ang nagsabi, magulang ko sila," anas ko at muli siyang binalingan ng tingin. "Anong klaseng anak ako kung babastusin ko ang mga magulang ko?" Isang nakakalokong-ngiti ang gumuhit sa dulo ng labi niya. "At anong klaseng magulang sila na kokontrolin nila ang buhay ng anak nila?" tiim-bagang niyang sambit. "Tingnan mo nga ang sarili mo? Nasa maayos ka pa bang kalagayan? Mugto 'yang mga mata mo. Sigurado ako na hindi lang simpleng hindi pagkakaintindihan ang nangyari sa pagitan niyo. It's something more, right?" Tama siya. Inaasahan ko na kakamustahin ako ni Mama dahil tumawag ako sa kanya at ipinaalam ko na masama ang pakiramdam ko. Ang buong akala ko ay bibistahin niya ako rito at dadalhan ng pagkain tulad ng ginagawa ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. Pero wala akong napala at natamo kundi kabi-kabilang sampal sa mukha ko. Muli ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili kong umiyak ay hindi ko na nagawa pa. Sinabi ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay hindi ako iiyak sa harap ng kahit na sino. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging matapang at maging palaban. Sa ngayon ay walang nagawa ang tapang kong iyon kundi ang humagulgol sa harap ng boss ko. "Just let it all out," aniya sabay yakap sa akin. Bagamat nagitla ako sa pagyakap niyang iyon sa akin ay hindi ko na nagawang ipagtulakan siya o lumayo sa kanya. Hindi ko akalain na ang boss ko ang taong masasandalan ko sa mga sandaling iyon.Naya DiazMatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Habang abala akong nagpupunas ng buhok ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko sa puwesto ni Xavier sa kama namin.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pakiwari ko ay may sumaksak sa akin ng matalim na kutsilyo sa likuran ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala rito si Xavier sa tabi ko at nandoon siya, nakahiga pa rin sa ICU.Tuluyan ko nang inihinto ang ginagawa ko at hindi kalaunan ay umupo sa gilid ng kama.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Sinusubukan kong magpakatatag at umahon mula sa pagsubok na ito, ngunit tila ba lalong sinusubukan ang tatag ng loob ko.Ilang saglit pa ay agad kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.Iniluwa niyon si Mom Nicole.Right before she spoke, natigil siya nang mapukol ang tingin niya sa akin. Dali-dali siyang
Mattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi
Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p
Third Person's POVNang tuluyan nang makarating sa kanilang bahay ay agad na lumabas si Dario mula sa kanyang kotse. Iritable niyang isinara ang pinto niyon at paulit-ulit na sinipa ang gulong niyon. Kulang na lang ay pulutin niya ang bato na nasa kanyang harapan at itapon iyon sa kanyang kotse. He wants to break something. Bagay na hindi niya nagawa habang kaharap niya si Mattias."The fuck with that guy!" nangangalit niyang anas at muli ay sinipa ang gulong ng kotse. "Matagal na siyang nawala, bakit hindi na lang niya itinuloy-tuloy? Bakit pa niya kailangang bumalik? Everything was so damn good!"Sa kabilang banda naman ay ramdam ni Eric ang inis ni Dario sa mga sandaling iyon. Noon pa man ay tanging si Mattias lamang ang siyang nakapagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang boss. That guy was not someone Dario should mess with.Kapag ang lalaking iyon ang kumilos at nagsalita, walang magawa ang kanyang boss. Katulad kasi ni Xavier, marami
Mattias Avila(Four hours ago)Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang braso ko na nadaplisan ng bala. Matapos niyon ay nag-angat ako ng tingin sa tauhan ni Dario na nakangisi habang hawak ang baril. Sa puntong iyon ay naghagalpakang muli ang kanyang mga tauhan—kabilang na roon si Dario.Sa kabilang banda naman, bagama't ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa nadaplisan kong braso ay prente pa rin akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko.Ilang saglit pa ay tinanggal ko ang bag ko at inilapag ko iyon sa semento. Inilislis ko ang long-sleeved shirt ko at hindi kalaunan ay naglakad patungo sa kinalulugaran ng lalaking bumaril sa akin.Binalingan ko ng tingin si Dario na sa mga sandaling iyon ay naningkit ang mga matang nakatuon ang atensyon sa akin. Hindi nagtagal ay umangat ang dulo ng labi ko lalo na nang muli kong harapin ang kanyang tauhan.Agad kong sinipa ang hawak niyang baril, kung kaya't nabitawan niya iyon.
Mattias Avila(Four hours ago)Matapos kong bumaba ng bus ay agad akong naglakad patungo sa front door ng gusali ng kumpanya. Ngunit sa kasagsagan ng mga sandaling iyon ay natigil ako nang isang kotse ang agad na humarang sa daraanan ko.Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko habang inaabangang lumabas kung sinuman ang nasa loob ng sasakyan na iyon.Ilang saglit pa ay isang lalaki ang lumabas doon. Mas matangkad siya sa akin. Nakasuot siya ng maong pants at corduroy shirt. Sa leeg niya ay nakasuot din ang silver na kwintas na may pendant na leon. Bukod pa roon ay mayroon ding nakasubong sigarilyo na kulang na lang ay malapit nang maubos.Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang tuluyan kaming nagharap. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay pareho kaming natigil at napukol ang tingin sa ilan pang mga sasakyan na huminto sa likuran ko.Mula roon ay lumabas ang ilan sa kanyang mga tauhan. Armado ang
Xavier IglesiasIlang minuto ang nagdaan at tuluyan na rin kaming nakarating sa lugar kung saan kami magkikita ni Ares. Kasama ko si Ms. L na sa mga sandaling iyon ay pansin ko ang hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha. We've finally found Eleanor's hiding place ganoon din ang iba pa nitong
Xavier IglesiasHome.Bulacan has always been my home.Iyon ang lugar kung saan ako lumaki at nagkamalay. Doon ko nakilala ang mga naging kaibigan ko magmula high school hanggang college. Limang taon na ang nakakalipas simula nang huli akong umuwi roon.Simula nang umupo ako bilang CEO ng kumpanya
Third Person's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan na ring nakarating si Victor sa third floor kung saan niya kikitain ang kanyang kausap. Pagbukas niya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang isang babae na nasa mid-50s ang edad.Sakto lamang ang bagsak ng buhok nito sa balikat nito habang a
Xavier IglesiasAgad na nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Jasmine. As I turned to Naya, kita ko ang nakaguhit na pagtataka sa kanyang mukha habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kaibigan.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko kasunod niyon a







