LOGINNaya Diaz
"Gusto mo ulit itago ang relasyong meron tayo?" kunot-noong sambit ni Xavier. "Seryoso ka ba? Sa anong rason?" Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Gusto ko munang harapin ang sarili ko. Alam mong may mga pangarap ako na hindi ko nagawang tuparin dahil sa kagustuhan ng pamilya ko, hindi ba? Iyon ang gusto kong gawin ngayon." Bumangon siya mula sa pagkakahiga sabay dampot ng kanyang boxer shorts sa sahig. Isinuot niya iyon at hindi kalaunan ay napahilamos sa kanyang mukha na humarap sa akin. "Alam ko 'yon at naiintindihan ko kung ano ang pinanggagalingan mo, Naya," tugon niya. "Pero sawang-sawa na ako sa pagtatago natin sa publiko. Gustong-gusto na kitang ipakilala sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mga taong malapit sa 'kin. Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa?" Natigil ako sa sinabi niyang iyon. Gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya? Lihim akong napangiti sa mga sandaling iyon. Bagamat gusto ko rin na mangyari iyon ay kailangan ko muna ng kaunting panahon para sa sarili ko. Masyado akong nakulong ng pamilya ko sa kagustuhan nila para sa akin. Ang tagal kong nagtiis at naghirap. I want to make it up to myself. "Look, I'm sorry kung sa tingin mo ay napakamakasarili ko." Umupo siya sa tabi ko. "But I'm tired of this shit! Pagod na 'ko sa mga babaeng panay ang lapit sa 'kin at panay ang tanong sa 'kin kung 'available' ba 'ko...sa kama." Umangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niyang iyon. "Seriously? Tinatanong din nila sa 'yo 'yon? Ang akala ko ba-" "Oh, come on!" bulalas niya at muli ay tumayo. "See? This is what I'm talking about. Alam mong panay ang lapit sa 'kin ng mga babaeng 'yon pero wala ka man lang ginagawa." "Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko na ikinatitig niya sa akin. "Gusto mo bang sugurin ko sila at paghahampasin? Gusto mo bang sabunutan ko sila? Gusto mo bang ipagkalat ko sa lahat na ako ang asawa ni Mr. Xavier Iglesias?" Hindi siya umimik bagkus ay nakita ko ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napakameywang siyang humarap sa akin. "Say that again," tiim-bagang niyang sambit. "Ang alin?" "Iyong huling sinabi mo. I want to hear it." Tumikhim ako kasunod niyon ay umupo ako ng maayos. "Asawa ako ni Mr. Xavier Iglesias." Matapos kong sabihin iyon ay dali-dali niya akong nilapitan. Hindi kalaunan ay hinawakan niya ang pisngi ko kasunod niyon ay ang mapusok niyang paghalik sa akin. Napahiga ako habang siya ay muling umibabaw sa akin. "Please?" anas ko nang kumalas siya. "Hayaan mo muna ako. Tutal naman at mag-asawa na tayo, kahit ano namang pagtatago natin ng relasyon natin sa publiko ay sa 'yo at sa 'yo pa rin ako uuwi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Humugot siya ng isang malalim na hininga at siniil ako ng mariing halik sa labi. He caressed my cheeks. "Fine," kunot-noo niyang sambit at humiga sa tabi ko. "Pero ginagawa ko lang 'to dahil mahal kita at naiintindihan kita. Are we clear?" "Thank you, Xavier. I love you." "I love you." Hinalikan niya ako sa noo. "Pero kung matapos mo na ang gusto mong gawin para sa sarili mo, sana naman ay tuparin mo na rin ang gusto ko para sa 'ting dalawa." Tumango ako. "I will. Hindi ko ipagsasawalang-bahala ang tungkol sa ating dalawa. After I pursue my own goal, I'll be the wife that you want and need. I promise." "Hihintayin ko 'yan." Ngiti niya. Buong buhay ko ay wala akong naging ibang kakampi kundi ang sarili ko. Ang mga kapatid ko naman ay kampi sa pamilya namin na walang ibang inatupag kundi ang kutyain ako. Four years ago, nakilala ko si Xavier nang mga panahong lubog na lubog ako. Siya ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Sobrang strikto, may pagkabastos, arogante at sobrang lamig ng pakikitungo sa halos lahat ng mga empleyado. Nagawa na rin niya akong pagtaasan ng boses at pagalitan ng paulit-ulit. Pero dahil sanay na ako sa ganoon ay tinatawanan ko na lang siya. Pinakikinggan ko ang mga sinasabi niya tapos ilalabas ko naman sa kabilang tainga. Sa bawat pambabato niya sa akin ng kung ano-anong pagmamaliit ay hindi ko alintana iyon bagkus ay sinasagot ko pa nga siya. Mabuti na nga lang at hindi niya ako tinanggal sa trabaho. Siguro ay gustong-gusto rin niya akong makasagutan dahil sa lahat ng empleyado ay ako lang ang ganoon. O maaari rin naman na nang mga panahon na iyon ay nahuhumaling na rin siya sa akin. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko kay Xavier nang makita ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili sa salamin. "May problema? Meron ka na naman bang kaaway sa opisina?" "Ikaw!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako?" "Kung bakit ba naman kasi kailangan pa nating gawin ang gusto mo? Hindi ba pwedeng gawin natin 'yong gusto ko?" Natawa ako sabay yakap sa likuran niya. "Mr. Iglesias, kung sa opisina ay ikaw ang sinusunod ko. Dito sa bahay ay ako ang susundin mo. Remember that." Naningkit ang mga mata niyang pinukulan ako ng tingin. Hindi kalaunan ay humarap siya sa akin. Habang unti-unti siyang naglalakad palapit sa akin ay siya namang agad kong pag-atras at mabilis pa sa alas-kuatro siyang tinakbuhan. "Come back here, Mrs. Iglesias," bulalas niya sabay habol sa akin.Mattias AvilaIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang nasa kalagitnaan ako ng almusal na iyon. Matagal na panahon na rin nang huli kong maranasan ang ganitong klaseng eksena. Halos sampung taon na rin yata ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko at sa mga panahong iyon ay masasabi kong nakalimutan ko na kung paano ang umasta sa harap ng mga taong malapit sa akin.Hindi kalaunan ay nabasag ang pananahimik ko nang tapikin ako ni Tita Nicole."Kamusta nga pala ang buhay probinsya, iho?" nakangiti niyang tanong. "Yven told me, na marami ka raw inaasikaso roon. Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito at iwanan pansamantala ang trabaho mo."Nagsalita si Jasmine. "Medyo pumayat nga siya, hindi tulad nang huli natin siyang nakita. Baka naman sa dami ng inaasikaso mo ay hindi mo na nahaharap ang sarili mo? Hindi mo ba natandaan ang sinabi sa 'tin ni Kuya Xavier about work?"Bago ko pa man sagutin si Jasmine ay agad na sumabat si Tito Rodolfo."Mattias is perfectly fi
Naya DiazMatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Habang abala akong nagpupunas ng buhok ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko sa puwesto ni Xavier sa kama namin.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pakiwari ko ay may sumaksak sa akin ng matalim na kutsilyo sa likuran ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala rito si Xavier sa tabi ko at nandoon siya, nakahiga pa rin sa ICU.Tuluyan ko nang inihinto ang ginagawa ko at hindi kalaunan ay umupo sa gilid ng kama.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Sinusubukan kong magpakatatag at umahon mula sa pagsubok na ito, ngunit tila ba lalong sinusubukan ang tatag ng loob ko.Ilang saglit pa ay agad kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.Iniluwa niyon si Mom Nicole.Right before she spoke, natigil siya nang mapukol ang tingin niya sa akin. Dali-dali siyang
Mattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi
Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p
Third Person's POVNang tuluyan nang makarating sa kanilang bahay ay agad na lumabas si Dario mula sa kanyang kotse. Iritable niyang isinara ang pinto niyon at paulit-ulit na sinipa ang gulong niyon. Kulang na lang ay pulutin niya ang bato na nasa kanyang harapan at itapon iyon sa kanyang kotse. He wants to break something. Bagay na hindi niya nagawa habang kaharap niya si Mattias."The fuck with that guy!" nangangalit niyang anas at muli ay sinipa ang gulong ng kotse. "Matagal na siyang nawala, bakit hindi na lang niya itinuloy-tuloy? Bakit pa niya kailangang bumalik? Everything was so damn good!"Sa kabilang banda naman ay ramdam ni Eric ang inis ni Dario sa mga sandaling iyon. Noon pa man ay tanging si Mattias lamang ang siyang nakapagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang boss. That guy was not someone Dario should mess with.Kapag ang lalaking iyon ang kumilos at nagsalita, walang magawa ang kanyang boss. Katulad kasi ni Xavier, marami
Mattias Avila(Four hours ago)Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang braso ko na nadaplisan ng bala. Matapos niyon ay nag-angat ako ng tingin sa tauhan ni Dario na nakangisi habang hawak ang baril. Sa puntong iyon ay naghagalpakang muli ang kanyang mga tauhan—kabilang na roon si Dario.Sa kabilang banda naman, bagama't ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa nadaplisan kong braso ay prente pa rin akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko.Ilang saglit pa ay tinanggal ko ang bag ko at inilapag ko iyon sa semento. Inilislis ko ang long-sleeved shirt ko at hindi kalaunan ay naglakad patungo sa kinalulugaran ng lalaking bumaril sa akin.Binalingan ko ng tingin si Dario na sa mga sandaling iyon ay naningkit ang mga matang nakatuon ang atensyon sa akin. Hindi nagtagal ay umangat ang dulo ng labi ko lalo na nang muli kong harapin ang kanyang tauhan.Agad kong sinipa ang hawak niyang baril, kung kaya't nabitawan niya iyon.
Xaiver IglesiasAt exactly 2 o'clock in the morning nang matapos kong asikasuhin ang mga reports at files na dapat sana ay noong nakaraang araw ko pa tinapos.I was planning to stay in the office at dito na matulog ngunit sa ngayon ay wala akong gustong gawin kundi ang makapagpahinga ng maayos. Baga
Naya DiazHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Xavier kanina. May gusto raw siya sa akin pero balak din niyang gamitin ako laban sa sarili kong pamilya.Kulang nalang ay ibato ko sa kanya ang mga bagay na hawak ko kanina. Kulang nalang ay murahin ko siya
Xavier IglesiasHalos inabot na yata ako ng isang oras sa paghihintay sa paglabas ni Naya ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin akong napala. Pakiwari ko ay hindi niya nagustuhan ang ibinunyag ko sa kanya.I know she's mad at me.Kilala ko si Naya kapag galit siya at paniguradong hin
Naya Diaz"Totoo ba 'yong mga narinig ko?" tanong ko kay Xavier pagpasok namin sa bahay. "Totoo ba 'yong mga nakita ko? Or am I just hallucinating? Namamalikmata lang ba 'ko? Am I getting insane?"Tinanggal ni Xavier ang kanyang sapatos. Matapos niyon ay nilapitan niya ako sabay haplos sa magkabila







