Mag-log inWalang ibang hinangad si Naya Diaz kundi ang maayos na pagturing sa kanya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang ina. Ngunit tila ba kahit anong gawin niya ay hindi pa rin sapat para sa kanila ang kanyang pagpupursige. Kaya naman nang pilitin siya na makipagkasal sa kaibigan ng kanyang ina na mas matanda sa kanya ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili. Nagpasya siyang lumayas. Nang malaman ni Xavier Iglesias ang nangyaring iyon, ang kanyang boss at ang kanyang long time boyfriend, ay labis ang pagkasuklam at galit nito sa kanila. Sa ilang taong pagsasama nila bilang magnobyo ay pagod na siyang nakikita ang kanyang nobya na nahihirapan dahil sa sarili nitong pamilya. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ayain at ituloy ang kasal na matagal niya nang binabalak para sa kanilang dalawa. Naya agreed to marry him, but there's a condition. Xavier respects her decision. Ngunit kahit na pilitin niya ang kanyang sarili na tanggapin ang kondisyon na iyon ng asawa ay sawa na siya sa pagtatago. Kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon na makaharap ang pamilya ni Naya ay hindi na siya nagdalawang-isip na isakatuparan ang kanyang plano. Kung ang mga taong kinamumuhian niya ang magiging daan upang masabi niya sa lahat ang tungkol sa relasyon nila, kukunin niya ang oportunidad na iyon. He will pursue his plan, even though there's a hundred percent chance that they'll use him for their own benefit.
view moreNaya Diaz
Agad kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos nang marinig ko ang sinabi ni mama. Bagamat napupuno ng tawanan at ingay ang loob ng dinner room ay nanatili akong walang imik sa mga sandaling iyon. "Ano hong sabi niyo?" kunot-noo kong tanong. "Ipapakasal niyo 'ko kay Ash Demetrio?" "Kailangan pa bang ulitin, Naya? Malakas naman ang pagkakasabi ng mama mo, hindi ba?" anas ni tita Olga. "Bakit-" "Responsableng lalaki si Ash," pagsisimula niya. "Matino at higit sa lahat...may kaya sa buhay. Naku, kung alam mo lang kung gaano kayaman ang pamilya ng batang 'yon. Bukod pa doon ay nag-iisa siyang anak at ang ibig sabihin lang niyon ay siya rin ang tagapagmana nila." Sumabat si tita Georgina. "Tama ang mama mo, Naya. Ano pa bang hahanapin mo kay Ash? Nasa kanya na ang lahat - kagwapuhan at siyempre, yaman." Napabuga ako ng hangin sa narinig kong iyon mula sa kanilang dalawa. Umiling ako kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko. "Hindi," anas ko na ikinatigil nilang tatlo. "Hindi ako papayag sa gusto niyo. Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko gusto at hindi ko mahal!" Tumayo si mama sa kanyang kinauupuan. "Mahal? Gusto?" Pagak siyang natawa. "Anong silbi ng pagmamahal kung nagugutom naman ang sikmura mo? Anong silbi ng pagmamahal kung wala kang mapapala at maghihirap ka lang buong buhay mo?" Marahan akong tumango. "Anong ibig mong sabihin? Pinakasalan mo lang si papa dahil sa pera niya? Dahil sa kayamanan niya at ng pamilya niya? Kaya ba nagpapakasasa ka-" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko na agad na nagpahinto sa akin. Hawak ko ang pisngi ko ay binalingan ko ng tingin si mama na sa mga sandaling iyon ay gigil akong sinabunutan. "Wala kang karapatang kwestyunin ang pagpapakasal ko sa ama mo!" Mas lalo pang humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Hindi ba't pinakikinabangan niyo rin naman ang kayamanang iyon? Meron ba kayong magandang buhay ngayon kung hindi dahil din sa apelyidong Diaz?" Matapos niyon ay itinulak niya ako na naging dahilan ng kamuntikanan kong pagkasubsob sa sahig. Tinapunan ko siyang muli ng tingin habang ramdam ko ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ko. "Anak lang kita, Naya!" Muli niya akong sinampal. "Kaya kung anong gusto ko ay nararapat mong sundin. Wala kang karapatang umayaw! Iyon na nga lang ang maibibigay mong ambag sa pamilyang 'to, kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto namin!" Sa narinig kong iyon ay mas lalong nagsikip ang dibdib ko ganoon din ang tuloy-tuloy na pagragasa ng mga luha ko. Marahan akong umiling sabay atras mula kay mama. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumakbo ako patungo sa pinto. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahinto ako nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya. "Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan..." madiin niyang sambit. "Hinding-hindi ka na muling makakaapak sa pamamahay na 'to. At kapag lumabas ka riyan, wala ka na ring babalikang pamilya. You're not a Diaz anymore." Nag-angat ako ng tingin kasunod niyon ay ang pagpunas ko ng mga luha ko. Tiim-bagang kong inihakbang ang mga paa ko palabas ng pintong iyon at dali-daling tumakbo. Humahagulgol kong ibinagsak pasara ang gate at hindi kalaunan ay napaluhod na lamang ako mula sa kinatatayuan ko. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang walang tigil na pag-iyak ko. Hanggang sa hindi nagtagal ay nag-angat ako ng tingin nang isang lalaki ang lumapit sa akin. Katulad ko ay basang-basa na rin siya ng ulan. Sa puntong iyon ay salubong ang kanyang dalawang kilay habang matamang akong pinagmamasdan. "Anong nangyari?" tiim-bagang niyang anas. "Bakit umiiyak ka na naman?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sabay yakap sa kanya. "Ayoko na! Ayoko na, Xavier!" Hagulgol ko. "Ilayo mo na 'ko rito. Ipinagtabuyan na ako ng pamilya ko. Ayoko na! Sawang-sawa na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Buong buhay ko, ganito na lang palagi! Ayaw ko na." Ginantihan din niya ako ng yakap. Mahigpit iyon - yakap na sa puntong iyon ay kailangang-kailangan ko. Hindi kalaunan ay kumalas siya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Bagamat pareho kaming naliligo sa ulan at nilalamig ay ramdam ko pa rin ang init ng bawat haplos niya. Sa paglapit niya ng kanyang mukha sa akin ay pumikit ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko. I kissed him back - hungrily and passionately. Sa puntong iyon ay siya lamang ang natatanging taong nananatili at kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ko. Bago pa man ako makapagsalita ay natigil ako nang may ilabas siyang maliit na box mula sa kanyang bulsa. Napalunok ako at agad siyang tinapunan ng tingin. "Xavier..." "Marry me, Naya," aniya at muli akong hinalikan sa labi. "I'll give you everything you need and everything you want. Sumama ka sa 'kin at ipaparanas ko sa 'yo ang buhay na hindi naibigay sa 'yo ng mga magulang mo." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa narinig kong iyon mula sa kanya. Hindi ako sumagot bagkus ay binuksan ko ang box na iyon at kinuha ang singsing doon. Agad kong isinuot iyon sa ring finger ko at muli ay binalingan siya ng tingin. "I do," anas ko. Xavier didn't respond instead he kissed me one more time. Dali-dali niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at isinakay sa kotse niya.Mattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi
Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p
Third Person's POVNang tuluyan nang makarating sa kanilang bahay ay agad na lumabas si Dario mula sa kanyang kotse. Iritable niyang isinara ang pinto niyon at paulit-ulit na sinipa ang gulong niyon. Kulang na lang ay pulutin niya ang bato na nasa kanyang harapan at itapon iyon sa kanyang kotse. He wants to break something. Bagay na hindi niya nagawa habang kaharap niya si Mattias."The fuck with that guy!" nangangalit niyang anas at muli ay sinipa ang gulong ng kotse. "Matagal na siyang nawala, bakit hindi na lang niya itinuloy-tuloy? Bakit pa niya kailangang bumalik? Everything was so damn good!"Sa kabilang banda naman ay ramdam ni Eric ang inis ni Dario sa mga sandaling iyon. Noon pa man ay tanging si Mattias lamang ang siyang nakapagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang boss. That guy was not someone Dario should mess with.Kapag ang lalaking iyon ang kumilos at nagsalita, walang magawa ang kanyang boss. Katulad kasi ni Xavier, marami
Mattias Avila(Four hours ago)Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang braso ko na nadaplisan ng bala. Matapos niyon ay nag-angat ako ng tingin sa tauhan ni Dario na nakangisi habang hawak ang baril. Sa puntong iyon ay naghagalpakang muli ang kanyang mga tauhan—kabilang na roon si Dario.Sa kabilang banda naman, bagama't ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa nadaplisan kong braso ay prente pa rin akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko.Ilang saglit pa ay tinanggal ko ang bag ko at inilapag ko iyon sa semento. Inilislis ko ang long-sleeved shirt ko at hindi kalaunan ay naglakad patungo sa kinalulugaran ng lalaking bumaril sa akin.Binalingan ko ng tingin si Dario na sa mga sandaling iyon ay naningkit ang mga matang nakatuon ang atensyon sa akin. Hindi nagtagal ay umangat ang dulo ng labi ko lalo na nang muli kong harapin ang kanyang tauhan.Agad kong sinipa ang hawak niyang baril, kung kaya't nabitawan niya iyon.
Xavier Iglesias"Are you out of your mind?" Pagak na natawa si Mr. Nathan. "Sa tingin mo, gugustuhin naming maging CEO ng kumpanyang 'to ang lalaking iyon? Are you expecting us to trust your cousin when, in fact, you, yourself, are spiteful towards him?""Mattias doesn't know how to manage a company
Naya DiazIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang mapukol ang tingin ko kay Xavier na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Magkaharap kami sa mga sandaling iyon kung saan ay nakapatong ang kanyang kamay sa bewang ko.The moment I moved my body again
Third Person's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Mattias nang tuluyan na niyang narating ang mansion ng mga Iglesias. Halos apat na taon din simula nang huli niyang makita ang lugar na iyon. Halos apat na taon din simula nang huli niyang makasal
Third Person's POVMahigit apat na oras na ang dumaan simula nang makatulog si Matteo dahil sa suntok na natanggap nito mula kay Xavier, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.Sa kabilang banda naman ay nakaupo sa sulok ng kwartong iyon si Ar












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Ratings
RebyuMore